FAZER LOGINCHAPTER 97Makalipas naman ang ilang minuto ay muli namang inilabas si Athena sa Emergency Room upang dalhin sa Delivery Room.Muli namang sumunod si Michelle kung saan dinala ang kanyang kaibigan at matyaga lamang siyang naghintay sa labas noon.Ilang oras pa ang nakalipas at nanatili lamang si Michelle sa labas ng Delivery Room at maya maya pa nga ay lumabas na ang doktor ni Athena kaya naman agad na siyang lumapit dito.“Dok, kumusta po ang kaibigan ko? Kumusta po ang baby nya?” sunod sunod na tanong ni Michelle sa doktor.“Ligtas na naisilang ni Ms. Athena ang kanyang baby boy,” nakangiti naman na pagbabalita ng naturang doktor kay Michelle. “Sa ngayon ay mag stay muna siya r’yan sandali at maya maya pa ay pwede na rin naman siyang mailipat sa kanyang private room,” dagdag pa niya.Tila nabunutan naman ng tinik si Michelle dahil sa ibinalita na iyon ng doktor ni Athena. Sobrang kinakabahan na kasi talaga siya kanina pa dahil ang tagal lumabas ng doktor at sobrang nag aalala na siy
CHAPTER 96“Athena, are you okay?” puno naman ng pag aalala na tanong ni Michelle ng mapansin niya na biglang natigilan ang kanyang kaibigan habang nakahawak ito sa tyan nito.“M-Mich… p-parang manganganak na yata a-ako. Ahhh,” nauutal pa na sagot ni Athena sa kanyang kaibigan at napasigaw na lang talaga siya ng bigla na namang sumakit ang tyan. Hindi na rin nga maipinta ang mukha niya dahil talagang ngagon lang niya naranasan ang ganoon.Nanlaki naman ang mga mata ni Michelle sa sinabi na iyon ni Athena kaya naman bigla rin siyang nataranta ng bigla nga itong sumigaw.“Oh my god. Manganganak ka na nga siguro. Teka… a-anong gagawin ko? B-Bubuhatin ba kita? Wait lang… p-pero hindi kita kaya. Sandali hihingi ako ng tulong,” tarantang taranta naman na sabi ni Michelle dahil talagang hindi niya alam ang kanyang gagawin sa kanyang kaibigan.“AHHHHHHH…. ang sakit, Mich,” sigaw pa ni Athena at napapapikit na lang talaga siya ng mariin ng biglang nagsunod sunod ang paghilab ng kanyang tyan.M
CHAPTER 95MAKALIPAS ANG PITONG BUWAN….Mabilis naman na lumipas ang pitong buwan at gaya nga ng napagdesisyunan ni Athena ay nanatili lamang siya Canada. Ngayon nga ay siyam na buwan na ang kanyang ipinagbubuntis at ipinagpapasalamat na lang talaga niya dahil parehong maayos ang lagay nilang mag ina at talagang naghihintay na lamang sila ngayon na manganak siya.Sa nakalipas din na mga buwan ay naging maayos naman ang pagbubuntis ni Athena bagamat minsan ay nakakaranas nga siya ng pagkahilo at pagsama ng pakiramdam ay nariyan naman si Michelle na palagi niyang kasa kasama kahit na saan man siya magpunta.Paminsan minsan din ay naaalala ni Athena ang kanyang nga magulang at pati na rin si Lucas. Napapaisip nga siya minsan kung hinahanap ba man lang siya ng pamilya niya o hindi at pati na rin ng kanyang asawa. Pero sa tuwing naiisip niya ang tungkol sa bagay na iyon ay tila ba nakakaramdam siya ng labis na kalungkutan dahil sa nangyari sa kanya ngayon. Minsan kasi kapag mag isa si At
CHAPTER 94 Dahil naman sa sinabi na iyon ni Timothy ay tila ba biglang natauhan si Lucas. Naipikit na lang niya ng mariin ang kanyang mga mata at saka siya nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Dahil kasi sa sobrang pag iisip niya kay Athena ay talagang nagiging mainitin na ang ulo niya kaya naman ang kanyang mga empleyado ang napagbubuntunan niya ng init ng ulo niya. Gustong gusto na kasing makita at makasama muli ni Lucas ang kanyang asawa. At kung kinakailangan na suyuin niya ito araw araw ay talagang gagawin niya basta makasama lang niya ito at hindi ganito na nag aalala silang lahat kung nasaan na ba ito ngayon. “Naiintindihan ko naman na may pinagdaraanan ka ngayon at kagaya mo gusto ko rin na mahanap na ang anak ko. Nag aalala na rin ako sa kanya dahil alam ko na hindi yun sanay na mamuhay na mag isa. Pero sa ngayon ay intindihin mo na muna ang iyong kumpanya at ang tungkol naman kay Athena ay pagtutulungan natin na mahanap siya at hindi tayo titigil hanggat hindi
