LOGINHINDI natupad ang hiling ni Laura, dahil makalipas ang dalawang buwan ay bigla na lamang nagpakita sa kanya si Sherwin.Bandang tanghali iyon at mainit kaya sa halip na tumambay sa labas ay nasa loob siya ng bahay, sa tabi ng pinto.Sa probinsiya, madalas na bukas ang pinto kaya nang marinig na may sumigaw, “Ayo!” —katumbas ng ‘Tao po!’ sa tagalog ay sumilip siya at nakita ang isa sa mga kapitbahay.“Ano po ‘yun, Ate?”“Ay! Nandiyan ka pala, may dayong naghahanap,” nakangiti nitong sabi.“Wala po si Lolo’t Lola,” aniya sa pag-aakalang ang dalawa ang hinahanap.Hanggang sa napansin niya ang tricycle sa tabi ng kawayan na gate. Mula sa loob ay lumabas si Sherwin.Napaatras siya, nanginginig ang kamay na hinawakan ang pinto. Akmang pagsasarhan ang mga ito nang sumigaw ang binata, “Laura!”Bigla siyang nanlamig sa takot at tuluyang hindi nakagalaw.Humakbang palapit si Sherwin, mabilis na nagpasalamat sa babaeng nagturo ng bahay para mahanap si Laura. Pagkatapos ay hinarap niya ito. “Gust
MAHIGPIT ang pagkakahawak ni Sherwin sa cellphone, kung magagawa lang niyang wasakin ay baka kanina niya pa ginawa.“Ibig sabihin, alam mong nasa bansa lang siya, Ate?”“Sorry,” ani Katherine. “Nakiusap sa’kin si Laura, at hindi ko siya mahindian.”“Pa’no naman ako?!”Sa unang pagkakataon ay napagtaasan niya ng boses ang kapatid. Kaya bago pa siya may masabing hindi maganda ay tinapos na niya ang tawag.Si Jude naman ay hindi na napigilang magtanong, “Anong sabi? Nasa’n si Laura?”Hindi ito sinagot ni Sherwin, sa halip ay naglakad siya palabas—kailangan niyang bumalik sa Pilipinas sa lalong madaling panahon.Agad na sumunod si Jude at humarang sa daraanan. “Nasa’n sabi si Laura?!” sa pagkakataong iyon ay mainit na rin ang ulo niya sa nangyayari. Ilang araw na siyang walang balita sa asawa.“Wala si Laura sa kanila,” sagot ni Sherwin.Humarang bigla si Jude kaya siya tumigil. Nagsukatan sila ng matalim na tingin.“Anong meron sa inyong dalawa ni Laura?”Kumuyom ang kamay ni Sherwin, wa
DALAWANG ARAW ang lumipas pero wala pa rin natatanggap na reply si Katherine mula sa kaibigan. Noong una ay wala lang naman sa kanya, dahil baka abala pa ito pero nang tanungin siya ng asawa ay doon na siya nagtaka.“Akala ko ba’y nasa Canada si Laura kasama ng asawa niya? Ba’t tumawag sa’kin ‘yung assistant at pinapatanong sa’yo kung kumusta na siya?”“Ha?”“Hindi raw makontact ni Jude si Laura kaya tumawag sa’kin, pinapatanong kung kumusta na siya?” dagdag ni Cain, na naguguluhan. “Ano bang nangyayari?”Huminga naman nang malalim si Katherine, saka inamin sa asawa na hindi naman talaga sumama sa Canada ang kaibigan, “Kunwari lang para ‘di na hanapin ni Sherwin.”“Yet, pinapunta mo pa ‘ko kay Sherwin para sabihing aalis si Laura papuntang Canada kahit ‘di naman pala?”Mabilis na niyakap ni Katherine ang asawa para hindi ito magtampo. “Sorry, gusto ko lang na may gawin si Sherwin. Mahigit dalawang linggo na siyang ‘di umuuwi, at pakiramdam ko ay sinukuan na niyang tuluyan si Laura.”“
