Beranda / Romance / Craving For Love / CHAPTER 87: Picture Frame

Share

CHAPTER 87: Picture Frame

Penulis: Love Reinn
last update Terakhir Diperbarui: 2024-05-17 17:47:40
THIRD PERSON POV

“AHHHH!” sigaw ni Mandy. Tinanggal niya ang suot na maskara na nanggagalaiti niyang tinapon sa sahig.

Nagpupuyos siya sa galit at pinagbabasag ang kung ano mang mahawakan niya. Nagwala siya at pinagtutumba ang mga gamit sa silid kung saan siya naroroon.

Binalak niyang patayin si Marco, ang lalaking nagpapaligaya kay Samara, pero nabigo siya,

…at mukhang mahihirapan siya.

Kinuha niya ang camcorder na nakapatong sa mesa at plinay ang video na kinunan niya sa rooftop. Usapan nila ‘yon ni Samara.

‘How are you feeling now, Mrs. Samara Licaforte Villaflor?’

‘Hmm, ano ba? Ah, I'm happy.’

‘Oh, really?’

‘Yes.’

Nanginginig ang kamay ni Mandy habang pinapanood ‘yon. Halos mawasak na niya ang hawak na camcorder. Mabibigat ang paghinga niya at tila may kung anong poot sa kaloob-looban niya na gustong sumabog. Hindi masukat ang nararamdaman niyang galit.

Hindi niya gustong nakikitang masaya si Samara. It's like a dose of hell to her. She'll do everything to
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Craving For Love   Chapter 114: Broken

    SAMARA POV“Hija, jusko! Ano bang nangyari? Muntik akong atakihin sa puso no’ng napanood namin ang balita sa TV. Anong sabi ng mga doktor? Ayos ka na raw ba?” buong pag-aalalang bungad sa akin ni Manang Letty nang madatnan akong nakahiga sa ospital. Kasama niya si Kakai na may dala-dalang malaking basket na puno ng mga prutas. Humihingos ito.“M-Ma’am Samara. Grabe po ‘yong kaba namin sa mansyon kanina. Ano ba namang klaseng school ‘yan at nagpatayo ng marupok na billboard? Nakakainis sila,” litanya ni Kakai.Ngumiti ako para hindi na sila mag-isip ng kung ano-ano pa. Okay na rin naman ako. ‘Yong baby namin ni Marco, na-check na rin ng mga doktor. Sa ngayon, ang kailangan ko na lang ay magpahinga. Pwede na rin akong lumabas ng ospital ano mang oras.“Ara, mabuti naman at nagising ka na. Nag-alala ako nang sobra sa inyo ni Candice,” agad na sambit ni Mandy pagkarating. Lumapit ito sa akin.Nagtaka sina Manang Letty at Kakai kung sino siya. Hindi ko pa kasi nadadala sina Mandy at Candi

  • Craving For Love   Chapter 113: Kotse

    MARCO POV‘Dalawampu ang sugatan sa nangyaring aksidente sa open field ng Northford University. Kasagsagan ng performance ng NU Blue Tigers para sa taunang cheerleading competition nang matumba ang malaking billboard kaya halos myembro rin ng nasabing cheerleading squad ang casualties. Alisto naman silang naisugod ng medical personnel ng eskwelahan sa St. James Hospital. Sa kabila ng aksidente, maswerte rin na walang binawian ng buhay. Iniimbestigahan na ng awtoridad ang puno’t dulo ng pagkatumba ng nasabing billboard. Pansamantalang ipinatigil ang selebrasyon ng Sportsfest sa naturang unibersidad para na rin sa seguridad ng lahat,’ mahabang salaysay ng babaeng reporter sa radyo. Mabigat akong huminga matapos marinig ‘yon. Kalat na agad ang nangyaring aksidente sa eskwelahan kani-kanina lang. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa manibela at halos paliparin na ang kotseng minamaneho sa kahabaan ng Jenzen Avenue. Daig ko pa ang pakikipagkarera sa pag-iwas at pag-overtake sa mga sasakyang na

  • Craving For Love   Chapter 112:

