MAKALIPAS ang halos isang oras ay nakarating ang sasakyan sa tapat ng subdivision kung saan naninirahan ang mga Dominguez.Pinahinto ng nagbabantay na guard ang kotse upang magtanong kung anong sadya nila sa lugar.Si Raul ang sumagot, “May kailangan lang kami kay Mr. Rogelio Dominguez, pwede kaming tumuloy?”“Sabihin mo, gusto ko siyang makausap. Ibigay mo ang pangalan ko—Jeffrey Ferrer.”Napatingin ang guard sa backseat saka tumango. “Sandali at itatawag ko.” Pagkatapos ay bumalik sa guard house.Makaraan ang ilang sandali ay bumalik ito at tinapik ang kotse. “Pwede na kayong pumasok.”Tumango si Raul saka nagmaneho hanggang sa makarating sa mala-mansion na tahanan ng Dominguez.Sa labas pa lang ay may nakaabang ng tauhan, na pinagbuksan sila ng gate kaya tuloy-tuloy ang kotse sa loob.May mga nakahilerang katulong sa entrance ng bahay, animo ay wini-welcome ang biglaan nilang pagdating.“Magandang araw, Sir… naghihintay na si Senior sa loob,” saad ng matandang babaeng nakauniporme
UNTI-UNTING nabitawan ni Suzy ang kamay nito sa narinig. Nakatitig siya kay Rodrigo, iniisip na nagbibiro lang ito o gumagawa ng paraan para hindi matuloy ang kasal.Ang galit na mababanaag sa mukha ni Jeffrey ay napalitan ng ekspresyon na hindi mapangalanan. “Ulitin mo ngang sinabi mo?”“Kapatid ko si Rowena. Iyong taong dahilan kaya namat*y si—”Bago pa man nito matapos ang sasabihin ay hinawakan na ni Suzy ang magkabila nitong braso sabay kabig. “B-Ba’t hindi mo naman sinabing idadamay mo rito ang pinsan ko? Sinabihan mo muna sana ako, para prepared naman ako.”Bakas ang lungkot sa mukha ni Rodrigo nang sabihin ang, “Pero ‘yun ang totoo. Kapatid ko talaga siya.”Marahas na binitawan ni Suzy ang braso nito, tila batang nagtatampo. “Hindi na ‘ko natutuwa.”“Rodrigo,” tawag ni Jeffrey sa binata. “Palalampasin ko kung sasabihin mong nag-iimbento ka lang para hindi matuloy ang kasal niyong dalawa,” aniya, ang parehong kamay ay nakakuyom. Nagtitimpi pa ng sandaling iyon.Ngunit hindi na
NAGKATINGINAN sina Suzy at Rodrigo, kapwa may kabang nararamdaman ng sandaling iyon.“D-Daddy, sinong kumuha niyan? Don’t tell me, pinasusundan mo ‘ko?”Naningkit ang mata ni Jeffrey sa tanong ng anak. “May nakakita sa inyo. Ngayon, magpaliwanag sa sa’kin kung bakit kayo magkasama?”Muling tiningnan ni Suzy ang screen ng cellphone. Suot niya ang damit noong magpunta siya sa sementeryo kasama si Levi.“B-Binisita lang namin si ate Janna.”“Nang kayo lang dalawa?”Umiling-iling siya, ngunit hindi naman makuhang sumagot. Kaya si Rodrigo na ang nagsalita, “Kasama dapat ako, Tito—kaso, tinawagan kasi ako ng kaibigan ko. Nagpapatulong at hindi naman ako nakahindi kaya…” saka siya tumigil at baka mahalata nitong nag-iimbento siya ng mairarason.Tiningnan ni Jeffrey ang anak. “Totoo ba, Suzy?” Gusto niyang makasiguro dahil kilala niya ang anak. Kapag si Levi na ang involved, nagiging pasaway ito.Tumango si Suzy, hindi nag-aangat ng tingin dahil mahahalata siyang nagsisinungaling.“Uulitin ko
