"Kalimutan mo nang sinabi ko... Wala iyon."
Namula ang mukha ni Lysander. Ang guwapo nitong mag-blush. Hindi mawari ni Crisanta pero ramdam niyang may ibang gustong ipahiwatig si Lysander. Hindi na lang siya nagpilit pa, baka kung ano pa ang isipin nito. Iba kasi ang tinging ibinigay niya sa kanya. Hindi maipaliwanag ni Crisanta, pero kinikilig siya sa mga titig nitong parang inaantok pa ang mga mata.
"Gusto n’yo nang kumain, Uncle. Initin ko ang pagkain," alok ni Crisanta.
Tumango si Lysander kaya kinuha niya ang pagkain sa ref na itinabi ng kanyang Papa para rito. Wala silang microwave kaya ininit niya sa kawali ang kaldereta.
Pagkasalin niya ng ulam ay nilagay niya sa lababo ang kawali, pero sinadya niyang mahawakan iyon.
"Aray, ang init!" ani Crisanta saka nabitiwan ang kawali. Mabuti na lang at hindi ito nahulog sa sahig.
"Oh bakit—" nagulat pa siya nang nasa tabi na niya si Lysander. Ang lapit nila, at halos magkabanggaan ang kanilang katawan.
Inabot nito ang kamay niyang namula dahil sa paso.
"Okay ka lang ba, princess?" nag-aalalang tanong ni Lysander habang iniinspeksyon ang kamay niya.
"Ayos lang ako, Uncle. Nalimutan ko, mainit pala," sagot ni Crisanta habang pilit niyang kinakalma ang sarili. Parang tambol kasi ang tibok ng puso niya. Nanuyo rin ang lalamunan niya habang nararamdaman ang dibdib ni Lysander na tumatama sa braso niya. Dama niya ang namumutok nitong muscle sa ilalim ng polo.
Pinigilan niyang mapapikit dala ng kaaya-ayang hatid ng nanunuot na amoy ni Lysander sa kanyang ilong.
"Mag-ingat ka kasi, princess. Nasaktan ka tuloy," malambing na sabi ni Lysander.
Kinilabutan si Crisanta nang ihipan nito ang kamay niya. Pagkatapos ay dinala iyon sa labi at hinalikan. Napaawang ang bibig niya nang isubo ni Lysander ang isang daliri niyang napaso. Damang-dama niya ang init ng dila nito at ang lambot ng mga labi.
“Pakshet si Uncle!” lihim na usal niya. Nanayo ang lahat ng balahibo niya sa katawan, pati balahibong pusa niya ay nanindig. Para siyang may paru-parong biglang naglaro sa sikmura. Grabe, kakaiba talaga ang epekto ni Lysander sa kanya. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong damdamin.
"Wa—wala naman ’to, Uncle," kanda-utal niyang sabi.
Tumikhim si Lysander na parang barado ang lalamunan.
"Ano bang wala... napaso ka kaya, namula tuloy ang daliri mo. Sige na, ako na ang bahala dito."
Hindi na tumangi si Crisanta nang kunin nito ang hugasing kawali para mainit pa ang isang ulam. Bahagya siyang lumayo. Parang hindi kasi siya makahinga sa presensya ng Uncle niya. Nakakapanlambot ng tuhod.
Hindi niya maiwasang pagmasdan si Lysander habang nakatalikod. Kinakaluskos nito ang sleeve ng polo at kita niya ang maugat na braso, ang muscle na nagfi-flex sa bawat galaw. Ang sarap nitong pagmasdan, maingat pero relax. At sa bawat kilos nito, nakasunod ang mga mata ni Crisanta.
Nagbaba siya ng tingin patungo sa pang-upo ni Lysander. Nakagat niya ang labi. Naalala tuloy niya ang pinanood nila ni Fifi na p**n sa kuwarto niya.
Tamang-tama lang ang umbok ng pang-upo nito kaya mas sexy itong tingnan. Bumaba pa ang tingin niya sa hita. Naka-slack lang si Lysander, pero naiimagine na niya ang matatag na muscle sa ilalim.
"Saluhan mo ako, princess."
Nagulat si Crisanta sa alok nito. Nakaharap na pala si Lysander sa kanya, at nakatulala pa rin siya rito.
