SAMARA POV "I'll ask you something to repay me," sumeryoso ang mukha niya. "Hindi libre ang pagtulong ko sa 'yo, Ara," diretsahan niyang sabi sa akin. Natigilan ako at napawi ang ngiti sa labi ko. "A-Anong ibig mong sabihin?" kinakabahan kong tanong sa kanya. Mas lumakas pa ang pintig ng puso ko nang tumaas ang gilid ng labi niya. 'Anong kapalit ang hihingin niya?' Inilapit niya nang konte ang mukha niya sa 'kin. Naaamoy ko na ang panglalaki niyang pabango. Ilang beses akong napakurap. Maraming naglaro sa isipan ko. 'What he'll gonna say? What's on his mind?' "Smile," nakangiti niyang sabi. "Smi—ha?" nagtataka kong tanong. "I said smile, 'yan ang hinihingi kong kapalit sa mga naitulong ko," pag-uulit niya. Natigilan ako. Ilang saglit bago ko nakuha. "Ahh," napatango ako at natawa. Saka lang ako nakahinga nang maluwag. Pangingitiin niya lang pala ako, akala ko naman kung ano na. Napapunas tuloy ako ng pawis nang wala sa oras. "'Yan, mas maaliwalas. Hindi bagay
SAMARA POV Umalingawngaw ang ingay ng tambol sa buong gymnasium. Ngayong araw ang start ng ensayo ng cheerleading squad kung saan kami kasali ni Candice. "ROAR LIKE A TIGER! MOVE WITH GRACE! WE'RE UNSTOPPABLE! ALWAYS ON THE CHASE!" we shouted in unison. Practice pa lang ay todo bigay na kami. "Woooah! Panalo na ang Northford University! Sure na sure na 'yan!" hiyaw ng mga estudyanteng nanonood sa amin. Limang universities ang makakaharap namin ngayong Sportsfest. Last year, ang team namin ang nanalo kaya hindi na kami gaanong kinakabahan. We always give our best to provide a satisfying show, and I know this year will still be our spotlight. "Well done, that's all for today," anunsyo ng cheer instructor namin habang pumapalakpak. "Bukas ulit, same time. We'll perform some stunts on next meeting so prepare guys, ok? Dismiss," saad niya bago tuluyang umalis ng gymnasium. Agad kaming humiga sa inilatag na sleeping mat ni Candice sa sahig. Nakapikit akong huminga. Ang sara
SAMARA POV Nadatnan kong mag-isa si Marco sa isa sa mga picnic tables ng mini-park ng Northford University. May earbud siya sa isang tenga at nagsusulat gamit ang braille. Sa tingin ko ay nag-aaral na naman siya. Iginala ko ang paningin sa paligid, walang tao. Dahil na rin siguro ang karamihan ng mga estudyante ay nag-eensayo para sa Sportsfest. Naglakad ako palapit kay Marco. Agad na nasagi ng mga mata ko ang pang-mascot na costume sa loob ng nakabukas na sako sa tabi niya. Gawa ito sa makapal na fabric na matatansya kong mainit suotin. Mabigat akong huminga. Nasa harap niya na ako pero hindi niya pa rin ako napapansin kaya malakas na ibinagsak ko ang dala kong bag sa mesa. Nagulat at napahinto siya sa pagbi-braille niya. "Ba't nagpresenta kang maging mascot at maging kengkoy lang sa Sportsfest? Nag-e-enjoy ang lahat ng estudyanteng salihan ang mga gusto nilang events so dapat ikaw rin. Sa tingin mo ba kapag nagmascot ka, tatayo ka lang no'n? Sasayaw ka ng ilang araw sa mga
