共有

Contract Marriage with My Dad's Bestfriend
Contract Marriage with My Dad's Bestfriend
作者: Anne

CHAPTER 1

作者: Anne
last update 公開日: 2026-06-01 19:31:57

CHAPTER 1

ATHENA MADRIGAL

“I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride.”

Mga salitang ayaw pang marinig ni Athena pero wala na siyang magagawa pa dahil nasa harapan na siya ngayon ng altar at opisyal ng sinabi ng pari na sila ay kasal na ni Lucas Infante ang matalik na kaibigan ng kanyang ama.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Athena bago siya humarap kay Lucas na ngayon ay asawa na niya.  At nang itaas na nito ang kanyang suot na belo ay nanatili lamang na seryoso ang kanyang mukha.

“Ngumiti ka naman kahit ngayon lang. Maraming tao ang nakatingin sa atin at ayaw mo naman siguro na mapagalitan ka ng iyong ama pagkatapos ng kasal na ito,” mahinang sabi ni Lucas kay Athena dahil hindi na talaga niya napigilan pa ang kanyang sarili na pagsabihan ito ng ganon dahil kanina pa talaga niya napapansin na nakasimangot o di kaya naman ay walang emosyon ang mukha nito.

“Okay na ba to?” mahinang sabi ni Athena kay Lucas habang may pilit na ngiti sa kanyang labi na para bang nang aasar pa ito at saka niya inirapan si Lucas.

Napabuntong hininga na lamang talaga muli si Lucas at napapailing na lang din talaga siya sa inasal na iyon ni Athena dahil para talag itong bata.

At para nga matapos na iyon ay isang magaan na halik sa labi ang iginawad ni Lucas kay Athena na ngayon ay asawa na niya. Kanina pa kasi naghihintay ang lahat ng naroon na nakatingin sa kanila na halikan niya si Athena.

Masigabong palakpakan naman ang umalingawngaw sa loob ng simbahan matapos na halikan ni Lucas si Athena. At habang ang lahat ay masaya sa kanilang nasaksihan si Athena naman ay natulala na lamang at hindi kaagad nakagalaw sa kanyang kinatatayuan dahil hindi niya inaasahan na sa labi talaga siya hahalikan ni Lucas.

Mahina naman na siniko ni Lucas si Athena ng mapansin niya na natulala na pang ito matapos niyang halikan.

Agad naman na bumalik sa wisyo si Athena dahil sa ginawa na iyon ni Lucas at napakurap kurap na lang talaga siya at napalunok ng sarili niyang laway dahil pakiramdam niya ay biglang nanuyo ang kanyang lalamunan sa hindi niya malamang dahilan. Ramdam na ramdam din niya ang pag iinit ng kanyang pisngi dahil iyon ang unang beses na hinalikan siya ni Lucas.

Matapos na pumirma ng kanilang mga ninong at ninang ay isa isa na rin na nagsilapit ang kanilang mga bisita sa kanila upang batiin silang dalawa. Karamihan din sa mga bisita nila na naroon ngayon ay mga kilalang tao sa mundo ng pagnenegosyo. Si Athena kasi ay nagmula sa kilalang angkan ng mga Madrigal habang si Lucas naman ay isa sa tagapagmana ng pamilya Infante.

“Congratulations sa inyong dalawa.”

“Binabati ko kayo.”

“Congrats!”

Matapos na batiin sila Athena at Lucas ng kanilang mga bisita ay kinuhaan na rin muna sila ng litrato roon kasama ng ilan sa mga bisita nila at habang ginagawa nga iyon ay nakabantay lamang ang ama ni Athena sa di kalayuan sa kanya dahil baka magmaldita na naman ang kanyang anak at baka hindi ito makaya ni Lucas.

Pagkatapos sa simbahan ay agad na rin naman silang dumiretso sa reception ng kanilang kasal at habang nasa sasakyan pa nga lang ang bagong kasal ay hindi na maipinta ang mukha ni Athena at hindi na talaga naalis ang kunot sa noo nito.

Napansin naman ni Lucas ang pagsimangot na iyon ni Athena kaya naman napabuntong hininga na lamang talaga siya at bigla tuloy siyang napaisip kung tama ba na sinunod niya ang gustong mangyari ng kanyang matalik na kaibigan na pakasalan niya ang anak nito.

“Athena, hindi ka na bata para magmuryot ng ganyan. Umayos ka nga dahil nakakahiya sa mga bisita natin baka mamaya ay kung ano na lang ang isipin ng mga yan kapag nakita ka nila na nakasimangot,” hindi na napigilan na saway ni Lucas kay Athena na ngayon nga ay asawa na niya.

