แชร์

CHAPTER 3

ผู้เขียน: Anne
last update วันที่เผยแพร่: 2026-06-02 21:48:42

CHAPTER 3

Naging maayos naman ang naging reception ng kasal nila Lucas at Athena. Hanggang sa isa isa na rin nga na nag aalisan ang kanilang mga bisita roon kaya naman nagpasya na rin sila na umalis doon at naiwan na lamang doon ang ilang tauhan ni Lucas para magbantay sa ilan pa nilang mga bisita.

“Inayos mo na ba ang iyong mga gamit sa inyo? Dadaan na kasi tayo roon para kunin ang mga gamit mo,” tanong ni Lucas kay Athena habang papalabas sila roon.

Napatingin naman si Athena kay Lucas dahil sa sinabi nito at nagtataka pa siya kung bakit nila dadaanan ang kanyang mga gamit doon.

“Ha? G-gamit ko? Bakit? Bakit kailangang kunin ang mga gamit ko?” takang taka pa na tanong ni Athena kay Lucas.

Napabuga naman ng hangin sa kanyang bibig si Lucas dahil sa sinabi na iyon ni Athena dahil para bang palagi na lang siyang nakikipagbiruan dito kung sumagot ito sa kanya.

“Athena, hindi ka naman na bata. Malamang mag asawa na tayo kaya kailangan na nating magsama na dalawa kaya kailangan nating kunin ang mga gamit mo. Alangan naman na mag asawa tayo tapos ay doon ka pa rin nakatira sa inyong bahay,” tila naiinis naman na sagot ni Lucas sa dalaga.

Gulat na gulat naman si Athena sa sinagot na iyon ni Lucas at mapakla pa nga siyang natawa.

“Wait lang. Wala sa usapan yan ha. Ang usapan ay kasal lang. At isa pa pwede naman na kahit kasal tayo ay sa amin pa rin ako nakatira. Sino ba ang nagsabi na hindi pwede ang ganoong set up? Wala namang ibang nakakaalam no’n kundi tayo tayo lang at saka wala silang pakialam kung ganoon ang gusto nating set up,” daldal naman ni Athena kay Lucas at saka siya humalukipkip at inirapan pa niya ang kanyang asawa.

“Tsk. Talaga ba? Grabe… mukhang mababaliw ako sayong babae ka. Mag asawa na tayo tapos gusto mo ganon ang set up natin. Hindi yata ako makapapayag non. Ang mag asawa ay nakatira lamang sa iisang bahay kaya ayun ang dapat na mangyari,” hindi naman napigilan na sa sagot ni Lucas kay Athena dahil parang mauubusan na kaagad siya ng pasensya rito. “Ang mabuti pa ay doon na muna tayo dumiretso sa inyo at doon mo na lamang kausapin ang iyong ama tungkol sa bagay na yan,” pagpapatuloy pa niya at saka siya agad na sumakay ng kanyang kotse.

Nagulat naman si Athena sa inasta na iyon ni Lucas at ang mas ikinagulat niya ay ni hindi man lang siya nito pinagbuksan ng pinto ng sasakyan gayong alam naman nito na nakagown pa siya at hirap kumilos. Kaya naman mas lalong napasimangot sui Athena hanggang sa makasakay siya sa sasakyan ni Lucas.

Tahimik naman na naghintay si Lucas kay Athena sa loob ng kanyang sasakyan at sinadya rin talaga niya na hindi ito tulungan dahil naiinis siya rito dahil para  itong bata na walang muwang sa mundo kapag kinakausap niya.

“Napaka gentleman mo talaga. Salamat ha,” sabi ni Athena pakasakay niya sa sasakyan ni Lucas at saka niya ito inirapang muli.

Hindi naman na nagsalita pa si Lucas at agad na niyang pinaandar ang kanyang sasakyan. Ni hindi rin niya linilingon ang kanyang asawa dahil sa sobrang inis niya rito.

