Emerald's POVNanindig ang mga balahibo ko dahil sa hindi ko maintindihan na pakiramdam. Sobrang lapit ng mukha ni Trevor sa mukha ko kaya hindi ko magawang makagalaw. Gusto ko na siyang itulak ngunit nanghihina ako. Wala akong lakas ng loob na gawin ang kahit na ano sa mga oras na ito.Napalunok na lamang ako nang marahang hawakan niya ang baba ko at ipinaling paharap ang mukha ko. He's looking straightly in my eyes. "Don't you think it is unfair?" seryosong tanong niya sa akin."W-what?" nauutal kong tanong.Ngunit sa halip na sagutin niya ako ay napapikit na lamang ako nang tahasan niyang ilapat ang labi niya sa labi ko. Milyong milyong bultahe ng kuryente ang tila dumaloy sa buong katawan ko. Nanatiling magkalapat ang mga labi namin habang pigil hiningang nakapikit lamang ako.No. This is not right. I should do something. But I can't move. Tila naparalisa ang buong katawan ko at ang nararamdaman ko lang ay ang malakas na tibok ng puso ko. Nang ilayo niya ang labi niya ay doon lam
Emerald's POV"So, you're not gay," sambit ko habang nakahiga pa rin sa sahig at nakatitig lamang sa kisame. Hindi ko magawang makagalaw dahil hindi pa rin yata napa-process ng buong buo ng utak ko ang mga nangyari kanina."Who said that I am gay?" tanong naman niya. Naramdaman ko pa ang kamay niya sa batok ko at sa likod ng mga hita ko. Hindi ako nagsalita nang buhatin niya ako at ilipat sa kama niya.Nang maramdaman ko ang malambot na higaan sa likod ko ay bahagya akong napapikit. Aaminin kong sumakit ang likod ko dahil sa lamig ng sahig at dahil na rin yata sa ginawa namin kanina. I am still naked kaya hinila ko na lamang ang kumot para itaklob sa katawan ko."Iniisip lang iyon ng mga magulang ko, pero hindi ibig sabihin no'n ay totoo 'yon. At pinatunayan ko sa 'yo 'yan," nakangisi pa niyang sabi habang nakatayo sa gilid ng bed.Napatingin ako sa kaniya. May tuwalya nang nakatabing sa kaniya kaya may lakas na ako ng loob na tingnan siya."Having s*x with a woman doesn't guarantee yo
BRENNA'S POV"L*ngyang lalaki 'yan. Hinayaan talaga akong mag-isa," dismayadong sabi ko at saka ininom ang alak na in-order ko."Ikaw naman kasi, Brenna. Masyado mong minamadali ang lahat. Parang hindi mo kilala ang team captain natin noon," sabi ni Cheska, ang owner ng NotAMidnight Bar at ang isa sa mga kaibigan ko noong highschool."Alam mo, kahit noon pa man ay hindi ko na talaga siya maintindihan. I mean, excuse me, isang Brenna Villafuente na ang lumalapit sa kaniya noon pa. Then what, mas pinatos pa niyang ligawan ang Emerald na 'yan noon," inis kong sabi.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na binabalewala lang ako ni Trevor. Napakatagal kong nagpapansin sa kaniya noon, tapos bigla ko na lang nalaman na nililigawan niya ang magaling kong half-sister. At ang mas nakakagulat pa, sinagot naman siya nito. Akala siguro ni Emerald noon ay aangat din siya kapag naging boyfriend niya ang team captain ng basketball team namin noon."E 'di ba nga, pinagpustahan lang naman ang
Brenna's POV"Girl, tama na 'yan. Baka magkatotoo na malasing ka talaga. Paano ka makaka-score niyan kay Trevor mamaya?"Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Tumingin ako sa relo ko. Halos mag-iisang oras na akong naghihintay dito sa bar ni Cheska at hanggang ngayon ay hindi pa rin dumadating si Trevor. Naiinip na ako kaya napapadalas ang pag-order ko ng alak. Medyo nahihilo na nga ako pero alam kong kaya ko pa naman."Why is he taking so long?" iritableng sabi ko."E sure ka bang pupunta siya? Baka mamaya naghihintay lang tayo sa wala," baritonong sagot naman ni Cheska.Mabilis akong umiling. "Kahit malamig sa akin ang lalaking 'yon, alam kong hindi niya ako matitiis. Wala pang tumatanggi sa akin, no!""Alam mo, lasing ka na. Ihahatid na kita sa inyo," sabi pa ng kaibigan ko.Nang akmang kukuhanin niya ang kamay ko ay mabilis akong umiwas. "No. Hindi ako aalis dito hanggang hindi si Trevor ang kasama ko," sabi ko pa."Brenna, naririnig mo ba ang mga sinasabi mo?" hindi makapaniwa
