Share

Chapter 219

Author: Lirp49
last update Last Updated: 2025-03-24 23:23:58

MABILIS na napabalikwas ng bangon si Katherine, pawis na pawis at nanginginig siya sa takot nang bangungutin tungkol kay Lian. Kulang na lang ay umiyak siya sa sobrang sama ng kanyang panaginip.

Nang mahimasmasan ay tiningnan niya ang oras, pasado alas-diyes na ng gabi pero wala pa rin ang kanyang hinihintay, si Cain.

Kaya muli niyang tinawagan si Joey, “Pasensiya na sa istorbo pero nasabi mo na ba kay Cain na gusto ko siyang makausap?”

“Yes, Miss, itinawag ko sa kanya kanina pero wala naman siyang sinabi.”

“Gano’n ba? Sige, pupuntahan ko na lang sa bahay niya,” ani Katherine.

“Sa tingin ko’y hindi pa siya umuuwi ngayon. Nasa Villa siya ngayon sa Bulacan to attend an event.”

Mariin napapikit si Katherine. Sobrang layo at hindi niya pa napupuntahan ang lugar na iyon. Sa huli ay nagpasalamat na lamang siya kay Joey saka tinapos ang tawag.

Gustuhin niya man puntahan si Cain ura-urada ay napakadelikado naman para sa kanya na bumiyahe nang mag-isa sa ganoong dis-oras ng gabi. Kaya napagpas
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (9)
goodnovel comment avatar
Sungit❤️Mo
Relax lang mga readers dahil tuwang tuwa c Miss A sa nakikita sainyo na galit na galit kayo sa story nya...di ba Miss A ?
goodnovel comment avatar
Fely Roc
Paisa Isa Nakakainis tuloy
goodnovel comment avatar
Marissa Due
ang dami ikot ng kwento ayusin mo nman author
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 261

    NAGPALIPAT-LIPAT naman ng tingin si Sherwin sa dalawa at baka bigla na lamang magkainitan, maawat niya agad."Matagal na tayong hindi nagsasama, wala na rin akong natandaan tungkol sa'yo kaya tama lang na maghiwalay na tayo nang tuluyan," ani Katherine."Paninindigan mo talaga 'tong kalokohan mong may amnesia ka?""Kung ayaw mo maniwala, wala na 'kong magagawa pa pero tuloy ang annulment."Nagngitngit ang bagang ni Cain habang mariin nakakuyom ang kamao. Hindi siya makakapayag sa gusto nitong mangyari, hindi ngayong nagkrus na muli ang kanilang landas.Kahit kumukulo siya sa galit ay ayaw naman niyang takutin ang asawa at baka lalong lumayo kaya huminahon siya. "Hanggang ngayon, hindi ko pa rin lubos maisip kung anong dahilan kung ba't mo 'ko iniwan..." aniya, saka hinawakan ang kamay nitong nakapatong sa table.Kumabog ang dibdib ni Katherine nang hawakan siya kaya mabilis niyang binawi ang kamay bago pa ito makahalatang apektado siya. "H-Hindi ko rin alam kung anong sinasabi mo," an

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 260

    KINABUKASAN, nang paalis na si Sherwin dahil may importanteng lalakarin ay kinausap siya ng security personnel ng building, "Good day, Sir... May naghahanap po sa inyo kanina.""Sino?""Marc Pador, nag-iwan din siya ng calling card." Sabay pakita ng maliit na card.Napakunot-noo naman si Sherwin dahil wala siyang nakikilalang tao sa ganoong pangalan hanggang sa mahawakan na niya ang calling card. "Pambihira..." iyon na lang ang kanyang nasabi dahil empleyado pala ito ni Cain Vergara. "Sinabi mo bang nandito nga kami?"Umiling ito. "Hindi pwede sa'min maglabas ng information. Hindi rin namin sinabi na residents kayo rito."Nakahinga nang maluwag si Sherwin sa narinig. "Thank you, at kung sakaling bumalik ay i-inform mo agad sa'kin." Pagkatapos ay nagpatuloy na siya patungo sa kotse habang iniisip kung sa paanong paraan nalaman ni Cain na doon sila nakatira?Kaya matapos asikasuhin ang kailangan gawin ay sinadya niya ito sa pinagtatrabahuan nito."May appointment kayo, Sir?" tanong ng r

