AMARA POINT OF VIEW
Luma na ang bubong ng bahay namin. Tuwing umuulan, kailangan kong saluhin ang tumutulong tubig gamit ang mga plastik na timba at palanggana. Sa gabi, hindi ako agad makatulog dahil sa ingay ng mga kuliglig at tunog ng mga ipis na tumatakbo sa dingding. Pero hindi iyon ang pinakamahirap sa lahat. Ang pinakamahirap ay ang makitang unti-unting nanghihina si Mama araw-araw. "Ysa, anak..." mahinang tawag ni Mama habang nilalagyan ko siya ng basang bimpo sa noo. "Ako na po, Ma. Magpahinga na kayo," sabi ko habang pinipilit kong hindi magpakita ng pag-aalala sa boses ko. Tatlong taon na simula nang ma-diagnose si Mama ng chronic kidney disease. Pero nitong mga huling linggo, mas lumalala na ang lagay niya. Hindi na siya makabangon nang walang tulong. Ang mga mata niya laging mapungay, at ang balat niya parang kinapos sa dugo. Kasabay ng sakit ni Mama ay ang dagok ng bayarin—gamot, laboratory tests, dialysis. Kahit anong tipid ko sa baon at kita ko sa part-time job ko sa maliit na cafe sa bayan, hindi ito sapat. "Ysa, 'wag mong pabayaan ang pag-aaral mo, ha. Pangako mo 'yan sa akin noon," paalala ni Mama minsan habang sabay kaming nakahiga sa makitid na kama. Tumango lang ako at pinisil ang kamay niya. Oo, pinangarap ko talagang makatapos ng architecture. Scholarship student ako sa isang unibersidad sa Maynila, pero pansamantala akong bumalik sa probinsya para matutukan si Mama. Tuwing gabi, habang binabantayan ko siya, gumuguhit pa rin ako sa notebook ng mga bahay na may malalawak na bintana, matataas na kisame, at hindi kailangang saluhin ng timba ang ulan. Pero ang totoo, hindi ko na alam kung may patutunguhan pa ang pangarap ko. Kinabukasan, habang nilalakad ko ang kahabaan ng palengke papuntang ospital, dala ang isang brown envelope ng mga resulta ni Mama, pinilit kong hindi lumuha. Dalawang araw na akong walang maayos na tulog. Wala rin akong ganang kumain. Pinilit ko lang uminom ng tubig para hindi ako himatayin. Pagdating ko sa ospital, sinalubong ako ng amoy alcohol at tunog ng monitor ng vitals. Sa kwarto ni Mama, naroon ang doktor—si Dr. Ligaya, may edad na pero mabait. "Amara," sabi niya, malumanay ang boses. "Kailangan na talaga ng immediate dialysis ng nanay mo. Hindi na sapat ang maintenance niya. Kailangan na ring mag-umpisa ng series ng treatment para hindi na lalong lumala." Tumigil ang mundo ko. "Dok... magkano po lahat?" mahina kong tanong. Nagbuntong-hininga siya bago nagsalita. "Mahigit kalahating milyon, anak. At kailangan ito agad. The longer we wait, mas malaki ang chance na lumala ang kondisyon niya." Parang may kumalabog sa dibdib ko. Mahigit kalahating milyon? Ni hindi ko nga alam kung saan ako kukuha ng limang libo para sa susunod na linggo. "May social worker po ba? May pwede po ba kaming lapitan?" "May options tayo, pero mabagal ang proseso. We can try PCSO, pero hindi ito agad-agad. Baka ma-late na tayo." Tumango lang ako at hindi ko na narinig ang kasunod niyang sinabi. Parang nabingi na ako. Paglabas ko ng ospital, umupo ako sa waiting area, itinago ang mukha sa pagitan ng mga palad, at tahimik na umiyak. Diyos ko... ano na pong gagawin ko? Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakaupo roon. Ang init ng araw, pero parang hindi ko nararamdaman. Sa pagitan ng hikbi at panalangin, naramdaman kong parang may humintong sasakyan sa harapan ko. Tumigil ang isang itim na luxury car—isang SUV na mukhang hindi dapat dumadaan sa makipot na kalsada ng ospital namin. Wala akong pakialam. Hindi ko man lang tiningnan. Hanggang sa bumukas ang pinto at may lumabas na lalaki—matangkad, maayos ang postura, naka-itim na suit kahit tanghaling tapat. Sa likod niya ay isang lalaking mukhang bodyguard. "Amara Ysabelle Santiago?" tanong ng lalaki. Napatigil ako sa pag-iyak at agad na napalingon sa kanya. Napakunot-noo ako. "Sino po kayo?" Hindi siya ngumiti. Diretso ang titig niya sa akin, malamig pero hindi bastos. "Ako si Marco Santiago... ang tunay mong ama." Nanigas ako. