Share

Chapter 317

Author: Lirp49
last update Last Updated: 2025-07-06 23:30:06

ISANG malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Katherine saka ito inalalayan sa likod ng ulo para makainom. “Dahan-dahan lang at baka masamid ka.”

Napangiti naman si Cain, hindi maiwasang matuwa sa narinig. Ramdam ang concern sa boses nito.

At napansin naman iyon ni Katherine. “May nakakatuwa ba?”

Umiling-iling agad si Cain. “Sana ganito palagi.”

Pinanliitan ito ng tingin ni Katherine. “Sinasabi mo bang gusto mo palaging nasa ospital, nagpapaalaga?”

“Oo, basta ikaw ang mag-aalaga.”

“Manigas ka,” ani Katherine sabay bitaw sa ulo nito kaya parang nahulog si Cain at natukod ang braso. “Aray ko naman. Hindi ka nga bagay mag-alaga ng pasiyente, baka mabalian mo pa.”

Nilapag lang ni Katherine ang baso saka ito nilingon. “Kala ko ba malayo sa bituka, ba’t ngayon parang nag-iinarte ka?”

“Totoo naman, kahit i-check mo pa. Parang natanggal pa nga ang bandage.”

Lumapit muli si Katherine saka tiningnan ang nakabalot na benda sa braso nito. “Pinaglololoko mo ba ‘ko? Wala naman, a!”

“Hindi nga
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 330

    BAKAS sa mukha ni Joey ang pagsisisi. “Kasalanan ko ata ‘to, Ma’am. Hindi ko sinigurong kinakain niya ang pagkaing binibigay ko.”Hinawakan ni Katherine ang balikat nito, marahang tinatapik-tapik. “’Wag mong sisihin ang sarili mo. Kahit sino rin naman, hindi ito gugustuhing mangyari.” Pagkatapos ay tinanggap ang disposable container. “Ako nang bahalang magpakain sa kanya. I’m sure, pagod ka at na-stress sa nangyari.” Bakas sa mukha nito ang pagod at kawalan ng pahinga kaya sinabihan niya itong magpahinga muna kahit sandaling oras lang.Pagkatapos ay pumasok na siya sa silid at nakita si Cain na natutulog, namumutla at tila may iniindang sakit. Halata sa nakakunot nitong noo.Lumapit siya, dahan-dahang inilapag ang disposable container sa table, at naupo sa tabi ng kama. Inangat ang isang kamay, maingat na inilapit sa ilong nito at gusto lang kumpirmahin na humihinga ito nang maayos. Baka kasi nahihirapan na habang natutulog.Kaya nakahinga siya nang maluwag matapos makasiguro na okay

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 329

    NAGHURUMENTADO ang puso ni Katherine sa narinig. Hindi niya iyon dapat maramdaman kaya marahan niyang pinukpok ang dibdib.Ano ba! maghunos-dili ka nga!Saway niya sa sarili.“Katherine?” ani Cain. “Nandiyan ka pa?”“Y-Yes! May ginagawa kasi ako. Ano nga ulit ‘yung sinabi mo?” Kunwaring hindi niya narinig.Nakagat naman ni Cain ang ibabang labi saka mariin napapikit. Minsan na nga lang maglambing tapos hindi pa nito narinig. “Wala… kumusta ka nga pala? Hindi agad ako nakatawag at medyo busy.”“I know, narinig ko—“ natigilan si Katherine matapos madulas.“…So, narinig mo talaga ‘yung sinabi ko?” Hindi ito sumagot kaya inakala niyang binabaan siya ng tawag. Pagtingin sa screen ng phone ay nasa linya pa rin naman silang dalawa. Tuloy, napangiti siya sa paglikot ng sariling imahinasyon.Pakiramdam niya ay namumula ito sa hiya kahit hindi naman niya nakikita.“Nandiyan ka pa?” aniyang may malawak na ngiti sa labi.Matagal bago sumagot si Katherine at tumikhim pa nga, tila may kung anong bu