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 259

    PAREHONG napalingon ang magkapatid sa sinabi ni Cain. Nagpalipat-lipat pa nga ang tingin sa dalawa habang nanlalaki ang mga mata, gulat na gulat."Pa'no ka nagkaro'n ng kapatid?" Saka pinagmasdan nang mabuti si Sherwin, dahil tila pamilyar ito sa kanya.Mariin pa siyang napapikit habang inaalala kung saan niya ito nakita. "... Sa... Sa isang business gathering! Tama! I once saw you!" Sabay turo.Hindi naman nagustuhan ni Sherwin na dinuduro-duro siya kaya tinabig niya ang kamay nito. "Anong sinasabi mo? I don't know you," aniya saka bahagyang inusog palapit sa likod niya ang kapatid. Hindi nagugustuhan ang tingin nito kay Katherine.Napatiim-bagang naman si Cain ng makita ang ginawa nitong pagtago sa kanyang asawa. Pero kinalma niya pa rin ang sarili para hindi na lumala ang sitwasyong gayong medyo malinaw na ang relasyon ng dalawa. Tumayo siya nang maayos saka pinagpagan ang nadumihan na damit sa kabila ng sugat sa kamay."Magkapatid kayo, right?" gusto lang niyang makasigurado. "Pa'

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 258

    NAGTAKA naman si Katherine kung bakit nito tinititigan ang sariling kamay. Saka niya napagtantong hindi siya hawak ni Cain kaya pwede na siyang tumakas.Wala nang sinayang na pagkakataon at tumakbo siya nang mabilis patungo sa kalsada, pumara ng masasakyan nang bigla na lamang hinablot ni Cain."Ano ba, bitawan mo 'ko!""Hindi, sasama ka sa'kin!" Saka ito binuhat patungo sa kotse kung saan ay naghihintay si Joey."Tulungan mo 'ko!" paghingi pa ni Katherine ng tulong. Pero tiningnan lang siya nito. Pagkatapos ay nagmaneho na paalis sa lugar matapos siyang maisakay sa backseat. Akma pa nga siyang tatakas sa kabilang pinto nang mapigilan sa magkabilang braso. "Tulong--" ngunit sa halip na makahingi nang saklolo ay tinakpan pa ni Cain ang kanyang bibig."'Wag ka nang magmatigas pa.""Sa'n tayo, Sir?" ani Joey, suportado ang kung ano man binabalak ng amo."Sa condo."Pagkatapos ay iniliko na ni Joey ang kotse patungo sa building.Nagawa naman ni Katherine na makagat ang kamay nito."A-Aray

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 257

    PAGLINGON ni Aaron ay saktong hawak na ni Katherine ang baso sa may table. Walang pagdadalawang-isip na ibinuhos sa kanya ang tubig. Kaya basang-basa ang ulo at mukha niya."Sh*t!" mura pa niya sabay tayo at pagpag ng mamahalin na damit. Tapos ay tiningnan nang masama si Katherine. "Anong problema mo?!"Inilapag ni Katherine sa table ang hawak na baso saka taas-noo na tiningnan ito. "Ba't 'di mo tanungin ang sarili mo kung anong pinoproblema ko?" Kahit nanggagalaiti sa galit ay nanatiling mahinahon at mahina ang kanyang boses.Naging matalim ang tingin ni Aaron. "Bakit, totoo naman ang sinasabi ko, a?! Anong mali ro'n?""Hindi ko dini-deny na kinasal ako't may anak na pero hindi ko gustong hinahamak ng iba ang pagkatao ko. Na parang mali na minsan akong nagmahal at may anak kami."Napakurap si Aaron, hindi pa rin makita ang pagkakamaling nagawa hanggang sa mapansin niya ang tingin ng staff at waiter."Anong tinitingin-tingin niyo?!" galit niyang sita sa mga ito. Pagkatapos ay hinila s

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 256

    NAPAKUNOT-NOO si Katherine, ang ekspresyon ay parang nandidiri. "Anong pinagsasasabi mo? Mga kalokohan mo talaga, kaya tayo napagkakamalan, e."Tumawa naman si Sherwin. "Joke lang naman.""Well, obviously. Hindi magandang biro.""Nabo-bored na kasi ako ro'n sa unit ko, wala akong magawa. Ganito pala ang feeling 'pag tambay.""Malapit ng pasukan, ba't hindi mo na lang asikasuhin ang trabaho mo sa university?""Nah... nakakatamad."Napanganga si Katherine. "What the...! Now I know kung ba't wala kang girlfriend at kung ba't ayaw mo pang mag-settle down.""You already want me to get married? Saka, anong kinalaman ng katamaran ko sa pag-aasawa?""Why not? You're old enough."Umiling si Sherwin. "Pa'no na lang kayo kung mag-aasawa na 'ko?""No!" biglang sigaw ni Shannon. "'Di ka pwede mag-asawa, Tito. Wala akong magiging kalaro.""Exactly!" react ni Sherwin.Natawa si Katherine. "Okay, baby. Hindi na pwedeng mag-asawa si tito Sherwin mo hangga't hindi mo pinapayagan," aniya saktong tumunog