Mahigit isang oras din ang naging byahe nila bago sila makarating sa mansyon ng mga Madrigal. Pagkarating na pagkarating nila roon ay nagmamadali naman na bumaba si Athena sa sasakyan ni Lucas at agad nga itong pumasok sa loob ng mansyon ng kanyang mga magulang.

“Mom! Dad!” sigaw ni Athena pagkapasok niya sa loob ng mansyon at agad niyang iginala ang kanyang paningin dahil gustong gusto na niyang makausap ang kanyang magulang.

“Narito na pala kayo. Hindi na namin kayo hinintay pa na umalis doon dahil alam ko  naman na dito rin kayo didiretso. At isa pa bakit ba sigaw ka ng sigaw dyan? Para kang nawawalang bata,” sabi ni Timothy habang bumababa siya ng hagdan kasama ang kanyang asawa.

“Dad totoo ba? Sa bahay na ng lalaki na iyan ako titira?” agad na tanong ni Athena sa kanyang ama habang nakatingin siya rito pero hindi niya maiwasan na magtaka at mapakunot ang noo dahil kasunod ng kanyang ama na bumababa ng hagdan ang kanilang mga kasambahay na may dalang mga maleta. “Aalis po ba kayo? Bakit po may mga maleta?” takang taka pa na tanong niya sa kanyang ama.

Tumawa naman ng malakas si Timothy dahil sa naging tanong na iyon ng kanyang anak.

“Hindi kami aalis ng mommy mo, Athena. At ang mga maleta na iyan… mga gamit mo ang laman niyan. Pinaayos ko na lamang sa nga kasambahay natin ang mga gamit mo dahil alam ko naman na busy ka sa kakalakwatsa mo kaya hindi mo iyan magagawa. At tama ka rin ng sinabi kanina. Sa bahay na ni Lucas ikaw titira simula ngayon dahil mag asawa na kayong dalawa,” sagot naman ni Timothy sa kanyang anak.

Napaawang naman ang labi ni Athena dahil sa pagkagulat sa sinabi na iyon ng kanyang ama. Oo nga at pumayag siya sa gusto nitong mangyari na magpakasal siya kay Lucas pero wala naman sa usapan nila na kailangan niyang tumira sa bahay nito.

“What? Pero dad–”

“Asawa mo na siya Athena kaya natural lang na magsasama na kayo sa iisang bubong. Wag kang mag alala dahil tiwala naman ako na hindi ka niya pababayaan dahil matagal ko na iyang kilala at maalagang tao iyang si Lucas hindi nga lang talaga halata. Alam ko rin na mahaba ang pasensya ng isang iyan kaya nga siya ang napili ko na mapangasawa mo dahil kung ibang lalaki ang hahanapin ko ay tiyak na susuko kaagad sa’yo dahil sa ugali at pagiging pasaway mo,” pagpuputol ni Timothy sa nais pang sabihin ng kanyang anak.

“Pero dad ayoko po. Gusto ko na dito lang po ako sa mansyon titira. Ayoko pong tumira kasama ang lalaki na iyan. Alam nyo naman po na wala talaga kaming relasyon na dalawa at ipinakasal nyo lang ako sa kanya kaya hindi ko po kayang tumira sa iisang bahay na kasama ang lalami na iyan,” naiiyak pa na sabi ni Athena sa kanyang ama at linapitan pa nga niya ito at nagpapaawa pa ang tingin niya rito.

Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Timothy habang nakatingin siya kay Athena. 

