Share

Chapter 6

Penulis: Daylan
last update Terakhir Diperbarui: 2025-01-22 14:02:49

Elara Pov

Pagbukas ni Liam sa pintuan ng room ng luxury hotel na pagmamay-ari ng pamilya ni Alexander at pina-reserved ng aking mother-in-law ay nagulat ako sa aking nakita. Hindi ko inaasahan na marami pa lang inimbitang mga kamag-anakan at close friends ang aking mother-in-law. Ang usapan namin ay immediate family lamang at ang ninong at ninang ang mga bisita ngunit hindi nangyari. Dahil sa tantiya ko ay aabot ng tatlumpung bisita ang nasa loob ng silid.

Lahat ng mga bisita ay nakangiti at nakatingin sa akin. Natutuwa silang makita ako. Ngunit ang pakiramdam ko ay parang pinagtatawanan nila ako. Minamaliit dahil hindi ako kasing-yaman ng pamilya ni Alexander.

"The bride is finally here!!!" Narinig kong sigaw ng tinig ng isang babae.

Para akong napako sa bukana ng pintuan. Tila naka-glue ang aking mga paa sa sahig kaya hindi ko ito maihakbang. Naramdaman ko rin ang biglang pamamawis ng malamig ng aking mga palad.

"Lower your eyes, Beshy. Huwag mo silang tingnan sa mukha para hindi ma-trigger ang phobia mo," mahinang bulong sa akin ng kaibigan ko. Nagpunta sa harapan ko si Liam at hinarangan ng kanyang katawan ang aking paningin para hindi ko makita ang mga bisitang nakatingin sa akin.

"H-Hindi ako makahinga, Liam. N-Nanghihina ang mga tuhod ko at masakit ang tiyan ko." Bakit ba kasi hindi tumupad sa usapan namin ang ina ni Alexander? Ang inaasahan kong mga bisita na daratnan ko sa loob ng pribadong silid ay wala pang sampu ngunit hindi pala.

"Inhale. Exhale. Huwag mo silang tingnan. Ipokus mo lang sa mukha ko ang iyong mga mata or di kaya ay ibaba mo ang iyong paningin. Huwag mong tapunan ng tingin ang mga mukha nila."

I know nag-aalala sa akin ang kaibigan ko ngunit ayaw niya akong mapahiya sa okasyong ito. Ayoko rin na mapahiya kaya dahan-dahan kong kinontrol ang aking sarili. Pinili kong sundin ang sinabi ni Liam. Hindi ako tumingin sa mukha ng mga bisita at hindi rin ako ngumiti. Bahala sila mag-isip kung bakit ganito ang reaksiyon ko.

"Bakit ayaw tumingin sa atin ng bride? Ayaw ba niya sa amin?" narinig kong tanong ng isang lalaki ngunit hindi pa rin ako nag-angat ng tingin. Sa halip na ako ang magsalita ay si Liam ang agad na nag-isip ng palusot kung bakit hindi ko sila tinatapunan ng tingin sa kanilang mga mukha.

"Dear guest, pasensiya na kayo sa kaibigan ko. Masyado siyang mahiyain." Si Liam ang humingi ng paumanhin para sa akin habang ako naman ay pinipilit pa rin ang sarili ko na kontrolin ang hindi magandang pakiramdam na nais mabuhay mula sa kaibuturan ng aking puso.

"Really? I didn't know na mahiyain pala ang bride ko," wika naman ni Alexander na lumapit pa sa akin at inangat ng dalawa niyang daliri ang aking baba para salubungin ko ang kanyang tingin. Isang nakangiti ngunit lihim na may nanunuyang tingin ang nakita ko sa mukha niya. Inilapit ni Alexander sa gilid ng tainga ko ang kanyang bibig at bumulong. "Huwag kang umarte na mahiyain ka dahil pareho nating alam kung gaano kakapal ang mukha mo, Elara. Baka gusto mong ipaalala ko sa'yo ang ginawa mo noon para lamang makuha ang pag-ibig ko?"

Ang emosyon na kanina ko pa pilit na pinipigilan ay hindi ko na nagawa pang kontrolin. Ang nanunuyang ekspresyon pa lamang ni Alexander ay sapat na para hindi ko mapigilan ang pag-atake ng phobia ng ko. Tuluyang nanlamig ang buo kong katawan. Hindi na ako makahinga.

