EMERALD’S POV
Ilang minuto na lang at mag-aalas singko na. Kanina pa ako hindi mapakali dahil saglit na lang at magkikita na kami ni Marco. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Marahil ay dahil makalipas ang walong taon, heto na ulit ako at handang magmahal ulit.
"Kabado ka, Emerald."
Napalingon ako kay Chloe na may hawak na paperbag. Nakangiti niyang iniabot sa akin iyon na agad ko namang tinanggap.
"Happy birthday!" masayang bati pa niya sa akin.
Si Chloe ang highschool bestfriend ko na kahit yata saan ako magpunta ay nandoon din siya. Sa iisang school lang kasi kami nag-aral nung college, and obviously, nasa iisang company din kami ngayon. Magkaiba lang kami ng department kaya medyo malayo ang opisina niya sa opisina ko. Nasa 3rd floor kasi ng building ang Marketing Department habang ang Financial Department ay nasa 6th floor. At dahil malapit na rin naman mag-alas singko, sinadya na akong puntahan ni Chloe dito sa floor ko.
"So, nakatanggap ka na ba ng bulaklak?" usisa pa sa akin ni Chloe.
Tipid naman akong napangiti. "Hindi. Baka tumigil na kung sino man ang tao na iyon," sagot ko naman.
Tuwing birthday ko kasi, palaging may nagpapadala sa akin ng bulaklak. Nagsimula iyon noong college ako. Tuwing birthday ko ay may nakaabang nang bulaklak sa guard. Ilang beses kong tinanong ang guard kung kanino nanggagaling ang bulaklak ngunit sinasabi niya sa akin na isang delivery boy ang naghahatid niyon.
Nang matanggap naman ako sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko ngayon, dito naman niya ipinapadala ang bulaklak. Noong una ay inisip kong baka si Marco ngunit isa rin siya sa nakakasaksi ng mga pagpapadala dahil kaibigan din namin siya ni Chloe. Itinanggi niya rin na siya ang nagpapadala noon, at last year nga ay pinagselosan pa niya ang hindi namin kilalang tao na iyon.
"Baka nalaman niya na balak mo nang sagutin si Marco," may halong pang-aasar na sambit pa ni Chloe.
Napangiti naman ako at napabuga ng hangin. "Ewan ko ba, Chloe. Dapat excited ako ngayon pero habang lumilipas ang oras, hindi ako mapakali," pag-amin ko naman.
Tumabi naman sa akin si Chloe at bahagyang tinapik ang balikat ko. "Kinakabahan ka lang. Normal 'yan, girl."
Hindi na ako nagsalita pa dahil nagsimula na akong mag-ayos ng gamit. Alas singko na at balak kong umuwi muna sa bahay upang magpalit ng damit. Kanina ko pa tine-text si Marco ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagre-reply. Alas siyete pa naman ang usapan namin ngunit hindi mawala wala ang kaba ko hanggang hindi pa siya nag-rereply sa akin.
"Just calm yourself, Emerald. This is your day, okay? You deserved to be love, at si Marco 'yun."
"Sige na, Chloe. Maraming salamat sa regalo mo. Uuwi muna ako," sabi ko na lamang.
"Okay sige. Mag-iingat ka at balitaan mo na lang ako."
Sabay na kaming sumakay sa elevator. Dahil nasa 3rd floor pa ang gamit niya ay dumaan pa siya doon habang ako ay nagderetso na sa kotse ko. Bago ako magmaneho ay sinubukan ko pang tawagan si Marco ngunit hindi siya sumasagot. Baka busy na naman siya sa trabaho niya. Siya kasi ang acting CEO ng del Mundo Incorporation kaya abala siya nitong mga nakaraang araw.
Habang nagmamaneho ay biglang nag-ring ang cellphone ko at nakita kong si Nanay Linda ang tumatawag. Walang pag-aalinlangan ko itong sinagot.
"Nay, bakit po?"
"Pauwi ka na ba, Emerald?" seryosong tanong sa akin ni Nanay Linda.
"Opo, bakit po?" nagtataka ko namang tanong.