Napatingin naman si Athena sa gawi ni Lucas at saka niya ito inirapan.

“Bakit? Ano ba ang gusto mong gawin ko? Ngumiti? Sa tingin mo ba ay madaling ngumiti sa harap ng maraming tao? Hindi naman ako artista para ngumiti ng ngumiti sa kanila. At isa pa ay kayo naman ni daddy ang may gusto nito kaya sa tingin nyo ba ay matutuwa ako?” pagmamaldita naman ni Athena sa kanyang asawa at lalo pa itong sumimangot na para bang isang bata na hindi nasunod ang gusto.

Napabuga na lamang talaga ng hangin sa kanyang bibig si Lucas at napapailing na lang din talaga siya dahil sa pinapakitang ugali na iyon ng kanyang asawa.

“Tsk. Wag ka sa akin magreklamo ng ganyan dahil ang ama mo ang nakiusap sa akin tungkol sa bagay na ito. At isa pa bakit hindi mo na lamang sinuway ang iyong ama tutal ay matigas naman talaga ang iyang ulo. Hindi ba nga kaya ka niya pinakasal sa akin ay dahil dyan sa katigasan ng ulo mo,” sagot ni Lucas kay Athena habang nanatili na seryoso ang kanyang mukha. “At dahil nagpakasal ka naman sa akin at hindi ka naman umurong ay asawa mo na ako  kaya wag mo akong masimangot simangutan dyan dahil ginusto mo na rin naman iyan. At dahil asawa mo na ako ngayon ay may karapatan naman siguro ako na punahin ka sa mga mali mong ginagawa lalo na at dala dala mo na rin ang pangalan ko kaya ayusin mo ang mga kinikilos mo dahil wala akong balak na sirain ang pinangangalagaan kong pangalan ng pamilya namin,” pagpapatuloy pa niya at hindi na talaga niya napigilan pa ang kanyang sarili na  pagsalitaan ng ganon si Athena dahil hindi naman siya nagpakasal para sirain lang nito ang iniingatan niyang pangalan ng kanilang pamilya.

Nagulat naman si Athena sa sinabi na iyon ni Lucas. Napakurap kurap na lang talaga siya habang nakaawang ang kanyang labi dahil hindi talaga niya inakala na sasabihin iyon sa kanya ni Lucas. Matagal na kasing kilala ni Athena si Lucas lalo na at matalik itong kaibigan ng kanyang ama at sa pagkakakilala niya rito ay napakatahimik nitong tao pero isa ito sa kinatatakutan sa mundo ng pagnenegosyo kagaya ng kanyang ama. 

“Talaga ba? E bakit kasi hindi na lang ikaw ang humindi sa kasalan na ito? At saka bakit hindi ka rin tumutol sa gustong mangyari ni dad dahil kung tutuusin ay pwede ka rin namang humindi sa gustong mangyari ni daddy,” mataray naman na sagot ni Athena kay Lucas.

“Tama ka… pwede naman talaga sana akong humindi sa kasalan na ito pero gaya nga ng sinabi ko ay wala akong balak na sirain ang iningatan na pangalan ng aking pamilya at kung uurong ako bigla ngayon ay parang ipinahiya ko na rin ang aking pamilya. At isa pa ay ang ama mo na rin mismo ang nakiusap sa akin na kung pwedeng ako na lamang daw ang maging asawa ng kanyang unica hija na pasaway. Syempre sino ba naman ang aayaw sa grasya? Nasa tamang edad na ako ng pag aasawa at ganon din naman ikaw kaya hindi naman na siguro masama na tanggapin ang alok na iyon ng iyong ama,” sagot ni Lucas kay Athena at saka niya ito kinindatan.

Hindi naman makapaniwala si Athena sa huling sinabi na iyon ni Lucas. Bigla tuloy siyang pinamulahan ng mukha dahil totoo naman na pwede na talaga siyang mag asawa pero hindi naman niya akalain na sa matalik pa talaga na kaibigan ng kanyang ama siya ikakasal.

“Bastos!” gigil na sabi ni Athena at saka niya tinalikuran si Lucas at sa bintana na lang talaga siya humarap.