SAMARA POV "Teka lang, h-hindi ka bulag?" gulat na gulat na tanong ko sa kanya. Napakunot ang noo niya. "Ano?" natatawa niyang sabi. Hinarap ko ang worksheets sa kanya. "Ang ayos-ayos ng pagkakasulat nitong mga sagot sa worksheets. Imposibleng magawa 'to ng hindi nakakakita," mariing pagpapaamin ko sa kanya. "Worksheets? Hindi naman kasi talaga bulag ang nagsulat niyan," sagot niya. "So nakakakita ka nga?" pag-uulit ko. Napahinga siya nang malalim. "Hindi ako ang nagsulat n'yan, Ara. May braille transcribers ang Northford University. Sa kanila lumalapit ang mga bulag na estudyanteng katulad ko. Programa 'yon ng school at may sarili silang office sa tabi ng library. Magbabayad ka lang depende sa dami ng ipapagawa mo. Hindi mo ba alam 'yon?" mahaba niyang paliwanag. Naibagsak ko ang sarili ko sa upuan. "T-Talaga?" paninigurado ko sa kanya. Tipid siyang ngumiti. "Pinanganak akong bulag. Kung nakakakita man ako, ba't ko pa pahihirapan ang sarili ko, 'di ba?" pagkaklaro niya
SAMARA POV Mabilis akong nagmaneho sa kahabaan ng Taft Avenue. Nakatuon lang ang mga mata ko sa BMW kung saan lulan sina Tita Olivia at ang lover niya na sa tansya ko ay matagal na niyang kalampungan. Mahigit kalahating oras ko na silang sinusundan at sisiguraduhin kong mahuhuli ko na sila this time. Pinipigil ko pa rin ang inis ko nang biglang tumunog ang phone ko. Pagkasilip ko ay rumehistro ang pangalan ni Mandy sa screen. Nag-aalala ata siya dahil basta ko na lang silang iniwan ni Candice kanina nang hindi ko man lang sinabi kung saan ako papunta. Ikinonekta ko ang bluetooth headset sa phone ko para sagutin ang tawag niya. “Hello? Ara? Sa'n ka ba? Ang init ng ulo mong umalis ng café kanina. Baka kung anong mangyari sa 'yong masama,” sunod-sunod na sabi ni Mandy mula sa kabilang linya. Chineck ko ang GPS ng kotse ko. “Sinusundan ko sina Tita Olivia. Mukhang bababa sila sa Evanns Hotel. Kapag nalaman ko talagang may kabit siya ay sasampalin ko siya hanggang mayupi ang p
SAMARA POV Nakahinga ako nang maluwag nang makaalis na sina Candice at Mandy. Muntik na kasing makapagsabi ng hindi maganda si Candice kanina. Baka kung ano pang sumagi sa utak ni Marco at masaktan ang damdamin niya. Malay ko ba na maiisip niyang gawin din 'yong parte ko sa worksheets. Edi, sana hindi ko na nabanggit kina Mandy 'yon, …na ok lang sa ‘kin na bumagsak kasi kaya ko namang magbayad at wala akong pakialam sa grades niya. Napalingon ako kay Marco. Ordinaryong polo lang ang suot niya at kupas pa. Hay, mag-organize kaya ako ng pa-raffle ng mga damit tapos puro pangalan niya lang 'yong ilalagay ko sa entries? Masyadong busabos ang itsura niya. Sayang naman ang awrahan niya na mala-Hollywood American celebrity. Dagdag mo pa ang katawan niyang parang bidang lalaki sa novels na possessive series. Nilapit ko ang ilong ko sa damit niya para singhutin kung anong amoy niya at napanganga ako. ‘In fairness, ah? Hindi siya amoy araw kundi amoy mayaman. Ano kayang perfume
THIRD PERSON POV Nakaupo sa isang madilim na kwarto. Nakaharap sa laptop kung saan sunod-sunod na nagpi-play ang recordings ng pag-uusap nina Samara at ng mga kaibigan niya. Hindi napigilan ng misteryosong tao na mainis sa mga narinig. ‘Ara, 'di ba stepmom mo 'yon? Sino 'yang kasama niya?’ ‘For sure, kabit niya 'yan. Hindi lang ito ang unang beses na nahuli ko sila.’ ‘ANO?!’ ‘Alam na ba ng daddy mo?’ ‘Hindi pa, pero sisiraduhin kong malalaman niya.’ Natigilan siya nang tumunog ang phone niya sa gilid ng mesa. Kanina niya pa inaabangan ang tawag ng lalaking naka-fedora. “Hello? Nabasa ko ang message mo na gusto mo akong makausap,” kampanteng saad ng lalaki sa kabilang linya. “Na-receive mo na rin ang recordings na pinasa ko, 'di ba? Ba't hindi ka nag-iingat? Muntik na kayong mahuli ng babaeng 'yon. Ayokong masira ang mga plano natin,” natitimping sabi ng misteryosong tao. Bahagyang natawa ang lalaki. “Alam mo namang kakailanganin din natin si Mrs. Licaforte para tuluyang ma
