AMARA'S POINT OF VIEW "Magbihis ka." Yun lang ang sabi ni Killian pagkapasok niya sa room habang ako’y nakaupo sa kama, nakapambahay pa rin, may sketchpad sa lap. Di ko alam kung aatake siya ng business mode o asawang seryoso.Tumingala ako sa kanya. "Ha? Bakit?""May date tayo." Hindi siya ngumingiti pero ‘yung mata niya, may tinatago. Parang sinadya niyang misteryoso."Bakit parang secret mission ‘to? Date lang ‘yan ah.""Secret nga." Tumingin siya sa orasan. "You have twenty minutes. Wear something comfortable. Pero maganda. Para sa’kin."Napakunot ang noo ko pero hindi ko na kinuwestiyon pa. Excited ako kahit papano. Ilang linggo na rin kaming puro trabaho. Ako sa plates ko, siya sa meetings at business issues. Parang hindi na kami mag-asawa minsan, kundi magka-partner sa project.Pumasok ako sa walk-in closet, hinanap ‘yung dress na hindi sobrang formal pero hindi rin pambahay. Pinili ko ‘yung pastel pink na sundress, ‘yung simple lang pero flattering. Sinabayan ko ng white snea
AMARA'S POINT OF VIEW “Amara, sigurado ka ba?” tanong ni Killian habang abalang binubutones ang manggas ng itim niyang polo.“Bakit, mukha ba akong hindi sigurado?” Sagot ko habang inaayos ang collar ko sa salamin. Naka-smart casual ako, may blazer, may heels, at higit sa lahat, may lipstick na ‘di ko usually ginagamit.Tumigil siya, tumingin sa akin mula ulo hanggang paa. May bahagyang ngiti sa labi niya pero kita ko sa mata niya ‘yung concern. “You look good, pero alam mong... ibang mundo ‘to. Hindi ito school o art exhibit. Business ‘to, Amara.”“Alam ko. Pero wife mo ‘ko, hindi lang sa papel. Kung kailangan mo ng kasama sa meeting, kung kailangan mo ng kakampi sa table, nandito ako. Hindi ako trophy wife. Kaya kong makisabay.”Lumapit siya sa akin. “Pag pinasok mo ‘to, walang atrasan.”Tumango ako. “Hindi ako atrasera.”At doon nagsimula ang unang hakbang ko sa mundo ng mga sharks — corporate sharks.---Pagdating namin sa conference room ng Dela Vega Holdings, para akong pumasok
AMARA'S POINT OF VIEW Hindi ko na alam kung ilang oras na akong nakayuko sa lamesa, nakikipagpatayan sa mga drafting tools ko. Lahat ng lines dapat malinis. Lahat ng sukat dapat tama. Lahat ng concept dapat original. Kulang pa raw ‘yung una kong design kaya inulit ko. Tapos inulit ulit. Tapos binago na naman. Pakiramdam ko pinapakain na ako ng ruler at lapis. Buti pa 'yung papel, ang kinis. Ako? Hagardo versoza."Amara, kumain ka na ba?" tanong ni Killian mula sa may sala."Later," sagot ko habang hindi pa rin tumitingin. "Kakaunti na lang ‘to.""Sinabi mo na ‘yan tatlong oras na ang nakalipas."Hindi ko na siya sinagot. Narinig ko na lang ang pagbuntong-hininga niya, tapos ang yabag ng paa niya papalapit. Nang tumigil siya sa likuran ko, inamoy ko pa ang paborito kong scent niya. Kahit pagod na ako, ‘yung presensiya pa lang niya parang gamot na. Pero ayoko muna magpahinga. Kailangan ko tapusin ‘to. Kaya lang...Naramdaman ko na lang na umikot ang paligid. Bumigat ang ulo ko. Tapos p
AMARA'S POINT OF VIEW Hindi ko alam kung ilang segundo lang ba o ilang oras na ang lumipas pero ang tanging naririnig ko ay ang tunog ng puso ko. Malakas. Parang gusto nang kumawala. Nakatitig ako sa kanya habang unti-unting lumalapit si Killian, hawak pa rin ang magkabilang gilid ng mukha ko. Wala siyang sinasabi. Wala rin akong masabi. Para kaming nasa loob ng isang eksenang walang ibang karakter. Walang audience. Walang distraction. Kaming dalawa lang.Huminga siya nang malalim. Hindi niya inalis ang titig sa mata ko. Ramdam ko ang init ng palad niyang nakakapatong sa pisngi ko. Gusto ko sanang magsalita pero parang hindi ko maigalaw ang dila ko. Parang napako ako sa pwesto ko.“Amara,” bulong niya. “Can I?”Hindi ko na kailangan pang sumagot. Sa pagkakahawak niya sa akin, sa paraan ng pagtitig niya, alam kong pareho kaming huminto sa pagtakbo. Parang nag-slow motion ang lahat. Parang tumigil ang mundo.Lumapit siya. Marahan. Gusto niyang sigurado. At nang magdikit ang labi niya s