"May nagpadala kasi dito ng bulaklak. Sa 'yo nakapangalan kaya tinawagan muna kita para itanong kung tatanggapin ko ba ito," sagot naman niya sa akin.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Buong akala ko ay tumigil na ang taong iyon sa pagbibigay sa akin tuwing birthday ko. Ngunit sa bahay na pala mismo ipina-deliver. Ibig sabihin ay alam na rin ng taong iyon kung saan ako nakatira.
"Nay, malapit na po ako sa bahay. Pwede po bang pakisabi kay kuyang nagde-deliver na hintayin ako?"
Narinig kong nagsalita si Nanay Linda at sumagot naman ng "oo" ang nag-deliver. Hindi ko na hinintay na magsalita si Nanay, ibinaba ko na ang tawag at mabilis na nagmaneho pauwi sa bahay. Pagkarating sa bahay ay nakita ko pa na inabutan ng isang basong tubig ni Nanay Linda ang lalaking may hawak na isang malaking bouquet ng bulaklak.
Pagkababa ko ng sasakyan ko ay mabilis akong lumapit sa dalawa.
"Ayan na pala siya," nakangiting sabi ni Nanay Linda.
Lumingon sa akin ang lalaki at saka ako nginitian. "Good afternoon po, Ms. Emerald Villafuente."
"Kuya, kanino po galing ang bulaklak?" deretso kong tanong sa kaniya.
"Naku, Ma'am, pasensya na po. Ayaw po kasing magpasabi ng client namin," magalang na sagot sa akin ng lalaki.
"Sige na po, Kuya. Hindi naman po makakarating sa kaniya. Sa atin atin na lang po ito," pangungumbinsi ko pa.
"Pasensya na po talaga, Ma'am. Mahigpit po kasi ang client namin. Malalaman at malalaman pa rin po niya iyon. Ayoko pong mawalan ng trabaho," alanganing sabi naman sa akin ng lalaki.
"Hija, Emerald, hayaan mo na si utoy at nakakaawa naman. Panigurado namang kay Marco galing ang bulaklak na iyan. Ang totoo nga niyan ay nandiyan siya sa loob ng bahay," singit naman sa amin ni Nanay Linda.
"Nandyan po si Marco?" gulat kong tanong pa.
Tumango naman si Nanay Linda kaya napangiti na lamang ako. Tinanggap ko ang bulaklak mula kay kuya at pumirma sa receiving form nila.
"Salamat po, Kuya."
Pumasok na ako sa may gate dahil sa excitement na nararamdaman ko. Ipapapasok ko na lang ang kotse sa guard namin.
Kaya siguro hindi ako sinasagot ni Marco ay dahil balak pa niya akong sorpresahin dito sa bahay. Papasok na sana ako ngunit natigilan ako nang marinig ko ang boses ng kapatid ko.
"Anong ginagawa mo dito? Alam mo bang pauwi na si Emerald?" sunod sunod na tanong ni Brenna na sa tingin ko ay si Marco ang kausap niya.
"Alam mo bang balak na akong sagutin ng kapatid mo?" mahinahong tanong naman ni Marco.
Hindi na ako nagugulat na nag-uusap sila ni Brenna. Naging blockmate kasi ni Brenna si Marco noong college. At paminsan minsan ay nagkikita rin sila dahil nasa iisang circle of friends sila. Mas close pa nga sila kaysa sa amin ni Brenna.
"At paano mo naman nasabi 'yan?" mataray na tanong naman ni Brenna.
"Masyadong predictable ang kapatid mo, Bren."
Napahigpit ang hawak ko sa bulaklak dahil may kung anong kirot ang tumusok sa puso ko dahil sa tono ng pagtawag ni Marco ng Bren sa kapatid ko. Hindi dapat ganito ang nararamdaman ko ngunit hindi ko alam. Hindi ko maipaliwanag.
"Baka naman kasi ginalingan mo masyado sa panliligaw," sagot naman ni Brenna.
"Bren, wala sa usapan na aabot sa ganito. Anong gagawin ko?" tarantang tanong naman ni Marco.
Halos mapigil ko ang paghinga ko kasabay ng pagtulo ng mga luha ko dahil sa narinig. Napatingin ako sa bulaklak na hawak ko at nakita ang isang card na pamilyar sa akin, card na ka sama ng mga bulaklak na natanggap ko noong mga nakaraang kaarawan ko. Hindi kay Marco galing ang bulaklak na hawak ko.
