Napasandal ako sa sofa. Pinapakalma ang sarili at ang puso ko na kay lakas ng tibok. Hindi dapat ako makaramdam ng ganito. Alam ko kung ano ibig sabihin nitong biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko. Napasabunot ako sa aking buhok. Bakit ang tagal ng pagkain gutom na gutom na ako. Humihikab na hinilot ko ang gilid ng aking ulo. Ano ba itong pinasok ko? Hindi ba ako mapapahamak dito? Sana masabi kaagad ni Razen sa kanyang ina ang totoo nang sa ganun walang gulo na mangyari. Ilang minuto ang lumipas ng makarinig ako ng katok. Tumayo ako at tinungo ang pinto kung saan kami pumasok kanina. Ngunit nanlumo ako nang hindi ko alam paano ito buksan. Wala man lang dook knob. Tiningnan ko kung may button kagaya nang pinindot ni Razen sa labas pero wala. Naiiyak na napasandal ako sa pader. Gutom na gutom na ako. Paano ako makakain nito kung hindi ko naman alam paano buksan ang pinto na walang door knob. Kinatok ko nalang iyon. Pero sumakit na ang kamay ko sa pagtoktok walang nagbukas ng pinto.
Napabuntonghininga na dinampot ko ang card at sinilid iyon sa bulsa ng suot kong pantalon. Ang ganda at ang laki ng bahay pero ang lungkot. Parang walang nakatira na tao. Hanggang pagmamasid lang ako sa buong paligid. Baka masabihan na naman ako ng kung ano-ano ng ginang kapag nakita niya ako na sinasayasat ko ang buong bahay nila. Tumayo ako at tinungo ang silid kung saan lumabas at pumasok ang maid kanina. Dito pala ang kusina. Isang maid lang ang naabutan ko. Naglilinis siya ng pinagkainan namin kaninan. Tantiya ko nasa tatlumpung taong gulang siya. "Ate... ""Santisima! " gulat na hiyaw niya napahawak sa kanyang dibdib ang dalawang gamay. "Ma'am, sorry ho. Nagulat lang ako. "Lumapit ako sa kanya sa harap ng mahabang mesa. "Gueene ho ang pangalan ko, ate. Wag mo na ako tawagin na ma'am. ""Ako nga pala si Ruby. Pero ma'am, baka magalit si sir. Fiance ka niya diba? "Kiming ngiti lang ang isinagot ko sa tanong niya. "Kapag tayo lang ang magkasama Gueene itawag mo sa akin, " wika
Nang umalis si Ma'am Elizabeth pinuntahan ko si Ante Minda. Nanatiling nakayuko ang kanyang ulo at batid ko umiiyak siya. I didn't say a word. Nagkunwari ako na wala akong alam, wala akong narinig. Hinayaan ko lang siya na umiyak ng tahimik."Ako na dito, Gueene. Ako na maglinis, " aniya ng tulungan ko siyang damputin ang mga basag na banga. "May sugat ka sa kamay, Ante. Gamotin mo muna doon ako na muna magtipon nitong mga nabasag. ""Sige. Kukuha rin ako ng panglinis. "Wala akong karapatan para husgahan si Ante dahil wala naman akong alam sa mga nangyari sa kanila. Ngunit hindi ko maiwasan na hindi maawa kay Ma'am Elizabeth. Kung gaano ka sakit para sa kanya na sarili niyang kaibigan niloko siya, trinaydor at inagaw pa ang kaligayahan sa buong pagkatao niya. Kahit siya na ang sinaktan at niloko, nagawa niya paring patuluyin sa pamamahay niya ang dating kaibigan dahil iyon ang gusto ng kanyang asawa at para sa kinabukasan ng bata na bunga ng kanilang mga kasalanan. Hindi ko maimag
Hindi ko alam kung anong mayroon sa kanya para ganoon lang ako kadali na pumabor sa gusto niya. Wala naman akong special na naramdaman para sa kanya. Awa lang. Well... Oo gwapo siya. Bumibilis ang tibok ng puso ko kapag magkadikit kaming dalawa. Napatulala ako kapag nag alala siya pero hindi ibig sabihin no'n ay gusto ko na siya. Sa ngayon, ang naramdaman ko lang para sa kanya ay awa. When our eyes meet, his lips parted. Nagulat yata sa sinabi ko. Binalik ko ang tingin sa madilim na kalangitan. Kamangha-mangha dahil unti-unting nagsilabasan ang mga bituin doon at kumukutikutitap. Mukhang pati sila sang ayon sa desisyon ko. "Pwede naman siguro gawing fake marriage diba? " tanong ko hindi siya nilingon. "Magawan mo naman iyon ng paraan? Kasi iyon lang talaga ang tulong na kaya kong ibigay. "Mayaman naman siya. Kaya niyang gawin ang imposible gamit ang pera niya. Kaya niyang gawin na makatotohanan ang kasal kung kakapit siya sa makapangyarihan na tao at sa pera niya. Hindi naman sig
