Share

Chapter 245

Author: Lirp49
last update Last Updated: 2025-04-24 00:02:36

PAGDATING sa ospital ay dumiretso ang mag-asawa sa opisina ni Levi, nag-usap ang magkaibigan habang si Katherine naman ay gusto ng puntahan si Lian.

"Hindi ko siya makontak," aniya na nasi-stress na rin sa paulit-ulit na pagtawag.

"Marahil ay nando'n siya sa morgue," ani Levi.

Tumango naman si Katherine at naglakad na palabas. Akmang susunod si Cain nang pigilan ng kaibigan.

"May pag-uusapan pa tayo," ani Levi.

"Importante ba?" tanong ni Cain, tingin ay nasa asawa. Hindi niya gustong malayo at may sakit pa naman ito.

Napapailing na lang si Levi saka tumayo sa kinauupuan. "Tara, sundan na natin."

Naabutan ng dalawang lalake si Katherine na naghihintay ng elevator.

"Sabay-sabay na tayong pumunta ro'n," ani Levi.

Saktong bumukas ang elevator at bumungad sa harap nilang tatlo si Jared.

Sa halip na humakbang papasok ay natigilan si Katherine. "Umamin ka nga, may kinalaman ka ba sa nangyari kay Tito?"

Napatingin lang si Jared at hindi na nagkomento. "May importante akong sasabihin," aniya s
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (7)
goodnovel comment avatar
Ronalyn Gaza
gulo Ng kwento mo author Dina min alam kung sino tlaga Bida dto...2 stories kagad ang naisip mo...
goodnovel comment avatar
Ronalyn Gaza
bumalik nnman kina lian ang kwento,,tapusin Muna Yung kina Cain at Katherine bago ka magisip pra kina lian at Jared ibahin Muna ung kwento nla.
goodnovel comment avatar
Asnaida Macarik
kawawa tlga c Lian D2 parahin muna cxa ms a nakawala ng ng gana
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 277

    SA HINDI malaman na dahilan ay biglang sumikip ang dibdib ni Katherine. Gusto niyang kumbinsihin ang sarili na nasasaktan lang siya ngunit hindi maikakaila ang pagdaloy ng init sa kanyang pisngi at batok...Alam niyang iba ang pinapahiwatig ng kanyang puso at hindi niya iyon matanggap.Kinailangan niya pa tuloy pakalmahin ang sarili para lang hindi siya magmukhang apektado. "M-Mr. Vergara, sana maisip mo na hindi na 'ko ang dating asawa na minahal mo. At hindi na rin ikaw ang asawa na natatandaan ko, kaya pakiusap lang... tama na, tigilan mo na 'to." Saka siya napabuga ng hangin. "'Wag mo sanang kakalimutan ang kasunduan natin na matapos ang isang buwan, susundin mo ang gusto ko at maghihiwalay tayo ng maayos."Napatiim-bagang si Cain at kumuyom ang mga kamay. "Hindi ko nakakalimutan ang napagkasunduan. Pero 'wag mo rin sanang kakalimutan na asawa mo pa rin ako, legal na asawa. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ka nakikipag-date sa ibang lalake."Mabigat na buntong-hininga ang pin

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 276

    ISANG MATALIM na tingin ang pinukol ni Cain sa kaibigan. "Nananadya ka ba?"Napalunok naman ng laway si Levi. "Joke lang naman." Gusto pa ngang matawa pero pinili na lamang niyang itikom ang bibig. "Kidding aside, mukha kailangan atang pagbutihin ang panunuyo sa asawa mo. Hindi effective 'yung mamahaling wine, tsk, sayang talaga at tinapon. Dapat pala hiningi ko na lang." Saka pinagmasdan ang basurahan.Tumayo na sa kinauupuan si Cain matapos mairita sa boses ng kaibigan saka naglakad patungo sa hagdan.Napalingon naman si Levi matapos mapansin ang paglayo ng kaibigan. "T-Teka, sa'n ka pupunta?!"Para naman walang narinig si Cain na tuloy-tuloy lang.Samantala, sa ibaba naman ay abala sa pagkain sina Katherine at Daniel."Kumusta na nga pala si Sha-Sha?" tanong ng binata."She's fine, sa ngayon ay homeschooled dahil iyon ang nakasanayan niya abroad. But later on, ay ililipat ko sa new invironment. Hopefully, sa susunod ay makapasok na siya sa school," pagkukuwento naman ni Katherine.

