เข้าสู่ระบบAlthea’s POV
Tahimik lang ako sa classroom habang nagsusulat sa notebook. Midterms week kaya abala ang lahat, pero ako… wala sa focus. Simula pa kaninang umaga, may mabigat na pakiramdam sa dibdib ko. Biglang bumukas ang pinto. “Miss Althea Cruz?” tawag ng professor ko. “Opo, sir?” “May naghahanap daw sa’yo sa labas. Important daw sabi ng guard.” Napakunot ang noo ko. Wala naman akong inaasahan. Tumayo ako at lumabas ng classroom, naglakad papunta sa gate. Pagdating ko ro’n, parang tumigil ang oras. Nando’n siya… si Damian. Nakasandal sa mamahaling itim na kotse. Naka-suit, mukhang galing sa meeting. Calm, collected, at parang sanay mag-utos. Nang magtama ang mga mata namin, marahan siyang ngumiti. “Get in,” sabi niya, malamig pero may bigat. “Ha? Bakit ako sasakay?” “I said, get in, Muse.” Ramdam ko ang awtoridad sa boses niya. Kahit nagdadalawang-isip, sumakay pa rin ako. Tahimik kami habang umaandar ang sasakyan. Naamoy ko ulit ang mamahaling cologne niya… ‘yung naamoy ko rin noong unang gabi namin sa Club Elysium. Ilang minuto lang, huminto kami sa isang exclusive coffee shop. Pagpasok namin, diretso sa VIP room. Tahimik, malamlam ang ilaw, at may dalawang tasa ng kape sa mesa. “Sit down,” sabi niya. Umupo ako, kabado. “Ano bang kailangan mo sa’kin?” He leaned forward, calm but commanding. “I need your cooperation, Muse.” “Cooperation? Sa ano?” “I want you to be my mistress,” sabi niya. “For two years.” Nanlaki ang mata ko. “Ano? Mistress?! Anong tingin mo sa’kin?!” “In exchange,” patuloy niya, “I’ll take care of your mother’s hospital bills, your father’s debts, and your education. When the contract ends, you’ll receive ten million dollars.” “Paano mo nalaman ‘yung tungkol sa pamilya ko?” tanong ko, galit. “I had you investigated. I don’t make blind offers. You’re the most suitable woman for this arrangement.” Napatayo ako. “Pasensiya na, pero hindi ako para sa ganitong klase ng usapan! Hindi mo kailangang pakialaman ang buhay ko!” “I’m not interfering,” sagot niya, kalmado pa rin. “I’m offering you a choice.” “Bakit mo alam kung sino ako?! Paano mo nalaman na ako si Althea?” Tahimik siya. “Bawal ilabas ang tunay naming pagkatao sa club,” dagdag ko, nanginginig ang boses. “At paano mo nalaman ang itsura ko? Naka-mask ako sa stage!” “Because I own Club Elysium,” sagot niya, mababa ang tono. Nanigas ako. “H-ha?” “Yes,” sagot niya, seryoso. “I’m the owner. I know every face behind every mask. Especially yours.” Para akong natuyuan ng dugo. Siya pala ang may-ari ng Club Elysium… ang lugar na akala ko ligtas at confidential. “Hindi mo dapat ginagawa ‘to,” sabi ko, nanginginig. “Bawal ‘yan! Confidential lahat ng performer!” “I have every right,” sagot niya. “It’s my establishment. And you, Muse… you caught my attention the first time you stepped on that stage.” “Pasensiya na, Damian, pero hindi ako laruan. Hindi mo alam ang pinagdaanan ko para makarating dito!” “Exactly,” sabi niya. “That’s why I chose you. You fight hard… but I can make that fight easier for you.” Tumayo ako. “Hindi ko kailangan ng awa mo.” “You’ll need more than pride to survive what’s coming,” malamig niyang sagot. Kinuha ko ang bag ko at tumalikod. “Hindi mo ako pwedeng bilhin, Damian. Hindi lahat ng bagay nababayaran ng pera.” Tahimik siya, pero bago ako makalabas, nagsalita siya. “If you change your mind,” sabi niya, halos pabulong, “you know where to find me. And you still have my number.” Hindi ako lumingon. Diretso akong lumabas, pinapakalma ang dibdib kong parang sasabog. Habang nasa jeep pauwi, paulit-ulit kong iniisip ang sinabi niya. He owns the club? So alam niya talaga kung sino ako? Parang gumuho ang mundo ko. Ang akala kong ligtas na lugar, siya pala ang may hawak ng lahat ng sikreto namin. Pagdating ko sa bahay, natigilan ako. Magulo… basag ang mga pinggan, sirang TV, kalat ang gamit. “Ma?!” sigaw ko. “Ma, nasaan ka?!” Walang sumagot. Tumakbo