“Crisanta, mag-iingat ka doon anak,” maluha-luhang sabi ni Henry nang pasakay si Crisanta sa bus. Apat na oras lang naman ang biyahe patungo sa Maynila. Susunduin dapat siya ni Lysander pero may biglaang trabaho umano ito kaya nag-commute na lang siya.
“Papa, malapit lang naman ang Manila. Puwede akong umuwi kapag may mahabang bakasyon. Saka huwag kayo laging makipag-inuman,” bilin niya. Hindi naman pala-inum ang papa niya, kaya lang mabilis itong malasing kaya baka kung saan na lang matulog kapag nalasing.
“Hindi ko pa rin maiwasang mag-alala, basta tawagan mo akong madalas. Saka maging masunurin ka sa Uncle mo ha. Mabait iyon, kaya alam kong magiging ligtas ka,” anito.
Mukhang si Uncle hindi magiging ligtas sa akin, gusto sanang sabihin ni Crisanta.
Maya-maya pa ay tumakbo na ang bus. Alas tres ng hapon, kaya nakaka-antok sa biyahe. Naidlip muna siya at nagising na lang sa kalabit ng braso niya.
“Nasa terminal na tayo,” sabi ng ginang.
Noon siya tuluyan nagising, madilim na rin pala. Pagbaba niya ng bus, natanaw niya kaagad ang pamilyar na bulto ng katawang nakatayo sa tabi ng bench. Nakatingin dito ang ilang babaeng nasa malapit. Kahit saan na, imposible na walang lumingon at tumitig kay Lysander.
Isang malapad na ngiti ang sumilay sa labi nito nang makita siya. Mabilis ang bawat hakbang niya. Pero mas mabilis ang tibok ng puso ni Crisanta habang papalapit siya.
“Ako na niyan.”
Kaagad na kinuha ni Lysander ang dalang maliit na maleta at isang dikalaking backpack ni Crisanta.
“Salamat, Uncle,” ani niya nang makasakay na sila sa kotse nito. Akala niya mag-aantay siya ng matagal, pero naroon na ito kaya nawala ang pag-aalala niya. Ito kasi ang unang pagkakataon niya sa Maynila, kaya talagang nakakakaba.
Pero sa ngiti ni Lysander, lahat ng takot niya nawala, napalitan ng excitement. Hindi na nawala sa isip niya ang ngiti nito mula noong alam niyang nabusuhan siya sa banyo. Tapos kinagabihan, nanaginip pa siya na hinahalikan siya ni Lysander habang hinahawakan ang dibdib niya, kaya naiilang siya sa alaala. Ang halay kasi ng utak niya.
Sa isang mataas na gusali sila nakarating. Ipinasok ni Lysander ang kotse sa basement saka sumakay sa elevator. Pinindot niya ang 42nd button na siyang pinakamataas.
At halos lumuwa ang mata ni Crisanta sa ganda ng bahay niya. Ito marahil ang condo ni Lysander.
“Grabe ang ganda ng bahay mo, Uncle.”
“Hindi ito ang pinaka-bahay ko pero dito ako madalas, kaya gusto ko dito ka rin. Saka mas malapit ito sa University kung saan ka mag-aaral.”
“Teka, Uncle. Diba private university iyon? Saka ang mahal ho ng tuition doon,” alanganing saad niya. Nagpanic siya syempre, iyon ang school na para lang sa mga mayayaman, sabi ng ibang kaklase niya. Kaya nga sa public university siya kumuha ng mga exam at nakapasa.
“Ako na ang bahala doon, ang mahalaga mag-aral ka. Basta isa lang ang bawal mong gawin. Bawal makipagrelasyon sa ibang lalaki. Magagalit ako,” seryosong sabi ni Lysander na ikinangiti niya. Para kasing nagseselos na agad si Uncle.
Assuming lang siya. Matamis niyang nginitian si Lysander.
“Bawal sa ibang lalaki, baka puwede sa kanya,” sulsol ng malandi niyang utak.
“Huwag po kayong mag-alala, hindi ako magkaka-boyfriend habang nag-aaral. Oo nga pala, Uncle, saan ako magtatrabaho?”
“Sa office ko. Magte-training ka muna para pag-nagleave na ang sekretarya ko, ikaw na ang papalit sa kanya. Malapit na kasing manganak iyon.”
“Next month pa po ang pasukan, kaya pull time muna ako sa office niyo,” ani niya.
“Hmm… nakaleave ako ng one week para samahan kita, saka para makabisa mo rin ang paligid. Hindi ako laging available para mahatid at masundo ka. Oh, bago ko makalimutan… sumunod ka sa akin,” aya niya. Sumunod naman siya nang walang tanong-tanong. Sabi ni Papa, sundin niya lahat ng sasabihin nito.
Pero hindi pa rin mapigilang pagmasdan ang matipunong likod at singhutin ang amoy nito na nasa unahan niya.
Nagulat siya nang kuwarto pala niya ang pintong pinasukan nila. Alam niya kaagad, syempre, amoy ni Lysander nang naroon sa loob ng silid. May ilang paper bag sa ibaba ng kama.
“Sa’yo ang mga yan, princess."
“Po?”
“Mga gamit sa school mo, saka mga damit pampasok.”
Bigla siyang na-excite. Kaya napalapit siya sa kama. Hindi lang mga gamit, pati bagong cellphone mayroon dito. Sa tuwa niya, niyakap niya si Uncle. Nagulat ata siya kaya napabagsak sila sa malambot niyang kama.
“Naku…” taranta niyang sabi, aktong babangon sana, nang humigpit ang yakap sa kanya ni Lysander.