CHAPTER 93Samantala naman sa opisina ni Lucas ay hindi na magkandaugaga si Janice sa mga pinapagawa ni Lucas sa kanya. Isang buwan na nga ang nakalilipas simula ng umalis si Athena at simula rin ng bumalik si Lucas sa kanyang opisina ay naging mainitin na ang ulo nito. Palagi na rin nga itong nakasigaw kaya naman ang ibang mga empleyado nito ay natatakot na sa tuwing daraan ito dahil baka masigawan nga sila.“Janice, ano ba naman itong mga papeles na ito? Ang gulo… hindi ko maintindihan. Ipaulit mo ang mga yan sa finance department. Sabihin mo sa kanila kapag hindi pa nila naayos ang trabaho nila ay magresign na lang sila. Yan na nga lang ang trabaho nila hindi pa nila maayos ayos,” sigaw ni Lucas sa kanyang sekretarya at saka niya inihagis ang naturang folder sa kanyang lamesa. Napahilot na lang talaga siya sa kanyang sintido dahil tila ba sumakit nga iyon dahil sa kanyang binasa.“Sige po sir,” tipid na sagot ni Janice at saka niya kinuha ang folder na iyon.Napabuga naman ng hang
CHAPTER 92“Ano na pala ang balak mo ngayon? Ayaw mo ba talagang bumalik muna ng Pinas para masabi mo sa asawa mo at sa pamilya mo ang tungkol sa pagbubuntis mo?” tanong pa ni Michelle kay Athena matapos niya itong tulungan na makapagpalit ng damit.Naupo naman si Athena sa kanyang kama at saka siya nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.“Kanina ko pa nga pinag iisipan ang tungkol sa bagay na yan. Sa totoo lang… nagtatalo ang isip ko dahil gusto ko rin naman bigyan ng isang kumpletong pamilya ang anak ko pero sa kabilang banda naman ay iniisip ko rin na ayoko naman na mapipilitan lang kaming magsama na mag asawa nang dahil sa bata. Kaya naman napag isip isip ko na siguro mas maganda na dito na muna ako. Naisip ko rin kasi na maganda rin naman ang magiging buhay namin na mag ina rito. Alam ko na hindi magiging madali yun pero kakayanin ko para sa anak ko,” sagot ni Athena sa kanyang kaibigan.“Sigurado ka na ba r’yan sa desisyon mong iyan? Mas mainam siguro na pag isipan mo m
CHAPTER 3Naging maayos naman ang naging reception ng kasal nila Lucas at Athena. Hanggang sa isa isa na rin nga na nag aalisan ang kanilang mga bisita roon kaya naman nagpasya na rin sila na umalis doon at naiwan na lamang doon ang ilang tauhan ni Lucas para magbantay sa ilan pa nilang mga bisita.
CHAPTER 2Pagkarating ng bagong kasal sa reception nila ay ni hindi man lang tinitingnan ni Athena si Lucas dahil totoong naiinis siya rito dahil sa sinabi nito kanina sa kanya at bukod pa roon ay bigla rin siyang nakaramdam ng pagkailang dito.Sa totoo lang ay napakagwapo naman talaga ni Lucas at
CHAPTER 1ATHENA MADRIGAL“I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride.”Mga salitang ayaw pang marinig ni Athena pero wala na siyang magagawa pa dahil nasa harapan na siya ngayon ng altar at opisyal ng sinabi ng pari na sila ay kasal na ni Lucas Infante ang matalik na kaibigan
CHAPTER 7FLASHBACK……Abalang abala noon si Lucas sa mga papeles na nasa kanyang lamesa ng biglang dumating ang kanyang matalik na kaibigan na si Timothy na mainit ang ulo ng mga oras na iyon.“Ano na naman ang dahilan ng pag init nyang ulo mo?” seryoso na tanong ni Lucas kay Timothy.Huminga naman







