แชร์

CHAPTER 2

ผู้เขียน: Anne
last update วันที่เผยแพร่: 2026-06-02 21:48:29

CHAPTER 2

Pagkarating ng bagong kasal sa reception nila ay ni hindi man lang tinitingnan ni Athena si Lucas dahil totoong naiinis siya rito dahil sa sinabi nito kanina sa kanya at bukod pa roon ay bigla rin siyang nakaramdam ng pagkailang dito.

Sa totoo lang ay napakagwapo naman talaga ni Lucas at kung titingnan mo ito ay hindi mo aakalain na napakalayo ng agwat ng edad nila ni Athena dahil napakabata talaga nitong tingnan.

Napansin naman ni Lucas ang ikinikilos na iyon ni Athena kaya naman napabuntong hininga na lamang talaga siya at saka niya hinawakan ang kamay nito at saka ikinawit sa kanyang braso.

“Umayos ka nga ng pagkilos mo Athena kung ayaw mong ipahiya ka ng iyong ama ngayon kapag nakita ka niya na ganyan ang ikinikilos. At isa pa, ano ba kasi ang isinisimangot mo r’yan? Hindi na lang talaga natanggal yang pangungunot ng noo mo at nadaig mo pa ang pasan ang mundo sa simangot mong iyan. Para sabihin ko sa’yo hindi ka naman na lugi sa akin dahil maganda naman ang lahi ko at kaya ko rin naman na bigyan ka ng magandang lahi at bukod pa roon ay kaya ko rin naman na ibigay ang luho mo,” mahinang sabi ni Lucas kay Athena nang hindi na talaga siya nakatiis sa pagsisimangot nito.

Simula kasi ng biruin ito kanina ni Lucas hanggang sa makarating sila roon sa kanilang reception ay nakasimangot na lang talaga si Athena at hindi tumitingin sa kanya.

Nanlaki naman ang mata ni Athena dahil sa sinabi na iyon ni Lucas  at hindi niya akalain na hindi pa pala ito tapos sa pang aasar sa kanya. Hindi rin talaga niya akalain na marunong din pala itong magsalita ng ganon dahil ang akala niya ay palagi lamang etong seryoso sa buhay at hindi pwedeng biruin.

“Tsk. Hindi ko naman akalain na may sapak ka rin pala sa utak. Ang akala ko pa naman ay sa matinong tao ako ipapakasal sa akin ng aking ama yun pala ay sa isang lalaki na may pagkamayabang pala niyo ako ipinakasal,” sabi ni Athena at saka niya inirapan muli ang kanyang asawa.

Mahina naman na natawa si Lucas dahil sa sinabi na iyon ni Athena dahil binibiro lamang naman niya ito at hindi niya akalain na seseryosohin nito ang kanyang sinasabi. Gusto lang naman sana niyang gumaan ang loob nito sa kanya pero mukhang napikon naman ito. Bigla tuloy siyang natuwa na pagtripan ito.

“Tigil tigilan mo yang pag irap mong iyan dahil baka patirikin ko yang mata mo sa kama,” biro pa niya rito. 

Hindi naman makapaniwala si Athena sa sinabi na iyon ni Lucas at talagang nanlaki ang mata niya habang nakatingin dito.

“Bastos!” mahinang sabi ni Athena.

“Ang mabuti pa ay pumasok na tayo sa loob dahil hinihintay na tayo ng ating mga bisita. Ayusin mo rin yang pagkilos mo dahil nakakahiya kung may makakita sa’yo na nagkakaganyan ka. Baka mamaya ay kung ano na ang isipin nila sa atin. Mamaya na lamang tayo mag usap ng masinsinan dahil kailangan pa nating harapin ang ating mga bisita. Siguro naman ay ayaw mong ipahiya ka ng iyong ama sa harap ng maraming tao ngayon,” sabi pa ni Lucas at hindi na niya pinansin pa ang pagkapikon na iyon ni Athena.

Bigla namang natigilan si Athena sa sinabi na iyon ni Lucas. Kilalang kilala na kasi niya ang kanyang ama at mabait naman talaga ito pero iba rin talaga itong magalit dahil wala itong pakialam sa paligid nito kapag galit ito at ipapahiya ka talaga nito kahit pa maraming tao sa paligid ninyo.

Napabuntong hininga na lang talaga si Athena dahil kailangan niyang ikalma ang kanyang sarili dahil ayaw niyang makita na magalit muli ang kanyang ama lalo na ngayon na napakaraming tao roon.

