Share

Chapter 85

Author: Lirp49
last update Last Updated: 2024-11-30 18:39:18

KINUWELYUHAN ito ni Cain. "Anong sabi mo? Kasalanan mo na nga tapos isisisi mo pa sa biktima!"

"T-Totoo ang sinasabi ko! Kahit tingnan mo pa ang dashboard ng kotse, mabagal lang ang pagmamaneho ko nang bigla siyang--"

"C-Cain..." boses ni Margaret na halos hindi na marinig sa sobrang hina.

Lumapit agad si Cain at lumuhod sa harap ng dalaga. "Nandito ako, Margaret. Sa'n ang masakit?"

"Lahat, masakit ang buo kong katawan."

"Miss, hindi kita binunggo. Magsabi ka nang totoo!" saad ng driver na nais lang ipagtanggol ang sarili.

Si Katherine na nasa tabi ay napatingin sa driver. Napakunot-noo siya saka tiningnan nang kakaiba si Margaret.

"Cain, pakinggan mo muna ang sinasabi nitong--"

"Mamaya na, Katherine," putol ni Cain saka tiningnan si Ben. "Nasa'n na ang ambulansya, ba't hindi pa dumarating?!" bakas sa boses ang iritasyon.

"Dalhin mo na ako sa ospital, please," ani Margaret.

Hindi na malaman ni Cain ang gagawin. Kung susundin ba ang pakiusap nito o siya na mismo ang magdadala sa ospita
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (9)
goodnovel comment avatar
Siony Ramos
baka kc ung gumawa ng kwento na to ay isa ring kabit kaya magaling pumapil bilang kabit magaling mang api
goodnovel comment avatar
dyshen Shippers
itong author kung kilala ko lang sinakal kona sa inis putik bobo mo naman anu to paulit ulit nalang
goodnovel comment avatar
Winnie Bueno Corotan Rico
alam mo nkkwlang gana mag basa ng kwento kng puro nlang sinungaling at manluluko uto uto ang tauhan akala ko stress reliever un pla lalo nakka stresss
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 259

    PAREHONG napalingon ang magkapatid sa sinabi ni Cain. Nagpalipat-lipat pa nga ang tingin sa dalawa habang nanlalaki ang mga mata, gulat na gulat."Pa'no ka nagkaro'n ng kapatid?" Saka pinagmasdan nang mabuti si Sherwin, dahil tila pamilyar ito sa kanya.Mariin pa siyang napapikit habang inaalala kung saan niya ito nakita. "... Sa... Sa isang business gathering! Tama! I once saw you!" Sabay turo.Hindi naman nagustuhan ni Sherwin na dinuduro-duro siya kaya tinabig niya ang kamay nito. "Anong sinasabi mo? I don't know you," aniya saka bahagyang inusog palapit sa likod niya ang kapatid. Hindi nagugustuhan ang tingin nito kay Katherine.Napatiim-bagang naman si Cain ng makita ang ginawa nitong pagtago sa kanyang asawa. Pero kinalma niya pa rin ang sarili para hindi na lumala ang sitwasyong gayong medyo malinaw na ang relasyon ng dalawa. Tumayo siya nang maayos saka pinagpagan ang nadumihan na damit sa kabila ng sugat sa kamay."Magkapatid kayo, right?" gusto lang niyang makasigurado. "Pa'

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 258

    NAGTAKA naman si Katherine kung bakit nito tinititigan ang sariling kamay. Saka niya napagtantong hindi siya hawak ni Cain kaya pwede na siyang tumakas.Wala nang sinayang na pagkakataon at tumakbo siya nang mabilis patungo sa kalsada, pumara ng masasakyan nang bigla na lamang hinablot ni Cain."Ano ba, bitawan mo 'ko!""Hindi, sasama ka sa'kin!" Saka ito binuhat patungo sa kotse kung saan ay naghihintay si Joey."Tulungan mo 'ko!" paghingi pa ni Katherine ng tulong. Pero tiningnan lang siya nito. Pagkatapos ay nagmaneho na paalis sa lugar matapos siyang maisakay sa backseat. Akma pa nga siyang tatakas sa kabilang pinto nang mapigilan sa magkabilang braso. "Tulong--" ngunit sa halip na makahingi nang saklolo ay tinakpan pa ni Cain ang kanyang bibig."'Wag ka nang magmatigas pa.""Sa'n tayo, Sir?" ani Joey, suportado ang kung ano man binabalak ng amo."Sa condo."Pagkatapos ay iniliko na ni Joey ang kotse patungo sa building.Nagawa naman ni Katherine na makagat ang kamay nito."A-Aray

