Share

KABANATA 2: Choice

NALA

Nanlalaki ang mga mata ko habang tinuturo ang lalaking p'werteng nakaupo sa bachelor’s couch na nasa harapan ng malaking kama kung saan ako nakaupo ngayon. Naka-cross pa ang dalawang hita niya sa isa't isa.

Wait, kama? Ano'ng ginagawa ko rito? Ano'ng lugar ‘to? Hindi kaya pinagsamantalahan na ako ng lalaking ‘to?!

Nagsalubong ang dalawang makakapal na kilay niya at may multong ngisi na nagpakurba sa labi niya.

“I did nothing to you, woman,” turan niya na parang nabasa kung ano ang nasa isip ko at saka siya tumayo.

“Gago ka! Ano'ng ginawa mo sa ‘kin?! Saan mo ako dinala?!” sigaw ko at akmang tatayo ngunit natumba rin kaagad dahil sa pagkahilo. Mabuti na lang malabot ang kama.

“I told you. I did nothing to you.” Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. “You’re too far from my standard. You’re not even beautiful,” dagdag niya pa.

“Aba’t! Tarantado ka ah! Akala mo naman kung sinong gwapo!”

Tiningnan ko rin siya mula ulo hanggang paa. Nakasuot siya ng kulay itim na button down long sleeve na naka-tucked in sa itim na slacks. Nakatupi ang manggas nito hanggang siko at ang tatlong butones ay nakabukas dahilan upang malantad ang kaunting bahagi ng dibdib niyang may buhok. Kumikintab rin ang suot niyang itim na oxford shoes at ang mamahaling relo na nasa palapulsuhan niya.

Lumipat ang tingin ko sa muka niya dahilan upang magtama ang paningin naming dalawa. Nakangisi siya habang nakatingin sa akin.

“Hmm. Realizing something?” pag-aasar niya pero tiningnan ko lang siya ng masama.

Naglakad siya patungo sa may bintana at saka pinag-cross ang dalawang braso sa malapad na dibdib bago muling nagsalita.

“Where’s my money?” tanong niya, seryoso na ngayon.

Natigilan ako dahil sa tanong niya. Nagtaasan ang balahibo ko sa batok dahil sa biglaang pagiging seryoso ng boses niya. Hindi ako makasagot. Tila umurong ang dila at tapang ko dahil walang lumalabas na kahit ano'ng salita mula sa bibig ko. Lumunok ako ng laway at nag-iwas ng tingin.

“I’m gonna ask you again, where is my money?” tanong na naman niya habang nagsisindi na ng sigarilyo.

Hindi pa rin ako nagsalita. Kung sisingilin niya ako sa ninakaw ko wala na siyang makukuha sa akin dahil naubos na. Kahit tutukan niya pa ako ng armalite dito o hindi kaya’y bazooka hindi ko na maibabalik ang pera niya.

Tiningnan niya ako ng masama nang mapansin niyang wala akong balak magsalita. Bumuga siya ng usok ng mamahaling sigarilyo bago muling magsalita.

“I already told you, didn’t I? I hate repeating my words. Now, speak!”

Inirapan ko siya at marahas na bumuntong hininga. “Wala na ang pera mo,” tanging sabi ko.

“Wala na?” sarkastikong ulit niya. “Oh, lemme guess? You use my money to be paid your sister’s hospital bill and expenses, didn’t you?”

Nanigas ako sa kinauupuan ko. Ni hindi ko magawang kumurap dahil sa sinabi niya. Pa’no niya nalaman iyon?

“Your sister, Nadine Cabral, is now suffering Paralytic polio and tongue cancer, isn’t she? And she’s currently in a St. Elizabeth Medical Center and because of your lack of financial you are the least priority in the mentioned hospital ‘causing your sister not to improv—”

Hindi ko an napigilan nag sarili ko. Nanginginig ang kamay na hinila ko ang kwelyo niya at pilit iyong inaangat kahit hindi ko naman siya kaya.

