Share

Chapter 86

Author: Lirp49
last update Huling Na-update: 2024-11-30 22:26:25

SA SINABI ni Ben ay bahagyang nag-alala si Cain ngunit... anong magagawa niya kung nag-aagaw buhay si Margaret? Hindi naman siya Doctor.

"Secretary Ben, ipaalam mo agad sa pamilya niya ang nangyari. Nasabi ba sa'yo ng tumawag na kung nakarating na sila sa ospital?"

"H-Hindi ko po natanong, Mr. President."

"Kung gano'n ay alamin mo."

"Hindi po ba kayo susunod sa ospital?"

Hindi sumagot si Cain at bigla na lamang tinapos ang tawag.

"Anong sinabi ni secretary Ben?" tanong ni Katherine.

"Nag-aagaw buhay si Margaret."

"Ano? Pa'no naman 'yun nangyari, e, wala naman siyang sugat sa katawan."

Tumango si Cain dahil iyon din ang napansin niya habang nasa loob pa ng ambulansya. Pero dahil nag-aalala kay Margaret ay hindi na niya iyon pinagtuunan pa nang pansin.

Pero si Katherine ay iba ang nasa isip nang mga sandaling iyon. Kung totoo nga ang hinala ay pwede naman nilang makumpirma kung nag-aagaw buhay nga ito. "Gusto mo bang pumunta sa ospital para makita siya?"

Umiling si Cain. "Sinabihan ko n
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Tin-tin Jordan
chapter 87 po
goodnovel comment avatar
Jane Mariano Frank Macaton
thank you miss a lage po akung naka abang sa update m po
goodnovel comment avatar
Jane Mariano Frank Macaton
bakit kc hnd pa natuluyang mabliw ang Margaret NATO hahaha
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 341

    NAGLAHO ang tuwa sa labi ni Margaret nang maalala ang dinanas na hirap matapos siyang ibigay ni Cain sa grupo na iyon. “A-Anong ginagawa mo rito?” aniyang nakaramdam ng takot.Si Cain na hinihingal pa ng sandaling iyon matapos wasakin ang pinto ay humakbang palapit.Ngunit muling hinigpitan ni Margaret ang pagkakasak*l kay Katherine. “’Wag kang lalapit kung ayaw mong makita siyang malagutan ng hininga!”Bumagsak na ang kamay ni Katherine, ang mga mata ay namumuti na at halos wala na sa ulirat. Ano man sandali ay lilisanin na niya ang mundo kung hindi siya bibitawan nito.“Pakawalan mo siya!” sigaw ni Cain.“Hindi!” hiyaw ni Margaret.“Katherine! Naririnig mo ba ‘ko?” ani Cain. “’Wag kang sumuko, ililigtas kita! Sandali na lang.”“Hindi mo na siya maliligtas pa, wala na siya!”Si Katherine na umiitim na ang paningin ay biglang nagkaroon ng pag-asa matapos marinig ang boses ni Cain. Ipinukos niya ang tingin kay Margaret saka niya hinila ang braso nito at kinagat, sanhi kaya ito humiyaw

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 340

    TILA GUMUHO ang mundo ng dalawang babae matapos iyong marinig. Ilang segundong hindi nakagalaw ang mga ito. Bukas-sara ang bibig dahil hindi makapaniwala sa narinig hanggang sa tumaas na ang emosyon ng dalawa.“B-Bakit?!”“Sandali lang naman, Sir! Hindi ata tamang basta niyo na lang kami sisisantehin!”Halos magkasabay pa iyong sinabi ng dalawa.Si Katherine ng sandaling iyon ay natigilan ng marinig iyon mula kay Shawn. Mabuti na lamang at tapos na sa pagliligpit kaya aalis na.Dahil labas na siya sa sitwasyon na iyon ay sinenyasan niya si Lucille para ipahiwatig na umalis na sila. Tumango naman ito saka kinuha ang ilang gamit at naunang lumabas ng dressing room. Sumunod siya, hindi na nagpaalam kay Shawn dahil mabigat na ang atmosphere sa loob.Pagkasara ng pinto ay naririnig niya pang nagmamakaawa ang dalawang babae hanggang sa dahan-dahan ng humina ang mga boses habang siya papalayo.Naisakay na nila ang mga gamit sa kotse pero bumalik si Katherine sa loob ng venue para pumunta sa