"Ano ka ba naman, Marco? Sakyan mo na lang muna ang babaeng iyon. Hindi niya pa maaaring malaman ang mga plano natin," mataray na sambit naman ni Brenna.
"Alam mong ginagawa ko ito dahil mahal kita, Bren. Nangako ka sa akin na sasagutin mo ako sa oras na sundin ko lahat ng gusto mo. Hanggang kailan ako maghihintay? Hindi na kaya ng konsensya ko na paasahin pa ang kapatid mo. Ikaw ang gusto kong makasama sa mga oras na siya ang nasa tabi ko."
Nanghihina akong napaupo sa labas ng bahay habang patuloy sa pag-iyak. Ramdam na ramdam ko na naman ang sakit na naranasan ko noong highschool. Nandito na naman ako sa sitwasyong hindi ko alam kung anong gagawin.
"Eme--"
Hindi na naituloy ni Nanay Linda ang sasabihin niya dahil pinigilan ko siya. Ayokong malaman ng dalawa na narinig ko ang pag-uusap nila. Sapat na ang mga narinig ko upang ma-realized na pinaglaruan na naman ako.
Hindi na ako nagsalita pa at hinila na lamang si Nanay Linda. Mabuti na lamang na may daan sa gilid ng bahay papunta sa kwarto ni Nanay Linda. Mas gusto ko namang doon mag-stay kaysa sa kwarto ko dahil malalaman ni Brenna na nandito na ako.
Agad akong inalalayan ni Nanay Linda paupo sa kama niya na gawa sa kahoy. Binigyan din niya ako ng tubig na agad ko namang ininom. Kinuha na rin muna niya ang hawak kong bouquet.
"Ano bang nangyari, Hija?" nag-aalalang tanong sa akin ni Nanay Linda.
Huminga ako ng malalim. "Pinagkaisahan nila ako, 'Nay. Hindi ako totoong mahal ni Marco," walang emosyong sagot ko.
"S-sigurado ko ba dyan? Baka naman nagkakamali ka, Hija."
Marahan akong umiling. "Sana nga po nagkakamali lang ako. Pero sapat na po ang mga narinig ko. Naranasan ko na po ang lokohin, at hindi na nila ako mauuto pa."
Naikuyom ko ang mga kamao ko. Buong buhay ko ay nagtiis ako sa pagmamalupit ni Tita Haidee at ni Brenna ngunit ni minsan ay hindi ako nagreklamo. Tinanggap ko lang ang lahat ng pagmamaltrato nila sa akin. Pero parang sobra naman na yata ang ginawa sa akin ni Brenna. Gumamit pa siya ng ibang tao para pasakitan ako, at ang masakit pa, ang itinuring ko pang kaibigan na natutunan ko nang mahalin.
"Hija, anong balak mo ngayon? Hindi ba't balak mong sagutin si Marco?"
Tanging ngiti na lamang ang isinagot ko kay Nanay Linda. Wala pa akong naiisip ngayon dahil gulong gulo ako. Hindi ko pa alam kung ano bang dapat gawin. Ngunit isa lang ang tumatakbo sa isipan ko, nasasaktan ako at gusto kong mawala agad ang nararamdaman kong ito. Hindi ito ang bagay na deserve ko. Not this. Not this time again.