“Sino ka ba?! Huwag na huwag mong gagalawin ang kapatid ko kung hindi ako ang makakalaban mo!” sigaw ko.

Ngumisi siya at walang kahirap-hirap na pabatong inalis ang kamay ko na nasa kwelyo niya. Muntik na akong matumba dahil doon. Kinuyom ko ang kamao kong nanginginig at saka tiningnan siya ng masama.

“Bingo. So your weakness is your sister, right? Tsk, pathetic,” sarkastikong aniya at ngumisi.

“Ano'ng sabi mo?!”

Hindi niya ako pinansin. Sa halip ay pumunta siya sa may lamesa at nagsalin ng mamahaling alak sa rock glass na nandoon.

“So, let’s talk about business, woman," basag niya sa katahimikan na kaunting minutong bumalot sa amin.

Suminghal ako. “Sorry to disappoint you pero wala akong negosyo," pangbabara ko sa kaniya.

Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa kaya napabaling ako sa kaniya.

“Anyway, bago ko sabihin sa 'yo ang gagawin mo, sasabihin ko muna sa 'yo kung ano’ng mga benefits ang makukuha mo kapag tinanggap mo ang alok ko. Huwag kang mag-alala, hindi ka lugi rito.” Muli siyang umupo sa bachelor’s couch at pinag-cross ang dalawang paa nito sa isa’t isa.

“First, I won’t send you behind bars. I will let you live without your conscience hunting you. Second, papalampasin ko ang pagtangay mo sa pera ko. Third…”

Tumigil siya at pinaglaruan ang yelo na nasa baso niya. “Ano ang pangatlo?” naiinip na tanong ko.

“Third, I will send your sister in the U.S for the proper medications plus the professional doctors that will assist and monitor her until she gets better. I will also provide for her medicines. Wala kang ilalabas kahit piso kung magagawa mo ng maayos ang trabahong ibibigay ko sa ‘yo…” Mahabang lintaya niya bago muling binaling sa akin ang gunmetal blue niyang mga mata. “What do you think about the benefits? Not bad, isn’t it?”

Hindi ako makahinga. Parang binabara ng pride ko ang lalamunan ko. Alam kong hindi siya nagbibiro kahit may ngising nakarehistro sa labi niya. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba ang sinasabi niya kahit hindi ko pa alam kung ano'ng trabaho ba ang ipapagawa niya.

Hindi ko siya kilala pero alam kong mayaman siya kaya alam kong kayang-kaya niya ngang dalhin ang kapatid ko sa ibang bansa para ipagamot pero kaya ko bang malayo sa akin ang kapatid ko?

Mariin akong pumikit. Ang imahe ng kapatid kong nakaratay sa ICU bed na maraming tubo ang nakakabit sa katawan ang siyang umakupa sa madilim kong paningin. Ang mga d***g niya ang siyang paulit-ulit kong naririnig at ang amoy ng gamot na nasa paligid niya ang siya namang umaakupa sa kasulok-sulukan ng ilong ko.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko bago muling binuksan ang mata ko. Lumunok ako nang magtama ang paningin namin ng lalaking nasa harap ko ngayon na tila nag-eenjoy sa pagiging misirable ng buhay ko.

“Ano'ng trabaho ba? Ano'ng trabaho ba ang ipapagawa mo? May ipapapatay ka ba? Pagtutulukin mo ba ‘ko ng droga? Ano? Sabihin mo,” sunod-sunod ng tanong ko.

Mahina siyang natawa. “Am I that cruel to you?” tanong niya. “Anyway, I consider your questions as a yes, ‘no?”

“Ano'ng trabaho?” muling tanong ko. Mas seryoso na ngayon.

“So impatient…” he commented.

“Sabihin mo na sa akin kung ano'ng trabaho ba ‘yan! Ang gusto ko lang mangyari ay tuparin mo ang mga sinabi mo dahil kahit ano'ng trabaho ang ibigay mo tatanggapin ko.”