ako sa kwarto… durog lahat ng gamit. Tumunog ang cellphone ko. “Love! Pumunta ka ngayon sa hospital… nandito si Mama mo!” boses ni Caleb, halos humihikbi. Parang lumiit ang mundo ko. Tumakbo ako palabas. Pagdating ko sa ospital, nakita ko si Caleb, pagod at namumugto ang mata. “Anong nangyari?” “May pumasok daw sa bahay niyo. Mga pinagkakautangan ng tatay mo. Sinira lahat ng gamit, hinanap ang pera. Biglang inatake si tita sa puso.” Lumabas ang doktor, agad akong lumapit. “Doc, kamusta si Mama?” “Miss Cruz,” sabi ng doktor, seryoso, “She needs to undergo surgery. There’s a blockage in one of her heart valves. If it’s not treated soon, it could be dangerous. The operation will cost around one to one and a half million pesos. You need to take care of your mom’s heart condition, or else she might have to stay here again for several more years.” Halos mahulog ako sa kinatatayuan ko. “P-pero saan ako kukuha ng ganung pera?” Hinawakan ni Caleb ang kamay ko. “Love, don’t worry. I’ll talk to my dad. I’ll find a way.” “Pero sabi mo, hindi ka niya tutulungan hangga’t hindi mo napapatunayan ang sarili mo. Paano kung hindi siya pumayag?” Napayuko siya. “Wala akong magawa. Wala akong silbi.” Hinawakan ko ang kamay niya at pilit ngumiti. “Ok lang, Caleb. Mag-aral ka lang mabuti. Gawin mong proud ang daddy mo. Para maging buo ulit ang pamilya niyo.” Ngumiti siya kahit halatang nasasaktan. “Pag nangyari ‘yon, magpapakasal tayo. I’ll give you the life you deserve.” Ngumiti ako, pero mabigat ang loob ko. I’m sorry, Caleb… pero wala na akong ibang pagpipilian. For Mama, I’ll do it. Habang niyayakap niya ako, nakatingin ako sa kawalan… at sa isip ko, paulit-ulit kong naririnig ang boses ni Damian: “You’ll call me when you’re ready, Muse.” At sa sandaling ito, alam kong malapit na akong tumawag sa kanya.Althea POVNasa hospital ako ngayon, nakikipag-usap kay Sebastian, at ramdam ko ang bawat tibok ng puso ko. Hindi ko maiwasang tumingin sa kanya… sa lalaking dati kong minahal, na ngayon ay naging isang malaking businessman at kapangyarihan sa sarili niyang mundo. Ang tension sa pagitan namin ay halata, parang bawat salita ay may kargang kasaysayan.“Althea… I didn’t expect to see you here,” sabi niya, tahimik, habang nakatingin sa akin. Halata sa mga mata niya ang halo ng pagkabigla at lungkot.“Sebastian… I didn’t expect to see you either,” sagot ko, naglalakad ng kaunti sa tabi ng sofa para magkaroon ng espasyo. Pero alam kong kahit gaano ko subukang lumayo, hindi natin maiwasan ang magnet na tila humihila sa atin.“Are you… okay? I mean… with everything?” tanong niya, medyo nag-aalangan. Halata na gusto niyang alamin kung kumusta na ako, kung nasaan na ang puso ko.“I’m… surviving,” sagot ko, simple lang, pero ramdam ko na bawat salitang lumalabas sa bibig ko ay may kirot. Ang pu
Caleb/Sebastian POVNandito ako ngayon sa hospital sa States para bisitahin si Helena. Siya yung babaeng tumulong sa akin nung wala na akong kahit anong makakain o matutuluyan. Yung tao na nagbigay sa akin ng pag-asa at ng bagong simula. Ngayon, nasa ospital siya dahil sa cancer at kailangan niya ng agarang operasyon. Habang nakatitig ako sa kanyang mahina at nanginginig na katawan, ramdam ko ang sakit sa puso ko… hindi lang sa kanya, kundi sa lahat ng panahon na natakot siya at halos mawalan ng pag-asa.“Helena,” mahina ko siyang tinawag, “look at me. Kaya mo ‘to.” Pinisil ko ang kamay niya, ramdam ko ang init ng kanyang palad. Para siyang bata, natatakot, at hindi niya alam kung paano haharapin ang lahat ng nangyayari sa kanya.“Sebastian… I’m scared,” wika niya, halos bumulong. Halos hindi siya makapagsalita. Alam kong hindi lang dahil sa operasyon ang takot niya. Takot siya sa ospital mismo, sa mga cold white walls, sa mga tunog ng monitors at beeping machines. Takot siya na baka