SAMARA POV Pagkapasok pa lang namin ni Aldric ay bumungad na agad sa amin ang makukulay na ilaw at masiglang musika ng Ayala Triangle Gardens. Everyone’s enjoying the ‘Festival of Lights.’ Kahit saan ka lumingon ay mamamangha ka. Maraming tao ang nagpunta na nagkanya-kanyang picture at video sa lugar. Lumapad ang ngiti sa labi ko. Magandang pangtanggal stress ang maglakad-lakad rito. “You like it?” Aldric whispered to me habang nakahawak ang isang kamay sa beywang ko. “Yeah,” malambing kong sabi saka humalik sa labi niya. He's really a remedy for my bad days. Nakakawala ng lungkot at pagod. “I told you na may importante akong sasabihin sa 'yo, 'di ba?” pagpapaalala niya sa ‘kin. “Uhm,” tumango ako. “Tungkol saan 'yon?” usyusong tanong ko sa kanya. “Wait here,” nakangiti niyang sabi tapos umakyat siya ng stage. I chuckled. Ano na naman kaya ang paandar niya ngayon? Masyado siyang maraming pakulo. Nakatitig lang ako sa kanya nang biglang tumutok ang mga ilaw sa akin na nakaa
SAMARA POVPagkarating sa Acquaintance Party ay sinalubong kami ng nagsisiksikang estudyante na may kanya-kanyang drinks. Nakatanaw silang lahat sa stage kung saan may magkapares na estudyanteng kumakanta ng ‘Marvin Gaye’. Pinapalamutian ang venue ng balloons na hugis nota. May mumunting fairy lights din sa mga poste at halaman. Parang may talent show na nagaganap.“Ang daming tao,” komento ni Marco. Hawak ko ang kamay niya kasi baka madapa siya. Bulag pa naman ang isang ‘to. “Oo nga, daig pa ang concert,” biro ko.“Ara, Marco, nandito na pala kayo,” masayang bati ni Candice nang makita kami. Nakipagbeso-beso siya sa akin at kumislap ang mga mata nang mapansin ang ayos namin. “You two look gorgeous. Gwapo at maganda. Bagay na bagay,” puri niya at umakto na parang kinukunan kami ng litrato gamit ang imaginary camera.Inakbayan ako ni Marco. Nilagay ko naman ang kamay ko sa beywang niya. “Bigyan mo kami ng kopya ng larawang ‘yan, ah,” biro niya. Natawa na lang kami sa kakornihan niya.
SAMARA POV “Woooah, great job team!” puri ng coach nila Aldric sa kanila matapos ang una nilang panalo sa kakatatapos lang na match. They did a little celebration. Isang champagne shower na pinangunahan ng ex ko bilang ace player ng team. Sinundan ‘yon ng hiyawan. “Hardwork paid off, guys,” bati ni Aldric sa lahat. Matapos niyang ibaba ang bote sa kalapit na mesa ay nag-unahan ang mga babaeng estudyante na tila ba bago niyang fans. Maging ang mga taga-Golden East University na mula sa kalabang kupunan ay naligaw rin dito. Ang lahat ay gustong magpa-picture. “Hey, don't post those pictures on social media, okay? I want to keep my privacy,” bilin ni Aldric sa mga babaeng nakipag-picture sa kanya. Oo nga pala. Masyadong pribado itong ex ko. Kaya nga kahit matunog na ang pangalan niya sa larangan ng football ay iilan lang ang nakakaalam ng itsura niya. Maging ang pictures at videos namin noong kami pa ay naka-save lang sa phone namin. Kaya ‘di rin ako nahirapan na itago ang r