Muli namang hinawakan ni Lucas ang kamay ni Athena at saka sila sabay na pumasok sa loob ng venue ng kanilang reception. Sinalubong pa nga sila ng masigabong palakpakan ng lahat ng naroon.

Habang naglalakad naman papunta sa unahan ang dalawa ay napansin naman ni Athena ang kanyang ama na titig na titig sa kanya kaya naman napalunok na lamang talaga siya ng sarili niyang laway at saka siya pilit na ngumiti sa kanilang mga bisita na karamihan sa mga naroon ay hindi naman niya kilala.

Agad naman na sinimulan ang programa ng reception ng kasal nila Lucas at Athena. Pilit na lamang na nag enjoy si Athena roon kahit na ang totoo ay nalulungkot siya dahil natali na siya sa isang kasal na hindi naman niya ginusto at isa pa ay wala na rin namang magagawa pa ang pagmumuryot niya na iyon dahil kasal na sila ni Lucas.

Maya maya pa ay naging abala naman na ang lahat sa kanilang mga pagkain at maging ang bagong kasal ay kumain na rin muna dahil kailangan pa rin nilang mag ikot sa kanilang mga bisita na naroon.

Habang abala silang kumakain na dalawa ay bigla namang lumapit sa kanilang pwesto ang ama ni Athena na si Timothy kaya naman biglang napaayos ng kanyang pagkakaupo si Athena.

“D-Dad,” nauutal pa na sabi ni Athena.

Tumikhim naman si Timothy at saka siya tumayo malapit sa kanyang anak.

“Umayos ka Athena. Nakita ko ang pinakita mong ugali kanina. Ayaw mo naman siguro na mapahiya ngayon sa harap ng maraming tao,” mahinang sabi ni Timothy sapat na para marinig ng kanyang anak.

Napalunok naman ng sarili niyang laway si Athena dahil sa sinabi na iyon ng kanyang ama at talagang bigla siyang kinabahan ng dahil doon.

Bumuntong hininga naman si Lucas dahil narinig niya ang sinabi na iyon ni Timothy kaya naman tumikhim na siya upang maagaw ang atensyon nito.

“Ako na ang bahala sa anak mo. Hayaan mo na siya sa akin at kapag hindi ko na kaya ang ugali niya ay magsasabi na lamang ako sa’yo. Pero sa ngayon ay kaya ko pa naman ang ugali ng iyong anak. At isa pa gusto mo ba na parehas masira ang pangalan natin ngayon dahil kapag ipinahiya mo siya ngayon ay damay din ang pangalan ko. Kaya ang mabuti pa ay bumalik ka na roon at mag enjoy ka na lamang din,” sabat naman na ni Lucas at saka siya tumingin kay Athena na nakayuko na lamang ang ulo.

Naipilig naman ni Timothy ang kanyang ulo dahil sa sinabi na iyon ni Lucas at saka siya tumingin sa kanyang anak.

“Ayusin mo yang ugali mo Athena. Wag mo kaming ipahiya rito ngayon. Mga kilalang tao ang mga bisita ninyo ngayon kaya makisama ka kung ayaw mong mapahiya,” baling ni Timothy sa kanyang anak.

Hindi naman nagsalita si Athena at tanging pagtango lamang ang naging tugon niya rito.

“At ikaw naman,” baling ni TImothy kay Lucas. “Baka nakakalimutan mo na ako ang ama ng iyong asawa. Kaya matuto ka ring gumalang sa akin,” seryosi naman na sabi ni Timothy sa kanyang kaibigan.

Nagulat naman si Lucas sa sinabi na iyon ni Timothy at bigla nga siyang napangisi ng dahil doon.

“Oo nga pala. Kamuntik ko ng makalimutan. Ano ba ang gusto mong itawag ko sa’yo? Dad? Papa? What do you think?” pang aasar ni Lucas sa kanyang kaibigan.

“Siraulo,” sagot ni Timothy at saka niya sinamaan ng tingin si Lucas bago niya tinalikuran ang mga ito.

Natawa naman si Lucas sa inasta na iyon ng kanyang kaibigan dahil ang sarap lang nitong asarin pero bigla rin talaga siyang napaisip kung ano ang itatawag niya rito ngayon dahil byenan na niya ito ngayon.

