AMARA POINT OF VIEW
Akala ko ready na ako. After signing that damn contract with my father, akala ko tapos na ang parte ko. Akala ko ‘yon na ‘yon. Pero hindi pala. Because today, I finally meet him. Killian Alaric Dela Vega. Oo, ‘yung pangalan pa lang parang mabigat na. Parang may kasamang bagyo. And now that I’m face-to-face with him… He didn’t disappoint. Nakatayo ako sa loob ng isang malaking opisina sa taas ng isang skyscraper sa Makati. Parang wala ako sa Pilipinas, para akong naligaw sa ibang mundo. Mamahaling furniture, floor-to-ceiling glass windows, at amoy aircon na may halong power at intimidation. And there he is—Killian. Nakaupo siya sa likod ng mesa niya, naka-black suit, no tie, at ‘yung buhok niyang parang wala namang effort pero mukhang may sariling stylist. “Sit,” malamig niyang utos, hindi ‘yon imbitasyon. Hindi ako humihinga habang dahan-dahan akong naupo sa harap niya. “I assume you know why you’re here,” he starts, voice flat and disinterested. Nagkatinginan kami. Siya, parang tinutusok ako ng mga mata niyang kulay asul na parang yelo. Ako naman, pilit kinukumbinsi ang sarili kong wag mag-walkout. “Yes,” sagot ko, maikli, simple. Kasi hindi naman kailangan ng mahaba. He nods. “Good. Then let’s skip the bullshit.” Bullshit? Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang sarili kong sumagot ng masama. “I don’t want a wife,” tuloy niya. “This marriage is for convenience. I expect you to act accordingly.” Oo, alam ko na ‘to. Sinabi na ng papa ko. Alam ko rin na para lang ‘to sa negosyo. Pero iba pala kapag nasa harap mo na ‘yung taong wala man lang effort maging civil. “I don’t do drama. I don’t do love. And I won’t tolerate clinginess, jealousy, or emotional blackmail.” Each word is like a slap. Grabe. Parang ang dami niyang pinagdaanan na hindi ko naman kasalanan. “Do we have an understanding?” tanong niya, diretso. Walang kahit anong emotion sa boses niya. Tumango lang ako. Wala na rin naman akong choice. “Good,” he says. “We’ll be married by the end of the week.” Parang nabingi ako. That soon? Agad-agad? Parang naghalo-halong emotions sa dibdib ko. Takot. Inis. Pagkalito. Pero pinakatumatak? Yung inis. Kasi all this time, akala ko ready na ako. Akala ko kaya kong tiisin, kayanin, tiisin pa ulit. Pero ‘yung makita mismo ‘yung lalaking ikakasal ka, at walang ni katiting na respeto, grabe ‘yung tama sa pride ko. “I don’t care about your feelings,” dagdag niya. Pucha. Wala na nga akong expectations, dinurog pa ‘yung natirang pride ko. “Kung ayaw mo sa akin, bakit ka pumayag?” Hindi ko mapigilang tanungin. Kahit alam kong baka pagsisihan ko. “Because it’s business,” sagot niya agad. “And I keep my promises. Just like you will keep yours.” Ah, so ganun lang. Ako? Promesa lang ng tatay ko. Ako? Kontrata lang. Parang may kumurot sa dibdib ko, pero sinarili ko na lang. Wala rin namang saysay kung ipakita ko sa kanya. After our ‘meeting’—na para lang akong dumaan sa HR orientation para sa trabaho—tumayo siya at nilapitan ang pinto. Binuksan niya ‘yon nang hindi man lang ako tiningnan. “You can go now,” he says. Tinignan ko siya, pero hindi ko na alam kung ano pang dapat sabihin. So tumayo ako, lumabas, at kahit gusto kong magmartsa palabas na parang bida sa teleserye, wala akong lakas. Pagkalabas ko ng opisina niya, tulala lang ako. This is it. This is real. I’m marrying a man who sees me as a transaction. Ang masakit pa, ni hindi ko siya kilala. Walang “Hi, I’m Killian, nice to meet you.” Walang “How are you?” Wala man lang kahit kunwaring respeto. Para akong robot na may utos na sumunod lang. At habang nasa loob ako ng elevator pababa, dun ko naramdaman ang pumatak ang luha ko. Tahimik lang. Walang hikbi. Pero ang sakit. Para akong nilubog sa malamig na tubig. Naalala ko tuloy