Share

Chapter 6 - Boundaries

Author: Lirp49
last update Huling Na-update: 2025-10-31 18:36:09

PAGKATAPOS ng hapunan ay sabay nang bumalik sa unit sina Laura at Elma.

“Ma’am, mauuna na ‘kong magpahinga,” saad ng huli.

Tumango si Laura. “Hihintayin ko na lang na dumating sila Katherine.”

Pagkatapos ay naglakad na patungo sa silid si Elma. Nang siya na lamang ang naroon ay naupo muna siya sa sofa at mamaya na lamang maliligo pagdating ng mga ito.

Makalipas ang ilang minuto ay tumutunog na ang passcode sa pinto hanggang sa pumasok na nga si Katherine, kasunod nito si Cain na buhat ang bata.

“Kumain na kayo?” tanong ni Katherine, may bitbit na supot. “Nag-take out nga pala kami, in case na gutumin kayo.”

“Katatapos lang din namin, si ate Elma ay nagpahinga na sa kwarto niya.”

Naglakad naman patungo si Cain sa kwarto para mailapag sa kama ang natutulog na si Shannon.

Sumunod naman si Laura dahil nasa kusina si Katherine, walang titingin. Medyo hesitant pa rin siyang kilalanin si Cain dahil nga sa past ng dalawa. Pero nakikita naman niyang nag-e-effort kaya kahit papaano ay casual an
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Virginita Sumalinog Acebo
hahha magkaninlaban Kya cla
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 7 - Nowhere to Hide

    ISANG LINGGONG hindi nagkibuan sina Laura at Sherwin, hindi nga lang pansin ng mga tao sa kanilang paligid.Madali nilang naitago ang alitan na hindi napapansin ni Katherine.Kapag wala ang kaibigan ay mabilis na umiiwas si Laura habang si Sherwin naman ay parang hindi ito nag-e-exist. Nag-uusap lang sila kung kinakailangan at nasa harap ni Katherine.Isang umaga habang abala sa trabaho ay nakatanggap ng message si Laura mula sa biyenang babae.“May business trip si Jude sa Taiwan. Pero ang sabi ng secretary niya ay nasa NAIA sila.”Muntik na niyang mabitawan ang cellphone matapos mabasa ang mensahe. Dali-dali niyang iniwan ang trabaho saka nagtungo sa opisina ng kaibigan.Hindi na niya nagawang kumatok at basta na lang pumasok na ikinagulat ni Katherine. “Oh, may problema ba?”Hinihingal na lumapit si Laura, sabay pakita ng message sa cellphone. “S-Si Jude, nandito sa Pilipinas!”Napatayo si Katherine. “Anong gagawin natin?”Nagpalinga-linga si Laura, animo ay may mahahanap na sagot

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 6 - Boundaries

    PAGKATAPOS ng hapunan ay sabay nang bumalik sa unit sina Laura at Elma.“Ma’am, mauuna na ‘kong magpahinga,” saad ng huli.Tumango si Laura. “Hihintayin ko na lang na dumating sila Katherine.”Pagkatapos ay naglakad na patungo sa silid si Elma. Nang siya na lamang ang naroon ay naupo muna siya sa sofa at mamaya na lamang maliligo pagdating ng mga ito.Makalipas ang ilang minuto ay tumutunog na ang passcode sa pinto hanggang sa pumasok na nga si Katherine, kasunod nito si Cain na buhat ang bata.“Kumain na kayo?” tanong ni Katherine, may bitbit na supot. “Nag-take out nga pala kami, in case na gutumin kayo.”“Katatapos lang din namin, si ate Elma ay nagpahinga na sa kwarto niya.”Naglakad naman patungo si Cain sa kwarto para mailapag sa kama ang natutulog na si Shannon.Sumunod naman si Laura dahil nasa kusina si Katherine, walang titingin. Medyo hesitant pa rin siyang kilalanin si Cain dahil nga sa past ng dalawa. Pero nakikita naman niyang nag-e-effort kaya kahit papaano ay casual an

