Share

CHAPTER 86: Sampung Minuto

MARCO POV

Sinikap kong panatilihin ang huwisyo ko sa kabila ng bahagyang pagkahilo. Nanlalabo ang paningin ko pero pinilit ko pa rin na ituon ang atensyon ko para analisahin ang kalaban ko at ang kabuuan ng fire exit.

Parang namamanhid ang ulo ko sa sobrang sakit ng natamo kong sugat pero tiniis ko ang pangingirot nito. Sa likod ng maskara ay naramdaman ko ang pagngisi ng babaeng nakatitig sa akin.

“Tayo!” pagmamando niya. Sa pagkabingi ng tenga ko ay halos malabo na rin sa akin ang totoong boses niya.

Sinusuri ko pa rin ang paligid at kinukwenta ang mga posible kong pag-atake base sa natitira kong lakas.

“Sampung minuto,” mahina kong naiusàl.

“Ano?” nagtatakang tanong ng babaeng kaharap ko.

Mariin ko siyang tinitigan. “Sampung minuto at magkukumahog ka nang lumabas mula rito,” saad ko sa kanya saka tumaas ang sulok ng labi ko.

Bahagya siyang natawa at isinentro sa noo ko ang hawak niyang bàril. “Talaga? Wala pang sampung minuto ay mapapatay na kita.”

Bang!

Ipinutok niya ang baril sa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status