ang mama ko, ngayon nasa private room sa isang mamahaling ospital. Tinupad ng papa ko ‘yung pangako niya. Pero kapalit nito? Ako. Ang anak niyang babae na ni hindi niya kinamusta ng totoo. “Gagaling na si mama,” bulong ko sa sarili ko habang pinupunasan ang luha ko. “Yun lang ang importante.” Pero kahit ilang beses ko sabihin ‘yon sa sarili ko, hindi nawawala ‘yung kirot. Lalo na tuwing naaalala ko ‘yung malamig na tingin ni Killian. Parang kaya niyang palamigin ang buong mundo. Parang kahit magkasama kami sa iisang bubong, hindi niya ako makikita bilang tao. Wife? Hindi. Sa mata niya, ako lang ang ticket sa expansion ng kumpanya nila. Sa mata ng papa ko, ako ang puhunan. Sa sarili ko… hindi ko na alam. Pagdating ko sa bahay, sabog na sabog ‘yung utak ko. Hinubad ko lang ‘yung sapatos ko at naupo sa kama, parang tulala. Nag-vibrate ang phone ko. Unknown number. Nag-text. From Killian. “Have your documents ready. Legal team will contact you tomorrow.” Walang “Thank you.” Walang “Take care.” Business. Puro business. Nag-reply ba ako? Hindi. Kasi wala naman din siyang pakialam. At that moment, doon ko tinanggap sa sarili ko. I’m marrying a heartless man. And I need to be heartless too. Hindi pwedeng ako lang ang masaktan. So I whispered to myself: “Kaya ko ‘to. Walang iyakan. Walang pagmamahal. Kontrata lang ‘to.” Pero habang nakatitig ako sa screen ng phone ko, sa pangalan niyang naka-save na lang bilang "K.D.V", hindi ko mapigilang manginig. Because even if I promise not to fall... What if I do? —End of Chapter 4—Amara Ysabelle Santiago’s Point of ViewMaaga akong nagising dahil sa mahinang iyak ni Althea. Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama at tinungo ang crib sa gilid ng kama. Nakakunot ang noo niya habang kumakadyot ng konti ang mga paa. Gutom na naman siya. Napangiti ako. Araw-araw ko siyang pinagmamasdan pero hindi pa rin ako nagsasawang mahalin ang bawat parte niya. Mula sa makakapal niyang pilikmata, sa maliliit niyang daliri, hanggang sa lambot ng buhok niya na parang sutla.Binuhat ko siya at agad siyang tumahimik nang mailapit ko sa dibdib ko. Para bang alam niya na ligtas siya sa mga bisig ko. Habang pinapasuso ko siya, tiningnan ko ang paligid ng kwarto—ang mga laruan na inayos ni Killian, ang mga pink at beige na kurtina na pinili ko, at ang litrato naming tatlo sa isang maliit na frame sa side table. Ang pamilya ko. Ang tahanan ko.Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at pumasok si Killian, bagong ligo, bitbit ang dalawang tasa ng mainit na tsokolate. “Akala ko gising ka na,” sa
Amara Ysabelle Santiago’s Point of ViewHabang nakaupo ako sa rocking chair sa gilid ng kwarto ni Althea, pinagmamasdan ko ang munting nilalang na himbing na himbing sa tulog, napuno ang puso ko ng damdaming halos hindi ko maipaliwanag. Sa bawat banayad na hininga niya, sa bawat galaw ng maliliit niyang daliri, ramdam ko ang isang klase ng kapayapaan na noon ay para bang imposible kong marating. Tahimik ang gabi, pero parang ang ingay ng damdamin ko sa tuwa."Totoo na to," mahina kong bulong sa sarili ko habang pinagmamasdan ang anak namin ni Killian.Pumasok si Killian sa kwarto, bitbit ang dalawang tasa ng tsaa. Lumapit siya sa akin at iniabot ang isa. Naupo siya sa tabi ko, nakatingin din kay Althea."Tulog pa rin siya?" tanong niya, sabay sulyap sa akin."Tulog. Mukhang busog at masarap ang panaginip," sagot ko, sabay ngiti. "Ang payapa niyang tingnan, ‘no?""Parang ikaw," sagot niya sabay ngiti rin. "Pagmasdan mo ang sarili mo ngayon, Amara. Hindi mo ba napapansin? Iba ka na."Na
