LOGIN
ALTHEA'S POV
Sa Club Elysium, hindi uso ang pangalan. Dito, bawat tao ay may lihim na ayaw nilang aminin… at isa ako sa nagtatago ng lihim na ‘yon. Ang tawag nila sa akin ay Muse. Habang sumasayaw ako sa ilalim ng mga ilaw, ramdam ko ang init ng spotlight na parang apoy sa balat ko. Lahat ng mga mata nakatutok, lahat ng hininga humahabol sa bawat galaw ko. Pero ako, kalmado lang. Sanay na ako sa ganitong eksena… hanggang sa may mapansin ako. Isang lalaki sa VIP area. Tahimik. Matikas. Naka-suit. Hindi kagaya ng mga madalas kong nakikita dito. May hawak siyang baso ng whiskey at ang mga mata niya, diretso sa akin. Hindi bastos. Pero matalim. Parang may hinahanap. Pagkatapos ng sayaw, nagpalakpakan ang crowd. Yumuko ako nang bahagya bilang pasasalamat. Dali-dali akong tumalikod papunta sa backstage. Pagkapasok ko, naroon siya… ang lalaki mula sa VIP. “You dance beautifully,” sabi niya, diretso ang tingin sa akin. “Salamat,” sagot ko, walang ngiti. “Pero bawal pumasok dito. Private area ‘to.” “I know,” sagot niya, mahinahon. “I just wanted to talk to you.” Bahagya siyang ngumiti. “Muse, ‘di ba? That’s what they call you?” “Mm. And that’s what you’ll call me too,” sagot ko. “I don’t give strangers real names.” “Fair enough,” sagot niya. “Then you can call me Damian.” “Damian…” pag-uulit ko, “malakas ang dating ng pangalan mo, ah. Parang may kasamang panganib.” “Smart answer.” Sagot niya. Sandaling nagtagal ang aming mga titig. Sa ilalim ng mga ilaw sa backstage, ramdam ko ang kakaibang tensyon… parang apoy na tahimik pero mainit. Pagkatapos ng ilang sandali, bahagya siyang umatras at tumingin sa relo niya. “I should go,” sabi niya, mahinahon. “But this won’t be the last time we see each other, Muse.” Tumingin lang ako sa kanya, at tumango. Ngumiti siya nang marahan, bago tuluyang lumakad papalabas ng backstage. Ang amoy ng cologne niya ay naiwan sa loob. Pagkatapos no’n, tumunog ang cellphone ko. May mensahe mula sa boyfriend ko: “Hey love! Saan ka na? Can’t wait to see you later!” Napangiti ako, bahagyang nahihiya sa sarili. Nag-type ako ng maikling sagot, pero sa likod ng isip ko, naaalala ko pa rin ang mga titig ni Damian.. Later That Night. Pagkatapos ng ilang set, habang nag-aayos na ako pauwi, lumapit ang manager. “Muse, may request sa VIP room,” sabi niya. “Ngayon pa?” tanong ko, kunot-noo. “Akala ko tapos na ‘ko.” “Special guest daw. Gusto kang makausap.” Hindi na bago ang ganitong request, pero may kung anong kakaiba sa tono niya. Habang naglalakad ako papunta sa VIP area, ramdam ko ang kaba sa dibdib ko…. hindi ko alam kung bakit. Pagbukas ng pinto, bumungad siya… si Damian. Nasa gitna ng silid, nakaupo sa leather couch. “Muse,” sabi niya, mabagal, mababa ang boses. “I was hoping you’d come.” “Eh… ikaw pala ‘yung special guest,” sagot ko, pilit na kalmado kahit ang tibok ng puso ko ay bumibilis. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at lumapit ng bahagya. Ang ilaw sa VIP room ay madilim, at sa bawat hakbang niya ay parang humihina ang ingay ng paligid. “Sit with me,” sabi niya. Naupo ako, pero hindi pa man ako nakaka-relax, nagsalita siya ulit. “Dance for me.” Napatingin ako sa kanya, bahagyang nagulat. “What?” Ngumiti siya, ‘yung tipong mahina pero may bigat. “You dance for everyone out there,” sabay turo sa direksyon ng stage, “but I want to see how you move when no one’s watching.” Natigilan ako. Hindi ito part ng trabaho ko… pero may kung anong tono sa boses niya na hindi nakaka-insulto, kundi… nakakaintriga. “I don’t usually take private requests,” sabi ko, nakataas ang kilay. “Then make this an exception,” mahinang sagot niya. “Just this once.” Tahimik ang paligid. Ang tanging maririnig ay ang mahinang tugtog mula sa labas, at ang tibok ng puso ko. Bago ko pa mapigilan ang sarili, tumayo ako… dahan-dahan. Tinitigan ko siya habang humahakbang, at sa bawat galaw ko, nararamdaman ko ang tingin niyang sumusunod. Hindi ito kagaya ng sayaw sa stage… walang ilaw, walang crowd. Kaming dalawa lang, at ang hangin sa pagitan namin na parang nag-aapoy. Si Damian ay tahimik lang, nakasandal, pero ramdam ko ang intensity ng bawat titig niya. Parang bawat galaw ko ay binabasa niya, bawat hinga sinusundan. Pagkatapos ng ilang sandali, huminto ako. Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas, pero pakiramdam ko ay matagal. “Beautiful,” bulong niya. Ngumiti lang ako, hindi sumagot. Tahimik pa rin sa paligid pagkatapos ng sayaw. Si Damian ay nakaupo lang, bahagyang nakasandal, habang ako naman ay dahan-dahang huminto sa gitna ng silid. Ramdam ko pa rin ang tibok ng puso ko… hindi dahil sa pagod, kundi dahil sa paraan ng pagtingin niya. Hindi siya agad nagsalita. Tila pinag-iisipan pa niya kung ano ang susunod na gagawin. Maya-maya, may kinuha siya sa bulsa ng kanyang coat at naglabas ng isang sobre at isang calling card. Maingat niya itong inilapag sa lamesa sa pagitan namin. “For when you decide to step out of the lights,” sabi niya, mababa ang boses. “You might need this.” Tumingin ako sa kanya, naguguluhan. “What is this supposed to mean?” Ngumiti siya, pero walang sagot. Ang mga mata niya ay malamig at matalim, pero may halong pag-aalok na parang hindi ko kayang basahin. “Keep it,” dagdag niya. “You never know when you’ll want a different kind of stage.” Hindi ko alam kung insulto ba iyon o alok ng pagkakataon. Ang boses niya ay walang bahid ng pangungumbinsi. Tahimik akong tumango, hindi alam kung dapat bang tanggihan o tanggapin. Sa huli Kinuha ko pa rin ito. Bago ako tuluyang makalabas, narinig ko ang boses niya… mahina, halos pabulong. “We always meet again, Muse. It’s only a matter of time.” Paglabas ko sa VIP room, ramdam ko pa rin ang bigat ng presensya niya. Hindi ko alam kung anong klaseng laro ang sinimulan niya, pero isang bagay ang malinaw… hindi iyon ang huling beses na.maririnig ko ang pangalan niya.Damian’s POVPaglabas ko mula sa event ay ramdam ko agad ang bigat sa dibdib ko. Hindi ko ma-explain, pero may something off kay Althea kanina. The way she smiled, the way her eyes tried to avoid mine… parang may tinatago. Parang may iniisip na hindi niya masabi.At hindi iyon tungkol sa negosyo.Hindi rin tungkol sa contract namin.It was something deeper.Pagbalik ko sa private room para hanapin siya, wala na siya. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan.She won’t leave without telling me.Hindi siya gano’n.“Sir?” lapit ng isa sa security ko. “May napansin po kaming kakaiba…”“Spit it out,” malamig kong putol.“May CCTV footage po… may dalawang lalaking nakita malapit sa fountain area. Mukhang may kinalabas…”Hindi ko na siya pinatapos.“Pull the footage. Now.”Pinakita nila ang video sa phone. Napalakas ang tibok ng puso ko nang makita ko si Althea… naglalakad mag-isa, huminto sa fountain… at biglang may tumakip sa ilong niya.My heart dropped.“Find her.”Isang salit
Althea’s POV“Damian… I’ll just get some air,” mahina kong sabi habang pilit na inaayos ang boses ko.Tumingin siya sa akin, tila sinusuri ang mukha ko. “Don’t take too long.”Tumango lang ako at tuluyang lumabas ng grand ballroom.Paglabas ko ng venue, sinalubong ako ng malamig na hangin ng gabi. Parang unang beses ulit akong huminga nang malalim matapos ang lahat ng ingay, ilaw, at plastik na ngiti sa loob. Pumikit ako sandali habang inaamoy ang ihip ng hangin, para bang hinihigop ko ang natitirang lakas na kaya kong ipunin.“Caleb…” mahina kong bulong sa hangin.Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang bigat ng titig niya kanina. Ang sakit sa mga mata niyang hindi ko kayang burahin sa isipan ko. Ang paraan ng pagkawala niya matapos ang halik ko kay Damian… parang doon tuluyang gumuho ang mundo ko.Dahan-dahan akong naglakad palayo sa main entrance. Gusto ko lang ng katahimikan. Gusto ko lang mag-isip. Hindi ko alam kung gaano ako katagal naglakad, hanggang sa makarating ako sa isang m