SAMARA POV“Ara, here,” tawag sa akin ni Candice sabay taas ng kamay niya nang makita ako sa audience area. Kasama niya si Mandy. May dala silang popcorn, drinks at lightstick na gaya ng ibang mga estudyante.Punuan ang audience area ng open field. Ngayon kasi ang first match ng football kung saan kalahok ang team nila Aldric. Kanya-kanyang cheer at hiyawan ang lahat kaya halos ‘di na magkarinigan. Dagdag pa ang tugtog ng banda para sa opening ceremony ng laro.Noong una ay hindi pa makapaniwala sina Candice at Mandy na manonood ako ng football game. Iniisip pa rin kasi nila ang issue namin ni Aldric. Pero sinabi ko sa kanila na okay na kami ng ex ko. Nagkausap na kaming dalawa.Agad akong inabutan ni Candice ng popcorn at drink nang makalapit ako sa kanila. “Ang tagal mo, girl. Saan ka ba nagsuot?” nakabusangot niyang tanong.“Ah, naghugas lang ng kamay,” tugon ko sa kanya na ‘di na lang sinabi ang nangyaring sagutan sa pagitan namin ni Jill kanina. After all, mukhang concern pa rin
SAMARA POVSinundan ko si Jill hanggang huminto siya sa nakahilerang lavatory sa labas ng cafeteria. Alam kong kanina niya pa napapansin na sinusundan ko siya pero pinili niyang magpatay-malisya. Sinuri niya ang sarili sa salamin at naghugas ng kamay.Tumabi ako sa kanya. Hindi naman makakaila na mas attractive ang tisay kong mukha at ang sexy kong katawan. I got all the curves in perfect places. Nalalamangan niya lang ako sa pino ng kilos niya na kahit ata ang bilyonaryang tulad ko ay magmumukhang mahirap.Pasimple siyang ngumiti nang mapansin niyang tinititigan ko siya. “Insecure?” mapanuya niyang tanong sa akin.Kumalembang ang tenga ko at tumaas ang kilay sa sinabi niya. “I'm sorry?” Where did she get the nerve to ask such a question? Ang isang Samara Licaforte ay mai-insecure?Humarap siya sa akin matapos punasan ang kamay niya ng libreng towel na naka-display sa baba ng salamin. Maging ang paraan ng pagpupunas niya ay may class. Pinagkrus niya ang braso at nang-aasar na tumitig
SAMARA POVNapabuntong-hininga ako habang hinahanap sa paligid si Marco. Nauna na si Aldric dahil may practice game pa raw sila. Nang magkahiwalay kami kanina ay napagdesisyunan kong bumili ng Korean food sa kalapit na restaurant nitong university. Gusto kong mag-sorry sa fiancè ko. Sa tingin ko kasi ay pinaramdam ko sa kanya na ‘di ko siya pinagkakatiwalaan dahil sa inasta ko. Sana rin ay makapag-usap kami nang masisinan para malaman ko ang saloobin niya. Nagpatuloy lang ako sa paghahanap sa kanya nang makita ko sina Dos at Jack na nakatanaw sa ‘di kalayuan. Parang may pinag-uusapan sila kaya na-curious ako.“Dos, Jack, ano ba ‘ya—” lapit ko sa kanila at agad na napawi ang ngiti ko.Ang tinititigan pala nila ay sina Marco at Jill na magkasama sa music room. Kasama nila si Lolly. Magkatabi ‘yong magnanay at nagtatawanan.Alam kong childish pero affected talaga ako. Pinigilan ko na lang ang sarili kong gumawa ng pagsisisihan ko na naman.Hahakbang na sana ako palapit sa kanila pero
MARCO POVMatapos kong kantahan si Jill ay umupo ako sa tabi niya. Sinimulan kong patugtugin ang piyesang ‘Heart and Soul’ sa grand piano. Inengganyo ko siyang sabayan ako. Hindi niya naman ako binigo. Napapansin ko pa rin ang panginginig ng isa niyang kamay na pilit niyang itinatago sa akin. Hindi nagtagal ay huminga ako nang malalim. May pahiwatig. Natigilan siya.“B-Bakit?” tila nangangambang tanong niya.Bumaling ako sa kanya. Marahan kong hinawakan ang nanginginig niyang kamay. Halata ang pagkagulat sa mga mata niya. Babawiin niya pa sana ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko pero ‘di na niya nagawa. Bahagya siyang nataranta.Alam ko na ang kasunod no'n. Mabigat siyang huminga at lumunok,…pinipigilan niya ang sariling umiyak.Tinitigan ko siya sa nangungusap na mga mata. “Hindi mo kailangang magpanggap na masaya ka kapag malungkot ka,” payo ko sa kanya bilang kaibigan.Bahagyang napaawang ang bibig niya nang mapantanto na alam ko na ang nangyayari. Doon tuluyang bumuhos ang lu