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 5 - Crossing the Line

    NANLAKI ang mga mata ni Laura at mabilis niyang tinulak si Sherwin palayo. “A-Ang lapit mo,” mariin niyang sabi, sabay iwas ng tingin.Umayos ng upo si Sherwin sa driver’s seat, na parang walang nangyari saka siya nagmaneho. Makaraan ang ilang sandali ay nagsalita siya, “Dahil sa labas naman kakain sila Ate, ba’t ‘di kaya sa unit ko na lang ikaw kumain? Sasabihin ko si tita Juliet na magluto para sa’tin.”Hindi sumagot si Laura, ang tingin ay nanatili sa labas ng sasakyan.Sumulyap saglit si Sherwin. “Silence means yes,” aniyang may munting ngiti sa labi.Umismid lang si Laura nang marinig iyon, hindi na tumanggi o kung ano pa.Pagdating nila sa condo, pinaalala pa ulit ni Sherwin na sa unit niya kakain.Pairap na tumingin si Laura. “Oo na.” Saka siya nagpatuloy papasok sa unit ng kaibigan kung saan siya pansamantalang nakikitira.Pagpasok sa loob, nadatnan niyang palabas na sina Katherine kaya nagtaka siya. “Aalis na kayo? Ang bilis naman, kararating ko lang.”“Pero kanina pa kami du

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 4 - Too Close to Forget

    PALAPIT si Katherine sa table ni Laura nang mapansin itong tila tulala habang hawak ang cellphone.Hindi siya iyong tipo ng kaibigan na nanghihimasok at nangingialam ng personal na buhay ng iba. Pero hindi niya lang mapigilang mag-alala sa kaibigan.Napapadalas na ang pagiging balisa nito, wala sa sarili at laging nagkakamali.Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa likod nito, nakatingin sa cellphone at napansin ang missed calls.Napalingon si Laura at nagkagulatan silang dalawa. “B-Bakit?” Sabay lapag ng cellphone sa table.Ngumiti naman si Katherine sabay bigay ng hawak na dokumento. “Natapos ko na ‘to, pakitingnan na lang.”Tumango-tango si Laura. “O-Okay.”Aalis na sana si Katherine nang matigilan. Hindi niya talaga kayang tiisin ang kaibigan. “May… problema ba? Napapansin ko kasi na parang ang lalim ng iniisip mo.”Ngumiti si Laura. “Ayos lang ako.”Bumuntong-hininga si Katherine saka tumango, hindi na nangulit pang alamin ang umuukopa ng isip nito at bumalik na sa opisina.PAGPA

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 3 - Unspoken Tension

    PILIT kinakalimutan ni Laura ang nangyari sa kanila ni Sherwin ng gabing iyon. Nagagawa niya naman nang maayos kapag nakakaharap ito pero hindi lang niya maiwasang mag-react kapag napapalapit o may pagkakataong nahahawakan siya.Conscious na conscious siya sa presence nito na kahit gusto niyang umiwas ay hindi naman pwede dahil… mahahalata siya.Gaya na lamang ng umagang iyon, salo-salo sila sa almusal at katabi niya si Sherwin. Ingat na ingat siyang hindi ito lingunin o tingnan kapag nagsasalita.“Ayos ka lang ba?” tanong ni Katherine, nang mapansin na tila balisa ang kaibigan.Nag-angat ng tingin si Laura saka ngumiti. “Oo naman, bakit?”Umiling si Katherine saka nagpatuloy sa pagkain.Ilang sandali pa ay narinig nilang tumunog ang doorbell. Tumayo naman si Elma at nagsabing, “Ako na ang magbubukas.”Mayamaya pa ay bumalik ito kasama si Cain, naka-suit at may dalang box ng pastries. “Good morning.”“Tito Cain!” hiyaw ni Sha-Sha, tuwang-tuwa na makita ito at dali-daling bumaba sa upu

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 2 - She Knows

    MATAPOS maligo at magbihis ay lumabas na siya, nagtungo sa kusina nang matigilan matapos makita si Laura na kumakain.Ang buhok nito ay bahagyang magulo, tila bagong gising pa nga. Ang ekspresyon ay hindi maganda at napapangiwi habang nakayuko sa hinihigop na sabaw.Natigilan siya sa paglapit nang mag-angat ito ng tingin.“Good morning,” bati ni Laura, may munting ngiti sa labi.Bigla siyang kinabahan, nagtaasan ang balahibo sa batok. Dali-dali siyang tumalikod at mabilis na bumalik sa kwarto.Akala niya ay okay na siya pero hindi niya pala ito kayang harapin.Muli lang niyang naaalala ang napanaginipan.“Anong problema no’n?” anas ni Laura.Si Juliet na may hawak na mangkok ay kinurot ang anak sa tagiliran. “Pasaway ka kasi… sinukahan mo lang naman kasi ang kotse ni Sherwin kagabi.”“Aray ko naman, ‘Ma!” Sabay himas sa parte ng katawan na kinurot nito.“Na-trauma siguro ‘yun dahil sa kagagawan mo—dali, mag-sorry ka,” utos pa ni Juliet saka ito tinulak-tulak.“Dahan-dahan naman, ‘Ma!

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status