Samantalang si Athena naman ay nagulat sa biro na iyon ni Lucas sa kanyang ama at talagang pigil na pigil din niya ang kanyang sarili na matawa dahil sa naging tanong na iyon ni Lucas sa kanyang ama. Bigla rin tuloy siyang napaisip na  ano nga ba ang itatawag ngayon ni Lucas sa kanyang ama ngayong asawa na niya ito gayong magbestfriend ang mga ito noon pa man.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 99

    CHAPTER 99LUCAS INFANTE Sa kabilang banda naman hanggang ngayon ay hinahanap pa rin nila Lucas si Athena at sobrang nag aalala na nga sila rito ngayon. Ilang buwan na rin kasi ang nakalipas at talagang hindi pa rin nila mahanap hanap ito. Nagdagdag na rin sila ng mga tao at halos libutin na nga ng mga ito ang buong bansa pero hindi pa rin talaga nila mahanap si Athena kaya labis na rin talaga silang nag aalala rito.At ngayon nga ay naroon si Lucas sa kanyang opisina at sa totoo lang ay napakalayo na ng itsura nito sa dati nitong itsura. Kung noon kasi ay napakalinis nitong tingnan pero ngayon nga ay halos hindi mo na ito makilala dahil ang dating magandang tabas ng buhok nito ngayon nga ay mahaba na at mayroon na rin siyang balbas ngayon. Bukod pa roon ay halata mo sa mukha nito na talagang stress na ito.Sa nakalipas din na mga buwan ay nagkaroon na rin ng bisyo si Lucas dahil kung dati ay ayaw nitong makaamoy ng sigarilyo ngayon ay naninigarilyo na ito at bukod pa roon ay madala

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 98

    CHAPTER 98 “Ethan Isaac... Ethan Isaac Infante ang magiging pangalan ng napakacute at napakagwapo kong anak,” sagot ni Athena habang nananatili siyang nakangiti at nakatitig sa kanyang anak na mahimbing na natutulog. Hindi na rin nga niya napigilan pa ang kanyang luha habang nakatitig sa kanyang anak at iyon ay luha ng labis na kasiyahan na nararamdaman niya ngayon. “Ethan Isaac… Napakagandang pangalan at bagay na bagay din talaga sa kanya,” pag sang ayon naman ni Michelle sa kanyang kaibigan. “Wag ka na ngang umiyak r’yan, Athena. Tsk. Pati ako madadamay sa pag iyak mo na iyan eh,” pagpapatuloy pa niya at nangingilid nga agad ang luha niya ng makita niya na umiiyak na si Athena dahil talagang mababaw ang kanyang luha. Sa totoo lang ay masaya siya para sa kanyang kaibigan dahil kahit na alam niya na nahihirapan na ito ay talagang kinakaya pa rin nito. Natawa naman si Athena ng makita niya ang kanyang kaibigan na nagpipigil na ng pag iyak. Agad na rin naman niyang pinunasan ang kan

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 97

    CHAPTER 97Makalipas naman ang ilang minuto ay muli namang inilabas si Athena sa Emergency Room upang dalhin sa Delivery Room.Muli namang sumunod si Michelle kung saan dinala ang kanyang kaibigan at matyaga lamang siyang naghintay sa labas noon.Ilang oras pa ang nakalipas at nanatili lamang si Michelle sa labas ng Delivery Room at maya maya pa nga ay lumabas na ang doktor ni Athena kaya naman agad na siyang lumapit dito.“Dok, kumusta po ang kaibigan ko? Kumusta po ang baby nya?” sunod sunod na tanong ni Michelle sa doktor.“Ligtas na naisilang ni Ms. Athena ang kanyang baby boy,” nakangiti naman na pagbabalita ng naturang doktor kay Michelle. “Sa ngayon ay mag stay muna siya r’yan sandali at maya maya pa ay pwede na rin naman siyang mailipat sa kanyang private room,” dagdag pa niya.Tila nabunutan naman ng tinik si Michelle dahil sa ibinalita na iyon ng doktor ni Athena. Sobrang kinakabahan na kasi talaga siya kanina pa dahil ang tagal lumabas ng doktor at sobrang nag aalala na siy

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 96

    CHAPTER 96“Athena, are you okay?” puno naman ng pag aalala na tanong ni Michelle ng mapansin niya na biglang natigilan ang kanyang kaibigan habang nakahawak ito sa tyan nito.“M-Mich… p-parang manganganak na yata a-ako. Ahhh,” nauutal pa na sagot ni Athena sa kanyang kaibigan at napasigaw na lang talaga siya ng bigla na namang sumakit ang tyan. Hindi na rin nga maipinta ang mukha niya dahil talagang ngagon lang niya naranasan ang ganoon.Nanlaki naman ang mga mata ni Michelle sa sinabi na iyon ni Athena kaya naman bigla rin siyang nataranta ng bigla nga itong sumigaw.“Oh my god. Manganganak ka na nga siguro. Teka… a-anong gagawin ko? B-Bubuhatin ba kita? Wait lang… p-pero hindi kita kaya. Sandali hihingi ako ng tulong,” tarantang taranta naman na sabi ni Michelle dahil talagang hindi niya alam ang kanyang gagawin sa kanyang kaibigan.“AHHHHHHH…. ang sakit, Mich,” sigaw pa ni Athena at napapapikit na lang talaga siya ng mariin ng biglang nagsunod sunod ang paghilab ng kanyang tyan.M