EMERALD'S POV Alas sais pa lamang ng gabi ay nasa restaurant na ako. Inagahan ko talaga upang mas mauna ako kaysa kay Marco. Alalang alala sa akin si Nanay Linda ngunit sinigurado ko sa kaniya na ayos lamang ako. Hindi ko pa rin sinasabi kay Chloe ang nalaman ko dahil paniguradong susugudin niya si Marco para komprontahin. Mas gusto kong ako muna ang makipag-usap kay Marco. Gusto kong magkalinawagan muna kami. Naghanda pa rin ako para sa dinner na ito. Nagsuot ako ng kulay peach na dress na above the knee ang haba. Inilugay ko ang mahaba kong buhok at naglagay din ako ng kaunting make-up. Balak ko sanang mag-contact lens para hindi ako magmukhang nerd ngunit paniguradong maiiyak ako mamaya. Kaya mas pinili kong isuot ang makapal kong salamin. Ako pa rin kasi ang nerd na pinagkaisahan noong highschool. Siguro naging t*nga lang ako sa part na maniwalang mamahalin nga ako ng totoo ni Marco. Naputol ang pag-iisip ko nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Si Papa ang tumatawag kaya mabi
Brenna's POV"Brenna, why don't you answer the call. It might be important."Napalingon ako kay Papa nang magsalita siya. Kanina pa kasi nagba-vibrate ang phone ko at pilit ko lang itong ini-ignore. Hindi ko akalain na mapapansin pala niya iyon. Nandito na kami sa resto kung saan makikilala ko na ang may-ari ng TAC Group of Companies."Importante ba 'yan? Baka dumating na ang hinihintay natin," nag-aalalang sambit naman ni Mama.Knowing Mama, alam kong pinaghandaan din niya ang gabing ito. Matagal na kasi niyang pinipilit si Papa na makipagkilala nga sa prestihiyosong pamilya na iyon. Gusto kasi ni Mama na maipagkasundo ako sa panganay na anak ng pamilya upang mas madali kay Papa na makipag-merge sa malaking kumpanya.Noong una nga ay ayaw kong pumayag sa plano ni Mama ngunit kalaunan din ay umayon na lamang ako. Kung tutuusin kasi, di hamak na mas mayaman ang pamilyang iyon kaysa kina Marco. At isa pa, hindi ko naman nakikita ang sarili ko na mamahalin ko ang lalaking iyon. Sinadya k
Sierra's POVMatapos kong sabihin ang lahat ng gusto kong sabihin kay Marco ay iniwan ko na lang siya basta sa restaurant. Hinayaan kong siya ang magbayad ng pagkain na hindi naman niya makakain. Doon man lang ay makaganti ako sa pananakit niya sa akin.Ngayon ay naglalakad lang ako sa loob ng mall dahil hindi ko pa kayang umuwi sa bahay. Hindi ko pa talaga kayang harapin ang napakabait kong kapatid na si Brenna. Uuwi na lang ako mamaya kapag alam kong tulog na silang lahat."Ma'am, decline po talaga ang card niyo."Napatingin ako sa may cashier ng isang kilalang dress shop dito sa mall. Hindi naman ako chismosang tao ngunit hindi ko alam kung bakit naagaw ng babaeng nakasuot ng simpleng t-shirt at short ang pansin ko. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa akin, nakaharap kasi siya sa cashier."Pwede po bang subukan mo ulit?" naiiyak na sambit ng babae."Pasensya na po, Ma'am. Pero nakailang try na rin po kasi ako," alanganing sagot naman ng cashier.Kinuha ko ang c
Emerald's POV"Hoy, hindi ka pa nagku-kwento sa akin. Ano nang nangyari?" excited na tanong sa akin ni Chloe.As usual, binisita na naman niya ako dito sa opisina ko dahil alas singko na ng hapon. Maghapon ko kasi siyang iniiwasan dahil wala pa ako sa mood na magkwento sa kaniya. Panigurado kasing gegyerahin niya si Marco kapag nagkataon. At isa pa, hindi pa rin talaga ako ready magkwento."Bukas na lang, Chloe. Pwede?" tanong ko naman sa kaniya. Pinilit ko pang pasiglahin ang boses ko upang hindi niya mahalata na malungkot ako. Mas gusto kong isipin niya na okay kami ni Marco para hindi na siya mangulit pa."Ang daya naman! Ang usapan ay magkukwento ka na. At huwag kang ngumiti, Emerald. Kilala kita," masungit na sabi pa niya.Napabuntong hininga na lamang ako. Kahit anong pagpapanggap ko, hindi ko pa rin talaga kayang itago sa best friend ko ang totoo."Sorry. Hindi pa lang ako handang magkwento," pag-amin ko na lang.Tipid na ngumiti naman si Chloe. "Alam ko. Basta kapag handa ka n
