Share

KABANATA 37

KABANATA 37: Positive

NALA

Tulala ako habang nakatingin sa labas ng malaking bintana. Wala naman akong ibang nakikita doon kung hindi matataas na puno na may malalagong mga dahon. Ilang oras pa lang akong nandito sa pamamahay na ‘to pero pakiramdam ko ay sobrang tagal ko na dahil sa mga nangyari.

Tatlong oras pa lang ang nakakalipas nang bisitahin ako dito ng tatay ko pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ma-absorb ng utak ko kung gaano talaga siya kasamang tao. Sinaktan niya ‘ko na ni minsan ay hindi ginawa sa ‘kin ni Mama noong nabubuhay pa siya.

Pagak akong natawa.

Sana nandito pa si Mama para makapag-sorry ako sa kaniya sa mga nasabi ko dati. Dapat pala magpasalamat pa ‘ko sa kaniya kasi hindi siya sumama sa tatay kong halang ang bituka. Dapat pala matuwa pa ‘ko kasi hindi ko siya kasama habang lumalaki ako dahil hindi ko alam kung ano’ng mararamdaman ko kapag ganito ang trato niya sa akin habang tumatanda ako.

Mabilis kong pinahid ang luha ko na nagkalat sa pisngi ko nang marinig
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status