MARCO POVHinahabol ko ang paghinga habang hinanap sa lahat ng sulok ng Northford University si Ara. Mabilis ang bawat paghakbang ko hanggang natagpuan ko siyang nakaupo sa bench kasama si Aldric. Napalunok ako at aaminin ko na bahagya akong nakaramdam ng selos. Napawi ni Aldric ang namuong lungkot sa mga mata ni Ara kanina. Bagay na ako dapat ang gumawa.“Hay, masakit na nga tapos tititigan mo pa. Ang weird mo talaga,” pasaring ni Jill na nakasunod pala sa akin. Paglingon ko ay bumungad ang matamis niyang ngiti. Naka-dress na siya at pinalitan ang kaninang suot na itim. She looks gorgeous while standing. Bakas sa tindig at yumi ang pagiging anak mayaman.Sumilip siya kina Aldric at Ara saka bumaling ulit sa akin. Nang-uusisa ang titig niya. “Ex niya?” kaswal niyang tanong sa akin.Marahan akong ngumiti. Pilit na tinatago ang pagseselos. “Si Aldric,” tugon ko sa kalmadong tono.“Ah, gano'n ba?” Napapigil siya ng tawa. “Ganyan pala ang itsura mo kapag brokenhearted ka. Mukha kang tuta
SAMARA POV“Ang kapal ng mukha niya! Ang kapal-kapal ng mukha niya! May pa-childhood childhood pa siyang nalalaman tapos ex-wife niya naman pala ‘yon!” naiinis kong sabi at nagtuloy-tuloy sa paglalakad sa hallway. Namamaga ang mga mata ko dahil sa pag-iyak.Hindi ko alam kung saan ako papunta pero bahala na!“Hey, Sama—” Matalim kong tinitigan si Nico na nagpatikom sa bibig nito. Wala ako sa mood para sa pambubwisit niya. Nasa likuran niya ang buong football team.“Pwede ba? Pass muna r'yan sa matabil mong dila. Kahit ngayon lang,” mariing pakiusap ko sa kanya. Kumurap-kurap lang siya bago ko siya nilampasan. Nagkatinginan ang buong football team na napansin atang ‘di ako okay.“Ara…” Sa pinakaunang pagkakataon ay kinausap ako ni Aldric matapos ang opisyal na pakikipag-break ko sa kanya. Hinabol niya ako at pinaharap para suriin ang mukha ko. Bakas sa kanya ang pag-aalala.“Sinaktan ka ba niya?” pagalit niyang tanong sa akin. Parang may ideya na agad siya na si Marco ang dahilan.Umi
MARCO POV“Ito na ang pinabili niyong Korean food, Sir Mar—”Mariin kong tinitigan si Dos na may halong pagbabanta. Mukhang madudulas pa ata. “I-I mean… Marco, haha, bro,” paglilihis niya at ngumisi sa akin. Mabuti naman at nakuha niya agad.Tumikhim siya at umupo para sumalo sa mesa. Si Jack naman ay inayos ang paper plates at kubyertos.Matamis na ngumiti si Ara at nilabas ang wallet. Maglalabas sana siya ng pera pero hindi niya napansing magkasabay pala sila ni Jill. “Ako na ang magbaba—” Natigilan ang dalawa at napasipat sa isa't isa. Sa pagkakasabay nilang magsalita ay parang may kuryenteng dumaloy sa pagitan nila.Lihim na natawa sina Dos at Jack sa nagbabadyang pagkokompetens’ya. Parang gusto pa nga nila akong tuksuhin ng, ‘Ang gwapo mo naman, Sir Marius, ikaw na.’Tumikhim ako para maagaw ang atensyon nilang dalawa. “Ako na, binigyan naman ako ng paunang bayad ni Sir kanina,” nakangiti kong saad para ‘di na sila mag-alitan pa. Kumalma sila. Mabuti naman.Tahimik kaming kuma