    MARCO POVPapunta kami nina Dos at Jack sa open field para dalhan ng pagkain si Ara nang nadatnan namin si Jill na kasama si Lolly. Nagkukwentuhan silang dalawa.“Lolly, miss mo ba si Mama?” tanong ni Jill sa bata. Napakunot ang noo ko.“Opo, bakit po pala kayo umalis?” nalulungkot na tugon ni Lolly.“May ibang babae kasi ang Dada mo—”“Jill,” pagputol ko sa sinasabi niya. Seryoso ‘yon at may halong pagbabanta.Ngumiti siya na tila nagtitimpi. “Usap muna kami ng Dada mo, Lolly,” paalam niya sa pamangkin ko na agad na inalok nina Dos at Jack para mawala ang atensyon niya sa amin. Hinila ko si Jill sa madilim na hallway para mag-usap kami nang masinsinan. Sa inis ko ay ‘di ko na namalayang napahigpit na pala ang pagkakahawak ko sa kanya.“Marius, ano ba?! ‘Wag mo sabihing sasakyan mo na rin ako physically para sa babaeng ‘yan?” pagpupumiglas niya sa akin. Binitiwan ko siya at bumaling sa kanya.“Ano ba kasing ginagawa mo?” mariing tanong ko. Nagpanggap siya na walang ideya at tumawa. “

  • Craving For Love   Chapter 111: Peligro

    THIRD PERSON POV Mag-isang nakaupo si Aldric sa locker room ng football team. Nakasentro ang atensyon niya sa makinang na singsing na suot na binigay sa kanya ng misteryosong tao. Hindi niya matukoy ang dahilan kung bakit binayaran siya para suotin ‘yon. Basta ang alam lang niya ay tutulungan siya ng taong ‘yon para makuha ulit ang ex niyang si Ara. Malalim siyang huminga at sumandal sa kinauupuan. Gusto na niyang itigil ang ginagawa niya dahil kung ano man ang plano ng misteryosong taong ‘yon ay tiyak siyang ikapapahamak ‘yon ng ex niya. Ang babaeng tinangka niyang saktan pero nahulog ang loob niya kalaunan. “Pre, nand’yan ka pa pala. Hindi mo ba panonoorin si Ara na mag-perform? Nagsisimula na ang cheerleading competition,” bungad sa kanya ng kaibigang si Morris. Pinupunasan nito ang basang buhok gamit ang towel. Katatapos lang nito sa shower. Ngumiti si Aldric. “Manonood ako. Hinihintay lang kitang matapos para ma-lock ko na ang pinto. Sabay na tayong pumunta.” Nagtaka si Morr

  • Craving For Love   Chapter 110: Dreams

    MARCO POV‘Two old friends meet again~’“Uhmm, Love…” mahinang usal ni Ara habang labas-masok ang pagkalalaki ko sa kanya. Napahigpit ang kapit niya sa akin sa nanggigigil na pagpisil ko ng dibdib niya.Malamig ang simoy ng hangin sa labas ng tent pero ramdam ko ang pag-iinit ng walang saplot naming katawan. Pawis at sabik sa presensya ng isa’t isa.Siniil ko ng halik ang leeg niya at balikat. Pagkarating sa dibdib niya ay salitan kong sinipsíp na parang sanggol ang dalawa nitong korona.Nalalapit na ang pagtatapos ng Sportsfest. Hudyat din ito ng pagbabalik ko sa rati kong buhay bilang CEO ng Silvertre Business Empire. Isang marangyang mundo ng impluwensya at kapangyarihan ngunit walang kalayaan. Gustuhin ko mang manatili sa katauhan ko bilang ‘Marco’, ay alam kong imposible na ‘yon dahil nahanap na ako ni Mommy. Guguluhin niya lang ang mga taong importante sa akin kapag ‘di ko sinunod ang gusto niya. Ayokong pati si Ara ay idamay niya.Bahagyang bumagal ang pag-ulos ko na napansin n

  • Craving For Love   Chapter 109: Crowd

    SAMARA POVBakas ang inis sa mukha ko habang nakaupo sa couch kasama si Mandy. Kumakain kami ng chips.Paano ba naman? Binastos na nga kaming tatlo ni Anton kanina ay ‘di pa rin nagpaawat si Candice na ipagtanggol siya sa admin. Tutulungan niya raw itong aregluhin ang nangyaring gulo.Alam kong madalas kaming ipagpalit ni Candice para sa mga lalaki pero hindi ko akalain na aabot siya sa ganito. Hay, nahihibang na ata ang kaibagan kong ‘yon.“Ano ba kasing nakita ni Candice sa lalaking ‘yon? Halata namang walang modo,” paninimula ni Mandy.Sang-ayon ako sa sinabi niya. “At ang nakakabahala pa. Mukhang seryoso siya sa relasyon nila,” dagdag ko pa.“Anton… anak ng congressman… parang nakita ko na siya pero hindi ko lang matandaan kung kailan at saan,” napapaisip na sambit ni Mandy at pumalatak. Pamilyar din pala ang lalaking ‘yon sa kanya. Ilang saglit pa ay napaawang ang bibig niya. Tila may kung anong sumagi sa isipan niya dahil mabilis niyang kinuha ang phone niya. “Shít, I knew it!”