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 255

    HINAPLOS-HAPLOS ni Sherwin ang buhok ng bata. "Magbabay ka na sa kanila," aniya.Lumingon naman si Shannon at pagkatapos ay kumaway sa dalawa. "Thank you po sa tulong. Babye na po."Kumaway rin si Joey pero nanatili ang tingin ni Cain, parang nahipnotismo. "Ahm, Sir? Ayos lang kayo?" aniya nang mapansin na nakatitig lang ito.Napakurap si Cain. "Sha-Sha, right? Nice meeting you." Sabay lahad ng kamay. "Ako nga pala si Cain, you can call me tito Cain."Ngumiti naman ang bata saka inabot ang kamay nito. Marahang pinisil bago bitawan. "See you, next time po!"Pagkatapos ay naglakad na palayo si Sherwin upang mabalikan si Katherine na naghihintay. "'Wag mo nang uulitin 'yun, a? Hindi ka dapat basta-bastang umaalis.""Sorry po. Akala ko kasi si Mommy 'yung sinundan ko, hindi pala.""Mabuti na lang talaga at mabait 'yung tumulong."Tumango-tango naman ang bata, nalulungkot dahil napagsabihan."Sha-Sha!" si Katherine na niyakap agad ang anak. "Sa'n ka ba nagpupupunta?!"Sumimangot at biglang

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 254

    BIGLANG nabuhayan si Sheena nang dumating si Jared, naluha pa nga siya sa tuwa. Inangat ang dalawang kamay, animo ay inaabot ito. "M-Mabuti naman at nandito ka na. Dalhin mo naman ako sa ospital, nahihirapan na 'ko.""Nahihirapan ka na?" may pagkasarkasmong sabi ni Jared. "Nahihirapan ka na sa lagay mong 'yan?"Tumango-tango si Sheena, may ngiti sa labi. Hindi man lang pansin ang namumuhing tingin ni Jared. Ang nanginginig at mariin na pagkuyom ng kamay."Kung gano'n ay ba't mo pa kailangang pahirapan ang sarili mo? Mamahinga ka na habangbuhay."Naglahong bigla ang ngiti sa labi ni Sheena ng marinig iyon. Hindi niya akalaing masasabi ni Jared ang ganoon kasamang bagay sa kanya."G-Gusto mo na 'kong mamat*y...? Matapos ng ginawa kong kabutihan sa'yo?! Wala kang utang na loob!"Napatiim-bagang si Jared, kulang na lang ay hatakin ang mukha nito pero nagpigil siya. "Sabihin mong gusto mong sabihin pero matagal ko ng pinagbayaran ang ginawa mo. Hindi porke't minsan mo 'kong tinulungan ay h

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 253

    NAPAKUNOT-NOO si Cain sa narinig. Gulong-gulo siya at nagpalinga-linga sa paligid. "Pa'no nangyari 'yun? Tatlong araw?!" At nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa. "Si Marc?" Pagkatapos ay bumangon, kahit masakit ang katawan ay pinilit niya ang sarili. "Anong nangyayari? Para akong nabugbog." Akmang tatanggalin ang nakakabit na IV fluids ng pigilan ni Stella.Lumapit naman si Helen sa kama saka hinawakan ang balikat ng anak. "Three days ago, nakatanggap kami ng tawag mula kay Marc. Ang sabi niya ay nabunggo ka ng kotse sa labas lang ng ospital," aniya upang unti-unti nitong maalala ang nangyari.Napahawak naman si Cain sa ulo ng bigla itong kumirot. Saka niya naalala ang lahat. "S-Si-Si Katherine! Siya 'yung pasaherong sakay ng nahulog na taxi sa tulay!" Wala ng paligoy-ligoy pa, hinablot niya ang IV fluids sa kamay."Cain!" react ni Helen."Kailangan kong malaman kung anong nangyari sa asawa ko!"Sabay na napasinghap ang dalawang babae sa narinig. "A-Anong sinasabi mo?" naguguluhang t

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status