MAY PUNTO man ang sinasabi ni Cain ay hindi pa rin maatim ng konsensiya ni Katherine na hayaan na lamang ang dating kaibigan. "Hindi ba natin siya pwedeng tulungan, kailangan niyang madala sa ospital."Tiningnan ni Cain ang side mirror. "Kaya niyang makatayo nang maayos, it means, kaya niyang pumunta roon ng mag-isa."Nagbaba ng tingin si Katherine. Gusto niya talagang tulungan si Luke dahil sa kabila ng masama nitong ginawa ay may kabutihan pa rin itong ipinakita."Iyang awa mong 'yan talaga ang magpapahamak sa'yo," ani Cain saka ito inabot sa passenger seat.Awtomatiko naman na lumayo si Katherine nang biglang sumagi sa isip niya ang ginawang pananakit ni Luke. Hanggang sa mga sandaling iyon kasi ay ramdam niya pa rin ang ginawa nitong pagsak*l.Napakunot-noo naman si Cain sa naging reaksyon nito. "Bakit, may problema ba?"Umiling-iling lang si Katherine, saka inayos ang collar ng suot na teacher's uniform. Hindi niya gustong makita nito ang kanyang leeg."Patingin ako," pangungulit
NAPANSIN ni Katherine ang pagkuyom ng kamay at ang unti-unting pagdilim ng ekspresyon ni Cain.Walang duda na galit ito.Dumistansiya siya ngunit agad nahablot ang kanyang braso."Ba't hindi mo masabi sa'kin ang totoo?" anito."A-Ano bang sinasabi mo?" sa kaba ay nautal pa si Katherine saka binawi ang braso."'Wag ka nang magmaang-maangan pa, may sinabi si Luke bago natin siya iwan kanina." Habang ang mga mata ang nangingilatis, tila binabasa ang mukha nito.Kinabahan naman si Katherine, nananalangin sa isip na huwag sana ang pinagbubuntis niya ang sinabi nito. "A-Ano naman 'yun?"Napatiim-bagang si Cain. Hindi niya magawang sabihin ang nasa isip, baka masaktan lang siya kapag nalaman ang totoo. "Wala, magbihis ka na't baka malamigan ka pa," iyon na lang ang sinabi niya saka naglakad patungo sa pinto.Paglabas nito ay saka lang nakahinga nang maluwag si Katherine. Pagkatapos ay kumuha siya ng maipantatakip sa pagkain. Kahit muling naduduwal ay nagawa naman niyang takpan kaya hindi na
MAKALIPAS ang ilang araw ay unti-unti nang gumagaling at bumubuti ang kalagayan ni Lian. Sa mga panahong iyon ay walang palyang pumupunta si Jared upang siya ay bisitahin.Hanggang sa dumating ang araw na ililipat siya sa mas malapit na ospital, ngunit siya na mismo ang nag-request na ilabas na lamang siya at ayaw niyang mas magtagal pa sa ospital."Gusto ko nang lumabas, Jared. Nag-aalala na 'ko para kay Mommy at Daddy, walang nag-aasikaso sa kanila maging sa naiwan kong trabaho.""'Wag kang mag-alala, tinutulungan ko ang mga subordinate mo habang hindi ka pa makakabalik. Tungkol naman kay Tita, wala kang dapat na ipag-alala dahil hindi niya alam ang nangyari sa'yo. Buong akala niya ay magaling ka na't abala lang sa trabaho."Kahit may assurance ang pagkakasabi nito ay hindi pa rin maiwasan ni Lian na mabahala. Dahil maituturing pa rin na kalaban si Jared, hindi niya pwedeng ipagkatiwala rito ang negosyo o pagkatiwalaan ang sasabihin nito.Lalo pa at main goal nito ay ang bumagsak si