"Stop it, Alexander," galit na pigil ni Liam sa asawa ko, pagkatapos ay hinila ako palayo sa kanya. "Listen to me, Elara. Huwag mong pakinggan ang mga sinabi ni Alexander. Huwag kang magpatalo sa kanya."

Sa malas, kahit anong sabihin pa ni Liam para mapigilan ang phobia ko ay hindi na epektibo. Dahil ang nasa isip ko ngayon ay nasa harapan ako ng mga ka-schoolmate ko habang pinagtatawanan dahil sa mga salitang binitiwan sa akin ni Alexander. My eyes were clouded with tears. Ngunit bago pa man tumulo ang aking mga luha ay nagdilim na ang paningin ko at parang  taong walang lakas na bigla na lamang akong tumimbuwag sa kinatatayuan ko.

Hindi ko alam kung ilang oras akong walang malay ngunit nang magising ako ay nasa loob na ako ng hospital at nakahiga sa hospital bed habang may nakakabit na dextrose sa kaliwang braso ko. Nakita ko ang kaibigan ko na nasa gilid ng kama at nakatulog na sa pagbabantay sa akin. Tinapik ko siya ng marahan sa balikat para magising. Pupungas-pungas namang nagising si Liam nang maramdaman ang pagtapik ko sa balikat niya.

"Thank God, you're finally awake, Elara! You scared the hell out of me," bulalas nito nang makitang may malay na ako.

"I'm sorry. Hindi ko nagawang kontrolin ang sarili ko." Bahagyang pumiyok ang tinig ko sa pagpipigil kong huwag umiyak. Kailan ba ang huling beses na nag-blackout ako dahil umatake ang aking social phobia? Hindi ko na matandaan. Ngunit katulad noon ay sa loob ng hospital na rin ako nagkamalay.

"Wala kang dapat na ihingi ng sorry sa akin, Elara. Alam ko naman kung gaano kahirap pigilan o kontrolin na huwag umatake ang phobia mo. At walang dapat sisihin sa nangyari kundi ang Alexander na iyon." Hinawakan nito ang isa kong kamay at bahagyang pinisil para ipaabot sa akin ang kanyang moral support.

"Ano nga pala ang nangyari sa reception?" Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng pag-aalala. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kapag magtanong sila sa akin kung bakit ako biglang hinimatay. Hindi naman puwedeng sabihin ko sa kanila na may social phobia ako. Ayokong malaman ni Alexander na nagkaroon ako ng social phobia dahil sa ginawa niya at ni Isabella sa akin noon. Tiyak na hindi ko makakamtan mula sa kanya ang simpatya sa halip ay sasabihin lamang niya na deserved ko itong nangyari sa akin.

"Ano pa ba ang mangyayari? Siyempre, nagkagulo ang lahat. Nagtaka kung bakit bigla ka na lamang hinimatay," sagot nito sa akin. "Pero huwag kang mag-aalala dahil sinabi ko sa kanila na kulang ka lang sa tulog. Idinahilan ko na hindi ka nakatulog ng maayos lately dahil masyado kang excited sa nalalapit mong kasal kay Alexander," paliwanag ni Liam. Bahagya siyang napangiwi dahil nababatid niyang hindi ko magugustuhan ang sinabi niya. "I'm sorry, Beshy. Wala akong maisip na magandang paliwanag maliban sa sobrang excitement na nararamdaman mo."

Bahagya akong napakuyom ng aking mga kamao. Sa sinabi ni Liam ay tiyak na mas lalo lamang mag-iisip ng masama laban sa akin si Alexander. Bahagya kong ipinilig ang aking ulo. Ano naman ngayon kung mag-isip siya ng hindi maganda sa akin? Panget naman talaga ang impression niya tungkol sa akin noon pa man. At wala akong pakialam dun.

"Wala akong pakialam   anuman ang isipin nila kung bakit ako hinimatay. Ang ipinag-aalala ko ngayon ay kung paano mabubuntis kaagad para mabilis akong makapag-file ng divorce paper sa kanya. Nakita mo naman na halos kainin na niya ako ng buhay."