Emerald's POVGustong gusto ko nang matapos ang gabing ito kaya nang sinabi ni Audrey na ihahatid niya ako sa resto ay hindi na ako nagdalawang isip pa. Gusto ko na lang kasing matapos ang date na ito upang makauwi na ako at makatulog na."Wala pa si Kuya e. Pero maiwan na kita dito ha," nakangiting sabi ni Audrey nang makarating kami sa table na pina-reserved niya."Paano ka uuwi pala? Wala kang sasakyan," sabi ko naman nang maalala kong wala siyang dalang sasakyan."Okay na ako, Ate. Huwag ka nang mag-alala. Maupo ka na lang dyan. Sige na. Enjoy the night. Bye!"Hindi ko na nagawa pang magsalita dahil lumabas na si Audrey. Nasa VIP kasi ang pina-reserved niyang table which is may sariling privacy ito. Nasa isang closed space ang table kaya bukod sa walang masyadong makakakita, wala ring makakarinig ng mga pag-uusap.Hindi ko natanong kay Audrey kung matatagalan ba ako sa paghihintay sa kuya niya. Blind date na nga lang, ako pa ang nauna dito. Pero mas maganda na rin ito. May dahilan
Emerald's POV"Trevor, hindi na tayo mga bata katulad noon. Hindi mo na ako mauuto," mataray kong sagot sa kaniya.Kahit anong pagpapakita pa niya ng pagka-seryoso niya, hindi na ako maniniwala sa kaniya. Sa galing niyang magpanggap noon, hindi na niya ako mauuto ngayon. At isa pa, kaya lang siya ganyan ay dahil may kailangan siya sa akin. And no, hindi ko siya pagbibigyan.Pareho kaming napatingin sa phone ko nang biglang mag-ring ito. Tiningnan ko ito at bahagyang kumunot ang noo ko nang si Chloe pala ang tumatawag. "You can answer that. Maybe it is important," seryosong sabi ni Trevor sa akin.Hindi na ako nag-abala pang tumayo at lumabas para sagutin ang tawag."Chloe.""Emerald, nasaan ka? Si Marco," umiiyak na sagot ni Chloe."Bakit? Anong mayroon?" kinakabahan ko namang tanong sa kaniya.Something is not right. Hindi tatawag si Chloe kung para lang sa kulitin ako na magkwento. Umiiyak din siya kaya mas lalo akong kinabahan."Naaksidente si Marco."Nag-unahan sa pagtulo ang mga
Emerald's POVMarco is in a coma. Nakiusap kasi ako kay Chloe na huwag muna kaming umalis hanggang sa hindi lumalabas ng doctor sa E.R. Naghintay ako sa kotse niya habang siya naman ay bumalik sa loob para makibalita.After almost half an hour ay bumalik siya upang sabihin sa akin ang nangyari. Iuuwi na dapat niya ako pero tumanggi ako. And now I am here, outside the hospital, alone and waiting. Gustong gusto kong makita si Marco ngunit hindi ko pa nakikitang lumabas ang parents niya kaya hindi pa ako makapasok sa loob. Knowing them, mas lalo lang silang hindi papayag na makita ko ang anak nila.Sina Papa naman ay nakita kong lumabas na at paniguradong nakauwi na sila. He's trying to call me but I turned off my phone. Ayoko munang makausap si Papa ngayon. Umiiyak lang ako ng tahimik dito sa may gilid ng hospital nang biglang may nag-abot sa akin ng isang malinis na panyo. Pag-angat ko ng tingin ay bahagya pa akong natigilan."Trev," mahinang usal ko.Tumabi siya sa akin at siya na an
Third POV"Umuwi na ba ang anak mo?"Napalingon si Ricky sa asawa na kararating lang sa salas. Galing itong kwarto na sa tingin niya ay lumabas lang dahil naroon pa siya sa salas."Hindi pa. At hindi ko rin siya matawagan," seryosong sagot ni Ricky.Alas dose na ng gabi at hindi pa umuuwi ang anak niyang si Emerald. Hindi niya alam kung saan ito nagpunta dahil nauna pa itong umalis sa ospital kanina. Buong akala niya ay umuwi na ito ngunit sabi ng yaya nito ay hindi pa nakakauwi ang dalaga."Nagiging pasaway na ang anak mo," komento pa ng kaniyang asawa na umupo pa sa kaniyang tabi."Haidee.""What? Alam mo bang sa nangyari kay Marco, maaaring hindi na matuloy ang investment ng mga del Mundo sa kumpanya natin," seryosong sagot pa ng kaniyang asawa.Napabuntong hininga na lamang si Ricky. Aaminin niyang iyon din ang isa sa ikinababahala niya. Matagal niyang trinabaho na ligawan ang mga del Mundo upang mag-invest sa kanila. At sa isang iglap lamang ay mawawala iyon dahil sa nangyari kay