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko—ang gulat, ang pagdududa, o ang inis. "Sorry po, pero siguro po nagkakamali kayo ng taong nilalapitan." "Sigurado ako. Ikaw ang anak ko. Anak kita sa nanay mong si Rowena." Para akong binuhusan ng malamig na tubig. "Imposible. Hindi ko kayo kilala." Naglabas siya ng envelope mula sa kotse. Mga dokumento—birth certificate, DNA test result, mga larawan ng nanay ko noong bata pa siya na kasama siyang lalaki—siya. Ang lalaking ito. Hindi ako makapaniwala. Ang buong buhay ko, ang akala ko'y iniwan kami ng tunay kong ama. Ni hindi ko nga kilala ang pangalan niya. Tinanong ko minsan si Mama, pero lagi lang siyang umiwas sa usapan. At ngayon, eto siya. Nakaharap sa akin. "Bakit ngayon lang?" mahina kong tanong. "Bakit sa ganitong paraan n’yo ako kinilala?" "May dahilan ako, Amara. At handa akong bayaran ang lahat ng gastusin ng nanay mo." Napatingin ako sa kanya, nagtatalo ang puso at isipan ko. Totoo ba ‘to? May kapalit ba ‘to? At kung sakaling totoo nga... bakit ngayon? "Ano po'ng kapalit?" diretsong tanong ko, hindi na ako umiiwas. Tumingin siya sa akin, seryoso ang mga mata. "May kailangan akong pakiusap sa'yo. Pero hindi ko ito sasabihin ngayon. Sa ngayon, gusto ko lang malaman mo na hindi kita pababayaan." Tahimik akong tumango, pero ang puso ko'y puno ng tanong. Kung siya nga ang tunay kong ama... ito na ba ang sagot sa dasal ko? O panibagong simula ng gulo? Nilingon ko ang ospital, at ang bintanang kinaroroonan ni Mama. Gusto ko lang siyang gumaling. Gusto ko lang siyang mabuhay. Kaya kahit anong duda ko, kahit anong takot... huminga ako ng malalim at muling hinarap si Marco Santiago. "Sige po. Pero hindi ibig sabihin nito na naniniwala agad ako. Gagawin ko 'to para kay Mama." Tumango siya. "Iyon lang ang hinihiling ko." At sa araw na iyon, habang papasok ako sa loob ng sasakyan niya, alam kong binuksan ko ang pinto sa isang mundo na hindi ko kailanman inakalang sasapitin ko. Isang mundo ng yaman, lihim... at kapalit. —End of Chapter 1—ALTHEA P.O.VSa sobrang excitement ko sa araw na ito, hindi na ako nakatulog ng maayos kagabi. Ilang beses akong bumangon para i double check kung naka ready na lahat. From the cupcakes, balloons, confetti poppers, pati na rin yung cake na may secret color sa loob. All set. Adrian took care of everything but still, hindi pa rin mapakali ang kaluluwa ko.Sino ba naman ang hindi ma e excite? After weeks of waiting and being so careful during my check ups, today was the day. Malalaman na rin namin kung baby boy or baby girl si little peanut sa tiyan ko.“Love, relax ka naman,” sabi ni Adrian habang nakaupo siya sa tabi ko sa kotse. Papunta na kami sa event place na inupahan niya para sa intimate gender reveal. “Para kang hindi sanay sa surprises.”“Kasi ito iba eh. Hindi ito basta surprise lang. Anak natin ‘to. The surprise of our lives!”Tumawa siya. “Tama ka dyan. Pero promise, kahit anong gender, ang importante healthy siya.”Tumango ako. “Oo. Pero mas importante na... hindi masyadong
ALTHEA P.O.VSimula nang malaman kong buntis ako ulit, parang biglang tumahimik ang mundo ko sa ibang aspeto pero sobrang naging maingay sa loob ng isip ko. Lalo na ngayong second trimester na ako at mas active na si baby. Hindi na lang basta sipang parang bula kundi may rhythm na. Parang nakikipagsabayan sa beat ng puso ko.Pero may isang bagay akong na realize habang hinihimas ko ang tiyan ko one quiet afternoon sa terrace habang umuulan sa labas. I was scrolling through a mommy group sa social media when I read a post from a first time mom na nag breakdown kasi hindi niya alam kung paano alagaan ang anak niya paglabas. She said she was afraid she’d fail.Napabuntong hininga ako.I was afraid too.Kahit pangalawang pagbubuntis ko na ito, wala pa rin akong alam masyado. The first time ended in heartbreak. I never got to carry my first baby in my arms. Kaya nga ngayon, this baby felt like a second chance. A miracle. At kung may isang bagay akong ayokong mangyari, iyon ay ang mawalan u