  • Craving For Love   Chapter 108: Lemonade

    SAMARA POV“Oh, woah-ooh-ohHuwag na huwag mong sasabihin~” kanta ko sa videoke ng Acquaintance Party. Todo cheer naman ang schoolmates ko sa Northford University.“Thank you!” sigaw ko sa mic. Katatapos lang ng talent show pero hindi pa rin ako nahihimasmasan. First time kong kumanta publicly kanina at parang gusto ko na maging recording artist. Mukhang ito talaga ‘yong calling ko.“Girl, awat na. Pakantahin mo naman ‘yong iba,” saway ni Candice. Pang-apat ko na kasi ‘to tapos ang haba pa ng pila.“Hay, sige na nga. Nauuhaw na rin ako, eh,” tugon ko sabay abot ng mic sa kasunod na estudyante. Sila naman ang nag-ingay.Nagtungo kami ni Candice sa expansive bar counter kung saan naka-display ang free drinks. Nakipagsiksikan pa kami dahil sa kapal ng tao. Kanya-kanyang ganap. May sumasayaw, nagtatawanan at nag-iinuman.Naglalakihang universities ang kasali sa Sportsfest kaya enggrande rin ang venue. Halatang pinagkagastusan. Nagmukha itong high-end bar sa BGC na paboritong galaan ng bi

  • Craving For Love   Chapter 107: Meow

    SAMARA POV Malalim akong huminga. Nakaupo ako sa malambot na couch ng backstage habang tinutono ni Marco ang pinahiram sa kanya na gitara ng staff. Kakanta na sana kami kanina kaso nagkaroon ng technical problem. Pansamantala tuloy na hininto ang program for 5 mins. Muli kong naalala ang pagmumukha ni Jill. ‘Di ko naiwasan ang mairita. Kasalanan niya ‘to, eh. “Nakakainis talaga!” usal ko sabay hampas sa couch. Kumunot ang noo ng nobyo ko na nagtaka sa sinabi ko. “Ha? Sino?” nang-uusisa niyang tanong. “‘Yong ‘ex-wife’ mo,” tugon ko na may halong pagtatampo. Umirap ako sa kanya. I mean, alam ko naman na hindi niya totoong asawa si Jill pero gusto kong marinig mismo sa kanya. “Ex-wife? Si Jill?” tanong niya ulit. Kumalembang ang tenga ko ro’n. Para bang may bombang sumabog. Bakit si Jill agad ang naisip niya? Pwede namang ibang babae. Baka totoong naging mag-asawa nga sila. Kinuha ko ang gitarang hawak niya at tinukod ang dalawa kong kamay sa hita niya. Inilapit ko a

  • Craving For Love   Chapter 106: Talent Show

    SAMARA POVPagkarating sa Acquaintance Party ay sinalubong kami ng nagsisiksikang estudyante na may kanya-kanyang drinks. Nakatanaw silang lahat sa stage kung saan may magkapares na estudyanteng kumakanta ng ‘Marvin Gaye’. Pinapalamutian ang venue ng balloons na hugis nota. May mumunting fairy lights din sa mga poste at halaman. Parang may talent show na nagaganap.“Ang daming tao,” komento ni Marco. Hawak ko ang kamay niya kasi baka madapa siya. Bulag pa naman ang isang ‘to. “Oo nga, daig pa ang concert,” biro ko.“Ara, Marco, nandito na pala kayo,” masayang bati ni Candice nang makita kami. Nakipagbeso-beso siya sa akin at kumislap ang mga mata nang mapansin ang ayos namin. “You two look gorgeous. Gwapo at maganda. Bagay na bagay,” puri niya at umakto na parang kinukunan kami ng litrato gamit ang imaginary camera.Inakbayan ako ni Marco. Nilagay ko naman ang kamay ko sa beywang niya. “Bigyan mo kami ng kopya ng larawang ‘yan, ah,” biro niya. Natawa na lang kami sa kakornihan niya.

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status