Share

Chapter 218

Penulis: Lirp49
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-23 23:08:55

NANG magising si Lian ay nasa isang maliit na siyang silid, ibang-iba sa kwarto niya sa ospital. Purong puti ang nakikita, kama at maliit na drawer lang ang gamit na naroon. Wala rin bintana at ang pinto ay may maliit na bintanang rehas.

Nang tingnan ang sarili ay iba na rin ang suot niyang damit. Maraming straps na ginagamit sa mga taong nawala na sa katinuan. Bigla siyang kinabahan at bumangon sa kinahihigaan, lumapit sa pinto saka sumilip-silip sa labas. “May tao ba riyan? Naririnig niyo ba ako?!”

Ngunit nage-echo lang ang boses niya sa lugar. Hanggang sa makarinig siya ng lagabog mula sa kung saan at nagsimulang umingay. May sumisigaw at meron din naghahanap ng taong hindi niya kilala.

Sobrang gulo ng mga sandaling iyon kaya hindi niya mapigilang mag-panic. Walang duda na dinala siya ni Jared sa mental facility.

“Pakawalan niyo, ‘ko! Hindi ako baliw!” Gusto niya man kalampagin ang pinto ay hindi niya magawang makawala sa straps ng suot niyang damit. “Nakikiusap ako! ‘Wag niyo ‘kon
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (20)
goodnovel comment avatar
Cristy Peque Yepez Bacarisas
Ang mahal tapos pabalik-balik nalang Ang nangyari.
goodnovel comment avatar
Lyn Gorospe
baka pwedeng separate ang kay lian, Jared.. Hindi na kc nakaka enjoy
goodnovel comment avatar
Virgie Acebo
Bkt nmn ganyan miss a tam ana pahirap ky lian bigyn nyu cy ang tao tutulong s akanya
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 219

    MABILIS na napabalikwas ng bangon si Katherine, pawis na pawis at nanginginig siya sa takot nang bangungutin tungkol kay Lian. Kulang na lang ay umiyak siya sa sobrang sama ng kanyang panaginip.Nang mahimasmasan ay tiningnan niya ang oras, pasado alas-diyes na ng gabi pero wala pa rin ang kanyang hinihintay, si Cain.Kaya muli niyang tinawagan si Joey, “Pasensiya na sa istorbo pero nasabi mo na ba kay Cain na gusto ko siyang makausap?”“Yes, Miss, itinawag ko sa kanya kanina pero wala naman siyang sinabi.”“Gano’n ba? Sige, pupuntahan ko na lang sa bahay niya,” ani Katherine.“Sa tingin ko’y hindi pa siya umuuwi ngayon. Nasa Villa siya ngayon sa Bulacan to attend an event.”Mariin napapikit si Katherine. Sobrang layo at hindi niya pa napupuntahan ang lugar na iyon. Sa huli ay nagpasalamat na lamang siya kay Joey saka tinapos ang tawag.Gustuhin niya man puntahan si Cain ura-urada ay napakadelikado naman para sa kanya na bumiyahe nang mag-isa sa ganoong dis-oras ng gabi. Kaya napagpas

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-24
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 220

    NANLAKI ang mga mata ni Katherine sa sinabi nito. Magkaganoon man ay agad na hinawakan niya ang kamay nito, gustong siguraduhin na hindi lang ito nabibigla, na talagang tutulong ito. “A-Anong gusto mong kapalit? Iyong kaya ko sana.”Hindi pa naiisip ni Cain kung ano ang gusto niyang maging kapalit. “S-Saka na lang natin ‘yan pag-usapan.”Tumango naman si Katherine at nang ibaba ang tingin sa kamay nilang magkahawak ay parang napapasong binitiwan niya ang kamay nito. “Magagawa mo bang mahanap agad si Lian? Nag-aalala talaga akong baka lumalala ang kondisyon niya ngayon.”“Hindi ko maipapangako pero susubukan ko.”Mariin naglapat ang labi ni Katherine, hindi malaman kung dapat niya bang ikatuwa ang narinig. Magkaganoon man ay mas mainam na iyon kay sa wala. “Salamat sa tulong tatawagan na lang kita.”“Ba’t ‘di ka muna mag-stay? Malayo ang biniyahe mo, tama?” agap ni Cain. Pansin naman niya na tila nag-iisip ito kaya may pahabol pa siya. “Babalik na rin naman ako mamayang hapon, ba’t ‘di