Sa totoo lang ay sobrang mahal na mahal nila ng kanyang asawa ang nag iisa nilang anak na si Athena. At dahil nga nag iisa nila itong anak ay masyado talaga itong naspoiled kaya naman ngayon ay hirap na talaga sila itong kontrolin. At simula nga ng tumuntong ito ng 18 years old ay nagsimula na talaga itong magpasaway at napabarkada na rin nga ito at dahil ayaw naman ni Timothy na tuluyang mapariwara ang kanyang anak ay naisipan na lang niya na ipakasal ito sa kanyang matalik na kaibigan na si Lucas. Natatakot kasi si Timothy na baka kung sino sino na lang na lalaki ang mapangasawa ng kanyang anak kaya naman napagkasunduan nilang mag asawa na sila na ang pipili ng lalaki na mapapangasawa ng kanilang anak. Sa tingin naman nila ay titino ito kay Lucas dahil may pagkastriktto talaga ito pero alam naman nila na hindi nito pababayaan ang kanilang anak. Bagamat malayo ang agwat ng edad ni Lucas sa kanilang anak ay wala naman iyong kaso sa kanila dahil ang mahalaga sa kanila ngayon ay maging maayos ang kalagayan ng kanilang anak.

“Alam mo na hindi yan maaari, Athena. Ngayon na mag asawa na kayo ni Lucas ay kailangan mo ng sumama sa kanya. Alam ko na mahihirapan ka na mag adjust pero alam ko naman na kaya mo yan at sa simula ka lang naman mahihirapan niyan. At isa pa para rin naman ito sa’yo anak kaya ko ito ginagawa. Alam namin ng mommy mo na ito ang makabubuti para sa’yo kaya sundin mo na lamang kami at wag ng magpasaway pa,” sagot ni Timothy kay Atgena dahil kailangan niyang tiisin ang kanyang anak ngayon dahil kung palagi pa rin nila itong pagbibigyan sa gusto nito ay baka mas lalo lamang itong maging sakit sa ulo nila.

 Nag unahan naman sa pagpatak ang luha ni Athena dahil sa sinabi na iyon ng kanyang ama dahil kapag sinabi nito ay kailangan talaga na masunod dahil kapag hindi niya ito sinunod ay baka totohanin nito ang sinabi nito na pababayaan na siya nito.

“Pero dad… please naman po. Pumayag naman na po ako na magpakasal sa kanya pero hindi ko pa po kayang tumira sa iisang bubong kasama siya. Please dad, wag nyo naman pong gawin sa akin ito,” umiiyak pa na pagmamamakaawa ni Athena sa kanyang ama.

Seryoso naman na tinitigan ni Timothy ang kanyang anak at kahit pa naaawa siya rito ay kailangan niyang magmatigas dahil para naman sa kapakanan nito ang kanyang ginagawa.

“Hindi maaari ang gusto mong mangyari na yan, Athena. Bagong kasal pa lamang kayo tapos gusto mo na hindi ka titira sa kanya. Hindi yan pwede, Athena. Sumama ka na sa kanya at dadalaw dalawin ka naman namin doon ng mommy at anytime naman ay pwede ka ring bumisita rito sa mansyon,” sagot ni Timothy sa kanyang anak at saka siya bumuntong hininga. “Kung susundin kasi natin ang gusto mong mangyari na iyan ay hindi ka masasanay na kasama ang iyong asawa. Hindi ka naman na bata para hindi mo maintindihan ang mga sinasabi ko sa’yo. At gaya nga ng sinabi ko ay para rin naman ito sa ikabubuti mo,” pagpapatuloy pa niya.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 99

    CHAPTER 99LUCAS INFANTE Sa kabilang banda naman hanggang ngayon ay hinahanap pa rin nila Lucas si Athena at sobrang nag aalala na nga sila rito ngayon. Ilang buwan na rin kasi ang nakalipas at talagang hindi pa rin nila mahanap hanap ito. Nagdagdag na rin sila ng mga tao at halos libutin na nga ng mga ito ang buong bansa pero hindi pa rin talaga nila mahanap si Athena kaya labis na rin talaga silang nag aalala rito.At ngayon nga ay naroon si Lucas sa kanyang opisina at sa totoo lang ay napakalayo na ng itsura nito sa dati nitong itsura. Kung noon kasi ay napakalinis nitong tingnan pero ngayon nga ay halos hindi mo na ito makilala dahil ang dating magandang tabas ng buhok nito ngayon nga ay mahaba na at mayroon na rin siyang balbas ngayon. Bukod pa roon ay halata mo sa mukha nito na talagang stress na ito.Sa nakalipas din na mga buwan ay nagkaroon na rin ng bisyo si Lucas dahil kung dati ay ayaw nitong makaamoy ng sigarilyo ngayon ay naninigarilyo na ito at bukod pa roon ay madala