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 95

    CHAPTER 95MAKALIPAS ANG PITONG BUWAN….Mabilis naman na lumipas ang pitong buwan at gaya nga ng napagdesisyunan ni Athena ay nanatili lamang siya Canada. Ngayon nga ay siyam na buwan na ang kanyang ipinagbubuntis at ipinagpapasalamat na lang talaga niya dahil parehong maayos ang lagay nilang mag ina at talagang naghihintay na lamang sila ngayon na manganak siya.Sa nakalipas din na mga buwan ay naging maayos naman ang pagbubuntis ni Athena bagamat minsan ay nakakaranas nga siya ng pagkahilo at pagsama ng pakiramdam ay nariyan naman si Michelle na palagi niyang kasa kasama kahit na saan man siya magpunta.Paminsan minsan din ay naaalala ni Athena ang kanyang nga magulang at pati na rin si Lucas. Napapaisip nga siya minsan kung hinahanap ba man lang siya ng pamilya niya o hindi at pati na rin ng kanyang asawa. Pero sa tuwing naiisip niya ang tungkol sa bagay na iyon ay tila ba nakakaramdam siya ng labis na kalungkutan dahil sa nangyari sa kanya ngayon. Minsan kasi kapag mag isa si At

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 94

    CHAPTER 94 Dahil naman sa sinabi na iyon ni Timothy ay tila ba biglang natauhan si Lucas. Naipikit na lang niya ng mariin ang kanyang mga mata at saka siya nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Dahil kasi sa sobrang pag iisip niya kay Athena ay talagang nagiging mainitin na ang ulo niya kaya naman ang kanyang mga empleyado ang napagbubuntunan niya ng init ng ulo niya. Gustong gusto na kasing makita at makasama muli ni Lucas ang kanyang asawa. At kung kinakailangan na suyuin niya ito araw araw ay talagang gagawin niya basta makasama lang niya ito at hindi ganito na nag aalala silang lahat kung nasaan na ba ito ngayon. “Naiintindihan ko naman na may pinagdaraanan ka ngayon at kagaya mo gusto ko rin na mahanap na ang anak ko. Nag aalala na rin ako sa kanya dahil alam ko na hindi yun sanay na mamuhay na mag isa. Pero sa ngayon ay intindihin mo na muna ang iyong kumpanya at ang tungkol naman kay Athena ay pagtutulungan natin na mahanap siya at hindi tayo titigil hanggat hindi

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 3

    CHAPTER 3Naging maayos naman ang naging reception ng kasal nila Lucas at Athena. Hanggang sa isa isa na rin nga na nag aalisan ang kanilang mga bisita roon kaya naman nagpasya na rin sila na umalis doon at naiwan na lamang doon ang ilang tauhan ni Lucas para magbantay sa ilan pa nilang mga bisita.

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 7

    CHAPTER 7FLASHBACK……Abalang abala noon si Lucas sa mga papeles na nasa kanyang lamesa ng biglang dumating ang kanyang matalik na kaibigan na si Timothy na mainit ang ulo ng mga oras na iyon.“Ano na naman ang dahilan ng pag init nyang ulo mo?” seryoso na tanong ni Lucas kay Timothy.Huminga naman

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 6

    CHAPTER 6LUCAS INFANTEKinabukasan naman ay maagang nagising si Lucas dahil kailangan niyang pumasok ng maaga sa kanyang opisina ngayon. Gustuhin man niya na matulog pa dahil napagod din talaga siya sa kasal nila kahapon ni Athena ay hindi naman pwede na hindi siya dumalo sa meeting nila ngayon da

  • Contract Marriage with My Dad's Bestfriend   CHAPTER 1

    CHAPTER 1ATHENA MADRIGAL“I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride.”Mga salitang ayaw pang marinig ni Athena pero wala na siyang magagawa pa dahil nasa harapan na siya ngayon ng altar at opisyal ng sinabi ng pari na sila ay kasal na ni Lucas Infante ang matalik na kaibigan

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status