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 257

    PAGLINGON ni Aaron ay saktong hawak na ni Katherine ang baso sa may table. Walang pagdadalawang-isip na ibinuhos sa kanya ang tubig. Kaya basang-basa ang ulo at mukha niya."Sh*t!" mura pa niya sabay tayo at pagpag ng mamahalin na damit. Tapos ay tiningnan nang masama si Katherine. "Anong problema mo?!"Inilapag ni Katherine sa table ang hawak na baso saka taas-noo na tiningnan ito. "Ba't 'di mo tanungin ang sarili mo kung anong pinoproblema ko?" Kahit nanggagalaiti sa galit ay nanatiling mahinahon at mahina ang kanyang boses.Naging matalim ang tingin ni Aaron. "Bakit, totoo naman ang sinasabi ko, a?! Anong mali ro'n?""Hindi ko dini-deny na kinasal ako't may anak na pero hindi ko gustong hinahamak ng iba ang pagkatao ko. Na parang mali na minsan akong nagmahal at may anak kami."Napakurap si Aaron, hindi pa rin makita ang pagkakamaling nagawa hanggang sa mapansin niya ang tingin ng staff at waiter."Anong tinitingin-tingin niyo?!" galit niyang sita sa mga ito. Pagkatapos ay hinila s

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 256

    NAPAKUNOT-NOO si Katherine, ang ekspresyon ay parang nandidiri. "Anong pinagsasasabi mo? Mga kalokohan mo talaga, kaya tayo napagkakamalan, e."Tumawa naman si Sherwin. "Joke lang naman.""Well, obviously. Hindi magandang biro.""Nabo-bored na kasi ako ro'n sa unit ko, wala akong magawa. Ganito pala ang feeling 'pag tambay.""Malapit ng pasukan, ba't hindi mo na lang asikasuhin ang trabaho mo sa university?""Nah... nakakatamad."Napanganga si Katherine. "What the...! Now I know kung ba't wala kang girlfriend at kung ba't ayaw mo pang mag-settle down.""You already want me to get married? Saka, anong kinalaman ng katamaran ko sa pag-aasawa?""Why not? You're old enough."Umiling si Sherwin. "Pa'no na lang kayo kung mag-aasawa na 'ko?""No!" biglang sigaw ni Shannon. "'Di ka pwede mag-asawa, Tito. Wala akong magiging kalaro.""Exactly!" react ni Sherwin.Natawa si Katherine. "Okay, baby. Hindi na pwedeng mag-asawa si tito Sherwin mo hangga't hindi mo pinapayagan," aniya saktong tumunog

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 255

    HINAPLOS-HAPLOS ni Sherwin ang buhok ng bata. "Magbabay ka na sa kanila," aniya.Lumingon naman si Shannon at pagkatapos ay kumaway sa dalawa. "Thank you po sa tulong. Babye na po."Kumaway rin si Joey pero nanatili ang tingin ni Cain, parang nahipnotismo. "Ahm, Sir? Ayos lang kayo?" aniya nang mapansin na nakatitig lang ito.Napakurap si Cain. "Sha-Sha, right? Nice meeting you." Sabay lahad ng kamay. "Ako nga pala si Cain, you can call me tito Cain."Ngumiti naman ang bata saka inabot ang kamay nito. Marahang pinisil bago bitawan. "See you, next time po!"Pagkatapos ay naglakad na palayo si Sherwin upang mabalikan si Katherine na naghihintay. "'Wag mo nang uulitin 'yun, a? Hindi ka dapat basta-bastang umaalis.""Sorry po. Akala ko kasi si Mommy 'yung sinundan ko, hindi pala.""Mabuti na lang talaga at mabait 'yung tumulong."Tumango-tango naman ang bata, nalulungkot dahil napagsabihan."Sha-Sha!" si Katherine na niyakap agad ang anak. "Sa'n ka ba nagpupupunta?!"Sumimangot at biglang