"Marunong po pala kayong kumilos sa kusina," nasabi niya na lang. Mukhang kayang-kaya naman ni Lysander na magbayad ng katulong.
"Simple lang ito, Crisanta. Ininit ko lang iyong ulam." Matamis ang ngiti ni Lysander.
"Kain na tayo," dagdag pa niya saka ipinaghila ng upuan ang sarili.
Si Crisanta naman ang nagkusang maglagay ng kanin sa plato nito. Hindi naman siya nagreklamo.
"Uncle, totoo bang wala pa kayong asawa?" tanong ni Crisanta maya-maya.
Umiling si Lysander.
"Ehh girlfriend?"
"Wala rin," tipid nitong sagot.
Parang pumalakpak ang tainga niya. Bigla niyang naisip na mag-apply na girlfriend ni Uncle, bulong ng malandi niyang utak.
"Bakit naman? Parang imposible. Ang guwapo n’yo tapos wala kayong girlfriend," walang habas na sambit niya. Totoo naman, napaka-imposibleng wala itong karelasyon sa edad nito.
"Alam mo kasi, Crisanta, sa edad kong ito, mahirap nang humanap ng babaeng magiging tapat sa akin. Kadalasan sa mga nagiging karelasyon ko, halatang pera lang ang gusto. Mahirap humanap ng babaeng makakaunawa rin sa tulad ko," makahulugang saad ni Lysander habang nakakunot ang noo.
"Ano namang kailangang unawain sa inyo, Uncle?"
Ngumisi si Lysander, na agad ikinalukso ng puso ni Crisanta.
"Ewan ko rin. Siguro kasi hindi ko pa noon nakita ang babaeng aagaw sa atensyon ko. Pero mukhang nakita ko na siya."
Makahulugang saad iyon na agad nagpaasim ng mukha ni Crisanta. Literal na napasimangot siya. Hindi niya mapigilan.
Ibig sabihin kasi, may iba nang nagugustuhan si Lysander.
"Maganda ba, Uncle?" usisa niya kahit medyo inis. Para siyang girlfriend na nagseselos.
Lihim niyang sinaway ang sarili. Bakit ba niya naiisip na magugustuhan rin siya ni Uncle? Oo, gusto niya na talaga ito.
Inaamin niya nang walang pag-iimbot at buong katapatan. Hindi lang isang simpleng crush ang nararamdaman niya para kay Lysander.
Kaso mukhang bokya na kaagad. Napakagat-labi na lang siya.
"Oo, napakaganda niya," seryosong sagot ni Lysander, titig na titig sa mukha ni Crisanta na para bang sinasabi nitong siya ang maganda.
Parang kinikilig tuloy ang buong katawan niya.
"Siya nga pala Crisanta, gusto kong sumunod ka na sa akin sa Manila kahit ngayong linggo na para makapagsimula na tayo."
"Simula po nang—"
"Ang ibig kong sabihin nakapagtrabaho ka na sa akin. Kaya kahit isang buwan pa bago magpasukan, mas maigi kung luluwas ka na. Okay lang ba?" nanantiyang tanong ni Lysander.
"Ayos lang po, anytime puwedeng-puwede na ako," sagot ni Crisanta sa kanyang Uncle, na parang may double meaning ang sinabi niya.
"Good, sa condo ko ikaw titira, okay lang rin ba?"
"Nasabi na po ni Papa sa akin. Kaya lang hindi ba ako makakaabala sa inyo, I mean—"
"Hindi, isa pa mas gusto kong kasama ka sa bahay. Masarap ka raw magluto."
"Ah, opo, masarap talaga ako... este ang luto ko sabi nila." Kung puwede lang sana tampalin niya ang sarili dahil kung anu-anong lumalabas sa bibig niya. Ito kasing si Lysander, nakakawala sa huwisyo kung makatitig.
"Kaya ipatikim mo sa akin lagi... ang luto mo sapat na ‘yon," nakangisi ring sabi ni Lysander.
Mukhang sinasakyan nito ang mga banat niya. Double meaning rin pala itong si Uncle. Kaya pinigilan niyang matawa. Paano siya tatawa kung seryoso ang mukha nito?
