LOGINAlthea’s POV
Tahimik lang ako habang nakaupo sa hallway ng ospital. Ramdam ko ang lamig ng hangin at ang bigat ng bawat segundo. Nakatingin ako kay Mama, tulog siya sa loob ng kwarto, may mga tubo at monitor sa tabi niya. Lumapit si Caleb, halatang pagod pero pilit pa ring kalmado. “Love,” mahinang sabi niya, “bantayan ko muna si tita. Kung gusto mo, umuwi ka muna at magpahinga.” Umiling ako. “Hindi, kailangan kong umalis sandali. Pupunta lang ako sa pinagtatrabahuan ko. Susubukan kong humiram ng pera.” “Pwede akong tumulong,” sabi niya agad. “May naipon ako… hindi man kalakihan pero baka makadagdag.” Umiling ulit ako, pilit na ngumiti. “Caleb, ilaan mo ‘yan sa pag-aaral mo. Alam mo namang ayaw kong maapektuhan ‘yung future mo dahil sa problema namin. Isa pa, kailangan mong patunayan sa daddy mo na kaya mo kahit wala siya.” Napayuko siya, halatang nasaktan pero hindi nagreklamo. “Alam ko… pero minsan gusto ko na lang sumuko. Hindi ko alam kung kailan niya ako kikilalanin bilang anak.” Hinawakan ko ang kamay niya. “Makikilala ka rin niya, Caleb. Kasi mabuti kang tao. Kagaya ng sinabi mo, gusto niyang makita mong kaya mong magsimula from scratch… just like him. At alam kong magagawa mo ‘yun.” Tumingin siya sa’kin, malungkot ang mga mata. “You always make me believe I can do it. You’re my strength, Althea.” Ngumiti ako kahit nangingilid ang luha. “Salamat. Pero ngayon… kailangan kong maging matatag. Para kay Mama.” Bago ako umalis, niyakap niya ako nang mahigpit. “Ingat ka, please. Call me if something happens.” Tumango lang ako at tumalikod, pero sa loob-loob ko, ramdam ko ang sakit ng bawat hakbang. Pagdating ko sa labas ng ospital, kinuha ko ang cellphone ko at calling card ni Damian, sandali akong natigilan. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko bago ko tuluyang pinindot ang call button. “Hello, Muse,” malamig pero mababang boses ang sumalubong sa kabilang linya. “Damian…” “Yes?” “Handa na ako,” mahinang sabi ko. “Pumapayag na ako sa alok mo.” Sandaling katahimikan. Tapos narinig ko ang mahinang tawa niya. “I knew you’d call,” sabi niya. “Meet me at Elysium. Same VIP room.” Pagdating ko sa Club Elysium, ramdam ko agad ang kilabot. Hindi na ito ‘yung lugar na minsang naging takbuhan ko. Parang bawat ilaw, bawat musika, may bigat. Lumakad ako papunta sa VIP room, at pagpasok ko… nando’n siya. Nakaupo sa couch, may hawak na baso ng whiskey, nakasuot ng dark suit na lalong nagpalalim ng presensya niya. “Sit down,” utos niya, pero hindi ako agad gumalaw. Tumingin siya sa’kin, tapos may inabot na paper bag. “Wear this.” Dahan-dahan kong kinuha ang bag. Nang buksan ko, muntik na akong mapaatras. Isang itim na silk dress… sobrang nipis, halos kita na ang kabuuan ko. Open back, deep neckline, at slit na halos umabot sa hita. Sa ilaw ng kwarto, parang kumikintab pa ang tela. “Damian…” mahina kong sabi. “Wala na bang ibang damit?” He smirked. “That’s the point, Muse. I want to see you… no masks, no pretenses. Just you.” Huminga ako nang malalim at pumasok sa dressing room. Habang sinusoot ko ‘yung damit, pakiramdam ko parang tinatanggal ko rin ang natitirang pride ko. Ang bawat hibla ng tela, parang paalala ng desisyon kong hindi na pwedeng bawiin. Paglabas ko, nakatingin siya diretso sa’kin. Hindi nagsalita, pero kita sa mga mata niya ang pagkagulat… at paghanga. “Perfect,” sabi niya. “Now… dance for me.” Napakagat ako sa labi. “Anong…” “You heard me, Muse. Dance.” Wala na akong nagawa. Tumugtog ang mabagal na musika mula sa speaker. Nagsimula akong gumalaw… mabagal, maingat, parang bawat galaw ay may kasamang pagtutol. Habang umiikot ako, bawat hakbang ay parang sakripisyo. Ang mga kamay ko, nanginginig habang sumusunod sa ritmo. Ang bawat paglingon, may halong pang-aakit at guilt. Parang ako mismo ang hinahatulan ng konsensiya ko. Pero iniisip ko si Mama. Ang ospital. Ang utang. Para kay Mama, paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko. Pagkatapos ng ilang minuto, tumigil ang