Lihim naman na natawa si Lucas dahil sa inasta na iyon ni Athena. Gusto lang naman niya itong asarin dahil sa pagmamaldita nito sa kanya at hindi niya inaasahan na mapipikon ito sa kanyang sinabi.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 99

    CHAPTER 99LUCAS INFANTE Sa kabilang banda naman hanggang ngayon ay hinahanap pa rin nila Lucas si Athena at sobrang nag aalala na nga sila rito ngayon. Ilang buwan na rin kasi ang nakalipas at talagang hindi pa rin nila mahanap hanap ito. Nagdagdag na rin sila ng mga tao at halos libutin na nga ng mga ito ang buong bansa pero hindi pa rin talaga nila mahanap si Athena kaya labis na rin talaga silang nag aalala rito.At ngayon nga ay naroon si Lucas sa kanyang opisina at sa totoo lang ay napakalayo na ng itsura nito sa dati nitong itsura. Kung noon kasi ay napakalinis nitong tingnan pero ngayon nga ay halos hindi mo na ito makilala dahil ang dating magandang tabas ng buhok nito ngayon nga ay mahaba na at mayroon na rin siyang balbas ngayon. Bukod pa roon ay halata mo sa mukha nito na talagang stress na ito.Sa nakalipas din na mga buwan ay nagkaroon na rin ng bisyo si Lucas dahil kung dati ay ayaw nitong makaamoy ng sigarilyo ngayon ay naninigarilyo na ito at bukod pa roon ay madala

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 98

    CHAPTER 98 “Ethan Isaac... Ethan Isaac Infante ang magiging pangalan ng napakacute at napakagwapo kong anak,” sagot ni Athena habang nananatili siyang nakangiti at nakatitig sa kanyang anak na mahimbing na natutulog. Hindi na rin nga niya napigilan pa ang kanyang luha habang nakatitig sa kanyang anak at iyon ay luha ng labis na kasiyahan na nararamdaman niya ngayon. “Ethan Isaac… Napakagandang pangalan at bagay na bagay din talaga sa kanya,” pag sang ayon naman ni Michelle sa kanyang kaibigan. “Wag ka na ngang umiyak r’yan, Athena. Tsk. Pati ako madadamay sa pag iyak mo na iyan eh,” pagpapatuloy pa niya at nangingilid nga agad ang luha niya ng makita niya na umiiyak na si Athena dahil talagang mababaw ang kanyang luha. Sa totoo lang ay masaya siya para sa kanyang kaibigan dahil kahit na alam niya na nahihirapan na ito ay talagang kinakaya pa rin nito. Natawa naman si Athena ng makita niya ang kanyang kaibigan na nagpipigil na ng pag iyak. Agad na rin naman niyang pinunasan ang kan

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 97

    CHAPTER 97Makalipas naman ang ilang minuto ay muli namang inilabas si Athena sa Emergency Room upang dalhin sa Delivery Room.Muli namang sumunod si Michelle kung saan dinala ang kanyang kaibigan at matyaga lamang siyang naghintay sa labas noon.Ilang oras pa ang nakalipas at nanatili lamang si Michelle sa labas ng Delivery Room at maya maya pa nga ay lumabas na ang doktor ni Athena kaya naman agad na siyang lumapit dito.“Dok, kumusta po ang kaibigan ko? Kumusta po ang baby nya?” sunod sunod na tanong ni Michelle sa doktor.“Ligtas na naisilang ni Ms. Athena ang kanyang baby boy,” nakangiti naman na pagbabalita ng naturang doktor kay Michelle. “Sa ngayon ay mag stay muna siya r’yan sandali at maya maya pa ay pwede na rin naman siyang mailipat sa kanyang private room,” dagdag pa niya.Tila nabunutan naman ng tinik si Michelle dahil sa ibinalita na iyon ng doktor ni Athena. Sobrang kinakabahan na kasi talaga siya kanina pa dahil ang tagal lumabas ng doktor at sobrang nag aalala na siy

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 96

    CHAPTER 96“Athena, are you okay?” puno naman ng pag aalala na tanong ni Michelle ng mapansin niya na biglang natigilan ang kanyang kaibigan habang nakahawak ito sa tyan nito.“M-Mich… p-parang manganganak na yata a-ako. Ahhh,” nauutal pa na sagot ni Athena sa kanyang kaibigan at napasigaw na lang talaga siya ng bigla na namang sumakit ang tyan. Hindi na rin nga maipinta ang mukha niya dahil talagang ngagon lang niya naranasan ang ganoon.Nanlaki naman ang mga mata ni Michelle sa sinabi na iyon ni Athena kaya naman bigla rin siyang nataranta ng bigla nga itong sumigaw.“Oh my god. Manganganak ka na nga siguro. Teka… a-anong gagawin ko? B-Bubuhatin ba kita? Wait lang… p-pero hindi kita kaya. Sandali hihingi ako ng tulong,” tarantang taranta naman na sabi ni Michelle dahil talagang hindi niya alam ang kanyang gagawin sa kanyang kaibigan.“AHHHHHHH…. ang sakit, Mich,” sigaw pa ni Athena at napapapikit na lang talaga siya ng mariin ng biglang nagsunod sunod ang paghilab ng kanyang tyan.M