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-25
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 221

    NAPABALIKWAS sa kinahihigaan si Jared sa narinig. “Ano, pa’no nangyari ‘yun?!” Hindi na siya masiyadong nag-isip pa at agad nang lumabas ng kwarto. “Alamin mo kung saan ospital dinala at pupuntahan ko agad.” Mabilis ang lakad niya paalis sa lugar, nakalimutan na meron siyang binabantayan.Nasa kotse na siya nang ipadala ni Ulysses ang address ng ospital kung saan dinala si Lian. Matapos ay pinaharurot na niya ang sasakyan patungo roon. Sa kalagitnaan ng gabi, walang ibang naiisip si Jared ng sandaling iyon kundi ang makarating sa destinasyon.Oras ang kalaban niya, ganoon kalayo ang ospital na pinagdalhan kay Lian. Ngunit hindi niya iyon alintana makarating lang. Hindi na nga niya naiparada nang maayos ang kotse sa parking lot saka dali-daling pumasok.Lakad-takbo ang ginawa niya patungo sa emergency room nang biglang may dumaan sa harap. Strecher na may nakatakip na puting tela at nababahiran ng dugo. Hindi niya iyon pinansin dahil natuon ang atensyon niya sa dalawang Nurse na nagmam

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-25
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 222

    SA LOOB nang kotse ay hindi mapakali si Katherine, nanginginig at nanlalamig ang kanyang kamay dahil sa kaba.Habang panaka-naka naman ang lingon ni Cain dahil nababahala sa reaksyon nito. “Kumalma ka lang, kailangan mong magpakatatag.” Sabay abot sa kamay nito, marahang hinahaplos.Huminga naman nang malalim si Katherine, hinayaan na hawakan siya nito. “Wala na bang ibibilis ‘tong sasakyan mo?”“Baby naman, hindi ko na pwedeng bilisan ang pagpapatakbo nitong kotse dahil lalagpas na ‘ko sa speed limit. It’s either mahuli tayo ng traffic enforcer or maaksidente.”Kumunot-noo si Katherine dahil napapadalas na ang pagtawag nito sa ganoon na endearment pero hinayaan na lang niya kay sa magtalo pa sila habang nagmamaneho ito.Ilang sandali pa ay binagalan ni Cain ang pagmamaneho dahil umilaw ang pula sa traffic light. Habang naghihintay na magberde ang ilaw ay nagsalita siya, “Alam ko na kung anong gusto kong kapalit ng pagtulong na mahanap si Lian.”Napalingon si Katherine, kinukutuban ng

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-27
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 223

    PAGDATING sa ospital ay nagtungo agad sila sa intensive care unit kung saan kasalukuyang inilagay si Lian matapos ang operasyon.Malapit doon ay may mga nakahilera na bench, naroon si Jared nakaupo habang nakatanaw. Makikita kasi mula sa puwesto niya si Lian. Nang mabilis na dumaan si Katherine at huminto sa tapat ng glass door, kasunod nito si Cain kaya medyo nagtaka siya kung bakit magkasama ang dalawa. “Cain,” tawag niya sa kaibigan at napalingon naman ito.Pero bago makalapit ay inunahan na ni Katherine, na halata ang galit sa mga mata. Namumula pa nga at tila papaiyak. “Anong ginawa mo sa kaibigan ko?!” Hindi pa siya nakontento at tinulak-tulak ito sa may balikat.“Huminahon ka muna, baby,” awat naman ni Cain.“Pa’no ako hihinahon matapos nang nangyari sa kaibigan ko? Gusto mo ba talagang makita siyang isang malamig na bangkay na lang?”Umiling-iling si Jared. “Hindi ‘yun gano’n. Oo, galit ako sa kanya. Kinamumuhian ko siya pero hindi ko kailanman hihilingin na mamat*y siya. Mins

