AMARA POINT OF VIEW
Hindi ko alam kung paano ko natagilid ang aking katawan mula sa kama, pero naramdaman ko ang mabigat na presyon sa dibdib ko. Ang puso ko ay parang may kung anong mabigat na nakakapit, hindi ko matanggal. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, kung galit ba ako o takot. Puno ang utak ko ng mga tanong, at wala akong sagot. Naalala ko pa kung paano ako pumikit ng matagal kagabi, umaasang baka magising ako at makita na lang na isang masayang panaginip ang lahat. Pero hindi—hindi ko kayang takasan ang lahat ng ito. Inisip ko kung tama ba ang ginawa ko. Pinili ko ba ang tamang daan? O baka naman niloloko ko lang ang sarili ko? Ang mga mata ko ay mabigat, punong-puno ng luha na ayaw tumulo. I had to hold it back. Hindi ako pwedeng magpatalo sa sarili ko. Kung gusto kong matulungan ang Mama ko, kailangan kong gawin ito. Kailangan kong magpatawad at magpasya para sa sarili ko, kahit na hindi ko gusto. Naalala ko si Marco, yung ama ko na hindi ko rin kilala, nag-aalok sa akin ng pera. Magkaiba ang tingin namin sa buhay, magkaiba ang hangarin niya at ang sa akin. Parang ako lang ang nakakita ng kahulugan sa buhay na ito, ng mga bagay na importante. Ang lahat ng mga nagawa niyang bagay, puro para lang sa pera. Ilang oras lang ang lumipas mula ng makausap ko siya. Sabi ko sa sarili ko na hindi ko dapat pabayaan ang Mama ko. Kung magagawa ko itong hakbang, siguro magiging okay ang lahat. Alam ko, kahit hindi ko gusto, kailangan ko ng maging matatag. Hindi ko kayang mawalan ng pagkakataon para mabuhay ang Mama ko. Dahil dito, napagdesisyunan ko na lang—huwag nang magdalawang-isip pa. Hindi ko na kayang maghintay pa. Hindi ko kayang makita siyang maghirap pa. Tumango ako sa aking sarili at tumayo mula sa kama. I can’t afford to feel weak anymore. I can’t afford to cry. I had to take control. Pumasok ako sa aking kwarto, nakita ko ang contract na iniwan ni Marco, yes I called him Marco not Dad. It was sitting there on the table, waiting for me. Napatingin ako sa mga salita, mga parapo na hindi ko pa lubos na nauunawaan. Magkaiba ang mundo namin. Kung hindi ko susundin ang kagustuhan niya, baka mawala ang pagkakataon ko na matulungan ang Mama ko. If I sign this, I’ll get what I need. Kung hindi, wala akong ibang paraan kundi mawalan siya. I don’t want to make this decision, but I had no choice. Tumango ako sa sarili ko at sinimulan kong basahin ang kontrata. Ang mga salita ay parang lumilipad sa aking harapan. Ang pakiramdam ko ay parang sinusubok ang bawat bahagi ng aking puso. “Just sign it,” I told myself, “for Mama.” Ang kamay ko ay nag-aalangan, pero sa huli, pinirmahan ko na rin. Hindi ko na kayang maghintay pa. Ang pagpisil ng ballpen sa papel ay parang isang bagay na hindi ko kayang balik-balikan. Parang isang pader na natumbok ko sa lahat ng ito. Ang tinig ni Marco na nagsasabi na tutulungan niya ang Mama ko ay nag-echo sa utak ko, at hindi ko kayang balikan ang mga sinabi niya. Nakatingin siya sa akin nung sinabi niyang walang ibang paraan kundi ito. Kung hindi ko ito gagawin, baka mawalan pa kami ng pagkakataon. Bakit ko pinili ito? Kung alam ko lang na magiging ganito, baka hindi ko na lang pinili. Habang iniisip ko ang mga ginawa ko, may narinig akong ingay mula sa labas. Hindi ko na pinansin. Sa takdang oras, alam ko, matutulungan ko rin ang Mama ko. Agad na tumawag si Marco at sinabi sa akin na inilipat na si Mama sa isang pribadong ospital. Ipinangako niyang bibigyan nila siya ng pinakamagandang serbisyo. Pero sa likod ng lahat ng iyon, nararamdaman ko na ang lahat ng ito ay isang malaking negosyo para kay Marco. Walang personal na koneksyon. Isa lang akong kasangkapan para makamit ang gusto niyang business deal. At dito ko lang natutunan na ang mga tao ay may mga agenda sa likod ng kanilang mga aksyon. Nakaupo ako sa loob ng silid na iyon, napansin ko ang mga kagamitan sa paligid. Yung mga gamit sa kwarto