NAPAKUNOT-NOO si Lian dahil tila pamilyar sa kanya si Jason ngunit nasisiguro naman na ngayon niya lang ito nakita."B-Ba't mo 'ko dinala rito?" Halata ang pag-iingat sa kilos ni Lian at makailang ulit pang tiningnan ang pinto."Don't worry, you'll be safe here."Ngunit hindi iyon ang nararamdaman ni Lian. "Sino ka ba, hindi naman kita kilala para dalhin ako sa lugar na 'to."Umismid at natatawa pa nga si Jason sa narinig. "Hindi mo 'ko kilala kahit nagpakilala na 'ko sa'yo kanina?" Matapos ay humakbang palapit. "Uulitin ko, I'm Jason Enriquez. Kapatid ni Sheena."Biglang nanghina ang tuhod ni Lian sa narinig. Kung ganoon ay ito ang taong dahilan kung bakit muntik na siyang mamatay doon sa Nursing Home. Ang siyang dahilan kung bakit siya nakunan at nagdurusa ngayon."A-Ano pa bang kailangan mo sa'kin?!"Nagkibit-balikat si Jason. "Wala naman, gusto lang kitang makilala ng mabuti." Sabay lahad ng kamay.Ngunit tiningnan lang ito ni Lian. "Papatay*n mo ba ako? Dahil naging palpak ang pl
SA KABILANG DAKO naman, kasama ni Jared ang fiancee dahil dalawang linggo na lamang ay gaganapin na ang kasal. Nasa venue sila ng reception room at tinitingnan kung wala bang magiging aberya.Habang kinakausap ni Sheena ang organizer ay yakap niya sa bewang si Jared nang bigla na lang itong humakbang palayo. "Sa'n ka pupunta?""May kokontakin lang ako." Nang makalayo ay tinawagan niya si Lian ngunit panay ring lang at ayaw sumagot. Makailang-beses niya pa iyong inulit ngunit wala talaga kaya si Ulysses ang tinawagan niya, "Si Lian, nakuha na ba sa ospital?"Palapit naman ng sandaling iyon si Sheena at narinig ang sinabi nito kaya hinila niya sa braso. "Ba't ang babaeng 'yun pa rin ang inaalala mo? Malapit na tayong ikasal pero busy ka pa rin sa kanya."Napabuga ng hangin si Jared saka tinago sa bulsa ang phone. "Sorry.""Bumalik na tayo," inis na sabi ni Sheena saka ito hinila.Nagpatianod naman si Jared hanggang sa tumunog ang phone."'Wag mong sasagutin," agap agad ni Sheena."Baka
SA HALIP na takot ang maramdaman ni Lian ay bigla siyang napanatag nang makita si Jared. Pakiramdam niya ay ligtas na siya dahil sa pagdating nito."M-Mabuti naman at nandi--" bago pa niya matapos ang sasabihin ay nagdilim bigla ang paningin at tuluyang nahimatay.Hinigpitan naman ni Jared ang yakap sa bewang nito nang mawalan ng malay. Hanggang sa tuluyan na niyang niyakap ang katawan nitong mahina at nanlalamig. Mariin siyang pumikit at umusal ng pasasalamat na nakarating siya agad bago pa maging huli ang lahat.Pagkatapos ay maingat itong binuhat saka naglakad palabas ng bahay."S-Sandali lang, bayaw! Sa'n ka pupunta?" ani Jason na nasa sahig, nakataas ang isang kamay na animo ay kaya itong abutin.Napatiim-bagang si Jared sabay lingon. Sobrang sama ng tingin niya rito pero ng mga sandaling iyon ay si Lian ang main priority niya."A-Alis ka?! 'Wag mo 'kong iiwan dito!" hiyaw ni Jason nang tuloy-tuloy lang ito paalis sa lugar. "Ako ang nasaktan, ba't siya ang tinutulungan mo?!"Para
ILANG ARAW nang lumipas simula ng tumira ulit si Katherine sa bahay ni Cain. At masasabi niyang sa loob ng mga araw na iyon ay naging payapa ang buhay niya. Dahil hindi na siya ginugulo ni Luke, ni tawag o text ay wala rin.Parang bulang naglaho kaya kahit papaano ay napanatag siya. Tapos ay ilang araw na rin wala ang asawa dahil sa business trip nito. May panaka-nakang messages siyang natatanggap pero madalas ay tawag. Magkaganoon man ay hindi siya naiirita, lahat ng tawag ni Cain ay sinasagot niya bilang ganti na rin dahil napapansin naman niyang nagiging mabuti na itong tao. Maayos na ang pakikitungo sa kanya gaya ng ipinangako nito.Ngunit kahit nagbago na si Cain ay walang magbabago sa desisyon niya. Hindi siya aasa na magkakaroon pa sila ng pangalawang pagkakataon..."Welcome back po, Ma'am," saad ng katulong isang araw pagkauwi niya sa trabaho.Tipid na pagtango lang ang iginawad ni Katherine saka nagtuloy-tuloy paakyat ng hagdan. Pagpasok sa kwarto ay agad niyang napansin ang