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-27
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 224

    PUMAPALAKPAK si Marc matapos panuorin ang pinagsaluhang halik ng dalawang bagong kasal. Maging si Joey ay masaya rin kahit pa medyo naguguluhan sa pabigla-biglang desisyon ng mga ito.Kagabi, nang tumawag si Cain ay halos lumuwa ang mata niya nang utusan siyang humanap agad ng Judge na magkakasal. Sinabihan niya pa nga ang amo na magdahan-dahan pero ang sagot...?"Pat*y ka talaga sa'kin 'pag nagbago ang isip ni Katherine."Kaya wala na rin siyang nagawa kundi sundin ang gusto nito. Pinili na lamang niyang maging masaya para sa dalawa. Well, masaya naman talaga siya, iyon nga lang ay napeperwisyo siya ng husto. Sandamakmak na nga ang ginagawa niya sa kompanya tapos nadagdagan pa ang trabaho niya."Ba't parang hindi ka ata masaya?" puna ni Cain nang makita ang reaksyon ng assistant.Awtomatikong ngumiti si Joey. "Masaya ako, Sir. Medyo puyat lang." Kahit ang totoo ay wala naman talaga siyang tulog."Good job, dodoblehin ko ang sweldo mo sa araw na 'to. Pwede ka na rin magpahinga at alam

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-29
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 225

    NAPAIGTAD sa gulat si Sheena at biglang naglaho ang tapang nang sumigaw ito. Nakaramdam siya ng panlalamig siya sa paraan ng pagtitig nito."Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo?!" singhal ni Jared. "Iyang magaling mong kapatid, pinapapat*y si Lian!""E, ano naman ngayon? Mahalaga pa rin ba sa'yo ang babaeng 'yun para magalit ka ng ganito?" Kahit may kabang nararamdaman ay sinagot-sagot pa rin ito ni Sheena.Nagngitngit ang bagang ni Jared sa galit at hindi na nga nakapagpigil, hinawakan nang mahigpit ang braso nito."A-Aray! Ano ba, nasasaktan ako!" ani Sheena na nagpupumiglas."'Di ba, ilang beses ko nang sinabi na 'wag na 'wag mong pakikialaman si Lian? Ba't ang tigas ng ulo mo?!" Habang nanlilisik ang mga mata ni Jared.Naluha si Sheena dahil nasasaktan na siya sa paraan ng paghawak nito. "Pakawalan mo na 'ko, Jared. Masakit na," pakiusap niya pa.Marahas naman na binitawan ni Jared ang braso nito sabay talikod. Dahil maiinis lang siya nang husto kung makikita niya itong umiiyak.Hin

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-30
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 226

    PAUWI na si Katherine ng mga sandaling iyon matapos ang panghapon na klase. May mangilan-ngilan pang estudiyante ang nasa eskuwelahan na nakakasabayan niya sa pag-alis."Goodbye, Ma'am~" sabi pa ng ilang mag-aaral habang kinakawayan siya."Ingat kayo sa pag-uwi," tugon naman ni Katherine habang palabas na ng gate.Sakto naman na tumunog ang phone niya sa bag kaya tumigil muna siya at sinagot ang tawag mula kay Cain, "Hello?""Tapos na klase mo, baby?" malambing na sabi ni Cain sa kabilang linya.Kumibot ang kilay ni Katherine, hindi pa rin sanay na tinatawag na siyang ganoon ni-- Asawa na nga pala niya ito kaya hindi na siya dapat pang magreklamo."Hmm, tapos na," aniya saka nagbaba ng tingin."Sige, hintayin mo lang ako sandali riyan."Huminga nang malalim si Katherine saka nag-angat ng tingin. "Pero nasa sakayan na 'ko ngayon-- May bus ng parating," pagsisinungaling niya pa. Kung kinakailangan ay iiwasan niya ito sa abot ng makakaya.Dahil hindi naman niya kailangan na magpaka-asawa