Money can buy happiness. Ngunit hindi sa lahat ng tao, hindi sa lahat ng pagkakataon. Dahil hindi lahat nabibili ng pera at isa na iyon ang kapayapaan ng puso at isip ng isang tao. Hindi niya iyon maintindihan dahil namulat siya na ang lahat ng bagay ay napapaikot gamit ang pera. Napapasaya siya ng yaman niya dahil isang pitik niya lang makuha niya ang mga gusto niya. Ngunit sa puntong ito ay mali siya. Dahil nakikita ko sa kanya na hindi siya masaya kahit napalibutan siya ng yaman niya. Puno ng galit at poot ang puso niya. At iyon ang hindi kayang burahin ng pera niya. "How dare you..! " mariing sambit niya sumisiklab ang mga mata sa galit. "Sa estado mo halata masyado na pera ng anak ko ang gusto mo! Pera babae! At iyan ang i*****k mo d'yan sa kukote mong maliit at walang alam! Sa tingin mo makuha mo lahat ng yaman ng anak ko kapag kasal na kayo? Hindi! Hindi iyon mapapasaiyo! Tandaan mo! "Napabuga ako ng hangin na sinundan siya ng tingin palabas ng silid. Kung iyon ang paniniwal
Wala siyang choice kaya basta niya lang ako ipinasok sa ganitong sitwasyon. Nakaramdam ako ng pagkadismaya sa sagot niya. Bigla ring bumigat ang dibdib ko at nawalan ng gana. Ano ba ang aasahan ko? Ano ba ang gusto kong marinig at bigla akong nagkaganito? "Nabigla ako.. Na pressure ako kay mama kaya pinakilala kita na fiance sa kanya, " napayuko siya at napahimas sa kanyang batok. "Hindi ko na mabawi kasi alam ko ang sunod na hakbang niya. Dalhin niya rito ang babae at mag set ng engagement party. Hindi ko iyon gusto, Gueene. "Napasandal siya sa ref at tumingala. " Kaya ko naman ibigay ang gusto niya na mag-asawa ako. Hindi ko lang gusto ang paraan niya. Pinapalabas niya kasi na hanggang ngayon siya parin ang masusunod. Na para bang wala akong sariling desisyon at gusto sa buhay. ""Razen... "Tumingin siya sa akin. Seryoso na ngayon ang kanyang mukha. "Ngayon narinig mo na ang dahilan ko... Nasa iyo ang desisyon kung payag ka parin sa gusto ko na magpa--""Hindi... Hindi magbabago a
Kung mapagsamantala lang akong tao, humingi na ako ng malaking pera kay Razen kapalit ang pagtulong ko sa kanya. Kaso hindi ako ganoon pinalaki ng mga magulang ko. Kaya nga siguro kami naaabuso dahil mapagkumbaba kami at matulongin. Doon lang kami natutulong maging matigas at manindigan noong namatay ang mga kapatid ko. Umupo ako sa bakal na upuan malapit kung saan ako iniwan ni Razen kanina. Saglit lang kami nag-usap ni inay at ng anak ko dahil ayaw matigil ang pag agos ng luha ko. Mabuti nalang wala masyadong tao dito walang nakakita na umiiyak ako. Inayos ko ang aking sarili nang makita si Razen. May kasama itong dalawang lalaki na sa tingin ko ay kasing edad niya lang. Parehong naka suot ng coat at parang dadalo sa isang meeting. Nag-uusap sila habang naglalakad. Bago pa sila makarating sa kinaroonan ko tumigil sila. Nagpaalam ang dalawang lalaki kay Razen na mauna na sila at may pupuntahan pa. Doon lang ako tumayo at naglakad palapit sa kanya ng wala na ang dalawang lalaki. Mu
Sanay na ako makarinig ng mga masakit na salita laban sa akin. Pero ang saktan ako pisikal, isang beses lang nangyari yun noong sampalin ako no itay nang malaman niya na buntis ako. At ito ang ikalawang pagkakataon na may nanakit sa akin pisikal. Masakit. Takot na takot ako. Wala naman siyang karapatan na saktan ako dahil wala naman akong ginagawa sa kanya. Pero anong laban ko? Nasa pamamahay niya ako. Kung sasagot ako at papatulan siya baka mas malala pa ang gagawin niya sa akin. Hindi ko pinigilan ang pagpatak ng luha ko kasabay ng paghikbi. Naka alis na si Ma'am Elizabeth ngunit nanatili parin ako sa aking kinatayuan. Nanginginig ang kamay at tuhod ko. Ang bilis din ng tibok ng puso ko dahil sa kaba na naramdaman kanina sa ginawa niya. Akala ko sampalin niya ako. Na hindi lang iyon ang aabotin ko kanina sa subrang galit niya sa akin. Hinimas ko ang braso ko na mariin niyang hinawakan kanina. Masakit iyon. May bakas pa ng mga daliri niya roon sa higpit ng pagkahawak niya.Inayos