Tahimik si Fae. Hindi siya umiimik. Pero hindi rin siya basta malamig—may kakaiba sa tingin niya.Parang may hinahanda siyang hindi inaasahan ni Richard.Tahimik. Tahimik na parang bagyong walang tunog pero punung-puno ng pangamba.Nagpakita siya ng kakaibang ekspresyon.Hindi galit. Hindi rin malungkot.Isang tinging walang emosyon—at dahil doon, mas lalong kinabahan si Richard.Nanuyo ang lalamunan niya.Hindi siya mapakali. Napahawak sa batok, sa baba, sa pantalon. Hindi alam ang gagawin.Parang kulang na lang ay tumakbo palabas.At sa hindi inaasahang sandali, iniabot ni Fae ang isang folder.Parang tinamaan ng kidlat si Richard.Nanlaki ang mata niya.'Oh no…''Ito na ba 'yon?''Ito na 'yung papel na kinatatakutan ng lahat ng mister sa mundo…'Naisip niya.Napalunok si Richard. Nanginginig ang kamay. Hindi na siya makahinga sa kaba."M-misis..." nauutal niyang sabi."Hindi mo naman kailangang gawin 'to agad... I-I mean, oo, alam kong nagkamali ako sa pagtatago, pero... pero hindi
Matapos ang ilang sandaling pagkabigla, napabuntong-hininga si Fae.Tila ba, sa kaibuturan ng kanyang puso, alam na niya.Hindi nga lang niya inaasahan na ganito ang katotohanan.Malinaw, hindi na ito haka-haka. Hindi teorya. Isa itong kumpirmadong katotohanan na nakasulat mismo sa harap niya.Noong una, naisip niya na normal na magkamag-anak lang sina Kevin at Richard kaya may mga bagay na ginagawa si Richard na hindi pinapansin ni Kevin.May pagkakataon pa nga na parang magkapatid ang kilos at ugali ng dalawa.May mga bagay din siyang ipinagtataka noon—…kung bakit ganoon kalaya si Richard sa mga gamit ng presidente.…kung bakit tila hindi siya sumusunod kundi sinusunod.Ngayon, malinaw na lahat.Ang "driver" ng presidente… ay walang iba kundi ang mismong PRESIDENTE.Si Richard Gold.Napangiti nang mapait si Fae.Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman.Hindi siya sigurado kung ano ang iisipin.Ano nga ba ang dahilan kung bakit ito inilihim ni Richard?Huminga siya nang malalim, s
Napakatahimik ng buong silid.Ni langitngit ng sapatos ay walang marinig, at kung may lamok man na lumipad, marahil ay aalingawngaw ang bawat pagaspas ng pakpak nito. Ang bawat tao ay parang estatwa—nakapako ang paningin sa isang tao.Si Richard Gold.Para siyang bumabang diyos mula sa ulap, isang tagahatol na may dalang rebelasyon. Hindi siya basta negosyante ngayon—sa mata ng marami, isa siyang nilalang na may kakayahang makita ang hinaharap.Ang mga mata ay hindi kumukurap.Ang mga tenga ay bukás.May mga negosyanteng naglabas ng notepad.May mga secretaryang nagbukas ng recorder sa phone.May ilan pang nag-type ng LIVE NOTES sa kanilang tablet.Alerto. Sabik. Gutom sa kaalaman.Maging si Mr. Yale sa entablado ay hindi gumalaw, ni hindi huminga nang malalim. Ang katahimikan ay parang naglalakad sa hangin—tahimik pero bigat na bigat.Inayos ni Richard ang kanyang upo, gaya ng isang hari sa trono.Tumuwid siya, bahagyang itinukod ang siko sa armrest, bago nagsalita:"Sa totoo lang…"
May pagtataka ang lahat. Isa-isa ring inilabas ang kanilang mga cellphone.Ang ilan, ipinahawak sa kanilang mga sekretarya.Sabay-sabay silang nag-browse.Iba't ibang device, iisang headline ang lumitaw."BREAKING: Natural Oil Source Discovered Beneath Former Dump Site in Batangas — Gold Prime Enterprises Confirms Eco-Energy Exploration Breakthrough"Iisa ang naging reaksyon ng lahat: gulat.May nabitawan ang kanyang phone. May napamura sa sarili.Ang ilan ay napaatras sa pagkakaupo.Tanging si Richard at Kevin lamang ang nanatiling relaks at kalmado.Sa entablado, napakunot ang noo ni Mr. Yale.Hindi na nakatiis.Inilabas niya ang kanyang telepono at nag-browse.Pagkabasa pa lang ng headline—"Ah!" bulalas niya, halos malaglag ang microphone. "Isang... Isang natural oil resource!"Napatingin siya kay Richard.Ngunit si Richard ay tahimik lang, ang ngiti ay halos hindi gumagalaw.Ilang sandali ang nakalipas...Nang makumpirma na nakuha na ni Richard ang lot 13, agad siyang nagpadala n
Maingat niyang isinilid muli ang telepono sa bulsa.Pagkatapos ay tumingin siya kay Victor—isang titig na matalim ngunit walang galit, isang ngiting mapanlinlang, isang ekspresyon na tila nagsasabing: "Natalo mo ako… sa paligsahang ikaw ang tanging kalahok."Napangisi si Victor nang makita ang ngiti ni Richard. "Ano? Inaamin mo na bang natalo ka at napapangiti ka na lang?" panunuya niya.Tumawa pa siya. "Richard, Richard… kinakalawang ka na talaga. Wala ka nang maidadahilan ngayon, wala ka ring maipagmamalaki. Ni hindi mo nga maipaliwanag kung bakit mo binili ang dump site."Tumango si Richard, tila umayon."Tama ka," malumanay niyang sabi."Wala talaga akong maidadahilan kung bakit ko binili ang Lot 13…"Humagalpak sa tawa si Victor."Ayan! Narinig n'yo ba? Narinig n'yo? Tapos na! Si The Prophet, inamin na wala siyang dahilan—wala siyang plano!"Napatawa rin ang ilan sa paligid.Tumingin si Victor sa lahat, tinuro ang screen kung saan nakaproject ang larawan ng Lot 13—ang dating dump
Nabingi sa sandaling katahimikan ang pavilion.May mga negosyanteng napatingin sa isa't isa, namangha, habang ang iba ay napailing at napatawa, halatang hindi makapaniwala sa bilis ng pag-ikot ng mga pangyayari."Grabe 'yun," bulong ng isa, "inangat niya 'yung presyo hanggang mapaso 'yung kalaban.""Sinadya niyang ipamukha sa lahat kung gaano kalalim ang larong nilalaro niya.""Kung ako si Victor, matagal ko nang binawi 'yung bid.""Eh auction 'yan. Walang pinilit sa kanya.""Classic Richard Gold. The Prophet nga talaga."May ilan ring bumaling sa kanilang mga sekretaryo at tagapayo, nagsusulat ng notes, tila gustong pag-aralan ang taktika ni Richard.Ngunit sa kabilang banda, may ilang negosyante rin ang tumango-tango, nang-uuyam, at palihim na pinagtatawanan si Victor."Ganyan talaga kapag padalos-dalos.""Hindi man lang inaral ang project plan.""Puro yabang, kulang sa groundwork."Galit. Labis ang galit ni Victor habang naririnig ang mga bulungan sa paligid.Nanginginig ang kanyan