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-31

Bab terbaru

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 259

    PAREHONG napalingon ang magkapatid sa sinabi ni Cain. Nagpalipat-lipat pa nga ang tingin sa dalawa habang nanlalaki ang mga mata, gulat na gulat."Pa'no ka nagkaro'n ng kapatid?" Saka pinagmasdan nang mabuti si Sherwin, dahil tila pamilyar ito sa kanya.Mariin pa siyang napapikit habang inaalala kung saan niya ito nakita. "... Sa... Sa isang business gathering! Tama! I once saw you!" Sabay turo.Hindi naman nagustuhan ni Sherwin na dinuduro-duro siya kaya tinabig niya ang kamay nito. "Anong sinasabi mo? I don't know you," aniya saka bahagyang inusog palapit sa likod niya ang kapatid. Hindi nagugustuhan ang tingin nito kay Katherine.Napatiim-bagang naman si Cain ng makita ang ginawa nitong pagtago sa kanyang asawa. Pero kinalma niya pa rin ang sarili para hindi na lumala ang sitwasyong gayong medyo malinaw na ang relasyon ng dalawa. Tumayo siya nang maayos saka pinagpagan ang nadumihan na damit sa kabila ng sugat sa kamay."Magkapatid kayo, right?" gusto lang niyang makasigurado. "Pa'

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 258

    NAGTAKA naman si Katherine kung bakit nito tinititigan ang sariling kamay. Saka niya napagtantong hindi siya hawak ni Cain kaya pwede na siyang tumakas.Wala nang sinayang na pagkakataon at tumakbo siya nang mabilis patungo sa kalsada, pumara ng masasakyan nang bigla na lamang hinablot ni Cain."Ano ba, bitawan mo 'ko!""Hindi, sasama ka sa'kin!" Saka ito binuhat patungo sa kotse kung saan ay naghihintay si Joey."Tulungan mo 'ko!" paghingi pa ni Katherine ng tulong. Pero tiningnan lang siya nito. Pagkatapos ay nagmaneho na paalis sa lugar matapos siyang maisakay sa backseat. Akma pa nga siyang tatakas sa kabilang pinto nang mapigilan sa magkabilang braso. "Tulong--" ngunit sa halip na makahingi nang saklolo ay tinakpan pa ni Cain ang kanyang bibig."'Wag ka nang magmatigas pa.""Sa'n tayo, Sir?" ani Joey, suportado ang kung ano man binabalak ng amo."Sa condo."Pagkatapos ay iniliko na ni Joey ang kotse patungo sa building.Nagawa naman ni Katherine na makagat ang kamay nito."A-Aray

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 257

    PAGLINGON ni Aaron ay saktong hawak na ni Katherine ang baso sa may table. Walang pagdadalawang-isip na ibinuhos sa kanya ang tubig. Kaya basang-basa ang ulo at mukha niya."Sh*t!" mura pa niya sabay tayo at pagpag ng mamahalin na damit. Tapos ay tiningnan nang masama si Katherine. "Anong problema mo?!"Inilapag ni Katherine sa table ang hawak na baso saka taas-noo na tiningnan ito. "Ba't 'di mo tanungin ang sarili mo kung anong pinoproblema ko?" Kahit nanggagalaiti sa galit ay nanatiling mahinahon at mahina ang kanyang boses.Naging matalim ang tingin ni Aaron. "Bakit, totoo naman ang sinasabi ko, a?! Anong mali ro'n?""Hindi ko dini-deny na kinasal ako't may anak na pero hindi ko gustong hinahamak ng iba ang pagkatao ko. Na parang mali na minsan akong nagmahal at may anak kami."Napakurap si Aaron, hindi pa rin makita ang pagkakamaling nagawa hanggang sa mapansin niya ang tingin ng staff at waiter."Anong tinitingin-tingin niyo?!" galit niyang sita sa mga ito. Pagkatapos ay hinila s