"May ideya ako kung paano ka mabubuntis, Beshy." May kakaibang ngiti na naglaro sa labi ng kaibigan ko. Kumunot ang aking noo sa kanyang naisip ngunit hindi ako nagtanong. Hinayaan ko lamang siya na ipagpatuloy ang nais niyang sabihin. "Magpabuntis ka kaya sa ibang lalaki at ipa-ako mo kay Alexander."

Napasimangot ako sa ideyang naisip ni Liam. "Kapag ginawa ko iyan ay tiyak na babalatan ako ng buhay, hindi lamang ni Alexander kundi pati na rin ng mommy niya."

"Well, lasingin mo na lang siya at pag lasing na siya ay puwede mo na siyang gahasain," nakakaloko ang ngiti na wika ni Liam. Akmang babatukan ko ang kaibigan ko sa naisip nitong kalokohan nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok sa silid ang taong pinag-uusapan namin. Madilim ang mukha nito at halos mag-isang linya ang mga kilay. Tiyak na narinig nito ang biro ni Liam sa akin. Ano na naman kayang pang-iinsulto ang maririnig ko mula sa kanya ngayon?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Contract Marriage With My Bully Groom   Chapter 92

    ElaraKabadong kumatok ako sa pintuan ng opisina ni Alexander. Bakit kaya niya ako ipinapatawag? Para magpasalamat dahil ibinigay ko sa kanya ang kalayaan niya noon? Dahil sa wakas ay nagawa na nitong pakasalan ang babaeng totoong mahal nang hindi ako inaalala."Come in," narinig kong sabi ni Alexander mula sa loob ng opisina nito.Huminga ako ng malalim at kinompose ang sarili bago ko binuksan ang pintuan at pumasok sa loob. Nakita ko siyang nakaupo sa swivel chair at abala sa pagbabasa ng kung anong papeles na hawak nito."Yes, Sir? Ipinapatawag mo raw ako. What can I do for you?" agad na tanong ko kay Alexander sa pinaka-propesyunal na tono nang lumapit ako sa kanya. Sa halip na sagutin ang tanong ko sa kanya ay ipinagpatuloy lamang ni Alexander ang ginagawa nito na para bang hindi niya ako narinig. Nakaramdam ako ng inis ngunit hindi ko lamang ipinahalata. Obvious namang nais niya akong pahirapan."So you just recently joined the company." Sa wakas ay kinausap din ako ni Alexand

  • Contract Marriage With My Bully Groom   Chapter 91

    ElaraMabilis akong nagyuko ng ulo nang malapit na si Alexander sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung nakita na ba niya ako o hindi. Dalangin ko na sana ay hindi niya ako napansin. Ngunit hindi dininig ang dasal ko dahil biglang huminto sa tapat ko si Alexander pati na rin ang assistant nitong kasama. Napilitan tuloy akong mag-angat ng mukha at sinalubong ang kanyang tingin.Blangko. Iyon ang ekspresyon na nasa mukha ni Alexander habang nakatingin sa akin. Hindi ko nakita na nagulat siya o kahit ano pa mang reaksiyon mula sa kanya. Para lamang siyang nakatingin sa taong hindi niya kilala."What are you doing, Elara? Greet our new CEO," mariing utos sa akin ni Ms. Agot. Nakatingin lang kasi ako sa mga mata ni Alexander at hindi nagsasalita."Ahm, welcome to FD Group, Mr. Reed," bati ko sa kanya in a very professional tone. Hindi mahahalata ng kahit na sino na kilala ko ang lalaking kaharap ko.Ilang segundong nakatitig lamang sa akin si Alexander ngunit hindi nagsasalita. Iniiwas ko t

  • Contract Marriage With My Bully Groom   Chapter 90

    ElaraIto ang unang araw ko sa FD Group bilang isa sa kanilang bagong hired na senior designer. Maganda naman ang puwesto na nilagyan nila ng magiging mesa ko dahil malapit sa glass window. Kapag gusto kong ipahinga ang mga mata at kamay ko ay puwede akong tumingin sa labas ng bintana kung saan makikita ko sa ibaba ang napakagandang man-made garden. Nasa eight floor ang kinaroroonan ko at ang man-made garden ay nasa seventh floor lamang.Maayos naman ang pakikitungo sa akin ng mga katrabaho ko. Pero siyempre, hindi maiiwasan na may mga taong mukhang inis sa'yo kahit na wala ka namang ginagawang masama sa kanila. Nang ipinakilala ako kasi kanina ay nakita ko ang pagtaas ng kilay ng team manager namin at isang junior designer na kasama nito. Nagkibit ng balikat na lamang ako at hindi pinagtuunan ng pansin ang dalawang iyon. Unang araw ko pa lamang sa trabaho kaya hindi puwedeng makipagbanggaan agad ako sa kanila. Masisira ang record ko sa kompanya.Kung tutuusin ay hindi lang dapat i