musika. Nakatingin lang siya sa’kin… seryoso, tahimik. “Sit down,” sabi niya muli. Umupo ako sa harap niya. Nilapag niya sa mesa ang isang folder at ballpen. “Sign this,” utos niya. Kinuha ko ang papel. “Ano ‘to?” “Your contract,” sagot niya. “Two years. You’ll be my mistress. In return, I’ll handle your mother’s surgery, your father’s debts, and your education. And at the end, ten million dollars.” Halos hindi ako makahinga habang binabasa ko ‘yung kontrata. Tumingin ako sa kanya. “Damian… bakit ako? Bakit mo ginagawa ‘to? Dahil bored ka? Gusto mong may mapaglaruan?” Tumingin siya sa mga mata ko, at sa unang pagkakataon, may bakas ng lungkot sa mukha niya. “I’m not playing, Muse. I need someone I can trust. Someone clean. You have no scandals, no record. You’re… safe.” Natahimik ako. Hindi ko alam kung insulto ‘yon o papuri. Huminga ako nang malalim, at kahit nanginginig ang kamay ko, pinirmahan ko ang kontrata. Pikit-mata. Walang luha, pero may bigat na parang bumagsak ang buong mundo sa balikat ko. “Magaling,” sabi niya, sabay kuha ng papel. “Now that we have a contract, you’ll follow my instructions from now on.” “Bakit mo talaga ‘to ginagawa?” tanong ko ulit, halos pabulong. “Because I need you, Muse. And I always get what I need.” Tumayo siya, tumingin sa labas ng bintana, tapos bumalik ang malamig niyang tono. “Tomorrow morning, I’ll send your mother to the U.S. for treatment. Don’t worry about your father’s debts… I’ll take care of it. In return, be at the Regalia Hotel, room 808, tomorrow night. I want you to prove your loyalty.” Tumango lang ako, walang masabi. Tumalikod ako at nagbihis ng sarili kong damit. Bago ako lumabas, narinig ko pa ang boses niya. “Remember, Muse,” sabi niya, mahina pero matalim, “once you step into that room tomorrow, there’s no turning back.” Paglabas ko ng VIP room, sinalubong ako ng ilaw ng stage. Narinig ko ang tawanan, ang tugtog, ang sigawan ng mga tao. Parang ibang mundo.Damian’s POVPaglabas ko mula sa event ay ramdam ko agad ang bigat sa dibdib ko. Hindi ko ma-explain, pero may something off kay Althea kanina. The way she smiled, the way her eyes tried to avoid mine… parang may tinatago. Parang may iniisip na hindi niya masabi.At hindi iyon tungkol sa negosyo.Hindi rin tungkol sa contract namin.It was something deeper.Pagbalik ko sa private room para hanapin siya, wala na siya. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan.She won’t leave without telling me.Hindi siya gano’n.“Sir?” lapit ng isa sa security ko. “May napansin po kaming kakaiba…”“Spit it out,” malamig kong putol.“May CCTV footage po… may dalawang lalaking nakita malapit sa fountain area. Mukhang may kinalabas…”Hindi ko na siya pinatapos.“Pull the footage. Now.”Pinakita nila ang video sa phone. Napalakas ang tibok ng puso ko nang makita ko si Althea… naglalakad mag-isa, huminto sa fountain… at biglang may tumakip sa ilong niya.My heart dropped.“Find her.”Isang salit
Althea’s POV“Damian… I’ll just get some air,” mahina kong sabi habang pilit na inaayos ang boses ko.Tumingin siya sa akin, tila sinusuri ang mukha ko. “Don’t take too long.”Tumango lang ako at tuluyang lumabas ng grand ballroom.Paglabas ko ng venue, sinalubong ako ng malamig na hangin ng gabi. Parang unang beses ulit akong huminga nang malalim matapos ang lahat ng ingay, ilaw, at plastik na ngiti sa loob. Pumikit ako sandali habang inaamoy ang ihip ng hangin, para bang hinihigop ko ang natitirang lakas na kaya kong ipunin.“Caleb…” mahina kong bulong sa hangin.Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang bigat ng titig niya kanina. Ang sakit sa mga mata niyang hindi ko kayang burahin sa isipan ko. Ang paraan ng pagkawala niya matapos ang halik ko kay Damian… parang doon tuluyang gumuho ang mundo ko.Dahan-dahan akong naglakad palayo sa main entrance. Gusto ko lang ng katahimikan. Gusto ko lang mag-isip. Hindi ko alam kung gaano ako katagal naglakad, hanggang sa makarating ako sa isang m