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 256

    NAPAKUNOT-NOO si Katherine, ang ekspresyon ay parang nandidiri. "Anong pinagsasasabi mo? Mga kalokohan mo talaga, kaya tayo napagkakamalan, e."Tumawa naman si Sherwin. "Joke lang naman.""Well, obviously. Hindi magandang biro.""Nabo-bored na kasi ako ro'n sa unit ko, wala akong magawa. Ganito pala ang feeling 'pag tambay.""Malapit ng pasukan, ba't hindi mo na lang asikasuhin ang trabaho mo sa university?""Nah... nakakatamad."Napanganga si Katherine. "What the...! Now I know kung ba't wala kang girlfriend at kung ba't ayaw mo pang mag-settle down.""You already want me to get married? Saka, anong kinalaman ng katamaran ko sa pag-aasawa?""Why not? You're old enough."Umiling si Sherwin. "Pa'no na lang kayo kung mag-aasawa na 'ko?""No!" biglang sigaw ni Shannon. "'Di ka pwede mag-asawa, Tito. Wala akong magiging kalaro.""Exactly!" react ni Sherwin.Natawa si Katherine. "Okay, baby. Hindi na pwedeng mag-asawa si tito Sherwin mo hangga't hindi mo pinapayagan," aniya saktong tumunog

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 255

    HINAPLOS-HAPLOS ni Sherwin ang buhok ng bata. "Magbabay ka na sa kanila," aniya.Lumingon naman si Shannon at pagkatapos ay kumaway sa dalawa. "Thank you po sa tulong. Babye na po."Kumaway rin si Joey pero nanatili ang tingin ni Cain, parang nahipnotismo. "Ahm, Sir? Ayos lang kayo?" aniya nang mapansin na nakatitig lang ito.Napakurap si Cain. "Sha-Sha, right? Nice meeting you." Sabay lahad ng kamay. "Ako nga pala si Cain, you can call me tito Cain."Ngumiti naman ang bata saka inabot ang kamay nito. Marahang pinisil bago bitawan. "See you, next time po!"Pagkatapos ay naglakad na palayo si Sherwin upang mabalikan si Katherine na naghihintay. "'Wag mo nang uulitin 'yun, a? Hindi ka dapat basta-bastang umaalis.""Sorry po. Akala ko kasi si Mommy 'yung sinundan ko, hindi pala.""Mabuti na lang talaga at mabait 'yung tumulong."Tumango-tango naman ang bata, nalulungkot dahil napagsabihan."Sha-Sha!" si Katherine na niyakap agad ang anak. "Sa'n ka ba nagpupupunta?!"Sumimangot at biglang

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 254

    BIGLANG nabuhayan si Sheena nang dumating si Jared, naluha pa nga siya sa tuwa. Inangat ang dalawang kamay, animo ay inaabot ito. "M-Mabuti naman at nandito ka na. Dalhin mo naman ako sa ospital, nahihirapan na 'ko.""Nahihirapan ka na?" may pagkasarkasmong sabi ni Jared. "Nahihirapan ka na sa lagay mong 'yan?"Tumango-tango si Sheena, may ngiti sa labi. Hindi man lang pansin ang namumuhing tingin ni Jared. Ang nanginginig at mariin na pagkuyom ng kamay."Kung gano'n ay ba't mo pa kailangang pahirapan ang sarili mo? Mamahinga ka na habangbuhay."Naglahong bigla ang ngiti sa labi ni Sheena ng marinig iyon. Hindi niya akalaing masasabi ni Jared ang ganoon kasamang bagay sa kanya."G-Gusto mo na 'kong mamat*y...? Matapos ng ginawa kong kabutihan sa'yo?! Wala kang utang na loob!"Napatiim-bagang si Jared, kulang na lang ay hatakin ang mukha nito pero nagpigil siya. "Sabihin mong gusto mong sabihin pero matagal ko ng pinagbayaran ang ginawa mo. Hindi porke't minsan mo 'kong tinulungan ay h