Amara Ysabelle Santiago’s Point of ViewHindi ko alam kung bakit ang lungkot ko ngayon. Wala namang masyadong nangyayaring masama, tahimik lang ang araw, maganda ang panahon, tulog si Althea, at nasa kwarto si Killian abala sa pagbasa ng email pero may pa-sulyap sulyap pa rin sa amin tuwing maririnig niyang tumawa si baby. Pero sa kabila ng lahat ng ito, may bigat sa dibdib ko na ayaw mawala.Tumayo ako mula sa sofa at lumapit sa bintana. Natanaw ko si Theo sa labas, abalang nagsisiksik ng mga gamit niya sa likod ng sasakyan. Nakasuot siya ng simpleng jacket, joggers, at rubber shoes pero alam mong hindi ‘yon ordinaryong lakad lang. Halatang may pupuntahan siyang malayo. Hindi na ‘to biro. Hindi na rin pansamantalang biyahe lang.“Paalis na siya?” tanong ni Killian habang lumapit sa likod ko, pinatong ang baba sa balikat ko.Tumango ako, kahit gusto kong itanggi. Gusto ko sanang pigilan si Theo pero hindi ko magawa. Kasi alam ko, oras na rin para harapin niya ang bagong kabanata ng bu
Amara Ysabelle Santiago’s Point of ViewAraw ng Linggo. Maaliwalas ang panahon. Nasa veranda ako ng bahay namin habang kinakalong si Althea. Nakasuot siya ng yellow na dress na may maliliit na sunflower print. Kumakanta ako ng malumanay habang pinapadede ko siya at pinapainom ng konting tubig. Sa background, naririnig ko ang tawa ni Killian habang kausap si Yaya Myrna sa loob. May pinapasabing instructions tungkol sa mga groceries na dapat bilhin. Simula nang dumating si Althea sa buhay namin, naging mas kalmado at relaxed si Killian. Hindi na siya ‘yung dating istriktong CEO na parang laging may galit sa mundo. Mas madalas ko na siyang nakikitang naka-ngiti, kumakanta kahit sintunado, at higit sa lahat, walang pakialam kung puro laway at gatas ang polo niya basta kasama ang anak niya.Ngunit sa gitna ng katahimikan ng araw na ‘yon, may dumating na isang disruption. Rinig ko pa ang pagtigil ng sasakyan sa driveway, kasunod ang matalim na takong na humampas sa semento. Hindi na bago sa
Amara Ysabelle Santiago’s Point of ViewNagising ako sa tahimik na iyak ni Althea. Hindi na malakas, hindi rin demanding, pero sapat na para magpabalikwas ako mula sa pagkakahiga. Madaling araw na naman, pero sanay na ang katawan ko. Hindi ko na kailangang mag-alarm. Basta si Althea ang tumawag, automatic, gumigising na ako.“Good morning, baby,” mahina kong sabi habang kinukuha ko siya sa crib. Hinawakan niya ang daliri ko at bigla siyang ngumiti. Napangiti rin ako kahit puyat. “Ay, naku, ganyan ka na naman. Iiyak tapos ngingiti para hindi kita mapagalitan.”Wala pang isang buwan si Althea pero parang may isip na siya. Marunong na siyang dumiskarte, lalo na sa nanay niya.Ilang saglit lang ay narinig ko ang mga yabag ni Killian papunta sa nursery. Nakasuot pa rin siya ng suot niya kagabi plain shirt at boxers. Medyo magulo ang buhok at mukhang mas antok pa sa akin.“Love, ako na d’yan,” sabi niya habang nilalapit ang sarili sa amin.“Huli ka na, nagising ko na siya,” sagot ko habang
AMARA'S POINT OF VIEW Akala ko dati, ang pinakamahirap na araw sa buhay ko ay ‘yung mga panahong sabog ang puso ko sa dami ng iniisip, ‘yung binabalanse ko ang trabaho, ang emotions, at ang mga taong umaasa sa akin. Pero iba pala ang level ng hirap and happiness kapag isa ka nang nanay.Gabi-gabi, parang may sariling orasan ang anak namin. Tatlong oras palang ang lumilipas mula sa huling gising niya, umiiyak na ulit siya. Minsan marahan lang, minsan akala mo may kaaway siya. Pero ang mas matindi kahit puyat, kahit pagod isang ngiti lang mula sa kanya, parang nawawala lahat ng inis at antok.“Love, akin na siya,” sabi ni Killian isang madaling araw nang halos mapaluhod na ako sa sobrang antok.“No, ako na. Kakagising mo lang din. Ako na ulit,” bulong ko habang pinipilit magbukas ang mata ko. Pero sa totoo lang, gusto ko na ring mahiga at umidlip kahit limang minuto lang.“Amara,” seryoso niyang sabi. “Team tayo, ‘di ba? Hindi mo kailangang akuin lahat.”At bago pa ako makapagprotesta,