AMARA'S POINT OF VIEW Hindi ako humihinga habang binabagtas ang hallway ng kumpanya ni Killian. Mabilis ang tibok ng puso ko, pero hindi ito takot. Hindi ito kaba. Siguro adrenaline. O baka, sa wakas, tapang na. ‘Yung klase ng tapang na matagal ko nang nilunok para lang manatiling tahimik. Pero ngayon, hindi na. Sapat na ang lahat.Nag-angat ng tingin ang receptionist nang makita ako. “Ma’am Amara,” magalang niyang bati pero halatang nag-aalangan.“Ako na ang bahala. Papasukin mo ako.” Buo ang boses ko. Wala nang alinlangan. Tumango siya kahit may konting kaba sa mata.Sa loob ng boardroom, si Cassie ang unang bumungad sa akin. Nakaupo siya na parang reyna, naka-cross legs, hawak ang kape na siguro galing pa sa third wave coffee shop. Kilala ko ang aura niya. Puno ng pride, ng kontrol, ng tiwala sa sarili.Pero hindi na ako ‘yung Amarang pinagsisigawan niya noon sa parking lot. Hindi na ako ‘yung umiiwas ng tingin habang tinatabunan niya ang boses ko. Hindi na ako ‘yung palaging umuu
AMARA'S POINT OF VIEW Pangatlong araw na ng sunod-sunod na meetings ni Killian. Sa bawat isa, parang nababawasan ang liwanag sa mata niya. Tahimik siya pero ramdam mong gumuguho ang mundo niya sa loob. Hindi pa man niya sinasabi, alam ko na. May pinagdadaanan ang kumpanya. Malaki.Nasa gilid ako ng opisina niya, tahimik na nagkakape habang pinapanood siyang makipag-usap sa tatlong senior managers niya. Napansin kong kanina pa siya hindi umiinom ng tubig. Kanina pa siya nakakapit sa isang report na parang wala siyang makitang solusyon.Pagkaalis ng mga managers, sumara ang pinto. Ilang minuto siyang hindi gumalaw. Nakatingin lang sa laptop screen niya pero alam kong wala na siyang nababasa.Nilapitan ko siya at marahang ipinatong ang kamay ko sa balikat niya.“Gusto mo bang lumabas muna saglit?” tanong ko. “Pumunta tayong rooftop. Malamig dun.”Umiling siya. “Hindi pwede, Amara. I need to fix this. Now.”“Pero you also need to breathe. Hindi mo masosolusyunan ‘to kung hinihika ka na s
AMARA'S POINT OF VIEW Nakahiga kami sa ilalim ng kalangitan, sa isang simpleng kubo sa tabi ng dagat. Tahimik ang paligid. Tanging ang mahinang hampas ng alon sa dalampasigan at ang huni ng mga kuliglig ang naririnig. Walang ilaw kundi ang buwan at ang munting lampshade na parang sinadyang gawing romantic ang ambiance.Kakatapos lang ng mahabang araw. Kumain kami ng isda sa baybayin, naglakad nang nakapaa sa buhangin, at nagtawanan habang tinutukso ko siyang di marunong maglaro ng patintero. Hindi ko inakalang mararanasan ko ‘to kay Killian. Hindi ko inakalang kaya pala niyang maging simple.Nakahiga siya ngayon sa banig, suot ang simpleng puting shirt at shorts, habang ako naman ay nakasandal sa unan, nakamasid sa kisame ng pawid na parang bigla kong naisip na ayokong matapos ang gabing ito.“Killian,” bulong ko.“Hmm?”“Comfortable ka ba?”“Comfortable akong kasama ka,” sagot niya agad, hindi man lang nag-isip. Seryoso ang mukha niya pero may bahid ng ngiti sa labi.Umikot ako ng k
AMARA'S POINT OF VIEW February 14. Sa wakas, dumating na rin ang araw na kinaiinisan ko dati pero ngayong kasama ko na si Killian, iba na ang pakiramdam. Araw ng mga Puso. Noon, para lang ‘yang reminder na single ako habang lahat may bouquet, may teddy bear, may date. Pero ngayon, hindi ako makapaniwala na may naghanda para sa akin. Si Killian pa.Alas tres pa lang ng hapon, pinauwi na ako ni Killian mula sa site visit. May driver na naghihintay at sinabing mag-ayos daw ako, formal daw ang attire. Nagbiro pa ako sa sarili ko na baka awarding night ito at may red carpet. Pero habang nakasakay ako sa sasakyan, ramdam ko ang kaba. Saan kaya niya ako dadalhin? Bakit hindi niya sinasabi?Pagdating ko sa mansion, sinalubong ako ni Manang Elma na may ngiti hanggang tenga."Ma'am Amara, ready na po ang gown niyo. Nasa taas na. Si Sir Killian po ang pumili," sabi niya sabay abot ng garment bag.Napakunot ang noo ko. Gown? Eh hindi ba pwedeng jeans at heels lang?Pagpasok ko sa kwarto, nakahan
AMARA'S POINT OF VIEW Umaga pa lang, ramdam ko na ang pagbabago sa paligid. Tahimik ang buong mansion, parang lahat ay nakikiayon sa kung anong bagyong paparating. O baka ako lang ‘to, iniisip kung anong klaseng pag-uusap ang mangyayari ngayon. Nandito ako sa sala, hawak ang isang tasa ng tsaa habang nakaupo sa sofa. Nakabukas ang bintana, at pumapasok ang malamig na hangin ng umagang iyon.Pumasok si Killian sa sala na parang normal lang ang lahat. Nakasuot siya ng plain white shirt at dark slacks, pero kahit simple lang ang suot niya, hindi nawawala ang presence niya. Yung tipong kahit wala siyang ginagawa, ramdam mong may bigat ang bawat hakbang niya.Umupo siya sa kabilang sofa, hindi agad nagsalita. Tiningnan niya lang ako habang hinihigop ang kape niya. Ilang minuto ng katahimikan ang lumipas bago siya nagsalita.“Amara,” simula niya, “hindi ako sanay sa ganito.”“Ganito alin?” tanong ko habang inilapag ang tasa sa mesa.“Sa pag-uusap. Sa… emotions. Sa relasyon,” sagot niya. Di