Share

Chapter 240: Bungo

Author: Author W
last update Last Updated: 2025-09-03 09:58:19

Tahimik ang opisina, tanging tunog lang ng pagpitik ng lapis sa mesa ang maririnig. Sa gilid ng kanyang paningin, napansin ni Fae ang bahagyang paggalaw ng anino. Agad siyang nakaramdam ng kaba; bumilis ang tibok ng kanyang puso. Dahan-dahan siyang napalingon, at muntik na siyang mapatili nang makita kung sino ang nandoon.

"Richard!" bulalas niya, napahawak pa sa dibdib. "Grabe ka, muntik na 'ko mahulog sa upuan! Halos hindi ako makahinga!"

Ngumiti si Richard, "Ang lalim ng iniisip mo, Fae," biro nito. Lumapit siya, tinuro ang orasan sa dingding. "5 PM na pero hindi ka pa bumababa. Kaya naisip kong puntahan ka. Pagpasok ko rito, parang nakalimutan mo na ang oras."

Napatigil si Fae, tiningala ang orasan at nakita na 5:20 na pala. Napangiti siya nang bahagya. "Magliligpit lang ako ng gamit, tapos uwi na tayo," sabi niya.

Tumango si Richard at tumayo sa tabi ng mesa, matiyagang naghihintay habang maingat na inaayos ni Fae ang mga dokumento at gamit. Tahimik lang ang paligid; tanging mahi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 255: Nasaan si Fae?

    St. Claire Medical HospitalSa pinakamataas na palapag ng ospital, naroon ang opisina ng chairman. Maluwang, malamig ang aircon, may mga painting ng mga lumang donor at malaking panoramic window na tanaw ang abalang kalsada ng Maynila. Sa gitna, nakaupo sa leather chair ng chairman ang isang lalaking naka-suit, preskong-presko, tuwid at maayos ang buhok na parang bagong gupit pa sa mamahaling barberya. Kumislap ang silver na relo sa kanyang pulso—isang limitadong edisyon na halatang hindi basta nabibili ng karaniwang tao. Nakalapat ang isang kamay niya sa mesa habang nilalaro ang daliri, samantalang sa harap niya ay nakatayo ang isang lalaki na halatang sabik at puno ng respeto."Not bad," mahinahong sambit ng nakaupo, habang nagbabasa ng isang makapal na report folder. Malinaw na siya si Richard Gold—ang bagong may hawak ng St. Claire.Lumapad ang ngiti ng nakatayo. "Mr. Gold, sinunod ko ang lahat ng bilin ninyo para sa ospital. Karamihan ng lumang kagamitan ay napalitan na. Nagdala

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 254: Loyal Dogs

    Sumimangot ang babaeng naka-red dress at tiningnan nang matalim ang batang babae sa tabi niya."Geraldine! Ano ba? Tumigil ka na sa kakalaro," singhal niya, sabay irap.Nalungkot si Geraldine at dahan-dahang ibinaba ang hawak na tablet. Tumingin siya kay Glenda na para bang batang pinagalitan ng ina."Mom… hindi pa ba tayo papasok? Nagugutom na ako," ani Geraldine sabay hawak sa tiyan, para bang wala siyang pakialam sa sitwasyong kinasasangkutan nila.Malinaw na ngayon—ang dalawang kontrabidang babae ay walang iba kundi ang mag-inang Glenda at Geraldine, na matagal nang walang balita kung saan nagtatago… at ngayon ay muling lumitaw sa piling ng mas malalaking pwersa.Hindi pinansin ni Glenda ang reklamo ng anak, bagkus ay mabilis na lumapit siya sa lalaking naka-dark suit. "Mr. Avila, nakuha na si Fae at success sa pagkakataong ito—"Hindi pa siya natatapos nang bigla siyang pinutol ng lalaki. Isang mamantika at matabang lalaki na halos puputok ang suot na suit sa sobrang sikip, pawis