ko—mga simpleng bagay na hindi ko kayang palitan. Hindi ko kayang mawala ang mga simpleng bagay na iyon. Pero sa kabilang banda, alam ko na magiging masaya ako kapag nakita ko si Mama na magaling na. Pumunta ako sa ospital. Pagpasok ko sa room ni Mama, nakita ko ang kanyang mahimbing na tulog. Tinutulungan siya ng mga doktor, mga nurses, at ang mga makinang gamit na nagpapabilis ng paggaling niya. Pero hindi ko maiwasang magtaka kung saan ang mga taong ito para kay Marco. Para ba sa business lang ito? Para ba sa pamilya ko? Hindi ko kayang malaman. “Mama, I did it,” bulong ko habang pinapanood ko siyang natutulog. “I signed it. You’re going to be okay.” Pero kahit na ang lahat ay mukhang maayos, ang sakit na nararamdaman ko sa loob ng aking dibdib ay parang hindi kayang ipaliwanag. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ko ba ginagawa ito. Hindi ko kayang tanungin si Marco. Wala akong lakas na magtanong. Kahit na ang pinaka-simple na tanong, parang takot akong itanong. Habang tumatagal, ang pasya ko ay nagsisimulang magbago. Naisip ko na baka tama nga siya, baka hindi ko kayang gawin ito mag-isa. Siguro, kailangan ko talaga ng tulong. Kung anong mangyayari sa akin at sa buhay ko, wala akong kasiguraduhan. Ang puso ko, hati. Kung gusto kong matulungan si Mama, kailangan kong ipagpatuloy ang lahat ng ito. Pero kailangan ko ba talagang i-give up ang aking sarili? I need to ask myself: Am I doing this for her or for me? Ang mga susunod na hakbang ay wala na sa aking kontrol. Ang tanging alam ko lang ay ang ginugol kong araw at gabi sa paghihirap ng walang katiyakan. And for the first time, I felt helpless—hindi dahil sa mga desisyon ko, kundi dahil sa mga pangarap ko na hindi ko kayang makamtan. Sa huli, pipiliin ko ba ang pride ko o ang buhay ng Mama ko? It’s a decision I never thought I would have to make.Amara Ysabelle Santiago’s Point of ViewHindi ko alam kung bakit ang lungkot ko ngayon. Wala namang masyadong nangyayaring masama, tahimik lang ang araw, maganda ang panahon, tulog si Althea, at nasa kwarto si Killian abala sa pagbasa ng email pero may pa-sulyap sulyap pa rin sa amin tuwing maririnig niyang tumawa si baby. Pero sa kabila ng lahat ng ito, may bigat sa dibdib ko na ayaw mawala.Tumayo ako mula sa sofa at lumapit sa bintana. Natanaw ko si Theo sa labas, abalang nagsisiksik ng mga gamit niya sa likod ng sasakyan. Nakasuot siya ng simpleng jacket, joggers, at rubber shoes pero alam mong hindi ‘yon ordinaryong lakad lang. Halatang may pupuntahan siyang malayo. Hindi na ‘to biro. Hindi na rin pansamantalang biyahe lang.“Paalis na siya?” tanong ni Killian habang lumapit sa likod ko, pinatong ang baba sa balikat ko.Tumango ako, kahit gusto kong itanggi. Gusto ko sanang pigilan si Theo pero hindi ko magawa. Kasi alam ko, oras na rin para harapin niya ang bagong kabanata ng bu
Amara Ysabelle Santiago’s Point of ViewAraw ng Linggo. Maaliwalas ang panahon. Nasa veranda ako ng bahay namin habang kinakalong si Althea. Nakasuot siya ng yellow na dress na may maliliit na sunflower print. Kumakanta ako ng malumanay habang pinapadede ko siya at pinapainom ng konting tubig. Sa background, naririnig ko ang tawa ni Killian habang kausap si Yaya Myrna sa loob. May pinapasabing instructions tungkol sa mga groceries na dapat bilhin. Simula nang dumating si Althea sa buhay namin, naging mas kalmado at relaxed si Killian. Hindi na siya ‘yung dating istriktong CEO na parang laging may galit sa mundo. Mas madalas ko na siyang nakikitang naka-ngiti, kumakanta kahit sintunado, at higit sa lahat, walang pakialam kung puro laway at gatas ang polo niya basta kasama ang anak niya.Ngunit sa gitna ng katahimikan ng araw na ‘yon, may dumating na isang disruption. Rinig ko pa ang pagtigil ng sasakyan sa driveway, kasunod ang matalim na takong na humampas sa semento. Hindi na bago sa
