LOGINMatapos ang huling pag-uusap nila Samantha at Trevor ay hindi na sila muling nagkausap, naglalakad ang doktora sa hallway nang makaramdam siya ng pagsama ng sikmura."Anong nangyayari sakin?" tanong niya sa sarili habang nakahawak sa kanyang tiyan. Nanakbo siya patungong banyo at walang pakialam sa mga taong nababangga."Uy, sino ba yun? Reklamo ng nasangging staff."Wag kang maingay, si doktora yun. Baka madudumi na," natatawang biro ng isa sa kanila.Agad sinandal ang tyan sa tiles ng lababo at sumuka doon, sobrang sama ng pakiramdam niya nang may biglang lumabas ng cubicle at bumulaga doon si Lhian, "bakit ka nagsusuka? Ang aga-aga ah," usisa nito.Binanlawan ng doktora ang kanyang bibig at pinunasan ng tuyong towel at hinarap ang nars na kaibigan nito, "masama lamang ang tiyan ko," tugon nito."Masama? Hindi ba at maingat ka sa pagkain?" matagal natigilan si Lhian nang biglang sumukang muli ang doktora, "hindi kaya buntis ka?" duda nito.Napatigil ang doktora sa sinabi ni Lhian. P
Habang tahimik na nagdedesisyon sila Samantha kung ano ang oorderin sa loob ng restaurant, tila ba parehong abala sa kani-kanilang iniisip, ay biglang may aninong tumapat sa mesa nila. Hindi agad nag-angat ng tingin si Samantha—akala niya isa lamang itong waiter.Ngunit nang marinig niya ang pamilyar na boses—“Sam…”Para bang may kumurot sa kanyang dibdib.Unti-unti niyang naramdaman ang pagbigat ng hangin sa paligid. Hindi niya kailangang tumingin para malaman kung sino iyon. Kahit ang simpleng pagbanggit ng palayaw niya ay sapat na upang ibalik ang lahat ng pilit niyang iniiwasan.“Can we talk?” dagdag pa nito, mas mahinahon, halos pakiusap ang tono.Nakahawak si Samantha sa menu, ngunit nanatiling nakapako ang kanyang mga mata rito, kahit wala naman talaga siyang binabasa. Mahigpit ang kapit niya sa gilid nito, hanggang sa bahagyang mangulubot ang papel.Tahimik.Hindi siya sumagot.Sa kabilang upuan, napatingin si Lhian sa pagitan nilang dalawa—halatang nakaramdam ng tensyon. Mab
Agad nakapasok ng trabaho si Samantha, kahit gulo pa ang buhok at di nakakasuklay ay agad niyang sinuot ang puting doctor's coat nito."Good morning, dok," bati ng mga nakakasalubong niya, binabalikan naman niya ito ng isang pilit na ngiti.Nakangisi si Lhian habang paikot-ikot na sinisipat si Samantha, tila ba sinusuri ang bawat detalye ng kanyang itsura—ang bahagyang gusot na buhok, ang pagod na bakas sa kanyang mukha, at ang pilit na tiklop ng kanyang labi na halatang hindi niya tunay na ngiti.“What do you mean by, hindi naman ako ganito dati?” matigas at may halong iritasyon na sagot ni Samantha, hindi man lang tumitingin nang direkta kay Lhian habang inaayos ang manggas ng kanyang puting coat.Napataas ang dalawang kamay ni Lhian na parang sumusuko. “Uy, chill, dok. Observation lang naman,” pabirong saad nito, ngunit hindi nawala ang mapanuksong ngiti sa kanyang labi. “Kasi naman, usually ikaw ‘yung tipong laging composed—plantsado, maayos, parang hindi napapagod. Eh ngayon…” ba
Isang umaga, nagising si Samantha sa isang silid na hindi niya kilala. Mabilis niyang iginala ang mga mata sa buong paligid ng silid hanggang sa maramdaman niyang ang manipis na puting kumot na tanging nakabalot sa hubad niyang katawan."A--anong nangyari sakin? Bakit ako narito?" napahawak siya sa kanyang noo habang inaalala kung sino at ano ang nangyari ng gabing wala siya sa tamang wisyo.Naguluhan si Samantha habang pilit hinahalungkat ang kanyang alaala. May mga pira-pirasong eksena na kumikislap sa kanyang isipan—malalakas na ilaw, maingay na musika, at mga aninong hindi niya matukoy kung kakilala ba o hindi. Ngunit sa tuwing susubukan niyang buuin ang mga ito, parang usok lamang itong naglalaho.Dahan-dahan siyang bumangon mula sa kama, pilit binabalot ang sarili ng kumot upang takpan ang kanyang katawan. Malamig ang sahig na tumambad sa kanyang mga paa, dahilan upang mapangiwi siya. Tahimik ang buong silid—masyadong tahimik, na para bang wala siyang kasamang kahit sino sa buon
Ibinaling ni Samantha ang kanyang mapupungay na mga mata sa lalaking pumigil sa bartender sa pag-order niya ng isa pang bote ng alak, isang pamilyar na mukha ang bumungad sa kanya, muli niyang ipinikit ang mga mata ngunit malabo at hindi niya makilala ang lalaking nasa harap dahil sa mga disco lights ngunit sigurado siyang kilala niya ito dahil sa hulma ng katawan nito."T--trevor," nasisinok niyang sabi, kinalog niya ang kanyang ulo at muling tiningnan ang binata.Bahagyang ngumiti ang lalaki, ngunit may halong pag-aalala ang kanyang mga mata habang maingat niyang inaalis ang baso mula sa kamay ni Samantha.“Ang tagal na, Sam,” mahina niyang sabi, tila pinipiling huwag pansinin ang ingay ng paligid.Napakurap si Samantha, pilit inaayos ang kanyang paningin. “Ikaw nga… ikaw nga si Trevor,” bulong niya, halos hindi makapaniwala. “Akala ko… wala ka na.”“Hindi ako nawala,” sagot ni Trevor, marahan ngunit may bigat. “Ikaw ang umiwas.”Parang may kumurot sa dibdib ni Samantha. Napatingin
Kinabukasan, muling naglakad si Samantha patungo sa ospital. Ang bawat hakbang ay mabigat, ngunit may kakaibang determinasyon sa kanyang mga mata. Alam niya sa sarili niya na hindi na puwedeng balikan ang nakaraan. Ang mga alaala ni Trevor—ang tawanan, ang mga yakap, ang simpleng mga sandaling nagpaparamdam sa kanya ng init—ay mananatili na lamang sa kanya, ngunit hindi na dapat maging sentro ng kanyang buhay.Sa mundo ng medisina, may kontrol siya. May mga buhay na maaring iligtas, may sakit na kayang lunasan, at sa bawat pasyente na natutulungan niya, ramdam niya ang halaga ng sarili niya. Dito, sa ospital, may focus siya, may purpose, at unti-unti, natututo siyang ilihis ang isip niya mula sa pagkawala ni Trevor.Pagpasok niya sa ICU, sinalubong siya ng abalang tunog ng makina at mabilis na kilos ng mga nurse. Isang batang lalaki ang nasa kama, malubha ang trauma, habang ang mga magulang nito ay nakatayo sa tabi, puno ng pangamba. Tumango si Samantha sa nurse na nagbigay ng update.