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 328

    NAPAKAGAT-LABI si Jared, natutuwa siya sa sinabi nito pero ayaw niyang ipahalata dahil baka magalit na naman sa kanya. “Wala ‘yun, inaalala mo kasi ang mga naiwan mo sa bar kaya pinaasikaso ko na at baka mapagalitan ka pa sa trabaho.”Tumango-tango lang si Lian na may panaka-nakang tingin. Sa kabila ng tulong na nagawa nito ay ayaw niyang magpa-uto.Hindi niya gustong maulit muli sa dati. Iyong aasa siya na magbabago ito pero sa huli ay sasaktan din pala.Makalipas ang ilang minuto ay narating na nila ang hotel. Akmang lalabas siya ng magsalita si Jared.“Alam kong safe rito pero maraming pwedeng mangyari lalo at si Zapanta ang pinag-uusapan dito. Kung hindi mo mamasamain—““Salamat na lang pero okay lang ako,” putol ni Lian. “Marami ka ng nagawang kabutihan. Masiyado ng makapal ang mukha ko kung patuloy kong tatanggapin ang tulong mo,” malamig niyang tugon.Huminga lang nang malalim si Jared sabay tango. “Okay. Good night.”Walang lingon na lumabas si Lian sa kotse at naglakad papaso

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 327

    NAPATIIM-BAGANG si Jared, ang mga mata ay namumula sa galit. Ngunit hindi dahil kay Lian kung hindi dahil sa muntik na itong mapahamak sa sobrang likot. “Ang tigas ng ulo mo.”Hindi na niya gustong makitang nasasaktan si Lian, physically or emotionally man. Natakot na siya noon, na lagi itong nakikitang nasusugatan. Husto na ang takot na naramdaman noong inakala niyang patay na ito.Napakurap naman si Lian, biglang kinabahan sa paraan ng pagtitig nito. Pakiramdam niya, ano man sandali ay sasaktan siya sa sobrang galit nito.Mabilis naman nagbago ang ekspresyon ni Jared saka ito niyakap. “Sorry, natakot lang akong baka mabagok ka sa ginagawa mo.”Sa kabila ng ginaw dahil sa buhos ng ulan ay nakaramdam si Lian ng init sa yakap nito. Ngunit mayamaya pa ay nagpumiglas at pilit lumalayo pero mahigpit ang yakap nito.Hanggang sa tumayo si Jared at muli siyang binuhat patungo sa sasakyan. Hindi na siya nagmatigas pa dahil basang-basa na siya, hindi na tamang magmatigas sa panahong iyon.“I-I

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 326

    NAGULUHAN si Jared kung bakit ito biglang umiyak. “Bakit, nasaktan ka ba? Sakit ang masakit?”Umiling-iling naman si Lian habang humihikbi. “A-Ayos lang ako.”“Sigurado ka? Baka kailangan natin pumunta sa ospital?”“Hindi, ayos lang talaga ako.” Matapos ay pinunasan ang pisnging nabasa ng luha.Tumango lang si Jared saka bumangon pagkatapos ay inalalayan itong makatayo. Sunod ay tinulungan itong ayusin ang sarili, pinagpagan ang nadumihan nitong damit. “Ano bang nangyari sa’yo at bigla kang tumakbo sa kalsada?”Lumingon si Lian sa pinanggalingan. Hindi niya nakikitang humahabol si Zapanta kaya medyo nakahinag siya nang maluwag. Pagkatapos ay muling binalik ang tingin kay Jared. Gustuhin niya man sabihin ang nangyari ay pinili na lamang niyang manahimik.Ayaw na niya itong bigyan ng pagkakataon na muling manghimasok sa kanyang buhay. Ang nangyari sa kanya sa gabing iyon ay sasarilinin na lamang niya. “Salamat sa ginawa mong pagtulong,” ani Lian. “Tatanawin kong isang malaking utang na

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 325

    NAGPALINGA-LINGA si Lian sa paligid, tinitingnan kung may iba bang nakatingin sa kanila ngunit wala kaya nakahinga siya nang maluwag. Hindi na niya gustong madikit ang pangalan kay Jared pero hindi niya inaasahan na may makakakilala pa rin sa kanya. “A-Anong sinasabi niyo, Mr. Zapanta? Baka, ibang tao ang tinutukoy niyo at hindi ako?”“Nag-iba man ang itsura at ayos mo ngayon ay hindi ako maaaring magkamali. Mula ka sa pamilyang Romero at anak—““Nagkakamali kayo!” agap ni Lian bago pa nito mabanggit ang pangalang ng magulang. “I’m Abigail Williams, Sir.”Pinanliitan ito ng tingin ni Zapanta, hindi kumbinsido. Kahit may edad na ay hindi siya nakakalimot ng mukha lalo na kapag… gusto niya ang babae.“Whatever your name is, hindi na mahalaga…” Sabay hagod ng tingin sa mukha nito pababa sa magandang hubog ng katawan. “Ba’t hindi muna tayo pumunta sa mas tahimik na lugar?” Sabay hila sa kamay nito.Nagpumiglas naman si Lian, pilit binabawi ang kamay. “P-Pasensiya na, Sir. Pero hindi ko pw

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status