"Sige na po Uncle, late na at alam kong pagod kayo sa biyahe. Pahinga na kayo ulit sa kuwarto ko," alok niya rito.
Doon ito natulog kanina kaya hindi niya pa rin nagawang magbihis. May isa pa sanang silid na puwede nitong gamitin kaso ginawa na iyong storage ng mga lumang gamit sa bahay. Kaya siya lang ang umuukupa sa palapag na ‘yon. Nasa baba kasi ang silid ng kanyang Papa.
"Eh ikaw saan ka matutulog, princess?" usisa ni Lysander, na parang gusto pang magtabi silang dalawa. Kung puwede lang, why not choconut.
"Puwede na po ako doon sa sofabed sa study room ko na pinagawa ni Papa. Tama lang kasi sa akin iyong sofa," sagot ni Crisanta. Sa laki ni Lysander, alam niyang hindi ito magkakasya roon. Nasa loob lang rin iyon ng kuwarto niya pero may division naman at may kurtina sa pinto.
"Sige, mauna na ako. Saka pagamit na lang rin ng banyo ha," paalam ni Lysander na tinanguan na lang niya.
Matapos siyang magligpit ay saka siya umakyat sa kuwarto. Wala si Lysander sa kama, kaya siguradong nasa banyo ito. Kumuha siya ng pantulog sa closet saka pamalit na underwear.
Pero nagulat siya nang pagharap niya, nakatayo si Lysander sa may pinto ng banyo na nakatapis ng tuwalya niya. Habang matamang nakatitig sa kanya.
Napanganga si Crisanta sa ganda ng katawan nito. Ang sarap sa mata, ang sexy ng mga pandesal niya.
"Sorry, ginamit ko ‘yong tuwalya mo," ani Lysander na ikinatuwid ng huwisyo niya. Tila wala itong pakialam na halos wala itong saplot sa harap niya.
"A... ayos lang po," utal-utal niyang sagot dito, ramdam ang pag-iinit ng kanyang pisngi.
"Dito ka rin matutulog sa kuwarto?" tanong ni Lysander habang naglakad palapit sa kanya. Parang hindi man lang ito nailang na irampa sa harap niya ang kakisigan.
Well, walang nakakahiya sa katawan ng Uncle niya. Kaya hindi niya maalis ang mga mata sa kanya.
"Di... dito po sa kabila," turo niya sa dibisyon na nasa kaliwa.
"Hmm..." sagot nito habang tumango-tango. Napatitig ito sa pintuan na tanging kurtina lang na Hello Kitty ang nakasara. Ngumiti ito nang bahagya.
Mabilis siyang tumalilis patungo sa banyo. Madalian siyang naligo, pero naalala niyang gamit nga pala ni Lysander ang tuwalya niya.
"Uncle!" tawag niya, "baka puwedeng pasuyo ng tuwalya."
Wala siyang narinig na sagot kaya bahagya niyang binuksan ang pinto, habang nakatago ang katawan niya sa loob.
Nagulat siya nang sumulpot si Lysander sa harap niya. Natingin ito sa unahan niya saka pilyong ngumiti bago iniabot ang tuwalya. Nang isara niya ang pinto, noon lang niya napagtanto kung para saan ang ngiti nito.
Dahil kita lang naman nito ang hubad niyang likod mula sa malaking salamin sa banyo.
Nag-init nang husto ang mukha niya. Pero may kung anong damdamin ang pilit nagigising sa loob niya.
