THIRD PERSON POV“Fvck, nakaligtas pa talaga ang demonyong Licaforte na ‘yon? Hindi man lang natuluyan,” iritableng saad ni Mandy sabay bagsak ng dalawang kamay sa mesa.Kararating pa lang ng kapatid niyang si Atty. Santivanez pero gusto niya agad pag-usapan ang mabilis na paggaling ng taong kinasusuklaman niya.Hinubad ng kuya niya ang suot na coat at niluwagan ang necktie. Mabigat siyang huminga saka umupo sa sofa.“Mukhang totoo nga ang kasabihan. Mahirap patayin ang masamang damo,” sarkastiko nitong sabi at nagsindi ng sigarilyo. Aaminin niya na naiinis din siya sa nangyari.Pag-irap lang ang ginanti ni Mandy. “At si Ara. ‘Yon na ‘yon? Akala ko ba maganda ang plano ng boss natin? She solved things in just a snap. Ni hindi man lang pinagpawisan.”Inihiga ni Atty. Santivanez ang ulo sa cushioned headboard ng sofa at pinahinga ang dalawang braso sa magkabilaang dulo nito. “Maybe we underestimated her. Matalinong babae si Ara,” kaswal nitong sabi. Ayaw na niyang sabayan ang init ng ul
SAMARA POV“Daddy,” yakap ko sa ama ko nang madatnan siya sa living room. Naiyak ako dahil nanabik ako sa presensya niya. Naka-wheelchair siya at medyo nanghihina pa dahil kaka-recover niya pa lang. Gayunpaman, malugod siyang ngumiti sa akin.“Oh, ba’t parang malungkot ka? Hindi ka ba natutuwang makita ako?” nag-aalalang puna niya sa naging reaksyon ko. Agad naman akong umiling sa sinabi niya.“Hindi, Daddy. Miss ko lang po kayo,” tugon ko sa kanya na totoo rin naman. Pinahid ko ang dumaloy na luha sa pisngi ko.Kahit suwail akong anak ay mahal na mahal ko siya. Ayoko na may nangyayaring masama sa kanya.“Honey, you’re back,” nakangiting salubong ni Tita Olivia kay Daddy na para bang isang ulirang asawa. Kasunod niya si Monica.Umatras ako nang konte dahil sa pagkailang. Pinagmasdan ko sila. Mukha silang larawan ng masayang pamilya, pero lingid sa kaalaman ng iba, sinasaksak na pala ng madrasta ko ang ama ko sa likuran. Malalim akong huminga.Ang nakakasikip sa dibdib, wala man lang
SAMARA POVPagkauwi ko sa mansyon ay para akong hangin na dinadaan-daanan lang ng mga katulong. Walang pumansin sa akin. Ni bumati ng ‘Good Morning’ ay wala. Nadatnan ko sa living room ang mukhang kagigising lang na si Tita Olivia. Nagkakape ito. Mapanuya niya akong nginisihan nang mapansin ako. Nang lumingon naman sa akin si Monica na nasa katapat niyang upuan ay naiilang itong tumingin. Parang may gusto siyang sabihin pero ‘di niya na lang tinuloy dahil sa mommy niya.Nagpatay-malisya ako at nagtuloy-tuloy na lang sa ikalawang palapag. Inaantok na ako at matutulog na lang sa kwarto ko. Pagkabukas ng pinto ay agad akong dumiretso at humilata sa kama. Iidlip na sana ako nang tumawag si Marco. Napangiti ako. At least gumanda ang mood ko.‘Hi, Love. Safe ka bang nakauwi?’ wika niya sa kabilang linya. Ngumiti naman ako.“Oo, na-miss mo ako agad?” panunukso ko sa kanya sabay gulong sa kama. Kinikilig kasi ako.“Hmm,” pabitin niya, “palagi naman,” dugtong niya.“Luh…” Agad akong tumawa.
MARCO POV“Bye, Love,” paalam ni Ara sa akin pagkahalik niya sa pisngi ko. Saka siya bumaling sa pinarang taxi at sumakay roon.Nagmamadali siya. Siguro dahil mag-uumaga na. Naiwan naman kami nina Dos at Jack na nakatanaw sa sinakyan niya na umalis din agad.“Hindi mo pa rin ba nasasabi sa kanya ang tungkol sa totoo mong pagkatao, Sir Marius?” nag-aalalang tanong ni Dos sa akin.Malalim akong huminga. “Hindi pa. Naghahanap pa ako ng t’yempo para aminin sa kanya ang lahat.”Nagkatinginan silang dalawa.Bumaling ako sa convenience store kung saan bumibili ng ice cream sina Jill at Lolly. Kita ko sa glass wall kung paano sila magtawanan na para bang close na close sila.Hindi lang ako kay Ara kailangang magtapat ng katotohanan. Sa palagay ko, mas komplikadong ipaliwanag ang lahat sa pamangkin ko. Lumaki siya sa simpleng buhay. Siguradong mahihirapan siyang mag-adjust sa magulong mundo ng mga Silvestre.Napatingin ako sa billboard. Naalala ko ang nangyaring aksidente sa Northford Universi
MARCO POV “Wow, mukhang ang sarap tingnan,” namamanghang sabi ni Ara habang nakatingin sa tatlong kaldero ng nilagang baka sa gitna ng mesa. Binili ko para sa kanya. Dumaan kasi kami sa nirekomenda niyang restaurant. “Kain ka lang, ‘wag kang magtitira,” nang-eengganyo ko sa kanya. Noong kinuwento sa akin ni Jill kung gaano kalakas kumain ng nilagang baka ang nobya ko, ay hindi ako naniwala. Kako, mahinhin kumain si Ara. Pero ngayong nakikita mismo ng mga mata ko na makailang beses siyang pabalik-balik sa kaldero para magsandok ng ulam, sa palagay ko, totoo nga. May mga bagay pa pala akong ‘di alam sa kanya. “Kain ka rin, oh. Puno pa ‘yong isang kaldero,” pag-aalok niya sa akin habang nginangatngat ang hawak na mais. Oo, isa, dahil malapit na niyang maubos ‘yong dalawa. Parang tama nga na magpanggap na muna akong bulag dahil mas komportable siyang gawin ang gusto niya. “Ayos na ako rito sa lumpia. Kumain naman ako kanina,” pangiting tugon ko sa kanya. Pinaglapat niya an
MARCO POVDiretso lang ang tingin ko sa malayo habang nakaupo sa espantadong parte ng parke. Abala ang mga taong namamasyal sa paligid samantalang para naman akong naestatwa sa posisyon ko. Nakahilig kasi ang ulo ni Ara sa balikat ko. Si Lolly naman ay ginawang unan ang hita ko. May ale pa na naghulogng barya sa lata na malapit sa amin. Akala ata pulubi kami. Hilaw na lang akong natawa sa ginawa niya.“Mag-ina mo?” usyusong tanong niya sa akin. Nakataas pa ang kilay kina Ara at Lolly.“Ikakasal pa lang po,” magalang na tugon ko. May halong ngiti. Hindi ko naman itatanggi ang bagay na ‘yon. Kung pwede nga ay ipagsisigawan ko pa. Masyado lang talagang maraming nangyari kaya hindi pa kami makapagdesisyon ni Ara ng araw ng pag-iisang dibdib namin. May mga komplikadong bagay pa na kailangang ayusin.“Aba, may anak na kayo, ikakasal pa lang? Kabataan nga naman. Tapos nandito pa kayo at namamalimos. Siguro wala na rin kayong pambili ng bigas at gatas. Nasira na tuloy ang kinabukasan niyo