**ALTHEA’S P.O.V.**Hindi biro ang umagang 'to. Pagkabukas pa lang ng mata ko, sumalubong na agad ang parang gulong-gulong tiyan ko. At ilang segundo lang, nagmamadali na akong tumakbo sa banyo, hawak ang tiyan, nagsusuka habang pinipigilan ang sarili na maiyak.“Nandito na naman,” bulong ko habang sinasalo ang sarili sa lababo.Ilang linggo na rin akong ganito. Every single morning. Minsan pa nga kahit gabi. Pero sa kabila ng lahat, sa bawat pagsusuka, sa bawat pagkahilo at panghihina, may ngiti pa rin sa labi ko. Kasi alam kong may buhay sa loob ko. A miracle.“Love?” tawag ni Adrian habang kumakatok sa pinto ng banyo. “Okay ka lang ba?”“Yeah,” sagot ko, kahit obviously hindi. “Kailangan ko lang ng konting oras.”Narinig kong bumukas ang pinto at ilang sandali lang ay naramdaman ko ang palad niya sa likod ko. Gently rubbing in circles.“Warm water with lemon? Gusto mo ihanda ko na?” tanong niya.“Please,” sagot ko mahina.A few minutes later, may bitbit na siyang tray with a hot to
**ALTHEA’S P.O.V.**Maaga akong nagising isang umaga, habang malamig pa ang hangin at halos wala pang ingay mula sa labas. Habang nakahiga ako sa kama, napansin kong iba ang pakiramdam ko. Hindi ako mapakali. May kakaiba sa tiyan ko. Hindi naman masakit, pero para bang may bumubulong sa akin na may bago na namang pag-asa.Tumayo ako at dahan dahang lumabas ng kwarto para hindi magising si Adrian. Tahimik akong nagtungo sa banyo, bitbit ang maliit na kahon ng pregnancy test na binili ko kahapon nang palihim. Ayokong umasa pero hindi ko rin mapigilan. Baka, baka lang...Habang hinihintay ko ang resulta, naupo ako sa gilid ng bathtub, mariing nakapikit at halos hindi makahinga. Isang taon na rin mula noong nawalan kami ng unang anak. Isang taon mula noong pakiramdam ko ay may nawawala sa pagkababae ko, sa pagkatao ko.Yung sakit ng miscarriage, hindi madaling mawala. Kahit na sinasabi ng mga tao na magiging okay din ako, totoo pa rin na bawat buwan na dumaraan na hindi ako nabubuntis ay
**ALTHEA’S P.O.V.**Nakaupo ako sa sahig ng bagong bahay namin habang nakabukas ang mga kahon ng gamit. Amoy kahoy at bagong pintura ang paligid. Sa wakas, may sarili na kaming tahanan ni Adrian. Hindi na kami nakikitira sa condo niya o sa lumang apartment. Ito ay bahay na pinili naming buuin nang magkasama, mula sa kulay ng pader hanggang sa disenyo ng kusina.Napatingin ako sa dingding na pininturahan ko kahapon ng pastel beige. Medyo tabingi ang pagkakapintura sa gilid pero sabi ni Adrian, “Perfect ‘yan kasi ikaw ang gumawa.”Ngumiti ako sa alaala. Ganoon talaga siya. Kahit hindi perpekto, basta’t may effort, para sa kanya sapat na.“Babe!” sigaw niya mula sa taas. “Asan ‘yong curtain rods?”“Nasa kahon na may label na ‘panira ng mood’,” sigaw ko pabalik sabay tawa.Bumaba siya hawak ang telang puti. “Ito ba ‘yong panira ng mood? Parang romantic pa nga tingnan.”“Yung tela romantic. Pero ‘yong pagbubuo ng curtain rods, nakakawalang gana!”Tumawa kami sabay-sabay habang binubuksan a
**ALTHEA’S P.O.V.**Araw ng Biyernes. Dapat sana date night namin ni Adrian. Pero once again, wala siya. Nasa recording studio na naman.Bumuntong-hininga ako habang nakaupo sa dining table, staring at the cold dinner I prepared two hours ago. Chicken parmigiana, paborito niya. Pero mukhang hindi na siya darating in time para kainin ito habang mainit pa.Texted him three times. Walang reply. Tinawagan ko rin, pero laging “Can’t take your call right now.”Hindi ako galit. Hindi rin ako tampo. Pero para akong unti-unting nauubos.Love ko ang passion niya sa music. Noon pa man, proud na proud ako sa kanya. Kaya ko siyang suportahan hanggang dulo. Pero lately, parang wala na akong puwang sa mundo niya.Ten thirty na nang sa wakas ay bumukas ang pinto. Napatingin ako mula sa sala. Wala man lang good evening o kahit ngiti. Diretsong dumaan si Adrian, parang wala akong presensya.“Hey,” mahinang bati ko.“Hey,” sagot niya, habang tinatanggal ang sneakers niya. “Pagod ako, Thea. Huwag muna ng