"Crisanta! Halika rito!" Dinig ni Crisanta ang tawag ng kanyang papa mula sa kanyang kuwarto.
Patakbo siyang bumaba ng hagdan. Dadalawa lang silang mag-ama sa bahay mula nang mamatay ang kanyang mama, apat na taon nang nakararaan. Pero at least nandiyan pa rin ang kanyang papa para sa kanya, kahit medyo nahihirapan ito sa munting negosyo nila.
"Crisanta, bilisan mo. Narito na ang iyong Uncle Lysander," muling tawag sa kanya ng kanyang papa.
Kahapon pa nitong sinabi na darating si Uncle Lysander. Kaya sa totoo lang, excited siyang muli itong makita. Ang tagal na mula nang huli silang nagkita.
Ang Uncle niyang saksakan ng pogi. Napangiti na lang siya sa naisip.
Hindi siya malandi kaya huwag siyang husgahan. Nagkataon lang na bata pa siya nang magkaroon ng secret crush sa kanyang guwapong Uncle... ang best friend ng kanyang papa.
"Masaya akong nakabalik dito at makita ka ulit, Henry."
Dinig niya ang buong-buong tinig ng isang lalaki. Malalim pero masarap pakinggan. Napangiti siya. Gustong-gusto talaga niya ang boses na iyon. Sa totoo lang, hindi niya nakalimutan ang boses nito sa nakalipas na ilang taon.
"Pa, narito na po ako," anunsyo niya, ang malapad at matipunong likod ng isang lalaki ang una niyang nakita. Napasinghot rin siya dahil sa lalaking-lalaki amoy ng panauhin ng kanyang papa. Amoy masarap. Lihim siyang natuwa sa kanyang naisip.
Ang mabilisang silay niya sa matipunong likod na iyon, muntik nang malaglag ang kanyang panga nang humarap ang lalaki.
"Ang guwapo ni Uncle. Parang hindi man lang siya tumanda? May lahing demigod siguro si Uncle. He still look the same the last time I saw him." Para siyang kiniliti kahit walang humahawak sa kanya nang magsalubong ang mga mata nila ni Uncle Lysander.
Hindi rin nakaligtas sa kanyang mapanuring mata ang tinging ibinigay nito sa kanya, tila ba nagulat rin ito. Saka nag-isang linya ang kilay nitong napatitig sa kanyang kamay.
"Crisanta, anak, tanda mo pa ang Uncle Lysander mo?" Salamat sa boses ng kanyang papa at nagising siya sa paglalakbay ng kanyang diwa sa magandang katawan ni Uncle Lysander.
Paano naman kasi, ang guwapo talaga nito. Guwapo na siya noong huli niya itong nakita, pero ngayon lang niya napansin na higit sa kaguwapuhan ang mayroon dito.
Matipuno ang katawan nito na mukhang alaga sa gym. Matangkad, parang hanggang dibdib lang ata niya dahil five-three lang ang height niya. Malalim ang may pagka-asul o abuhin nitong mga mata. Makapal ang kilay, at makinis ang mamumulang balat. Manipis ang labing natural na namumula. Halos perpekto ang pagkaka-ukit sa mukha nito.
Mukhang paborito ng langit si Uncle Lysander.
"Baka hindi na niya naalala, Henry. Ilang taon pa lang siya noon," saglit itong nag-isip pero nakatitig pa rin sa mukha niya kaya naiilang siya nang very slight lang naman. Para kasing iba ang titig ni Uncle, mukhang may ibig sabihin.
"Labing dalawa ata, ano?"
Sumilay ang pantay na maputing ngipin nito nang ngumiti siya.
"Grabe, sarap mahulog sa bisig ni Uncle," bulong niya at lihim siyang napangiti.
"Kung sabagay," sabat ng kanyang papa. Muntik na niyang makalimutang naroon din ito. Kaya para ma-distract ay binalingan niya ito upang muli ring hindi siya mapatitig kay Uncle Lysander.
Para itong magnet na hindi niya magawang takasan.
"Tanda ko po, may dala pa nga kayong chocolate para sa akin," sagot niya na napapayuko na lang.