Nasa may balakang niya ang isang palad niya kaya dama niyang dumihin iyon. Napalunok siya nang maramdaman ang matigas na umbok sa pagitan nila. Na ramdam niya rin iyon noong nakaraan.
Biglang nag-init ang pakiramdam niya.
“So… sorry, Uncle,” ani niya nang mag-angat ang tingin. Noon niya napansin na nakapikit si Uncle na tila dinadama ang kalambutan ng kanyang katawan. At ang sarap ng haplos niya sa likuran ni Crisanta.
“Crisanta, mag-iingat ka doon anak,” maluha-luhang sabi ni Henry nang pasakay si Crisanta sa bus. Apat na oras lang naman ang biyahe patungo sa Maynila. Susunduin dapat siya ni Lysander pero may biglaang trabaho umano ito kaya nag-commute na lang siya.“Papa, malapit lang naman ang Manila. Puwede akong umuwi kapag may mahabang bakasyon. Saka huwag kayo laging makipag-inuman,” bilin niya. Hindi naman pala-inum ang papa niya, kaya lang mabilis itong malasing kaya baka kung saan na lang matulog kapag nalasing.“Hindi ko pa rin maiwasang mag-alala, basta tawagan mo akong madalas. Saka maging masunurin ka sa Uncle mo ha. Mabait iyon, kaya alam kong magiging ligtas ka,” anito.Mukhang si Uncle hindi magiging ligtas sa akin, gusto sanang sabihin ni Crisanta.Maya-maya pa ay tumakbo na ang bus. Alas tres ng hapon, kaya nakaka-antok sa biyahe. Naidlip muna siya at nagising na lang sa kalabit ng braso niya.“Nasa terminal na tayo,” sabi ng ginang.Noon siya tuluyan nagising, madilim na rin pala
"Kalimutan mo nang sinabi ko... Wala iyon."Namula ang mukha ni Lysander. Ang guwapo nitong mag-blush. Hindi mawari ni Crisanta pero ramdam niyang may ibang gustong ipahiwatig si Lysander. Hindi na lang siya nagpilit pa, baka kung ano pa ang isipin nito. Iba kasi ang tinging ibinigay niya sa kanya. Hindi maipaliwanag ni Crisanta, pero kinikilig siya sa mga titig nitong parang inaantok pa ang mga mata."Gusto n’yo nang kumain, Uncle. Initin ko ang pagkain," alok ni Crisanta.Tumango si Lysander kaya kinuha niya ang pagkain sa ref na itinabi ng kanyang Papa para rito. Wala silang microwave kaya ininit niya sa kawali ang kaldereta.Pagkasalin niya ng ulam ay nilagay niya sa lababo ang kawali, pero sinadya niyang mahawakan iyon."Aray, ang init!" ani Crisanta saka nabitiwan ang kawali. Mabuti na lang at hindi ito nahulog sa sahig."Oh bakit—" nagulat pa siya nang nasa tabi na niya si Lysander. Ang lapit nila, at halos magkabanggaan ang kanilang katawan.Inabot nito ang kamay niyang namula
"Talaga po?"Muntik nang malaglag si Crisanta sa upuan sa sinabi ng kanyang Papa. Isang linggo na nang huling narito si Lysander sa bahay nila. Kaya hindi niya inaasahan ang sinasabi sa kanya ngayon ng kanyang Papa."Pinag-isipan kong mabuti ang sinabi ni Lysander, anak. Sayang kung dito ka mag-aaral. Gayong mas marami kang oportunidad sa Maynila. Sayang naman na nakapasa ka sa mga university. Mamimili ka na lang. Kaya nagpasya akong pumayag sa alok niyang tulong.""Pero wala tayong pera, diba? Alam ko pa 'yon kaya kahit sa susunod na taon na lang," aniya, ayaw niyang ipilit ang hindi kayang ibigay ng kanyang ama. Kahit naman tutulong si Uncle Lysander, alam niyang marami pa ring kailangang intindihin."Sasagutin na raw ni Uncle mo ang lahat, anak. Kailangan mo lang magtrabaho sa company niya kapag wala kang pasok. Saka patitirahin ka na lang raw niya sa condo niya para hindi mo kailangan mangupahan. Mabuting tao ang Uncle mo kaya mas panatag ako kapag alam kong malapit siya sa’yo. Hi
"Crisanta! Halika rito!" Dinig ni Crisanta ang tawag ng kanyang papa mula sa kanyang kuwarto.Patakbo siyang bumaba ng hagdan. Dadalawa lang silang mag-ama sa bahay mula nang mamatay ang kanyang mama, apat na taon nang nakararaan. Pero at least nandiyan pa rin ang kanyang papa para sa kanya, kahit medyo nahihirapan ito sa munting negosyo nila."Crisanta, bilisan mo. Narito na ang iyong Uncle Lysander," muling tawag sa kanya ng kanyang papa.Kahapon pa nitong sinabi na darating si Uncle Lysander. Kaya sa totoo lang, excited siyang muli itong makita. Ang tagal na mula nang huli silang nagkita.Ang Uncle niyang saksakan ng pogi. Napangiti na lang siya sa naisip.Hindi siya malandi kaya huwag siyang husgahan. Nagkataon lang na bata pa siya nang magkaroon ng secret crush sa kanyang guwapong Uncle... ang best friend ng kanyang papa."Masaya akong nakabalik dito at makita ka ulit, Henry."Dinig niya ang buong-buong tinig ng isang lalaki. Malalim pero masarap pakinggan. Napangiti siya. Guston