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 253: Kamay ng kaaway

    St. Claire Medical HospitalMula sa malayo, tanaw ang matayog na gusali ng ospital. Puting-puti ang facade nito, at sa malalaking glass window ay makikita ang abalang paggalaw ng mga pasyente, nurse, at doktor. Sa labas ng main entrance, patuloy ang daloy ng tao—may mga nakangiting pamilya na sinusundo ang kaanak na gumaling na, kadalasan sakay ng mga mamahaling sasakyan. Sa kabilang banda naman, may mga dumadating na pamilya na bitbit ang bagong pasyente, bakas sa mukha ang kaba at lungkot.Sa loob ng ospital na ito nakaconfine si Marcela, hindi alam ng marami na may mas malalim na plano ang unti-unting nagaganap sa paligid.Samantala, sa parking lot sa likod ng ospital, huminto ang isang sleek na itim na kotse. Bumukas ang pinto, at mula rito ay bumaba ang isang babae. Hindi maitatanggi ang kanyang kariktan—ang kanyang office suit ay eleganteng nakatahi, sa kamay niya ay isang branded handbag, at nakasuot siya ng malapelikulang sunglasses. Sa unang tingin, mistulang isa siyang artis

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 253: Reverse Scale

    Sa villa ng kabilang kampoAng masayang halakhak nina Victor at Richmond kanina ay biglang naglaho. Ang sala na kanina'y puno ng tawanan at pagbubunyi ay nabalutan ng bigat at katahimikan.Nakatayo si Victor, hawak pa ang baso ng alak na hindi niya naituloy inumin, habang si Richmond naman ay nakaupo pa rin sa leather chair—pero ang mukha ay itim na itim ang ekspresyon, punong-puno ng pagkabigo at galit."Hindi… hindi puwede ito," mariing bulong ni Richmond, halos bumaon ang daliri sa baso ng alak na hawak niya bago tuluyang ibagsak sa mesa. Ang tunog ng salamin ay tumama sa kahoy na mesa na may halong pwersa, dahilan para magulat si Victor."Faerie White…" halos durugin ni Richmond ang pangalan habang nakatitig sa TV screen na kaka-patay lang niya. "Hindi ko man lang inisip na magiging banta siya. Mas nakatuon ako kay Richard…"Umiling si Victor, naglalakad paikot na para bang sinusubukang intindihin ang sitwasyon. "Mukhang nagkulang tayo ng pagsusuri. Inisip natin na wala siyang lab

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 251: Basta Driver, Sweet Lover

    Napailing si Fae at marahang nag-roll ng eyes kay Ariel."Ang OA ha," sabi niya habang pinipigilang matawa.Ngumiti si Ariel na parang bata at nag-blink nang mahigit isang daang beses sabay paypay ng pamaypay na parang nagpa-cute."Richard," ani Ariel na may kasamang pa-fall na tono, "alam mo, kung hindi ko lang bestfriend si Fae, baka sinagot na kita.""ARTEEEE!" sabay hagikgik ng ilang empleyado sa gilid.May sumabat pa na, "Kung ganun, love triangle pala 'to?!" sabay tawa ng iba.Isa namang bibo ang sumigaw, "Si Director Fae ang heroine! Si Sir Richard… eh edi male lead!""Tapos si Sir Ariel… extra!" dagdag pa ng isa na sinadyang pahigpitin ang boses na parang announcer.Nagkatawanan ang buong lobby, kahit may ilan pang tila shock pa rin sa mga pangyayari.Pero sa kabila ng lahat ng iyon, hindi man lang kumurap si Richard. Hindi siya nagpatawa, hindi siya tumawa sa biro, at hindi rin siya napatinag sa kakulitan ni

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 250: Instant Chaos

    Sa loob ng Everest Corp Headquarters, matapos ang huling sagot ni Fae sa interview at tuluyang pumasok siya sa loob ng gusali, tila biglang nagkaroon ng instant chaos. Ang dating tahimik at busy na atmosphere ng opisina ay napuno ng bulungan at gulat ng mga empleyado."Grabe… si Director Fae? Siya pala 'yong tumuklas nung sindikato?""Paano niya nagawa 'yon?!""Ni hindi ko nga alam na may ganoong kalaking problema sa loob…""Kung hindi siya kumilos… baka nakapasok talaga ang mga kriminal sa kumpanya natin!"Ang bawat department ay nag-uusap-usap, halos hindi makapaniwala. Ang mga mata ng lahat ay nakatuon sa HR Director na tahimik lang na naglalakad, simple pa rin ang kilos, pero ngayon ay parang may aura ng heroism na dumadagundong sa buong lobby.At syempre, bago pa siya tuluyang makapasok, agad nang lumutang si Ariel, naka-pink floral suit, kumikislap ang brooch, at may hawak na pamaypay na animadong inaalon-alon na parang kasama sa choreography."Ayyyyy hija!" malakas na sigaw ni

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status