Paano niya makakalimutan iyon? Iyon ang unang pagkakataong humanga siya sa isang lalaki. Dahil talagang napakaguwapo ni Uncle Lysander.
"Mabuti naman at naalala mo pa ako. May pasalubong ulit si Uncle," nakangiting saad ni Lysander saka naupo na sa luma nilang sofa na mas matanda pa yata kay Crisanta. Maayos lang iyon kasi mahusay magkumpuni ang kanyang papa ng mga gamit sa bahay.
"Ipagtimpla mo muna ang Uncle mo ng kape, at bibili lang ako saglit nang mailuluto sa hapunan sa palengke," masayang turan ng kanyang papa bago lumabas ng bahay.
Ilang saglit pa, dinig na ni Crisanta ang ingay ng motor ng kanyang papa.
"Dito lang kayo, Uncle. Magtimpla lang ako ng kape n’yo," paalam niya, kahit medyo kabado. Ewan kung bakit biglang bumilis ang pintig ng kanyang puso.
"Ano ba itong kanina mo pa hawak, princess?"
Kinilabutan na siya sa tawag ni Uncle sa kanya. Princess nga pala ang tawag nito sa kanya noon. Hindi naman siya kinikilig noon sa ganung tawag pero bakit iba ngayon? Hindi niya maipaliwanag. Biglang bumilis ang pintig ng puso niya.
"Hindi na po ako paslit para tawagin mong princess," nahihiyang sabi niya. Bigla kasing nag-init ang kanyang mukha. Para bang kinilig ang balat niya sa tawag nitong princess.
"Mas bagay sa’yo ang princess. Prinsesa ka ng Papa mo, prinsesa rin kita," sabi nito nang makalapit na sa kanya.
At ganoon na lang ang gulat niya nang kunin ni Uncle Lysander ang kamay niya. Kinuha nito ang hawak niya.
Nag-init lalo ang kanyang mukha nang makita ang bagay na kinuha nito, panty pala niya. Mabilisan niya iyong hinablot sa kanya. Paano naman kasi, ibinuka pa ni Uncle iyon sa harap niya. Natawa pa ito sa reaksyon niya.
"Dalaga ka na nga. Sana masarap ang kape mo, princess," pabirong sabi nito na lalo pang nagpainit ng mukha niya.
Alam niyang wala namang ibig sabihin si Uncle doon, pero bakit parang iba ang dating sa kanya?
"Sige, sasarapan ko po," aniya sabay talikod dito.
Mabilis niyang tinimpla ang kape ng Uncle niya at tinikman pa iyon. Naglabas rin siya ng cupcake na siyang tanging naroon sa lagayan.
Pagbalik niya, wala ito sa sala. Kaya napasilip siya sa pinto. Naroon ito sa munting garden niya ng mga gulay. Naging libangan niya lang ang pagtatanim noong nagkapandemya. Matagal rin kasing walang pasok at wala silang magawa ng kanyang papa kaya kung anu-anong gawain sa bahay ang napagdiskitahan nila.
"Uncle, okay na po ang kape n’yo," tawag niya na ikinalingon nito.
Muntik na siyang matumba nang lumingon ito sabay ngiti. Kaagad niyang sinermunan ang sarili.
Maya’t maya pa, nasa harap na niya ito. Umusod siya para makapasok ito sa pinto. Napasinghot na naman siya nang manoot sa ilong niya ang kaaya-ayang amoy nito.
"Salamat, princess. Buksan mo na itong pasalubong ko sa’yo," anito bago humigop ng kape.
"Hmmm," usal nito sabay tango. "This is perfect."
Ganun kasarap ang kape niya, napapa-English si Uncle. Napangiti na lang siya.
Inabala niya ang sarili sa paper bag na itinuro ni Uncle Lysander para sa kanya. Malaki iyon. Nanlaki pa ang kanyang mga mata nang makita ang magandang handbag. May dress rin na kulay pula at ilang pampaganda at pabango.
Hindi niya maitago ang saya sa kanyang mukha. Grabe, ngayon lang siya nagkaroon ng mga ganung bagay. Lalo na ang bag, halatang mamahalin. Hindi naman siya OA, pero para sa tulad niya, ang saya ng pakiramdam.