KASALUKUYANG nasa airport sina Laura at Jude nang makatanggap siya ng message mula sa kaibigan.Katherine: Sorry, nagpromise akong ‘di sasabihin kay Sherwin na ngayon ang alis mo pero ‘di ko talaga mapigilan.Katherine: He’s still my brother. Kaya gusto kong malaman niya kahit papa’no.Laura: Ayos lang, ‘di na rin naman siya makakaabot.Sabihin man nito ang totoo o hindi kay Sherwin ay wala na itong magagawa pa sa sandaling iyon.“Sinong katext mo?” tanong ni Jude.“Si Katherine,” tipid niyang sagot sabay tago sa phone.Sa gilid ng mga mata ay napapansin niya ang titig nito, hanggang sa magsalita na nga, “Sa totoo lang, nanghihinayang pa rin ako na ‘di ka makakasama sa’kin.”Pairap na tumingin si Laura. “Kunting-kunti na lang talaga maiinis na ‘ko.” —Paano ba naman kasi, ay lagi siyang pinipilit na sumama sa Canada.Pumayag naman siya, pero sa isang kondisyon…Kung papayagan siya ng Ina, pero hindi. Nang sabihin niyang buntis siya ay agad itong tumutol at sinabing umuwi para maalagaan
NANGHIHINA si Laura nang sandaling iyon, napapatingala siya sa kisame huwag lang tumulo ang luha sa mga mata. Makaraan ang ilang sandali ay inalis niya ang braso nitong nakayakap sa kanya.Saka siya tuluyang lumabas at nagmamadaling bumalik sa unit sa takot na baka sundan siya ng binata. Tuloy-tuloy siya hanggang sa makapasok sa sariling silid, hindi na alintana ang tingin ni Elma.Muling tumunog ang cellphone kaya sinagot na niya, “Hello…”“Hello, malapit na kami. May dinaanan lang sandali,” pahayag ni Jude.“Okay.”“Ayos ka lang? Ba’t parang iba ata boses mo ngayon?”Huminga nang malalim si Laura sabay ngiti kahit pa hindi naman siya nito nakikita. “Naghihiwa kasi ako ng sibuyas kanina,” pagsisinungaling niya pa.Pagkatapos ay may sinabi pa si Jude na hindi na niya masiyadong pinagtuonan ng pansin hanggang sa tapusin nito ang tawag.Lumupaypay ang kamay ni Laura pagkatapos ng pag-uusap nila sabay bitiw sa cellphone. Ilang sandali siyang ganoon hanggang sa napagpasiyahan na lumabas a
HINDI pa man sumisikat ang araw ay bumangon na si Sherwin sa kanyang kinahihigaan. Pagod siyang naupo, at ang siko ay nakadantay sa magkabilang hita habang hawak ang ulo.Ilang araw na siyang walang matinong tulog. Dalawa o tatlong oras lang ang pahinga niya mula sa maghapong trabaho. Masakit na masakit na ang ulo niya, na ngayon lang niya naranasan.Ngayon ay lubos na niyang nauunawaan ang sinabi ng ama na hindi madaling magtayo ng sariling negosyo, lalo pa at ang main goal niya ay palaguin hanggang sa tuluyang lumaki at maging malaking kompanya.May pagkakataong natatanong na niya ang sarili kung kakayanin pa ba ng katawan niya ang ganito?Isang linggo pa lang ang lumilipas pero nahihirapan na siya, lalo pa at miss na miss na niya si Laura.Mag-iisang linggo na rin niyang tinikis na ito ay i-text o tawagan. Pursigido siyang maging maayos at maging maganda ang resulta ng pinili niyang landas, malayo sa pagtuturo.“Para kay Laura,” anas niya habang hinihilot-hilot ang sintido.Gusto n