ISANG SALITA lang ang paulit-ulit na isinisigaw ng utak ni Katherine matapos sabihin ng abogado na nasa ilalim na ng pangalan niya ang ibang property ni Luke....Bakit?!Hindi niya maintindihan kung bakit iyon ang ginawa nito.Nang mahimasmasan ay binalik niya ang dokumento saka umiling-iling. "Nasa'n ngayon si Luke? Gusto ko siyang makausap, hindi ko matatanggap 'tong ibinibigay niya.""Pero pirmado na niya ito at naproseso na," saad nito."Kahit na, hindi ko pa rin tatanggapin. Saka, hindi na 'ko, Miss Garcia ngayon. Nagpakasal na 'ko kaya legally ay hindi 'yan pwedeng mapunta sa'kin ang property.""Kung gano'n ay pwede naman i-revise--""Sir," pigil ni Katherine. "Ayoko talagang tanggapin kahit ga'no pa kaliit o kalaki ang ibibigay niya. Basta hindi, ibalik niyo na lang sa kanya 'yan."Marahan tumango-tango ang abogado saka ibinalik sa briefcase bag ang dokumento. "Naiintindihan ko, sa oras na magising si Mr. Clemente ay sasabihin ko sa kanya ang desisyon mo.""S-Sa oras na magisin
PAGLINGON ni Aaron ay saktong hawak na ni Katherine ang baso sa may table. Walang pagdadalawang-isip na ibinuhos sa kanya ang tubig. Kaya basang-basa ang ulo at mukha niya."Sh*t!" mura pa niya sabay tayo at pagpag ng mamahalin na damit. Tapos ay tiningnan nang masama si Katherine. "Anong problema mo?!"Inilapag ni Katherine sa table ang hawak na baso saka taas-noo na tiningnan ito. "Ba't 'di mo tanungin ang sarili mo kung anong pinoproblema ko?" Kahit nanggagalaiti sa galit ay nanatiling mahinahon at mahina ang kanyang boses.Naging matalim ang tingin ni Aaron. "Bakit, totoo naman ang sinasabi ko, a?! Anong mali ro'n?""Hindi ko dini-deny na kinasal ako't may anak na pero hindi ko gustong hinahamak ng iba ang pagkatao ko. Na parang mali na minsan akong nagmahal at may anak kami."Napakurap si Aaron, hindi pa rin makita ang pagkakamaling nagawa hanggang sa mapansin niya ang tingin ng staff at waiter."Anong tinitingin-tingin niyo?!" galit niyang sita sa mga ito. Pagkatapos ay hinila s
NAPAKUNOT-NOO si Katherine, ang ekspresyon ay parang nandidiri. "Anong pinagsasasabi mo? Mga kalokohan mo talaga, kaya tayo napagkakamalan, e."Tumawa naman si Sherwin. "Joke lang naman.""Well, obviously. Hindi magandang biro.""Nabo-bored na kasi ako ro'n sa unit ko, wala akong magawa. Ganito pala ang feeling 'pag tambay.""Malapit ng pasukan, ba't hindi mo na lang asikasuhin ang trabaho mo sa university?""Nah... nakakatamad."Napanganga si Katherine. "What the...! Now I know kung ba't wala kang girlfriend at kung ba't ayaw mo pang mag-settle down.""You already want me to get married? Saka, anong kinalaman ng katamaran ko sa pag-aasawa?""Why not? You're old enough."Umiling si Sherwin. "Pa'no na lang kayo kung mag-aasawa na 'ko?""No!" biglang sigaw ni Shannon. "'Di ka pwede mag-asawa, Tito. Wala akong magiging kalaro.""Exactly!" react ni Sherwin.Natawa si Katherine. "Okay, baby. Hindi na pwedeng mag-asawa si tito Sherwin mo hangga't hindi mo pinapayagan," aniya saktong tumunog