HALOS sabay na dumating ang dalawang sasakyan sa parking lot ng restaurant. Ang isa ay minamaneho ni Levi, habang sa kasunod na kotse ay sina Rodrigo at Stephen. Padilim na ng oras na iyon kaya bukas na ang mga ilaw sa establishment, makukulay at nagkikislapang ilaw pang-akit sa mga customer.Pagkababa nila sa sasakyan, agad na kumaway si Suzy. “Rodrigo! Stephen!” masiglang bati habang naglalakad palapit sa mga ito.Ngumiti si Rodrigo at sumalubong din. “Uy, sakto! Akala namin malelate kami.”Si Stephen naman ay magalang na tumango kay Levi.Pagkatapos ay pinakilala naman ni Suzy ang dalawang kaibigan, “Levi, nakilala mo na last time si Rodrigo—while, ito naman si Stephen, kaibigan ko rin.”Nagkamayan silang tatlo, sabay ng maikling bati at magalang na ngiti. Walang halatang ilangan, pero ramdam ang bahagyang pag-obserba ni Levi habang tinitingnan ang dalawa.Pagkatapos ay pumasok na sila sa restaurant at agad inasikaso ng staff papunta sa bakanteng table. Nang una ay tahimik lang sil
DINALA ni Levi ang dalaga sa art gallery dahil alam niyang mahilig ito sa ganoon. At makikitaan naman ng tuwa sa mukha si Suzy matapos nilang pumasok.Tahimik silang naglalakad pinagmamasdan ang malawak na pader kung saan nakasabit ang mga obra sa iba’t ibang kulay, estilo, at emosyon.“Ang ganda rito,” mahinang sabi ni Suzy, hindi maitago ang tuwa habang dahan-dahang naglalakad sa hallway. May ningning sa mga mata.Ngumiti si Levi. “Nagustuhan mo bang dito kita dinala?” tanong niyang tinanguan nito. “Naalala ko kasing mahilig ka nga pala sa art,” dagdag niya, ang kamay ay nakasuksok sa bulsa—naghahanap ng tiyempo na mahawakan ito sa kamay.“Madalas din akong pumunta sa mga ganito no’ng nasa States pa ‘ko. Thank you,” ani Suzy, saka ito tiningnan ng may ngiti sa labi at pagkatapos ay muling binalik ang atensyon sa mga paintings.Tumigil siya sa harap ng isang canvas na may kulay bughaw at gintong mga linya. “Parang ang payapa, ‘no?”“Oo,” sagot ni Levi, kahit wala naman siyang naiinti
PINAGBUKSAN ni Cain ng pinto ang kaibigan, at bumungad sa paningin niya ang nakangising si Levi.Pero ang ekspresyong mababanaag sa kanyang mukha ay hindi na maipinta, parang ano man sandali ay makakapanakit na.Ngunit tila wala man lang napansin si Levi, at naglakad papasok—dire-diretso patungo sa kusina para maghanap ng maiinom.Binuksan niya ang refrigerator. “Wala kang canned beer?” Sabay tingin kay Cain pero hindi man lang siya sinagot. Kaya naghanap siya sa cupboard at ibang lagayan at baka may nakatago itong alak.Pero bigo siya kaya kumuha na lang siya ng malamig na tubig—feeling at home sa condo ng kaibigan.“Gusto mo ba?” tinanong niya pa, akmang kukuha ng isa pang baso para kay Cain.“Umuwi ka na,” tila nagtitimpi na lamang.Ngunit tila manhid si Levi, hindi man lang makaramdam. Pagkatapos magsalin ng malamig na tubig sa baso ay nilapitan niya ang kaibigan, marahang hinila ang kamay nito paupo sa sofa saka siya tumabi.Pagkatapos ay pinakatitigan niya ng ilang sandali ang m