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 98

    CHAPTER 98 “Ethan Isaac... Ethan Isaac Infante ang magiging pangalan ng napakacute at napakagwapo kong anak,” sagot ni Athena habang nananatili siyang nakangiti at nakatitig sa kanyang anak na mahimbing na natutulog. Hindi na rin nga niya napigilan pa ang kanyang luha habang nakatitig sa kanyang anak at iyon ay luha ng labis na kasiyahan na nararamdaman niya ngayon. “Ethan Isaac… Napakagandang pangalan at bagay na bagay din talaga sa kanya,” pag sang ayon naman ni Michelle sa kanyang kaibigan. “Wag ka na ngang umiyak r’yan, Athena. Tsk. Pati ako madadamay sa pag iyak mo na iyan eh,” pagpapatuloy pa niya at nangingilid nga agad ang luha niya ng makita niya na umiiyak na si Athena dahil talagang mababaw ang kanyang luha. Sa totoo lang ay masaya siya para sa kanyang kaibigan dahil kahit na alam niya na nahihirapan na ito ay talagang kinakaya pa rin nito. Natawa naman si Athena ng makita niya ang kanyang kaibigan na nagpipigil na ng pag iyak. Agad na rin naman niyang pinunasan ang kan

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 97

    CHAPTER 97Makalipas naman ang ilang minuto ay muli namang inilabas si Athena sa Emergency Room upang dalhin sa Delivery Room.Muli namang sumunod si Michelle kung saan dinala ang kanyang kaibigan at matyaga lamang siyang naghintay sa labas noon.Ilang oras pa ang nakalipas at nanatili lamang si Michelle sa labas ng Delivery Room at maya maya pa nga ay lumabas na ang doktor ni Athena kaya naman agad na siyang lumapit dito.“Dok, kumusta po ang kaibigan ko? Kumusta po ang baby nya?” sunod sunod na tanong ni Michelle sa doktor.“Ligtas na naisilang ni Ms. Athena ang kanyang baby boy,” nakangiti naman na pagbabalita ng naturang doktor kay Michelle. “Sa ngayon ay mag stay muna siya r’yan sandali at maya maya pa ay pwede na rin naman siyang mailipat sa kanyang private room,” dagdag pa niya.Tila nabunutan naman ng tinik si Michelle dahil sa ibinalita na iyon ng doktor ni Athena. Sobrang kinakabahan na kasi talaga siya kanina pa dahil ang tagal lumabas ng doktor at sobrang nag aalala na siy

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 96

    CHAPTER 96“Athena, are you okay?” puno naman ng pag aalala na tanong ni Michelle ng mapansin niya na biglang natigilan ang kanyang kaibigan habang nakahawak ito sa tyan nito.“M-Mich… p-parang manganganak na yata a-ako. Ahhh,” nauutal pa na sagot ni Athena sa kanyang kaibigan at napasigaw na lang talaga siya ng bigla na namang sumakit ang tyan. Hindi na rin nga maipinta ang mukha niya dahil talagang ngagon lang niya naranasan ang ganoon.Nanlaki naman ang mga mata ni Michelle sa sinabi na iyon ni Athena kaya naman bigla rin siyang nataranta ng bigla nga itong sumigaw.“Oh my god. Manganganak ka na nga siguro. Teka… a-anong gagawin ko? B-Bubuhatin ba kita? Wait lang… p-pero hindi kita kaya. Sandali hihingi ako ng tulong,” tarantang taranta naman na sabi ni Michelle dahil talagang hindi niya alam ang kanyang gagawin sa kanyang kaibigan.“AHHHHHHH…. ang sakit, Mich,” sigaw pa ni Athena at napapapikit na lang talaga siya ng mariin ng biglang nagsunod sunod ang paghilab ng kanyang tyan.M