Althea’s POVTahimik ang buong hotel room habang nakatayo ako sa harap ng full-length mirror. Ilang ulit ko nang tinititigan ang sarili ko, parang hindi ko nakikita kung sino ba talaga ang babaeng nasa harapan ko ngayon. Ako pa rin ba ito? O isa na lang akong karakter na sumusunod sa agos ng buhay na hindi ko na kontrolado?Suot ko ang isang mahaba at fitted na champagne-colored gown na may manipis na straps sa balikat. Simple lang ang disenyo pero elegante… hapit sa katawan, at may mahabang slit sa kanan na nagpapakita ng binti ko kapag gumagalaw ako. Maayos ang pagkakakulot ng buhok ko, bahagyang wavy, bumabagsak sa likod ko. Ang make-up ko ay soft glam… hindi sobrang kapal, pero sapat para magmukhang presentable sa isang high-class event.Pero kahit anong ayos ko sa sarili ko sa labas, sa loob ko… wasak pa rin ako.Habang inaayos ko ang huling detalye ng makeup ko, biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Hindi na ako lumingon… kilala ko na agad kung sino ang pumasok.Si Damian.Nariri
Althea’s POVPumasok ako sa school na may mabigat na pakiramdam. Kahit anong pilit ko, hindi maalis sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Ang pagmamahal ko kay Caleb… at ang pagkakaroon rin ng damian sa buhay ko. Ang puso ko parang hinahati sa dalawa, at bawat hakbang sa hallway ay parang may mabigat na dala.Pero desidido na ako. Desidido sa desisyon kong makipaghiwalay kay Caleb, kahit masakit. Kahit masasaktan siya, kahit ako rin ay masasaktan. Alam kong tama ang ginagawa ko. Para sa lahat ng tao, at para rin sa sarili ko.Hindi ko inaasahan, pero hindi rin nagtagal ay naramdaman ko na parang may bumabantay sa akin sa bawat galaw ko. Nakita ko si Caleb sa kabilang hallway, nakatingin sa akin. Hindi siya nagtatago, hindi rin nag-aalangan. Parang gusto niyang lumapit, hawakan ang kamay ko, at ipaalala sa akin kung gaano niya ako kamahal.“Althea,” mahinang bulong niya habang lumalapit.Hindi ko pinansin. Nagpatuloy ako sa paglalakad, hawak ang mga libro ko ng mahigpit, pilit iniwasan a
Caleb’s POVUmuwi akong bitbit ang sama ng loob, pagod ang katawan, at mugtong-mugto ang mga mata sa kakaiyak. Para akong hinihila ng bawat hakbang ko pauwi sa mansion. Gusto ko na lang sana mawala, maglaho kahit sandali. Pero wala akong takas sa realidad na unti-unting gumigiba sa mundo ko.Pagpasok ko sa mansion, gaya ng dati, madilim. Tahimik. Parang bangkay ang bahay.. walang buhay, walang init. Ang tanging ilaw lang ay galing sa dining area. Doon ko siya nakita.Si mommy.May hawak siyang wine glass, nakaupo sa upuan, nakatingin sa mesa na parang may iniisip na malalim. Pero ramdam ko… hindi ‘yon ordinaryong pag-iisip. Lasing siya. Kita ko sa mga mata niya ‘yon.“Mom…” mahinang tawag ko.Lumingon siya sa akin, at bigla siyang ngumiti… isang ngiting hindi ko maintindihan kung masaya ba o baliw na sa sakit.“Alam mo ba,” mabagal niyang sabi habang ini-ikot ang wine sa baso, “kung sino ang babae ng ama mo?”Biglang kumabog ang dibdib ko. Parang may malamig na kamay na dumakma sa pu
Caleb’s POVHindi ko alam kung ano ang mas masakit… ang makita si Althea na umiiyak para makipag hiwalay sa akin, o ang malaman na may ginawa ang Dad ko para pilitin siya. Ang dibdib ko ay parang pinipiga, ang mga palad ko nanginginig. Hindi ko kayang manahimik na lang. Kailangan kong kumilos.Tumakbo si Althea palabas ng hotel room ni dad ako naman ay nanatiling nakatayo. Ramdam ko ang galit sa bawat hakbang ni Althea papalayo, kirot, at kawalang-katiyakan. Umangat ang ulo ko at nakita ko siya nakaupo sa desk, nakatingin sa mga papeles, parang walang nangyari.“Dad,” sabi ko, ang boses ko nanginginig sa galit. “We need to talk. Now.”Tumingin siya sa akin, calm as ever, pero ramdam ko ang intensity sa kanyang mga mata. “Caleb,” sagot niya. “I see you found out long ago.”“Found out? Dad, I saw everything. The way you treated her. You… you threatened her!” Sigaw ko, halos hindi ko mapigil ang galit. “How could you do that? She’s my girlfriend, dammit! And you… how could you even think