HINAPLOS-HAPLOS ni Sherwin ang buhok ng bata. "Magbabay ka na sa kanila," aniya.Lumingon naman si Shannon at pagkatapos ay kumaway sa dalawa. "Thank you po sa tulong. Babye na po."Kumaway rin si Joey pero nanatili ang tingin ni Cain, parang nahipnotismo. "Ahm, Sir? Ayos lang kayo?" aniya nang mapansin na nakatitig lang ito.Napakurap si Cain. "Sha-Sha, right? Nice meeting you." Sabay lahad ng kamay. "Ako nga pala si Cain, you can call me tito Cain."Ngumiti naman ang bata saka inabot ang kamay nito. Marahang pinisil bago bitawan. "See you, next time po!"Pagkatapos ay naglakad na palayo si Sherwin upang mabalikan si Katherine na naghihintay. "'Wag mo nang uulitin 'yun, a? Hindi ka dapat basta-bastang umaalis.""Sorry po. Akala ko kasi si Mommy 'yung sinundan ko, hindi pala.""Mabuti na lang talaga at mabait 'yung tumulong."Tumango-tango naman ang bata, nalulungkot dahil napagsabihan."Sha-Sha!" si Katherine na niyakap agad ang anak. "Sa'n ka ba nagpupupunta?!"Sumimangot at biglang
BIGLANG nabuhayan si Sheena nang dumating si Jared, naluha pa nga siya sa tuwa. Inangat ang dalawang kamay, animo ay inaabot ito. "M-Mabuti naman at nandito ka na. Dalhin mo naman ako sa ospital, nahihirapan na 'ko.""Nahihirapan ka na?" may pagkasarkasmong sabi ni Jared. "Nahihirapan ka na sa lagay mong 'yan?"Tumango-tango si Sheena, may ngiti sa labi. Hindi man lang pansin ang namumuhing tingin ni Jared. Ang nanginginig at mariin na pagkuyom ng kamay."Kung gano'n ay ba't mo pa kailangang pahirapan ang sarili mo? Mamahinga ka na habangbuhay."Naglahong bigla ang ngiti sa labi ni Sheena ng marinig iyon. Hindi niya akalaing masasabi ni Jared ang ganoon kasamang bagay sa kanya."G-Gusto mo na 'kong mamat*y...? Matapos ng ginawa kong kabutihan sa'yo?! Wala kang utang na loob!"Napatiim-bagang si Jared, kulang na lang ay hatakin ang mukha nito pero nagpigil siya. "Sabihin mong gusto mong sabihin pero matagal ko ng pinagbayaran ang ginawa mo. Hindi porke't minsan mo 'kong tinulungan ay h
NAPAKUNOT-NOO si Cain sa narinig. Gulong-gulo siya at nagpalinga-linga sa paligid. "Pa'no nangyari 'yun? Tatlong araw?!" At nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa. "Si Marc?" Pagkatapos ay bumangon, kahit masakit ang katawan ay pinilit niya ang sarili. "Anong nangyayari? Para akong nabugbog." Akmang tatanggalin ang nakakabit na IV fluids ng pigilan ni Stella.Lumapit naman si Helen sa kama saka hinawakan ang balikat ng anak. "Three days ago, nakatanggap kami ng tawag mula kay Marc. Ang sabi niya ay nabunggo ka ng kotse sa labas lang ng ospital," aniya upang unti-unti nitong maalala ang nangyari.Napahawak naman si Cain sa ulo ng bigla itong kumirot. Saka niya naalala ang lahat. "S-Si-Si Katherine! Siya 'yung pasaherong sakay ng nahulog na taxi sa tulay!" Wala ng paligoy-ligoy pa, hinablot niya ang IV fluids sa kamay."Cain!" react ni Helen."Kailangan kong malaman kung anong nangyari sa asawa ko!"Sabay na napasinghap ang dalawang babae sa narinig. "A-Anong sinasabi mo?" naguguluhang t
DAHIL sa impact ay sumadsad pa ang taxi palabas sa barricade hanggang sa muntikan nang mahulog sa tulay. Kaunting maling galaw ay talagang bubulusok pababa ang sasakyan.Si Katherine na nasa backseat ay napahawak sa noo ng maumpog sa passenger seat. Kung hindi siguro siya nakapag-seatbelt ay baka lumipad na siya palabas.Kahit mahilo-hilo sa puwesto ay inalala niya ang kalagayan ng driver. "K-Kuya?" Ngunit hindi ito gumagalaw. Niyugyog niya pa ang balikat nito pero hindi pa rin nagkakamalay.Hanggang sa mapansin ni Katherine na umuuga ang taxi. Pagtingin niya sa labas ay napatili siya sa takot. Kalahati ng sasakyan ay lampas na sa barricade!Nagkukumahog siyang lumabas ng tila mahuhulog sila. Naririnig niya ang langitngit ng metal na bumibigay."S-Saklolo!" sigaw niya na kahit gusto ng lumabas ay hindi niya magawang gumalaw. Steady lang siya sa puwesto sa takot na mahulog ang taxi."Miss, 'wag kang gagalaw!" sigaw ng lalakeng nagmamagandang loob.Hanggang sa dumami na ang mga nakiki-u