Hindi lang siya sigurado kung dahil ba sa regalo o dahil sa guwapong lalaking kaharap niya.
"I can see you like it," wika nito.
"Akin lahat ito, Uncle?" tuwang-tuwa niyang saad, kulang na lang ay yakapin niya ito sa katuwaan, kaso nahiya naman siya. Baka isipin nitong abusada siya.
Naging mahina kasi ang kita ng kanyang papa sa mga nagpapagawa ng gamit sa bahay. Palibhasa naisara na ang pagawaan nito dahil wala nang pangrenta. Naubos halos lahat ng ipon nila noong nagkasakit ang kanyang mama, tapos sinundan pa ng pandemya.
Siguro kung tinanggap lang sa ospital noon ang kanyang mama, hindi pa sana ito namatay.
Malungkot pa rin siya kapag naiisip ang sinapit ng kanyang mama.
"Sa tingin ko hindi mo kailangan ng pampaganda kasi maganda ka kahit walang make-up."
Napataas ang tingin niya kay Uncle.
Mataman itong nakatitig sa kanya. Tumikhim pa, tila may bara sa lalamunan.
"Parang ayaw n’yo nang ibigay sa akin ‘to, Uncle?" pabirong sabi niya para mawala ang kaba sa nararamdaman. Lakas kasi ng epekto sa kanya ng pogi niyang Uncle.
"Do I have a choice? Pero mag-aral ka muna, huwag munang mag-boyfriend," bilin nito.
Hindi niya mapigilang napasimangot. Nalulungkot lang siya kapag naiisip na hindi siya makakapag-aral ng college. Maaga siyang nag-aral kaya graduate na siya sa senior high. Pumasa rin siya sa ilang university exam, kaya lang alam niyang hindi siya kayang pag-aralin ng kanyang papa sa Maynila.
Iyon sana ang pangarap niya.
May community college rin sana doon, kaso walang kursong gusto niya. Gusto niya sana maging Teacher.
"Bakit bigla kang malungkot? Dahil ba sinabi kong bawal kang mag-boyfriend?" tanong ni Uncle.
"Naku, hindi ho. Wala pa sa isip ko ‘yan kasi maraming bagay na mas tamang unahin. Gusto ko kasing mag-aral, kaso… hayaan n’yo na nga po," pilit niyang pinasigla ang kanyang boses.
Nakakahiya namang magkuwento ng hinanain niya sa buhay. Saka hindi niya rin masisi ang kanyang papa kung hindi siya kayang pag-aralin sa Maynila.
"Huwag kang mahiya sa akin, princess. Matalik kong kaibigan ang Papa mo kaya ituring mo rin akong kapamilya," wika ni Uncle Lysander.
Parang may humaplos sa puso niya dahil sa tinging ibinigay nito. Ewan pero ang lambing ng dating noon. Kaya parang gusto niyang yakapin ito.
"Sabihin mo lang kung may maitutulong ako sa’yo, princess. Akong bahala sa’yo. Kahit ano pa ‘yan."
Napalunok si Crisanta sa sinabi nito kasi naman titig na titig ito sa kanyang mukha.