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 275

    NAHIGIT ni Katherine ang sariling hininga sa narinig. "A-Anong pinagsasasabi mo?!" Pakiramdam niya, para siyang naakusahan ng isang bagay na hindi naman niya ginawa."Gusto ko lang makasiguro na walang magbabago sa plano mo.""Of course, wala."Tumango-tango naman si Sherwin, tiwala naman sa salita ng kapatid. "Basta lagi mong tatandaan ang dahilan kung bakit mo 'to ginagawa. Kung sakaling gipitin ka niya o kung may ginawa man siyang labag sa loob mo'y magsabi ka lang at ako'ng bahala."Napangiti naman si Katherine, siya itong matanda pero kung ituring ng kapatid ay parang ito pa ang nakakatanda sa kanilang dalawa. "Okay, I'll remember that." Pagkatapos ay natahimik na silang dalawa. Hanggang sa magtanong siya, "Alam mo ba kung kailan babalik ng bansa si Jude?"Umiling si Sherwin. "Ba't mo natanong?""Wala lang, narinig ko kasi minsan na kinakausap ito ni Laura sa phone. Pakiramdam ko ay may pinag-aawayan sila.""Mag-asawa naman sila kaya normal lang 'yon.""You know na kasal lang nam

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 274

    NALULUHANG sumandal sa pader si Pearl. Bigla siyang nakaramdam ng hiya sa nagawang pagkakamali. Bakit niya naisip na hahalikan siya ni Jared?"Anong ginagawa mo rito? Ang customer mo?" tanong ni Rona ng mapansin ang dalaga na nasa labas ng VIP room.Pasimpleng pinunasan ni Pearl ang luha saka ito tiningnan. "P-Papunta lang po ako sa restroom."Pero iba ang nakikita ni Rona, hindi nakaligtas sa paningin niya ang luha nito sa mga mata. "Sa tingin mo ba talaga ay special ka? Na porke't pinakitaan ka ng kaunting kabutihan ni Mr. Fernandez ay interesado na siya sa'yo?"Umiling-iling si Pearl. "H-Hindi po gano'n ang nasa isip ko."Pagak na natawa si Rona. "Oh come on! Dumaan din ako sa ganyan, umasa at nasaktan kaya kung ako sa'yo. Samantalahin mo ang pagkakataon, sa mundong ginagalawan natin, walang lalakeng magseseryoso. Kaya kung ako sa'yo, utak ang gamitin mo, 'wag puso."Nasasaktan si Pearl sa sinasabi nito kaya pinili na lamang niyang umalis pero hinawakan siya nito nang mahigpit sa b

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 273

    TUMULALA muna ng ilang segundo si Pearl bago tuluyang umiyak, nilabas ang takot na nararamdaman.Kumuha naman ng tissue si Jared at ibinigay sa dalaga."Thank you," ani Pearl na humihikbi-hikbi pa. "Salamat talaga, Sir at dumating kayo.""Ba't ako ang tinawagan mo?"Tumigil sa pag-iyak si Pearl saka tinitigan ang kamay habang pinipisil-pisil, tila bumubwelo ng sasabihin, "N-Naalala ko kasi ang sinabi mo dati... Na kung kailangan ko ng tulong 'wag akong madalawang-isip na tawagan ka."Tumango-tango naman si Jared. Saka muling sumagi sa isip ang unang beses niyang nakilala ang dalaga, mag-iisang taon na rin ang nakakalipas.Sa mismong club din ng minsan siyang ma-aya ng kakilala. Noong una ay curious lang siya dahil nakikita niya kay Pearl ang dating nobya, si Lian. Kahit pa magkaibang-magkaiba naman ang itsura ng dalawa... pero ang mga mata nito.Walang duda na gaya ng kay Lian.Pagkatapos noon ay sunod-sunod na ang pagpunta niya sa club hanggang sa naglakas-loob siyang kilalanin ang d

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 272

    NAPANGANGA si Levi, hindi makapaniwala sa sinasabi ng kaibigan. "Grabe, nagbagong buhay ka na ngang talaga!" hiyaw niya at tumawa-tawa pa.Kahit si Jared ay nanlaki ang mga mata sa narinig. At bilang suporta ay tinapik-tapik niya pa ang balikat nito."Pero..." pambibitin pa ni Levi. "Kapag nalaman 'to ni Katherine, paniguradong magpapakalayo-layo ulit 'yun at 'di mo na naman makikita maging ang bata.""Ang gag* mo talaga," react Jared. "'Wag mong tinatakot ang loko'ng 'to, baka bigla na naman mapraning.""Kung sabagay--" nabitin sa ere ang salita ni Levi ng makarinig ng ingay. "Kanino 'yun?" Sabay kuha ng phone sa bulsa para itsek kung kanya ba ang nag-iingay, pero hindi naman.Hanggang sa kunin ni Jared ang phone, ang kalmadong ekspresyon sa mukha ay bigla na lang naglaho. "Hello?" Pinakinggan niya lang sa linya ang sinasabi ng caller. Ilang sandali pa ay napatiim-bagang saka binalik ang phone sa bulsa. "Aalis na 'ko," aniya sa dalawang kaibigan sabay tayo sa kinauupuan.Napatingin n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status