LOGINPaano kung may nabago na?Paano kung hindi na sila kasing bilis ng dati, kasing tibay, kasing handa sa biglaang panganib?Hindi sila superhero. Tao pa rin sila. Nasasaktan. Napapagod. Pwedeng magkamali.Si Kuya Lualhati naman ang kabaligtaran nila sa paraan ng pakikipaglaban. Hindi kamao ang sandata
Mitch“Ate Honey…” humihikbi kong tawag habang tuluyan na niya akong niyakap, parang hindi na niya hinintay pang tuluyang bumigay ako bago niya ako saluhin.Sa sandaling iyon, lahat ng pilit kong kinukubli—lahat ng takot, pangamba, at pagod ay parang sabay-sabay na bumuhos palabas.Dama ko ang marah
“Maupo ka muna, Mitch…” mahinang sabi ni Ate Honey habang marahan niya akong inaalalayan palapit sa sofa.Hindi ko na tinutulan. Para akong nawalan ng lakas bigla, kaya hinayaan ko na lang ang sarili kong bumagsak sa upuan na katabi lang din naman ng crib. Magkatabi kaming naupo, pero ramdam kong pa
MitchNarinig ko pa lang ang boses niya, parang may kumalabit na agad sa dibdib ko.“Mitch!” bulalas ni Ate Honey nang makita niya ako matapos niyang buksan ang pintuan.Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Halos tumakbo na ako papasok, dala-dala ang dalawang linggong bigat na parang nakapatong dire
Wala pa rin.Isang oras ang lumipas. Dalawa.At sa bawat minutong nadaragdag, mas bumibigat ang pakiramdam ko.Hindi ito selos. Hindi rin duda.Takot lang.Takot na may nangyaring masama sa taong mahal ko.At sa gitna ng katahimikan ng kwarto, isang bagay lang ang malinaw sa akin—Kahit gaano ako ka
MitchNaging successful ang shooting, iyon mismo ang unang sinabi ni Sir Sol makalipas lamang ang dalawang araw. Kita ko sa mukha niya na hindi iyon simpleng reassurance lang.Hindi siya yung taong basta nagbibigay ng papuri para lang gumaan ang pakiramdam mo. Kapag sinabi niyang maayos ang kinalaba
Saglit na katahimikan ang bumalot sa amin. Ramdam ko ang bawat tibok ng puso ko habang hinihintay ang susunod na sasabihin ni Mommy.“Gianna,” mahina pero buo ang boses niya. “Kilala ko ang anak ko. At kilala ko rin ang pagmamahal niya sayo."“Alam ko rin naman po na mahal niya ako at para talaga sa
ChansenNapatingin ako sa kawalan habang unti-unting bumabalik sa akin ang isang alaala. Isang tagpong matagal ko nang ikinubli sa likod ng isip ko, pero kailanman ay hindi ko nalimutan.*** Flashback ***Ayon kay Dad, may banta raw sa buhay ko.Pero sa kabila ng babala, mas pinili kong maglibot sa
“Wait, hihingi lang ako ng tulong,” ani Hailey. Tumayo siya bigla, nagmamadaling tumakbo papunta sa pintuan. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya, pero malinaw sa akin na kahit siya ay hindi rin kayang buhatin si Gianna.Pagkatapos ng ilang segundo, narinig ko ang boses niya mula sa labas. “Dr
Gianna"Moma, ako na 'yan..." maagap na sambit ni Chancy nang akmang bubuhatin ko si JR papunta sa banyo. Hawak ko pa lang ang bata pero agad na siyang lumapit, parang laging nakaabang kapag may gagalawin ako. Magdadalawang linggo na akong nakauwi sa bahay at kahit hanggang ngayon ay super attentive