  • Contract Marriage With My Bully Groom   Chapter 89

    ElaraNagkatinginan kami ni George nang makita namin na nasa loob din pala ng restaurant na pinasukan namin sina Isabella at Alexander. Napakaliit talaga ng mundo. Sa Canada ay ilang beses kaming muntikan nang magkita ni Alexander sa mga kumpetisyon na pareho naming sinalihan ni Isabella.Bilang CEO ng kompanyang pinagtatrabahuhan ni Isabella ay sinasamahan nito ang huli para suportahan lalo pa at dinadala ng babae ang pangalan ng kompanya bilang representative nito. Hindi pa kami nagkakaharap ni Alexander dahil agad akong uniiwas kapag nasa malapit siya sa akin. Pero si Isabella ay dalawang beses pa lamang kaming nagkakaharap at nakapag-usap. Hindi naman nito nakikilala ang boses ko at natatakpan ng maskara ang kalahati kong mukha kaya hindi niya alam na ang palaging tumatalo sa kanya sa mga international competition na si Olivia at ang ex-wife ni Alexander ay iisa. Kapag nalaman niya ang katotohanang iyon ay natitiyak kong hindi niya ito matatanggap."Mom? I said kamukha ko ang la

  • Contract Marriage With My Bully Groom   Chapter 88

    ElaraHindi ko na mabilang kung ilang beses na akong humugot ng malalim na buntong-hininga magmula nang sumakay kami ng eroplano mula Canada papuntang Pilipinas. Paglapag naman ng eroplano sa international airport ay hindi ko maiwasan ang makaramdam ng halo-halong emosyon. Narito na ulit ako sa bansa kung saan maraming masasaya at masasakit na mga alaala akong naiwan bago ako nangibang bansa.Marami kaming masasayang alaala ni Liam na magkasama na kailanman ay hindi ko makakalimutan. At siyempre, hindi ko rin malilimutan ang masasakit na nangyari sa akin. Ang pagkamatay ng mga magulang ko, ang panloloko sa akin ni Alexander at ang pagkamatay ng best friend ko.Biglang nag-ulap ang aking mga mata nang maalala ko ang mga magulang ko at si Liam. Kahit mahigit anim na taon na ang nakakalipas ay sariwa pa rin ang sakit na dulot ng kanilang pagkawala. Mayamaya lamang ay namalisbis na sa aking pisngi ang mga luha na pinipigilan kong lumabas. Mabilis akong nagpahid ng luha bago pa man ito ma

  • Contract Marriage With My Bully Groom   Chapter 87

    Elara6 years later,"The winner for this year's International Fashion Designer Competition is none other than the mysterious woman! Olivia!" masayang pag-aanounced ng host sa sodonym na ginagamit ko. Umugong nag malakas na palakpakan at hiyawan mula sa audience na pinaghalo-halo ng iba't ibang lahi. "Congratulations for the five years consecutive winner for this competition, Olivia. Please come up to the stage to receive your trophy and other awards." Nakangiting umakyat ako sa stage at tinanggap ang aking parangal. Nagbigay rin ako ng maikling speech ng pasasalamat para sa mga audience at hurado na naniwalang ako ang karapat-dapat na mag-uwi ng trophy bilang winner sa taong ito.Pinalitan ko ang dating sodonym ko ng Olivia. Ginawa ko ito bilang kasama sa pagbabagong buhay ko sa Canada. Six years ago ay namatay si Liam. Binangga ng ten wheeler truck ang kotse ng best friend ko. Idineklara ng doktor na dead on arrival na ito.Halos gumuho ang mundo ko nang mawala ang kaisa-isang tao

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status