Althea’s POVTahimik lang ako sa classroom habang nagsusulat sa notebook. Midterms week kaya abala ang lahat, pero ako… wala sa focus. Simula pa kaninang umaga, may mabigat na pakiramdam sa dibdib ko.Biglang bumukas ang pinto.“Miss Althea Cruz?” tawag ng professor ko.“Opo, sir?”“May naghahanap daw sa’yo sa labas. Important daw sabi ng guard.”Napakunot ang noo ko. Wala naman akong inaasahan. Tumayo ako at lumabas ng classroom, naglakad papunta sa gate.Pagdating ko ro’n, parang tumigil ang oras.Nando’n siya… si Damian.Nakasandal sa mamahaling itim na kotse. Naka-suit, mukhang galing sa meeting. Calm, collected, at parang sanay mag-utos. Nang magtama ang mga mata namin, marahan siyang ngumiti.“Get in,” sabi niya, malamig pero may bigat.“Ha? Bakit ako sasakay?”“I said, get in, Muse.”Ramdam ko ang awtoridad sa boses niya. Kahit nagdadalawang-isip, sumakay pa rin ako. Tahimik kami habang umaandar ang sasakyan. Naamoy ko ulit ang mamahaling cologne niya… ‘yung naamoy ko rin noong
Terakhir Diperbarui : 2025-10-23 Baca selengkapnya