“Great, then.” Tumayo siya at tumalikod. “Since you look very desperate to cure your own sister, this job is simple for you… well, for everyone to be exact.”

“Ano nga?!”

“Be my secretary…” aniya at muling humarap sa gawi ko. “But not just a secretary, woman. You also have a duty to be my bed warmer. What do you think? Sounds fun, right?”

“Ano'ng sabi mo?! Sira ba ulo mo?!” nanlalaki ang matang sabi ko. “S-Secretary? Bed warmer? Fun? Sinasabi mo bang bibigyan mo ako ng trabaho pero may extra service?! Ano'ng tingin mo sa akin p****k?” Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mag-alburuto.

“P****k? That’s bold.” Mahina siyang natawa. “P****k is a cheap term. I made a contract for you not to think that you are a hostess or what.”

“Sa tingin mo ba talaga papayag ako sa kahibangan mo? Sabi mo hindi ako pumasa o lumampas sa standard mo pero ano'ng ibig sabihin nito?!”

“This isn’t about you not being qualified by my standards. Sabi mo gagawin mo kahit akong ibigay ko sa 'yo, ‘di ba?”

“Pero hindi do’n kasali ang pagkawala ng dignidad ko!”

“Exactly! So that I am giving you an opportunity to think about this business and the benefits that I mentioned earlier. The decision is yours. Your future and your sister’s life were now on your hands.” Dinilaan niya ang pang-ibabang labi niya bago nagsalita. “Fang.”

Pagkasabi niya noon ay bumukas ang kulay brown na double door ng kwarto at pumasok ang lalaking nakasuot rin ng itim na suit kagaya no’ng suot ng mga pumunta sa bahay kanina. May inabot siyang kulay puting folder sa lalaking kausap ko at may binulong pa bago tuluyang lumabas pero hindi sinara ang pintuan.

“Here’s the contract. Read this carefully and tomorrow I need your answer immediately. Understood?”

Hindi niya na hinintay ang sagot ko. Pabato niyang nilapag ang puting folder sa ibabaw ng kama. Nagtama pa ang paningin namin bago siya tuluyang tumalikod at lumabas ng kwarto. Tila naubusan ako ng lakas dahil kusang bumigay ang mga binti ko paluhod sa carpet ng sahig pakasara ng pinto.

“Tangina pa’no ba ako nakarating sa ganitong punto?!” bulong ko sa sarili ko.

Naghilamos ako ng muka gamit ang palad at saka sinuklay ang brown kong buhok gamit ang daliri ko. Hindi ko na alam kung ano'ng gagawin ko. Hindi ko na alam kung paano ko malulusutan ang lahat ng kalokohang ito.

Pinilit kong tumayo at abutin ang folder na nasa kama. Nanginginig ang kamay na binuksan ko ito at sinimulang basahin at intindihin ang sa mga bawat pahina. Nakalagay nga doon ang lahat ng benefits na binanggit ng lalaking iyon kanina. Nakalagay din doon na suswelduhan pa rin ako ng tamang halaga dahil sa pagtatrabaho ko bilang sekretarya niya.

May naka-incode din doon na bawal sabihin sa iba ang tungkol sa pagiging bed warmer ko kung ayaw kong mapahamak si Nadine. Marami pang nakasulat at halos pumutok ang ugat ko sa ulo dahil sa mga kalokohang nakasaad doon.

“Hugo Lionel P. Fabellon?” pabulong na basa ko.

Iyon ang pangalan na nakasulat sa katabi ng pangalan ko. Sa may bandang taas ng printed name ay may pirma.

Ilang minuto kong tinitigan ang kontrata na nasa harapan ko. Hindi ako makapag-isip. Hindi ko magawang paganahin ang utak ko. Tila bigla na lang naging blangko ang isip ko dahil sa dami ng nangyayari ngayon.

Parang kahapon lang ay masaya ko pang nabisita ang kapatid ko sa hospital. Marami akong kwenento sa kaniya para hindi siya ma-boring masyado doon.

