Sa isang silid na halos nalunod sa dilim, tanging ang mahina at malamlam na ilaw mula sa isang lamp shade ang nagbibigay ng liwanag. Ang mga mukha ng pito—ang anim na galamay at si Chase—ay bahagyang nakalubog sa anino, parang mga sundalong nakatago sa ilalim ng mga maskara. Sa dulo ng mahaba at makintab na mesa, may isang lalaking halos hindi makita ang buong itsura; nakaupo siya nang nakasandal, nakatago ang kalahati ng mukha sa lilim, tanging ang mapupulang sinag ng kanyang yosi ang paminsan-minsang nagpapakita ng hugis ng kanyang labi. Hindi kailangang makita nang malinaw ang kanyang mukha; sapat na ang presensiya niya para manlamig ang silid."Report," malamig at mababang boses ang pumuno sa katahimikan. Tahimik na tumayo ang anim, kasama si Chase, parang sundalong susunod sa utos.Unang nagsalita sina Paulo at Angelo, parehong seryoso at alerto, nakaupo nang tuwid habang nag-uulat."Walang sablay, sir," sabi ni Paulo, bahagyang nakayuko. "Naitago nang maayos ang pagpapalit ng sh
Nagsalita si Bernard, mariin ang tono."Hindi tayo pwedeng kumilos kaagad. Lalo na't baka malagay sa alanganin ang Everest Corp kapag nagkamali tayo ng galaw."Tumango si Richard, ngunit nanatiling mariin ang ekspresyon."Sa ngayon, kailangan muna nating malaman kung sino talaga ang mga taong ito. Mukhang nililigaw tayo sa isang bagay." Ikinuyom niya ang kamao, pinipigil ang galit.Dumagdag si Fae, bahagyang nakakunot ang noo."Kung tama ang isa pang hinala ko, palabas lang na malalapit ang mga taong ito kay Chase. At siguradong alam ng kabilang partido na gagawin natin ang hakbang na iyon — background check… para iligaw tayo."Natahimik sila nang ilang sandali hanggang biglang tumunog ang phone ni Kevin, kinuha niya ito at binasa ang isang mensahe. Kinabahan ang tono nito."B-Boss…" nag-aatubili niyang sambit, hindi alam kung dapat bang ituloy."Ituloy mo," malamig ngunit kalmado ang tinig ni Richard.Huminga nang malalim si Kevin bago nagsalita."Same result… gaya ng una."Muling na
Sinimulang ilatag ni Fae ang lahat ng kanyang natutunan, mula sa kung paano napakalinaw at malinis ang gawa ng kalaban—halos walang kahina-hinala sa unang tingin—hanggang sa kung paano siya napunta sa logistics area at kung paano niya nakuha ang papel na hawak niya ngayon.Nagkatinginan sina Richard, Kevin, at Bernard, tila nagtataka kung ano ang hawak niya. Dahan-dahan, itinaas ni Fae ang papel at ngumiti."Ito ang record ng shipment para sa susunod na linggo," sabi niya.Nagtaas ng kilay si Richard. "Shipment record? So… normal lang ba yan o may kakaiba?"Ngumisi si Fae, parang may tinatagong sikreto. "Hindi siya ordinaryo. May kakaibang pattern dito.""Pattern?" ulit ni Bernard, nakasandal habang nakikinig.Tumango si Fae. "Kung titignan, iisang address lang ang pinapadalhan pero iba-iba ang pangalan ng consignee. At kung susuriin pa, may dalawang magkaibang street sa shipping address… pero pareho lang ang lokasyon kung saan nakaturo."Napakunot noo si Kevin. "Parang diversion tact
Nakasakay si Fae sa passenger seat habang nagmamaneho si Richard pabalik sa kanilang villa. Nanatiling tahimik dalawa, tanging ugong ng makina at ilaw ng kalsada ang kasama sa biyahe.Pagkaraan ng ilang minuto, nagsalita si Richard, hindi inaalis ang tingin sa kalsada."Kumusta ang work? Hindi ka ba napagod?"Umiling si Fae at bahagyang ngumiti. "Kung sa work, wala namang problema. Maayos naman lahat sa HR. Pero…" napabuntong-hininga siya at tumingin sa bintana, "kung sa mission, medyo sumakit ang ulo ko."Napatingin sandali si Richard, saka muling bumalik ang mga mata niya sa daan. "Ganun ba kabigat?"Umikot ang mga mata ni Fae at natawa nang mahina. "Hindi naman gano'n kabigat… pero nakakainis din kung minsan. Parang ang daming layers bago makarating sa sagot."Nagkibit-balikat si Richard, parang walang gaanong pakialam pero halata ang concern sa tono. "At least, sanay ka na sa ganyang palaisipan. Ako? Mas gusto ko yung diretsuhan—sabihin kung sino, puntahan, tapos."Umiling si Fae,
Humarap si Franco sa kanyang team bago nagsalita, malakas at malinaw ang boses. "Mga tol, maayos ang kargamento. Siguraduhin na lang na secured lahat bago kayo mag-out. Bukas, balik tayo rito ng maaga para sa susunod na batch. Pwede na kayong magpahinga."Sabay-sabay na tumango at nagpasalamat ang mga lalaki bago nagsi-alisan. Malinaw na team leader si Franco—hindi lang dahil sa awtoridad niya, kundi dahil kita ang respeto ng mga kasamahan.Nang makaalis ang lima, tumayo si Fae mula sa kinauupuan niya at mahinahong humakbang palapit."Mr. Javier," tawag niya nang makalapit.Aalis na sana si Franco para mag-out nang marinig ang boses. Luminga siya, at agad nagbago ang ekspresyon—mula sa pagod na anyo, naging magalang na ngiti."Director White, ano pong kailangan niyo?" tanong niya, bahagyang yumuko bilang paggalang.Ngumiti si Fae, pinili ang banayad na tono. "Kanina pa kita napapansin. Lagi ka bang binubully ni Ariel?" biro niya, kasabay ng mapang-asar na ngisi.Biglang namula ang ten
Nang makita ni Ariel kung sino ang humawak sa kanya mula sa likuran, biglang nag-iba ang ekspresyon ng kanyang mukha. Mula sa pagkagulat, unti-unti itong naging parang pusang pinisil ang pisngi—pacute, may pa-kindat-kindat pa at kagat-labi."F… Fra-Franco…" halos pa-falsetto niyang tawag, pero dahil sa natural niyang baritonong boses, naging parang sablay na halo ng mababa at mataas—tunog batang babae na pa-cute pero may halong yabag ng tambol.Tama, ang taong humawak kay Ariel ay walang iba kundi si Franco Javier, ang taong kanina pa hinahanap ni Fae.Napatingin lahat, at halos mabulunan sa tawa ang mga empleyado. "Grabe, sir, parang nag-transform ka bigla!" hirit ng isa.Si Franco naman, kalalabas lang mula sa isang bodega, may dalang clipboard at ilang papel. Pawisan pa ang noo niya at bahagyang marumi ang uniporme dahil sa pagbubuhat. Pero kahit pawisan, halata ang tikas nito—kaya lalo pang tumindi ang pagpapacute ni Ariel."Ahh, Sir Ariel," malumanay na bati ni Franco. "Naayos na