로그인Para akong natauhan.Hindi ko inaasahang makikita ko ang pangalan niya roon.Kanina lang ay sinabi niyang marami pa siyang kailangang i-review na documents.Ibig sabihin...Sa kabila ng pagiging abala niya, naglaan pa rin siya ng oras para buksan ang livestream ko.Hindi ko napigilang mapangiti.Kas
Pero hindi nila kayang baguhin ang katotohanan.Hindi nila kayang burahin ang mga alaalang magkasama naming binuo.At lalong hindi nila kayang baguhin ang pagmamahalan naming dalawa.Huminga ako nang malalim bago marahang inilapag ang cellphone sa mesa.Unti-unting gumaan ang pakiramdam ko.Tama sil
MitchHindi ko napigilang buksan ang comment section.Alam kong hindi iyon ang pinakamagandang gawin. Bilang isang professional player at content creator, matagal ko nang alam na hindi lahat ng mababasa ko sa social media ay dapat kong dibdibin. Sanay na akong may pumupuri, may pumupuna, at may mga
Kahit nasa opisina siya at siguradong nakatambak ang mga dokumentong kailangang basahin, nagagawa pa rin niyang sumingit ng mga linyang kayang magpangiti sa akin.Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa screen ng cellphone ko habang nakangiti."Ano 'yan?"Napapitlag ako nang marinig ang boses n
"E, di ba nga ikakasal siya?" inosenteng tanong ni James."Oo nga pala," natatawang sagot ni Ryan. "Practice lang."Bago pa ako makaganti ng asar, dumating si Ate Monette na may bitbit na dalawang pitsel ng orange juice.Isa-isa niya iyong inilapag sa gitna ng mesa bago kami tiningnan."Kayo talaga,
MitchSimula nang ma-finalize ang wedding date namin ni Chandler, parang naging paborito na akong asarin ng buong Team ArmyGamers.Halos araw-araw na lang ay may bago silang dahilan para tuksuhin ako. Kahit nasa gitna kami ng scrims at seryosong-seryoso ang lahat sa practice, hindi pa rin nila pinal
ChancyMadaling araw pa lang ay gising na ako. Hindi dahil sa naramdaman kong sakit, kundi dahil sa hindi ko mapigilang excitement at kaba. Paalis na ako ng ospital.Kahapon lang, halos mawalan ako ng lakas ng loob. Pero ngayon, kahit may sakit pa ring naiiwan sa katawan ko, buo na ang desisyon ko d
Gianna“Gianna, dear. I’m so happy to see you,” masiglang bati sa akin ni Mommy Sarina, na agad na sumalubong sa amin ni Chancy at ng aming anak. Lumiwanag ang kanyang mukha sa tuwa habang iniabot ang mga braso upang kunin si JR mula sa bisig ni Chancy.Nagbeso kami, pero hindi pa man ako nakakapagb
Hindi na muna ako nagtatrabaho, naka maternity leave pa habang si Chancy ay hindi pa rin opisyal na nakakabalik sa kumpanya nila. Dami na siguro niyang tatrabahuin kapag nagkataon.Sa mga panahon na hindi pa available ang aking Dada ay si Chansen ang siyang gumagawa ng lahat. Kung meron man kailanga
Hindi niya ako pinili.Hindi niya ako minahal.At ngayong nakatayo siya sa harap ko, ang tanong lang sa isip ko ay bakit pa siya nandito?Sinundan ko ang bawat galaw niya. Ang pagkabig ng pinto. Ang pagbagsak ng kahoy na iyon na parang naghuhudyat ng isa na namang laban sa pagitan naming dalawa. Wal