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 95

    CHAPTER 95MAKALIPAS ANG PITONG BUWAN….Mabilis naman na lumipas ang pitong buwan at gaya nga ng napagdesisyunan ni Athena ay nanatili lamang siya Canada. Ngayon nga ay siyam na buwan na ang kanyang ipinagbubuntis at ipinagpapasalamat na lang talaga niya dahil parehong maayos ang lagay nilang mag ina at talagang naghihintay na lamang sila ngayon na manganak siya.Sa nakalipas din na mga buwan ay naging maayos naman ang pagbubuntis ni Athena bagamat minsan ay nakakaranas nga siya ng pagkahilo at pagsama ng pakiramdam ay nariyan naman si Michelle na palagi niyang kasa kasama kahit na saan man siya magpunta.Paminsan minsan din ay naaalala ni Athena ang kanyang nga magulang at pati na rin si Lucas. Napapaisip nga siya minsan kung hinahanap ba man lang siya ng pamilya niya o hindi at pati na rin ng kanyang asawa. Pero sa tuwing naiisip niya ang tungkol sa bagay na iyon ay tila ba nakakaramdam siya ng labis na kalungkutan dahil sa nangyari sa kanya ngayon. Minsan kasi kapag mag isa si At

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 94

    CHAPTER 94 Dahil naman sa sinabi na iyon ni Timothy ay tila ba biglang natauhan si Lucas. Naipikit na lang niya ng mariin ang kanyang mga mata at saka siya nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Dahil kasi sa sobrang pag iisip niya kay Athena ay talagang nagiging mainitin na ang ulo niya kaya naman ang kanyang mga empleyado ang napagbubuntunan niya ng init ng ulo niya. Gustong gusto na kasing makita at makasama muli ni Lucas ang kanyang asawa. At kung kinakailangan na suyuin niya ito araw araw ay talagang gagawin niya basta makasama lang niya ito at hindi ganito na nag aalala silang lahat kung nasaan na ba ito ngayon. “Naiintindihan ko naman na may pinagdaraanan ka ngayon at kagaya mo gusto ko rin na mahanap na ang anak ko. Nag aalala na rin ako sa kanya dahil alam ko na hindi yun sanay na mamuhay na mag isa. Pero sa ngayon ay intindihin mo na muna ang iyong kumpanya at ang tungkol naman kay Athena ay pagtutulungan natin na mahanap siya at hindi tayo titigil hanggat hindi

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 5

    CHAPTER 5Nauna naman ng pumasok sa loob ng mansyon si LUcas at nakasunod lamang naman sa kanya si Athena habang ang mga gamit nito ay pinakuha na lamang niya sa kanyang mga kasambahay.Napansin naman ni Lucas na iginagala pa ni Athena ang paningin nito sa kabuuan ng kanyang mansyon at pansin niya

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 4

    CHAPTER 4Matapos ang mahaba habang pakiusapan na iyon sa pagitan ni Athena at ng kanyang magulang ay hindi pa rin talaga nanalo si Athena at nasunod pa rin talaga ang kanyang ama kaya naman wala na siyang nagawa pa ng isakay na sa sasakyan ni Lucas ang kanyang mga gamit. Bagsak ang balikat na su

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 1

    CHAPTER 1ATHENA MADRIGAL“I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride.”Mga salitang ayaw pang marinig ni Athena pero wala na siyang magagawa pa dahil nasa harapan na siya ngayon ng altar at opisyal ng sinabi ng pari na sila ay kasal na ni Lucas Infante ang matalik na kaibigan

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 2

    CHAPTER 2Pagkarating ng bagong kasal sa reception nila ay ni hindi man lang tinitingnan ni Athena si Lucas dahil totoong naiinis siya rito dahil sa sinabi nito kanina sa kanya at bukod pa roon ay bigla rin siyang nakaramdam ng pagkailang dito.Sa totoo lang ay napakagwapo naman talaga ni Lucas at

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status