Brenna's POVYamot kong pinunasan ang mga luha ko at muling tumingin sa sasakyan ni Trevor. Hindi ako pwedeng matalo ngayon. Lahat ay nakaayon na sa gusto ko at hindi ako papayag na masira pa iyon."Let me meet her," walang emosyong sabi ko sa kaniya."No," mariing sagot naman sa akin ni Trevor.Tipid akong napangiti. "Sa oras na makilala ko ang babae mo, titigilan ko na kayo. Ako na mismo ang magdadahilan sa mga magulang natin," sabi ko pa."I know you, Brenna. Hindi mo masasaktan ang girlfriend ko."Napatawa naman ako sa sinabi niyang iyon. Hindi ko akalain na dala-dala pa rin niya ang pangamba sa kayang gawin ko. Hindi ko akalain na maaalala pa niya ang ginawa ko noon kay Emerald nang malaman kong sila na."As long as she's not Emerald, wala akong gagawin. And for sure, hindi naman siya ang girlfriend mo ngayon, 'di ba?" nakangising sabi ko pa.Wala akong dapat balak na banggitin pa sa kaniya ang hilaw kong kapatid. Ngunit nagulat na lamang ako sa reaksyon niya. Seryoso lang siyang
Emerald's POVDahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang maamong mukha ni Trevor. Hindi ako agad nakagalaw dahil nakayakap siya sa akin at sobrang lapit pa ng mukha niya. Mabuti na lamang at mahimbing pa ang tulog niya.Napakagat na lamang ako sa aking labi. Tinotoo ko talaga na dito matulog sa condo niya.Flashback"Sanay naman ako sa sahig matulog, basta may latag," nakangiting sabi ko kay Trevor nang makabalik kami sa condo niya.Kumunot naman ang noo niya. "What? No. Tabi tayong matutulog ngayong gabi," seryosong sabi naman niya.Kanina pa seryoso si Trevor simula nang umalis kami sa parking lot ng bar. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang nag-iba ang mood niya. Hindi ko tuloy alam kung anong dapat isipin o gawin. At sa halip na maging komportable ako sa kaniya ay nakakaramdam na naman tuloy ako ng pagkailang.Lumapit siya sa bed niya at inayos ang bedsheet na nagulo kanina. Hindi ko tuloy naiwasang maisip ang mga nangyari kanina. Pakiramdam ko ay namumul
Brenna's POVIsang malakas na sampal ang nakapagpagising sa akin. Mabilis akong bumangon at hinarap ang lapastangang umabala sa pagtulog ko. Ngunit biglang nawala ang lahat ng inis ko nang makitang si Mama pala iyon."Mabuti naman at nagising kita agad," galit na sabi pa niya sa akin.Napahawak ako sa aking ulo dahil sa biglaang pagkirot nito. Wala pa ako sa huwisyo dahil sa paggising niya sa akin at hindi ko pa naiintindihan kung bakit galit siya."Hindi mo maalala ang nangyari kagabi?" dugtong na sabi pa ni Mama.Ano bang nangyari kagabi? Pilit kong inalala ang lahat. Sa pagkakatanda ko ay kasama ko si Cheska kagabi sa bar niya. At simula doon ay unti-unting naging malinaw sa akin ang lahat. Nanigas ako sa kinauupuan ko dahil hindi ko alam kung nananaginip ba ako o hindi."Mama, nasaan po si Emerald?" mabilis kong tanong kay Mama.Kumunot naman ang noo niya. "At ang babaeng iyon pa talaga ang naalala mo?"Agad kong hinawakan ang kamay ni Mama. "Ma, makinig ka sa akin. Hindi ko alam k
Emerald's POV"Hija, bumalik ka doon at humingi ka ng tawad sa kapatid at Papa mo upang hindi ka na paalisin ng bansa," umiiyak na sabi sa akin ni Nanay Linda.Marahan akong umiling. Tinulungan ako ng driver na ilagay sa sasakyan ang dalawang maleta na naglalaman ng mga gamit ko habang ako ay nakatayo lamang sa labas ng bahay."Ano po bang inimbentong kwento ni Brenna?" imbes ay tanong ko kay Nanay Linda.Galit na galit si Papa kaya imposibleng walang ibang sinabi si Brenna. Buong akala ko ay isusumbong lang niya ako tungkol kay Trevor ngunit tila nagkamali ako. Ayokong itakwil ako ni Papa, ngunit ayoko rin namang umalis ng bansa dahil hindi ko maisasagawa ang mga plano ko. Kaya ngayon ay nagdadalawang isip ako kung anong gagawin ko.Hindi ko kasama si Trevor. Inihatid lamang niya ako at hindi ko muna siya pinayagan na humarap kay Papa. Pumayag naman siya sa kahilingan ko kaya nang maihatid niya ako ay umuwi na rin siya agad."May inilagay ka raw na kung ano sa inumin ni Brenna kagabi