“Crisanta, mag-iingat ka doon anak,” maluha-luhang sabi ni Henry nang pasakay si Crisanta sa bus. Apat na oras lang naman ang biyahe patungo sa Maynila. Susunduin dapat siya ni Lysander pero may biglaang trabaho umano ito kaya nag-commute na lang siya.“Papa, malapit lang naman ang Manila. Puwede akong umuwi kapag may mahabang bakasyon. Saka huwag kayo laging makipag-inuman,” bilin niya. Hindi naman pala-inum ang papa niya, kaya lang mabilis itong malasing kaya baka kung saan na lang matulog kapag nalasing.“Hindi ko pa rin maiwasang mag-alala, basta tawagan mo akong madalas. Saka maging masunurin ka sa Uncle mo ha. Mabait iyon, kaya alam kong magiging ligtas ka,” anito.Mukhang si Uncle hindi magiging ligtas sa akin, gusto sanang sabihin ni Crisanta.Maya-maya pa ay tumakbo na ang bus. Alas tres ng hapon, kaya nakaka-antok sa biyahe. Naidlip muna siya at nagising na lang sa kalabit ng braso niya.“Nasa terminal na tayo,” sabi ng ginang.Noon siya tuluyan nagising, madilim na rin pala
"Kalimutan mo nang sinabi ko... Wala iyon."Namula ang mukha ni Lysander. Ang guwapo nitong mag-blush. Hindi mawari ni Crisanta pero ramdam niyang may ibang gustong ipahiwatig si Lysander. Hindi na lang siya nagpilit pa, baka kung ano pa ang isipin nito. Iba kasi ang tinging ibinigay niya sa kanya. Hindi maipaliwanag ni Crisanta, pero kinikilig siya sa mga titig nitong parang inaantok pa ang mga mata."Gusto n’yo nang kumain, Uncle. Initin ko ang pagkain," alok ni Crisanta.Tumango si Lysander kaya kinuha niya ang pagkain sa ref na itinabi ng kanyang Papa para rito. Wala silang microwave kaya ininit niya sa kawali ang kaldereta.Pagkasalin niya ng ulam ay nilagay niya sa lababo ang kawali, pero sinadya niyang mahawakan iyon."Aray, ang init!" ani Crisanta saka nabitiwan ang kawali. Mabuti na lang at hindi ito nahulog sa sahig."Oh bakit—" nagulat pa siya nang nasa tabi na niya si Lysander. Ang lapit nila, at halos magkabanggaan ang kanilang katawan.Inabot nito ang kamay niyang namula
"Talaga po?"Muntik nang malaglag si Crisanta sa upuan sa sinabi ng kanyang Papa. Isang linggo na nang huling narito si Lysander sa bahay nila. Kaya hindi niya inaasahan ang sinasabi sa kanya ngayon ng kanyang Papa."Pinag-isipan kong mabuti ang sinabi ni Lysander, anak. Sayang kung dito ka mag-aaral. Gayong mas marami kang oportunidad sa Maynila. Sayang naman na nakapasa ka sa mga university. Mamimili ka na lang. Kaya nagpasya akong pumayag sa alok niyang tulong.""Pero wala tayong pera, diba? Alam ko pa 'yon kaya kahit sa susunod na taon na lang," aniya, ayaw niyang ipilit ang hindi kayang ibigay ng kanyang ama. Kahit naman tutulong si Uncle Lysander, alam niyang marami pa ring kailangang intindihin."Sasagutin na raw ni Uncle mo ang lahat, anak. Kailangan mo lang magtrabaho sa company niya kapag wala kang pasok. Saka patitirahin ka na lang raw niya sa condo niya para hindi mo kailangan mangupahan. Mabuting tao ang Uncle mo kaya mas panatag ako kapag alam kong malapit siya sa’yo. Hi
"Crisanta! Halika rito!" Dinig ni Crisanta ang tawag ng kanyang papa mula sa kanyang kuwarto.Patakbo siyang bumaba ng hagdan. Dadalawa lang silang mag-ama sa bahay mula nang mamatay ang kanyang mama, apat na taon nang nakararaan. Pero at least nandiyan pa rin ang kanyang papa para sa kanya, kahit medyo nahihirapan ito sa munting negosyo nila."Crisanta, bilisan mo. Narito na ang iyong Uncle Lysander," muling tawag sa kanya ng kanyang papa.Kahapon pa nitong sinabi na darating si Uncle Lysander. Kaya sa totoo lang, excited siyang muli itong makita. Ang tagal na mula nang huli silang nagkita.Ang Uncle niyang saksakan ng pogi. Napangiti na lang siya sa naisip.Hindi siya malandi kaya huwag siyang husgahan. Nagkataon lang na bata pa siya nang magkaroon ng secret crush sa kanyang guwapong Uncle... ang best friend ng kanyang papa."Masaya akong nakabalik dito at makita ka ulit, Henry."Dinig niya ang buong-buong tinig ng isang lalaki. Malalim pero masarap pakinggan. Napangiti siya. Guston