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 95

    CHAPTER 95MAKALIPAS ANG PITONG BUWAN….Mabilis naman na lumipas ang pitong buwan at gaya nga ng napagdesisyunan ni Athena ay nanatili lamang siya Canada. Ngayon nga ay siyam na buwan na ang kanyang ipinagbubuntis at ipinagpapasalamat na lang talaga niya dahil parehong maayos ang lagay nilang mag ina at talagang naghihintay na lamang sila ngayon na manganak siya.Sa nakalipas din na mga buwan ay naging maayos naman ang pagbubuntis ni Athena bagamat minsan ay nakakaranas nga siya ng pagkahilo at pagsama ng pakiramdam ay nariyan naman si Michelle na palagi niyang kasa kasama kahit na saan man siya magpunta.Paminsan minsan din ay naaalala ni Athena ang kanyang nga magulang at pati na rin si Lucas. Napapaisip nga siya minsan kung hinahanap ba man lang siya ng pamilya niya o hindi at pati na rin ng kanyang asawa. Pero sa tuwing naiisip niya ang tungkol sa bagay na iyon ay tila ba nakakaramdam siya ng labis na kalungkutan dahil sa nangyari sa kanya ngayon. Minsan kasi kapag mag isa si At

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 94

    CHAPTER 94 Dahil naman sa sinabi na iyon ni Timothy ay tila ba biglang natauhan si Lucas. Naipikit na lang niya ng mariin ang kanyang mga mata at saka siya nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Dahil kasi sa sobrang pag iisip niya kay Athena ay talagang nagiging mainitin na ang ulo niya kaya naman ang kanyang mga empleyado ang napagbubuntunan niya ng init ng ulo niya. Gustong gusto na kasing makita at makasama muli ni Lucas ang kanyang asawa. At kung kinakailangan na suyuin niya ito araw araw ay talagang gagawin niya basta makasama lang niya ito at hindi ganito na nag aalala silang lahat kung nasaan na ba ito ngayon. “Naiintindihan ko naman na may pinagdaraanan ka ngayon at kagaya mo gusto ko rin na mahanap na ang anak ko. Nag aalala na rin ako sa kanya dahil alam ko na hindi yun sanay na mamuhay na mag isa. Pero sa ngayon ay intindihin mo na muna ang iyong kumpanya at ang tungkol naman kay Athena ay pagtutulungan natin na mahanap siya at hindi tayo titigil hanggat hindi

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 4

    CHAPTER 4Matapos ang mahaba habang pakiusapan na iyon sa pagitan ni Athena at ng kanyang magulang ay hindi pa rin talaga nanalo si Athena at nasunod pa rin talaga ang kanyang ama kaya naman wala na siyang nagawa pa ng isakay na sa sasakyan ni Lucas ang kanyang mga gamit. Bagsak ang balikat na su

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 3

    CHAPTER 3Naging maayos naman ang naging reception ng kasal nila Lucas at Athena. Hanggang sa isa isa na rin nga na nag aalisan ang kanilang mga bisita roon kaya naman nagpasya na rin sila na umalis doon at naiwan na lamang doon ang ilang tauhan ni Lucas para magbantay sa ilan pa nilang mga bisita.

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 2

    CHAPTER 2Pagkarating ng bagong kasal sa reception nila ay ni hindi man lang tinitingnan ni Athena si Lucas dahil totoong naiinis siya rito dahil sa sinabi nito kanina sa kanya at bukod pa roon ay bigla rin siyang nakaramdam ng pagkailang dito.Sa totoo lang ay napakagwapo naman talaga ni Lucas at

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 7

    CHAPTER 7FLASHBACK……Abalang abala noon si Lucas sa mga papeles na nasa kanyang lamesa ng biglang dumating ang kanyang matalik na kaibigan na si Timothy na mainit ang ulo ng mga oras na iyon.“Ano na naman ang dahilan ng pag init nyang ulo mo?” seryoso na tanong ni Lucas kay Timothy.Huminga naman

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status