Amara Ysabelle Santiago’s Point of ViewNagising ako sa tahimik na iyak ni Althea. Hindi na malakas, hindi rin demanding, pero sapat na para magpabalikwas ako mula sa pagkakahiga. Madaling araw na naman, pero sanay na ang katawan ko. Hindi ko na kailangang mag-alarm. Basta si Althea ang tumawag, automatic, gumigising na ako.“Good morning, baby,” mahina kong sabi habang kinukuha ko siya sa crib. Hinawakan niya ang daliri ko at bigla siyang ngumiti. Napangiti rin ako kahit puyat. “Ay, naku, ganyan ka na naman. Iiyak tapos ngingiti para hindi kita mapagalitan.”Wala pang isang buwan si Althea pero parang may isip na siya. Marunong na siyang dumiskarte, lalo na sa nanay niya.Ilang saglit lang ay narinig ko ang mga yabag ni Killian papunta sa nursery. Nakasuot pa rin siya ng suot niya kagabi plain shirt at boxers. Medyo magulo ang buhok at mukhang mas antok pa sa akin.“Love, ako na d’yan,” sabi niya habang nilalapit ang sarili sa amin.“Huli ka na, nagising ko na siya,” sagot ko habang
AMARA'S POINT OF VIEW Akala ko dati, ang pinakamahirap na araw sa buhay ko ay ‘yung mga panahong sabog ang puso ko sa dami ng iniisip, ‘yung binabalanse ko ang trabaho, ang emotions, at ang mga taong umaasa sa akin. Pero iba pala ang level ng hirap and happiness kapag isa ka nang nanay.Gabi-gabi, parang may sariling orasan ang anak namin. Tatlong oras palang ang lumilipas mula sa huling gising niya, umiiyak na ulit siya. Minsan marahan lang, minsan akala mo may kaaway siya. Pero ang mas matindi kahit puyat, kahit pagod isang ngiti lang mula sa kanya, parang nawawala lahat ng inis at antok.“Love, akin na siya,” sabi ni Killian isang madaling araw nang halos mapaluhod na ako sa sobrang antok.“No, ako na. Kakagising mo lang din. Ako na ulit,” bulong ko habang pinipilit magbukas ang mata ko. Pero sa totoo lang, gusto ko na ring mahiga at umidlip kahit limang minuto lang.“Amara,” seryoso niyang sabi. “Team tayo, ‘di ba? Hindi mo kailangang akuin lahat.”At bago pa ako makapagprotesta,
AMARA'S POINT OF VIEW Mula nang dumating si Althea sa buhay namin, parang may bumago kay Killian na hindi ko inasahan. Hindi na siya ‘yung dating Killian Alaric Dela Vega na sobrang seryoso, laging nakakunot ang noo, at ang mundo ay umiikot lang sa negosyo. Hindi na siya ‘yung boss na nakakatakot kahit hindi pa nagsasalita. Ngayon, siya na ang tatay na may hawak ng bote ng gatas habang naka-boxers lang sa sala, pinapatulog ang anak naming ayaw bitawan ang pink na stuffed bunny.Masaya ako. Sobrang saya.Hindi ko inakala na makikita ko ang lalaking tulad niya na ganu’n ka-devoted sa pamilya. Ang lalaking dati, halos hindi makausap nang hindi nakatingin sa phone, ngayon ay kayang iwan ang lahat ng iyon para kay Althea.“Babe, anong mas okay—‘yung white na ribbon o ‘yung may flowers?” tanong ni Killian habang hawak ang dalawang headbands ni Althea. Nakatayo siya sa may crib habang ako’y naglalagay ng diapers sa drawer.Napangiti ako. “Yung may flowers. Mas bagay sa kanya.”“Agree ako,”
AMARA'S POINT OF VIEW Tatlong araw matapos akong manganak, pinayagan na rin kami ng ospital na makauwi. Maayos ang vital signs ni Althea, malakas siyang dumede, at ayon sa pedia niya, healthy at malusog ang aming munting prinsesa.Ako naman, kahit pagod at halos hindi pa rin makapaniwala sa lahat ng nangyari, ramdam ko ang saya at kapayapaang matagal ko nang hindi naramdaman.Habang inaalalayan ako ni Killian palabas ng ospital, ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin na tila ba nakikiramay sa bagong yugto ng buhay ko. Nakasakay na si Althea sa maliit niyang baby carrier habang mariin itong hinahawakan ni Killian na para bang siya na ang bahala sa lahat.“Handa ka na bang umuwi, Mommy?” tanong niya sa akin, nginitian pa ako.“Mas handa pa sa handa,” sagot ko habang huminga ng malalim. “Pero sana handa rin ang mundo sa pagiging nanay ko.”Tumawa siya nang mahina. “Wala nang mas hihigit pa sa’yo. You were born for this.”Pagkarating sa bahay, halos hindi pa man nakakalapag ng mga gami