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 339

    KUMUYOM ang kamay ni Cain sa galit sabay hampas sa table. “Nagawa nila akong isahan?! At papaniwalain na si Margaret ang bangkay na ‘yun?!”Napalunok ng laway si Joey, kinakabahan sa galit nito. “A-Anong gusto niyong gawin ko, Sir?”Naging madilim ang ekspresyon ni Cain habang ang kamay ay namumuti na dahil sa mahigpit na pagkakakuyom. “Ipahanap mo agad si Margaret… At ‘yung grupo? Kausapin mo ang leader nila, gusto ko ng paliwanag kung bakit niya ‘ko nagawang lokohin ng ganito sa tagal ng pinagsamahan namin.”Tumango si Joey bilang tugon saka lumabas ng opisina.Nang maiwan si Cain ay biglang sumagi sa isip niya ang asawa. Kaya kinuha niya ang phone saka ito tinawagan ngunit, hindi sumasagot kahit nakailang attempt na siya.Sa puntong iyon tuluyang kinabahan si Cain kaya hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa at lumabas ng opisina. “Lalabas lang ako saglit,” paalam niya pagdaan sa desk ni Joey.Nang makasakay sa elevator ay muli niyang tinawagan si Katherine. Ngunit ganoon pa rin, hindi i

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 338

    PAGLABAS sa elevator ay inaya ni Katherine ang kapatid na sa kanila na lang muna kumain.“Wala si Laura dahil hinatid niya si Tita pauwi sa kanila—“ Bigla siyang natigilan nang mapagtanto kung bakit babalik ang Ina ng kaibigan sa dati nitong tinitirhang bahay. “Now I get it! Dahil aalis ka kaya siya babalik.”Pasimpleng umubo si Sherwin sabay iwas ng tingin.“Ilang araw ka ba talagang mawawala?” panghuhuli niya pa sa kapatid.Napakamot ito sa mukha, hindi masabing mawawala siya ng mahigit-kumulang na isang buwan. Kaya upang takasan ang tanong ni Katherine ay nagkunwari siyang nagugutom. “Ano kayang niluto ni Ate Elma?”Napailing na lamang si Katherine saka sila pumasok sa condo. “Kahit kailan talaga…”Tumatakbo naman na lumapit si Shannon ng marinig ang pagbukas ng pinto. “Tito!”Sinalubong naman ito ni Sherwin sabay buhat. “Argh! Grabe, ang bigat,” biro niya sa bata.Ngunit sa halip na sumimangot ay natawa lang si Shannon. “’Cause, I’m big girl na, Tito, kaya mabigat na ‘ko,” paliwan

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 337

    MABILIS na pumikit si Katherine, hinanda ang sarili sa maaaring mangyari. Ngunit sa halip na maramdaman ang paglapat ng labi nito ay nabigla siya dahil sa pisngi dumampi kaya nagmulat siya ng mata.Natawa naman si Cain nang makita ang reaksyon nito.Natauhan si Katherine saka ito tinulak sabay tayo. “Aalis na ‘ko dahil ginagawa mo na lang akong katatawanan!”Umiling-iling si Cain saka mabilis na inabot ang magkabila nitong kamay. “No, hindi ko gagawin sa’yo ‘yun.”Nagpumiglas si Katherine, pilit binabawi ang kamay hanggang sa bigla siya nitong hinila at hinalikan sa labi. Kumabog nang malakas ang dibdib sa ginawa nito pero pilit pa rin binabawi ang kamay.“Sorry na, promise, hindi na ‘ko tatawa,” may halong paglalambing na sabi ni Cain. “Maupo ka muna, hmm?”Huminga nang malalim si Katherine, tuluyang sumuko dahil alam niyang hindi siya nito titigilan hangga’t hindi nakukuha ang gusto. “Okay, bitawan mo muna ako.”Mabilis naman sinunod ni Cain ang utos pero nilipat lang niya ang kamay

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 336

    MAKALIPAS ang mahigit-kumulang na isang oras ay lumabas si Helen na nanghihina, tila matutumba at namumutla pa.“Tita!” gulat na sigaw ni Stella saka dali-dali itong inalalayan.Hawak naman ni Helen ang ulo saka mahinang sinabi ang, “Bakit ganito ang nararamdaman ko? Akala ko ba’y bubuti ang pakiramdam ko, hindi naman pala.”Inalalayan ito ni Stella pabalik sa kotse. “Baka dahil ito ang unang beses niyong magpa-hypnotherapy. Sigurado akong bubuti rin ang kalagayan niyo mamaya.”Hawak pa rin ni Helen ang ulo na kumikirot-kirot. “Mukhang kailangan kong uminom ng gamot.”Sa narinig ay agad naman kumilos ang assistant at binigay ang gamot nito. “Ito, Madam, inumin niyo.” Sabay bigay ng bottled water.Nakahinga naman ng maluwag si Helen matapos makainom. Pagkatapos ay sumandal na sa kinauupuan habang nakapikit, tila gustong matulog upang makapagpahinga.Matapos ay naging tahimik ang biyahe nila hanggang sa marating sa bahay. Muling inalalayan ni Stella ang Ginang papasok at paakyat ng hagd

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status