KAHIT biglaan ang kasal nila ni Cain ay nakapag-hire pa rin ito ng photographer para may wedding photos sila.Kaya nang mabasa ni Katherine ang text message ay sinabihan niya ang dalawang bodyguard na samahan siya sa shop upang kunin ang mga litrato.Ilang minuto lang naman ang biyahe at narating na nila ang lugar. W-in-elcome siya ng staff at tinanong kung ano ang sadya sa lugar."Naka-receive ako ng message," aniya sabay pakita ng phone.Binasa naman ng staff ang mensahe saka siya iginiya papasok pa sa loob.Sa reception ay sinabi ng staff sa kasamahan ang kailangan ni Katherine."Ano pong pangalan, Ma'am?" tanong ng staff sa counter."Katherine Garcia-- Vergara."Tumango ang staff. "Sandali lang, Ma'am at titingnan ko rito." Yumuko ang babae, hinanap sa drawer ang kailangan ng customer.Habang naghihintay si Katherine ay nakarinig siya ng shutter ng camera kaya napatingin siya sa partition wall. Sa palagay niya ay may ibang customer ang shop kaya naririnig niya iyon."Ito na po, Ma
NABIGLA rin si Katherine sa naging reaksyon, hindi inaasahang magagalit siya ng ganoon.Nauunawaan naman ni Cain ang outburst nito dahil emosyonal pa. Pagkatapos ay binalingan si Marc. "Akin ng phone." Matapos matanggap ay kinausap si Margaret, "Ba't ka napatawag?" aniya saka pinagsalikop ang kamay nilang dalawa ni Katherine at pagkatapos ay ni-loudspeaker ang tawag para marinig din nito. Gusto niyang ipakita na wala siyang ginagawang masama o hindi nito kailangan na mabahala sa tawag ng dalaga."Cain!" iyak ni Margaret sa kabilang linya. "Ang sama ng pakiramdam ko, parang lalagnatin ako."Napasulyap si Cain sa asawa, hindi maikakaila ang iritasyon sa mukha nito kaya hindi niya maiwasang matuwa. Dahil ngayon na lamang niya nakitang magselos si Katherine."Tawagan mo ang ospital, matutulungan ka nila.""Pero alam mo naman na ilag ako sa mga tao'ng hindi ko kilala," dahilan pa ni Margaret.Kunot na kunot ang noo ni Katherine dahil nayayamot na siya sa kaartehan ng babae. Sa inis ay bina
NATULALA ng ilang segundo si Katherine saka nagalit. "Anong klaseng biro 'yan?! Hindi nakakatuwa.""Hindi ako nagbibiro. Mismong assistant ni Jared ang kumontak sa'kin para ipaalam na naaksidente ito at si Lian."Habang nagpapaliwanag si Cain ay tumulo ang luha sa mga mata ni Katherine, na maging siya ay nabigla. Hinawakan ang pisnging nabasa ng luha.Nag-alala naman si Cain, lumapit at hinawakan ang magkabila nitong pisngi, pasimpleng pinupunasan ang luha. "Baby, kalma lang. Nandito lang ako." Nang hawakan niya kasi ay naramdaman niya ang panginginig ng katawan at panlalamig ng balat nito."H-Hindi naman totoo, 'di ba?" umaasang tanong ni Katherine. Naniniwala siyang hindi siya iiwan ng kaibigan. "Sabihin mo sa'king hindi totoo."Nahirapan sumagot si Cain hanggang sa hawiin ng asawa ang kamay niya at mabilis na lumabas sa sasakyan. "S-Sandali lang!" pigil niya pa nang tumakbo ito papasok sa ospital. Hinabol niya ito hanggang sa huminto sa isang makitid na pasilyo. "Katherine..." samb