Sa edad na pitong taong gulang ay sobrang dami niya nang hirap na nararanasan. Hindi niya man lang magawang enjoyin ang pagiging bata niya dahil sa sakit niya. Kung pwede lang ilipat sa akin ang sakit na nararamdaman ngayon ni Nadine matagal ko na sanang ginawa iyon.

Kapag pinirmahan ko ang kontratang ito ibig sabihin no’n ay pumapayag ako sa kasunduan. Pumapayag akong maging parausan. Ngunit ang kapalit naman ng mawawala kong dignidad ay ang paggaling ni Nadine.

Makikita ko na ulit siyang ngumiti kagaya ng palagi niyang ginagawa noon. Maririnig ko na ulit ang nakakahawa niyang pagtawa. Makikita ko na ulit siyang tumakbo para salubungin ako kagaya noon kapag galing ako sa school. Maisusuot niya na ulit ang paborito niyang doll shoes.

Lahat ng iniisip kong imposible ay magiging posible na kapag gumaling na siya.

Kaagad kong pinunasan ang pisngi ko gamit ang likod ng palad ko nang may kumawala doong butil ng luha na mula sa mata ko matapos kong pirmahan ang kontrata.

Tama si Hugo, kahinaan ko nga ang kapatid ko. Si Nadine na lang kasi ang natitira sa ‘kin matapos mamatay ni Mama dahil sa kagagawan ko na pinagsisisihan ko pa rin hanggang ngayon. Tila isa itong bangungot na paulit-ulit akong hinahabol at hindi pinapatulog.

“Hindi ko talaga inaasahan na maiisipan mong sumali dito bata,” nakangising sabi ni Berto sa akin habang naghihithit ng sigarilyo sa harapan ko.

Tumawa ako dahil doon. “Hindi ko rin inaasahan na may pakialam ka pala, Berto,” turan ko.

Mas lalong lumawak ang ngising nakaplaster sa makapal at maitim niyang labi. “Iyan ang gusto ko sa ‘yo bata. Wala kang kinatatakutan. Kahit siguro patayin ka namin rito hindi ka magmamaka-awa na buhayin ka pa namin.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumawa siya.

Tinaasan ko siya ng kilay. “Mabuti naman alam mo. Malaking asset ako kapag ipinasok niyo ako sa grupo niyo alam mo ba ‘yon?” Nilalaro ko ang kuko ko habang sinasabi ko ‘yon. “Alam ko kung saan ang hide out ng Supreme fraternity. Alam ko rin kung saan gaganapin ang susunod na motor war at marami pa akong alam na higit sa inaakala ninyo. Alam na alam kong gusto ng grupo niyo na malaman ang lahat ng nalalaman ko dahil walang kwenta ang grupo niyo kapag wala ang isang katulad ko.”

Nagtiim bagang siya. “At sino naman ang maniniwala sa sinasabi mo? Ano'ng grade ka na ba? Grade 9?” Nakakaloko siyang tumawa na para bang nakakatawa na grade 9 pa lang ako. Tss. Siya nga ay grade 11 pa lang, repeater pa!

Sinabayan ko ang pagtawa nila dahilan upang mas lalo silang mainis sa akin. Nginitian ko si Berto at ang mga kasama niya ng matamis.

“Hindi ko naman kayo pinapilit na maniwala sa sinasabi ko pero sabi nga nila hindi nagsisinungaling ang mga bata. Masama ‘yon, Berto. Gurang ka na kasi kaya palagi kang nagsisinungaling kay Aling Burning,” pang-aasar ko dahilan upang mas lalong mamula ang maitim niyang muka.

Si Aling Burning ay ang nanay ni Berto na tindera sa may kalenderya sa kanto na malapit sa bahay namin. Hindi alam ni Aling Burning ang mga ginagawa niya kaya malakas ang loob niya. Naiintindihan ko naman siya dahil kahit si Mama ay hindi rin alam ang ginagawa ko.

“Tarantado ka talaga, Nala! Tirahin na ‘yan!”