Damian POVTahimik ang buong opisina pero ramdam ko ang bigat ng hangin. Nakaupo ako sa harap ng malawak na mesa, nakakalat ang mga papeles… financial reports, legal documents, contracts na minsan ay simbolo ng tagumpay ko. Ngayon, para na lang silang mga paalala ng kaguluhang iniwan ni Caleb… o mas tama sigurong sabihin, ni Sebastian.Hindi ko pa rin minsan matanggap kung gaano kabilis niyang winasak ang pundasyon ng kompanyang itinayo ko sa loob ng maraming taon. Isang linggo. Isang linggo lang, at halos gumuho ang lahat. Strategic moves, hostile takeovers, silent investors… lahat planado. Hindi basta galit ng anak. Isa itong digmaan na pinaghandaan niya nang matagal.Huminga ako nang malalim habang tinititigan ang screen ng laptop ko. “Sir, may tatlo pang shareholders na gustong makipag-usap,” sabi ng secretary ko sa intercom. Pagod ang boses niya, tulad ko.“Pasok sila isa-isa,” sagot ko, pilit na pinapakalma ang tono ko. Kahit sa loob-loob ko, gusto kong sumigaw.Habang nagsasali
Althea POVNagpaalam si Damian ng umaga, bitbit ang briefcase niya at suot ang maayos na suit. “Althea, kailangan ko na bumalik sa office. Maraming dapat asikasuhin sa company. I don’t want anything to happen sa pinaghirapan natin. I’ll be back after a month, ha?” sabi niya habang hinahawakan ang kamay ko at tinitingnan ako nang seryoso.Tumango lang ako, ramdam ang init ng kamay niya sa akin. “Okay, Damian. Ingat ka,” sagot ko, kahit alam kong kaya niyang pangasiwaan ang lahat. May lungkot sa kanyang mga mata nang maghiwalay kami, pero alam kong kailangan niyang mag-focus sa trabaho.Pagkatapos niyang umalis, nagbihis ako ng simple pero maayos… light blouse, comfy pants, at flats. Maganda ang panahon kaya perfect para pumunta sa ospital at bisitahin ang mama ko. Hawak ko ang maliit na bag na may dala-dalang ilang libro at toiletries para sa kanya.Habang naglalakad ako sa hallway ng ospital, ramdam ko ang katahimikan ng paligid. May tahimik na tunog ng mga beeping machines at malayon
Althea POVPaglabas namin ng ospital, ramdam ko ang bigat na unti-unting nawala sa dibdib ko. Hawak-hawak ko ang bag ko, habang si Damian naman ay maingat na nagdala ng mga gamit namin. Tahimik lang kami sa biyahe pabalik sa apartment na pansamantala naming titirhan, pero ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin… hindi tense sa away, kundi sa dami ng nangyari at sa bigat ng emosyon na dala ko.“Althea, okay ka lang ba?” tanong ni Damian habang nakatingin sa akin sa rearview mirror.Tumango ako kahit hindi sigurado. “Oo… medyo drained lang. Maraming nangyari kanina sa ospital.” Huminga ako ng malalim at tiningnan ang paligid. “Pero… masaya rin ako na nakita ko na muli ang mama ko. Nakita ko na nagiging maayos siya.”Ngumiti si Damian, pero ramdam ko na may iniisip pa rin siya. “Althea… alam kong mahirap ito. Pero hindi ka nag-iisa. Kasama mo ako. Lahat ng kailangan mo, nandito ako.”Napatingin ako sa kanya at napangiti. “Salamat, Damian. Hindi ko alam kung paano ko kakayanin ’to kung wal
Althea POVTahimik ang hallway ng ospital, pero sa dibdib ko parang may nagwawala. Bawat hakbang ko papalapit sa kwarto ng mama ko ay parang mas bumibigat ang paa ko. Amoy disinfectant ang paligid, malamig ang ilaw, at tanging tunog ng mga monitor ang maririnig. Hawak ko nang mahigpit ang kamay ni Damian, parang doon lang ako humuhugot ng lakas.“Okay ka lang?” mahina niyang tanong, ramdam ang pag-aalala sa boses niya.Tumango ako kahit hindi ako sigurado kung totoo. “Oo,” sagot ko, pero nanginginig ang boses ko. “Kinakabahan lang.”Huminto kami sa harap ng pintuan. May maliit na nameplate sa gilid… pangalan ng mama ko. Ilang segundo akong nakatitig doon, parang natatakot na buksan ang pinto. Ilang taon din kaming hindi nagkita. Ilang taon ng pangungulila at pag-asa ang naipon sa loob ko.“Kaya mo ’yan,” bulong ni Damian. Dahan-dahan niyang pinisil ang kamay ko. “Nandito lang ako.”Huminga ako ng malalim at tuluyan nang binuksan ang pinto.Una kong nakita ang mga makina… monitor ng ti