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 254

    BIGLANG nabuhayan si Sheena nang dumating si Jared, naluha pa nga siya sa tuwa. Inangat ang dalawang kamay, animo ay inaabot ito. "M-Mabuti naman at nandito ka na. Dalhin mo naman ako sa ospital, nahihirapan na 'ko.""Nahihirapan ka na?" may pagkasarkasmong sabi ni Jared. "Nahihirapan ka na sa lagay mong 'yan?"Tumango-tango si Sheena, may ngiti sa labi. Hindi man lang pansin ang namumuhing tingin ni Jared. Ang nanginginig at mariin na pagkuyom ng kamay."Kung gano'n ay ba't mo pa kailangang pahirapan ang sarili mo? Mamahinga ka na habangbuhay."Naglahong bigla ang ngiti sa labi ni Sheena ng marinig iyon. Hindi niya akalaing masasabi ni Jared ang ganoon kasamang bagay sa kanya."G-Gusto mo na 'kong mamat*y...? Matapos ng ginawa kong kabutihan sa'yo?! Wala kang utang na loob!"Napatiim-bagang si Jared, kulang na lang ay hatakin ang mukha nito pero nagpigil siya. "Sabihin mong gusto mong sabihin pero matagal ko ng pinagbayaran ang ginawa mo. Hindi porke't minsan mo 'kong tinulungan ay h

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 253

    NAPAKUNOT-NOO si Cain sa narinig. Gulong-gulo siya at nagpalinga-linga sa paligid. "Pa'no nangyari 'yun? Tatlong araw?!" At nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa. "Si Marc?" Pagkatapos ay bumangon, kahit masakit ang katawan ay pinilit niya ang sarili. "Anong nangyayari? Para akong nabugbog." Akmang tatanggalin ang nakakabit na IV fluids ng pigilan ni Stella.Lumapit naman si Helen sa kama saka hinawakan ang balikat ng anak. "Three days ago, nakatanggap kami ng tawag mula kay Marc. Ang sabi niya ay nabunggo ka ng kotse sa labas lang ng ospital," aniya upang unti-unti nitong maalala ang nangyari.Napahawak naman si Cain sa ulo ng bigla itong kumirot. Saka niya naalala ang lahat. "S-Si-Si Katherine! Siya 'yung pasaherong sakay ng nahulog na taxi sa tulay!" Wala ng paligoy-ligoy pa, hinablot niya ang IV fluids sa kamay."Cain!" react ni Helen."Kailangan kong malaman kung anong nangyari sa asawa ko!"Sabay na napasinghap ang dalawang babae sa narinig. "A-Anong sinasabi mo?" naguguluhang t

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 252

    DAHIL sa impact ay sumadsad pa ang taxi palabas sa barricade hanggang sa muntikan nang mahulog sa tulay. Kaunting maling galaw ay talagang bubulusok pababa ang sasakyan.Si Katherine na nasa backseat ay napahawak sa noo ng maumpog sa passenger seat. Kung hindi siguro siya nakapag-seatbelt ay baka lumipad na siya palabas.Kahit mahilo-hilo sa puwesto ay inalala niya ang kalagayan ng driver. "K-Kuya?" Ngunit hindi ito gumagalaw. Niyugyog niya pa ang balikat nito pero hindi pa rin nagkakamalay.Hanggang sa mapansin ni Katherine na umuuga ang taxi. Pagtingin niya sa labas ay napatili siya sa takot. Kalahati ng sasakyan ay lampas na sa barricade!Nagkukumahog siyang lumabas ng tila mahuhulog sila. Naririnig niya ang langitngit ng metal na bumibigay."S-Saklolo!" sigaw niya na kahit gusto ng lumabas ay hindi niya magawang gumalaw. Steady lang siya sa puwesto sa takot na mahulog ang taxi."Miss, 'wag kang gagalaw!" sigaw ng lalakeng nagmamagandang loob.Hanggang sa dumami na ang mga nakiki-u

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 251

    KAHIT biglaan ang kasal nila ni Cain ay nakapag-hire pa rin ito ng photographer para may wedding photos sila.Kaya nang mabasa ni Katherine ang text message ay sinabihan niya ang dalawang bodyguard na samahan siya sa shop upang kunin ang mga litrato.Ilang minuto lang naman ang biyahe at narating na nila ang lugar. W-in-elcome siya ng staff at tinanong kung ano ang sadya sa lugar."Naka-receive ako ng message," aniya sabay pakita ng phone.Binasa naman ng staff ang mensahe saka siya iginiya papasok pa sa loob.Sa reception ay sinabi ng staff sa kasamahan ang kailangan ni Katherine."Ano pong pangalan, Ma'am?" tanong ng staff sa counter."Katherine Garcia-- Vergara."Tumango ang staff. "Sandali lang, Ma'am at titingnan ko rito." Yumuko ang babae, hinanap sa drawer ang kailangan ng customer.Habang naghihintay si Katherine ay nakarinig siya ng shutter ng camera kaya napatingin siya sa partition wall. Sa palagay niya ay may ibang customer ang shop kaya naririnig niya iyon."Ito na po, Ma

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status