Pagkatapos sabihin iyon ni Berto ay nagsipasukan sa abandunadong parking lot ang maraming lalaki na naka-itim. Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko alam na sobrang dami niya palang kasama. Tangina!

Sinuntok ko kaagad sa muka ang lalaking akmang pupukpok sa ulo ko gamit ang dos por dos. Sinipa ko naman sa ari niya ang akmang ring susuntok sa sikmura ko. Panay ang pailag ko sa mga suntok at pukpok kung kaya’t nasusuntok at napupukpok nila ang isa’t-isa.

“Potangina!” malutong na mura ko nang may matagumpay na sumuntok sa pisngi ko.

Minasahe ko ang panga ko dahil pakiramdam ko ay na-dislocate iyon. Tiningnan ko ng masama ang sumuntok sa akin na ngayon ay nakangisi na para bang proud na proud pa.

“Ang babaho ng hininga ninyo!” walang pag-aalinlangan sabi ko at gumanti ng mga suntok.

“Nala!”

Literal na tumigil ang paghinga ko nang may pamilyar na yumakap sa maliit kong katawan. Sobrang higpit ng yakap niya at halos hindi na ako makahinga.

“M-Mama?” nanginginig na wika ko.

Binalingan ko sina Berto na ngayon ay nagsisitakbuhan na paalis ng parking lot. Takot pala ang mga gago!

Binalingan ko naman si Mama na nakatayo ngayon sa harapan ko. Wala akong nakikitang galit o ano man sa mga mata niya pero kahit gano’n ay hindi ako mapakali dahil baka pagalitan niya ako.

“Nala anak tumingin ka kay Mama.” Parang isang musika ang boses ni mama dahil sa sobrang lumanay nito.

Hindi ko siya sinunod nakatingin lang ako sa sahig at hinihintay na pagalitan niya ako. Ngunit tila nawalan ng kulay ang buong muka ko nang mapansin ko ang sunod-sunod na pagtulo ng kulay pulang likodo sa sahig kung saan ako nakatingin.

Unti-unti kong inangat ang paningin ko kay Mama na pilit na ngumingiti. Puno ng pawis ang noo niya at halatang may iniindang sakit.

“S-Sabi kong tumingin ka k-kay Mama, ‘di ba?” nahihirapang aniya.

“M-Mama…” nanginginig na tawag ko sa kaniya.

“A-Ayaw mo pa rin talagang makinig sa ‘kin anak.” Nangilid ang luha niya habang nakatingin sa akin. “P-Pero kahit puro pakikipag-away ang ginagawa m-mo tandaan mong m-mahal—”

Hindi na natapos ni Mama ang sasabihin niya dahil sa sunod-sunod na ubong lumalabas sa bibig niya at may kasama itong dugo na siyang bumalot ng takot sa buong pagkatao ko.

“Mama! Mama dadalhin po kita sa ospital! Hihingi po ako ng tulong!” Umiiyak na wika ko pero umiling siya.

Hindi tumitigil ang pagbuhos ng luha mula sa mata ko dahilan upang haplusin ni mama ang pisngi ko gamit ang madugo niyang kamay.

“Huwag n-na anak…” Ngumiti siya. “H-Hindi na rin ako magtatagal. Ipangako mo sa a-akin na aalagaan mo si Nadine ha? A-Alagaan mo rin ang sarili mo. H-Hmm? Huwag na huwag niyong iiwan ang isa’t isa. D-Dapat lagi mo siyang sasamahan at gano’n rin siya sa ‘yo. Huwag m-mo na ulit ipapahamak ang sarili mo a-anak. Mangako sa 'kin."

“Mama naman huwag ka pong magsasalita ng ganiyan!”

Ngumiti lang siya at niyakap akong muli. “Mangako ka kay M-Mama na hindi mo na ipapahamak ang s-sarili mo, N-Nala.”

Umiiyak na tumango ako. “Pangako, Mama.”

“M-Mahal na mahal kita, anak. Mahal na mahal ko kayo…”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status