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 253

    NAPAKUNOT-NOO si Cain sa narinig. Gulong-gulo siya at nagpalinga-linga sa paligid. "Pa'no nangyari 'yun? Tatlong araw?!" At nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa. "Si Marc?" Pagkatapos ay bumangon, kahit masakit ang katawan ay pinilit niya ang sarili. "Anong nangyayari? Para akong nabugbog." Akmang tatanggalin ang nakakabit na IV fluids ng pigilan ni Stella.Lumapit naman si Helen sa kama saka hinawakan ang balikat ng anak. "Three days ago, nakatanggap kami ng tawag mula kay Marc. Ang sabi niya ay nabunggo ka ng kotse sa labas lang ng ospital," aniya upang unti-unti nitong maalala ang nangyari.Napahawak naman si Cain sa ulo ng bigla itong kumirot. Saka niya naalala ang lahat. "S-Si-Si Katherine! Siya 'yung pasaherong sakay ng nahulog na taxi sa tulay!" Wala ng paligoy-ligoy pa, hinablot niya ang IV fluids sa kamay."Cain!" react ni Helen."Kailangan kong malaman kung anong nangyari sa asawa ko!"Sabay na napasinghap ang dalawang babae sa narinig. "A-Anong sinasabi mo?" naguguluhang t

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 252

    DAHIL sa impact ay sumadsad pa ang taxi palabas sa barricade hanggang sa muntikan nang mahulog sa tulay. Kaunting maling galaw ay talagang bubulusok pababa ang sasakyan.Si Katherine na nasa backseat ay napahawak sa noo ng maumpog sa passenger seat. Kung hindi siguro siya nakapag-seatbelt ay baka lumipad na siya palabas.Kahit mahilo-hilo sa puwesto ay inalala niya ang kalagayan ng driver. "K-Kuya?" Ngunit hindi ito gumagalaw. Niyugyog niya pa ang balikat nito pero hindi pa rin nagkakamalay.Hanggang sa mapansin ni Katherine na umuuga ang taxi. Pagtingin niya sa labas ay napatili siya sa takot. Kalahati ng sasakyan ay lampas na sa barricade!Nagkukumahog siyang lumabas ng tila mahuhulog sila. Naririnig niya ang langitngit ng metal na bumibigay."S-Saklolo!" sigaw niya na kahit gusto ng lumabas ay hindi niya magawang gumalaw. Steady lang siya sa puwesto sa takot na mahulog ang taxi."Miss, 'wag kang gagalaw!" sigaw ng lalakeng nagmamagandang loob.Hanggang sa dumami na ang mga nakiki-u

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 251

    KAHIT biglaan ang kasal nila ni Cain ay nakapag-hire pa rin ito ng photographer para may wedding photos sila.Kaya nang mabasa ni Katherine ang text message ay sinabihan niya ang dalawang bodyguard na samahan siya sa shop upang kunin ang mga litrato.Ilang minuto lang naman ang biyahe at narating na nila ang lugar. W-in-elcome siya ng staff at tinanong kung ano ang sadya sa lugar."Naka-receive ako ng message," aniya sabay pakita ng phone.Binasa naman ng staff ang mensahe saka siya iginiya papasok pa sa loob.Sa reception ay sinabi ng staff sa kasamahan ang kailangan ni Katherine."Ano pong pangalan, Ma'am?" tanong ng staff sa counter."Katherine Garcia-- Vergara."Tumango ang staff. "Sandali lang, Ma'am at titingnan ko rito." Yumuko ang babae, hinanap sa drawer ang kailangan ng customer.Habang naghihintay si Katherine ay nakarinig siya ng shutter ng camera kaya napatingin siya sa partition wall. Sa palagay niya ay may ibang customer ang shop kaya naririnig niya iyon."Ito na po, Ma

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status