Althea’s POVTahimik ang buong hotel room habang nakatayo ako sa harap ng full-length mirror. Ilang ulit ko nang tinititigan ang sarili ko, parang hindi ko nakikita kung sino ba talaga ang babaeng nasa harapan ko ngayon. Ako pa rin ba ito? O isa na lang akong karakter na sumusunod sa agos ng buhay na hindi ko na kontrolado?Suot ko ang isang mahaba at fitted na champagne-colored gown na may manipis na straps sa balikat. Simple lang ang disenyo pero elegante… hapit sa katawan, at may mahabang slit sa kanan na nagpapakita ng binti ko kapag gumagalaw ako. Maayos ang pagkakakulot ng buhok ko, bahagyang wavy, bumabagsak sa likod ko. Ang make-up ko ay soft glam… hindi sobrang kapal, pero sapat para magmukhang presentable sa isang high-class event.Pero kahit anong ayos ko sa sarili ko sa labas, sa loob ko… wasak pa rin ako.Habang inaayos ko ang huling detalye ng makeup ko, biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Hindi na ako lumingon… kilala ko na agad kung sino ang pumasok.Si Damian.Nariri
Althea’s POVPumasok ako sa school na may mabigat na pakiramdam. Kahit anong pilit ko, hindi maalis sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Ang pagmamahal ko kay Caleb… at ang pagkakaroon rin ng damian sa buhay ko. Ang puso ko parang hinahati sa dalawa, at bawat hakbang sa hallway ay parang may mabigat na dala.Pero desidido na ako. Desidido sa desisyon kong makipaghiwalay kay Caleb, kahit masakit. Kahit masasaktan siya, kahit ako rin ay masasaktan. Alam kong tama ang ginagawa ko. Para sa lahat ng tao, at para rin sa sarili ko.Hindi ko inaasahan, pero hindi rin nagtagal ay naramdaman ko na parang may bumabantay sa akin sa bawat galaw ko. Nakita ko si Caleb sa kabilang hallway, nakatingin sa akin. Hindi siya nagtatago, hindi rin nag-aalangan. Parang gusto niyang lumapit, hawakan ang kamay ko, at ipaalala sa akin kung gaano niya ako kamahal.“Althea,” mahinang bulong niya habang lumalapit.Hindi ko pinansin. Nagpatuloy ako sa paglalakad, hawak ang mga libro ko ng mahigpit, pilit iniwasan a
Caleb’s POVUmuwi akong bitbit ang sama ng loob, pagod ang katawan, at mugtong-mugto ang mga mata sa kakaiyak. Para akong hinihila ng bawat hakbang ko pauwi sa mansion. Gusto ko na lang sana mawala, maglaho kahit sandali. Pero wala akong takas sa realidad na unti-unting gumigiba sa mundo ko.Pagpasok ko sa mansion, gaya ng dati, madilim. Tahimik. Parang bangkay ang bahay.. walang buhay, walang init. Ang tanging ilaw lang ay galing sa dining area. Doon ko siya nakita.Si mommy.May hawak siyang wine glass, nakaupo sa upuan, nakatingin sa mesa na parang may iniisip na malalim. Pero ramdam ko… hindi ‘yon ordinaryong pag-iisip. Lasing siya. Kita ko sa mga mata niya ‘yon.“Mom…” mahinang tawag ko.Lumingon siya sa akin, at bigla siyang ngumiti… isang ngiting hindi ko maintindihan kung masaya ba o baliw na sa sakit.“Alam mo ba,” mabagal niyang sabi habang ini-ikot ang wine sa baso, “kung sino ang babae ng ama mo?”Biglang kumabog ang dibdib ko. Parang may malamig na kamay na dumakma sa pu
Caleb’s POVHindi ko alam kung ano ang mas masakit… ang makita si Althea na umiiyak para makipag hiwalay sa akin, o ang malaman na may ginawa ang Dad ko para pilitin siya. Ang dibdib ko ay parang pinipiga, ang mga palad ko nanginginig. Hindi ko kayang manahimik na lang. Kailangan kong kumilos.Tumakbo si Althea palabas ng hotel room ni dad ako naman ay nanatiling nakatayo. Ramdam ko ang galit sa bawat hakbang ni Althea papalayo, kirot, at kawalang-katiyakan. Umangat ang ulo ko at nakita ko siya nakaupo sa desk, nakatingin sa mga papeles, parang walang nangyari.“Dad,” sabi ko, ang boses ko nanginginig sa galit. “We need to talk. Now.”Tumingin siya sa akin, calm as ever, pero ramdam ko ang intensity sa kanyang mga mata. “Caleb,” sagot niya. “I see you found out long ago.”“Found out? Dad, I saw everything. The way you treated her. You… you threatened her!” Sigaw ko, halos hindi ko mapigil ang galit. “How could you do that? She’s my girlfriend, dammit! And you… how could you even think