“Crisanta, mag-iingat ka doon anak,” maluha-luhang sabi ni Henry nang pasakay si Crisanta sa bus. Apat na oras lang naman ang biyahe patungo sa Maynila. Susunduin dapat siya ni Lysander pero may biglaang trabaho umano ito kaya nag-commute na lang siya.“Papa, malapit lang naman ang Manila. Puwede akong umuwi kapag may mahabang bakasyon. Saka huwag kayo laging makipag-inuman,” bilin niya. Hindi naman pala-inum ang papa niya, kaya lang mabilis itong malasing kaya baka kung saan na lang matulog kapag nalasing.“Hindi ko pa rin maiwasang mag-alala, basta tawagan mo akong madalas. Saka maging masunurin ka sa Uncle mo ha. Mabait iyon, kaya alam kong magiging ligtas ka,” anito.Mukhang si Uncle hindi magiging ligtas sa akin, gusto sanang sabihin ni Crisanta.Maya-maya pa ay tumakbo na ang bus. Alas tres ng hapon, kaya nakaka-antok sa biyahe. Naidlip muna siya at nagising na lang sa kalabit ng braso niya.“Nasa terminal na tayo,” sabi ng ginang.Noon siya tuluyan nagising, madilim na rin pala
"Kalimutan mo nang sinabi ko... Wala iyon."Namula ang mukha ni Lysander. Ang guwapo nitong mag-blush. Hindi mawari ni Crisanta pero ramdam niyang may ibang gustong ipahiwatig si Lysander. Hindi na lang siya nagpilit pa, baka kung ano pa ang isipin nito. Iba kasi ang tinging ibinigay niya sa kanya. Hindi maipaliwanag ni Crisanta, pero kinikilig siya sa mga titig nitong parang inaantok pa ang mga mata."Gusto n’yo nang kumain, Uncle. Initin ko ang pagkain," alok ni Crisanta.Tumango si Lysander kaya kinuha niya ang pagkain sa ref na itinabi ng kanyang Papa para rito. Wala silang microwave kaya ininit niya sa kawali ang kaldereta.Pagkasalin niya ng ulam ay nilagay niya sa lababo ang kawali, pero sinadya niyang mahawakan iyon."Aray, ang init!" ani Crisanta saka nabitiwan ang kawali. Mabuti na lang at hindi ito nahulog sa sahig."Oh bakit—" nagulat pa siya nang nasa tabi na niya si Lysander. Ang lapit nila, at halos magkabanggaan ang kanilang katawan.Inabot nito ang kamay niyang namula
"Talaga po?"Muntik nang malaglag si Crisanta sa upuan sa sinabi ng kanyang Papa. Isang linggo na nang huling narito si Lysander sa bahay nila. Kaya hindi niya inaasahan ang sinasabi sa kanya ngayon ng kanyang Papa."Pinag-isipan kong mabuti ang sinabi ni Lysander, anak. Sayang kung dito ka mag-aaral. Gayong mas marami kang oportunidad sa Maynila. Sayang naman na nakapasa ka sa mga university. Mamimili ka na lang. Kaya nagpasya akong pumayag sa alok niyang tulong.""Pero wala tayong pera, diba? Alam ko pa 'yon kaya kahit sa susunod na taon na lang," aniya, ayaw niyang ipilit ang hindi kayang ibigay ng kanyang ama. Kahit naman tutulong si Uncle Lysander, alam niyang marami pa ring kailangang intindihin."Sasagutin na raw ni Uncle mo ang lahat, anak. Kailangan mo lang magtrabaho sa company niya kapag wala kang pasok. Saka patitirahin ka na lang raw niya sa condo niya para hindi mo kailangan mangupahan. Mabuting tao ang Uncle mo kaya mas panatag ako kapag alam kong malapit siya sa’yo. Hi
"Crisanta! Halika rito!" Dinig ni Crisanta ang tawag ng kanyang papa mula sa kanyang kuwarto.Patakbo siyang bumaba ng hagdan. Dadalawa lang silang mag-ama sa bahay mula nang mamatay ang kanyang mama, apat na taon nang nakararaan. Pero at least nandiyan pa rin ang kanyang papa para sa kanya, kahit medyo nahihirapan ito sa munting negosyo nila."Crisanta, bilisan mo. Narito na ang iyong Uncle Lysander," muling tawag sa kanya ng kanyang papa.Kahapon pa nitong sinabi na darating si Uncle Lysander. Kaya sa totoo lang, excited siyang muli itong makita. Ang tagal na mula nang huli silang nagkita.Ang Uncle niyang saksakan ng pogi. Napangiti na lang siya sa naisip.Hindi siya malandi kaya huwag siyang husgahan. Nagkataon lang na bata pa siya nang magkaroon ng secret crush sa kanyang guwapong Uncle... ang best friend ng kanyang papa."Masaya akong nakabalik dito at makita ka ulit, Henry."Dinig niya ang buong-buong tinig ng isang lalaki. Malalim pero masarap pakinggan. Napangiti siya. Guston