KABANATA 37: PositiveNALATulala ako habang nakatingin sa labas ng malaking bintana. Wala naman akong ibang nakikita doon kung hindi matataas na puno na may malalagong mga dahon. Ilang oras pa lang akong nandito sa pamamahay na ‘to pero pakiramdam ko ay sobrang tagal ko na dahil sa mga nangyari.Tatlong oras pa lang ang nakakalipas nang bisitahin ako dito ng tatay ko pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ma-absorb ng utak ko kung gaano talaga siya kasamang tao. Sinaktan niya ‘ko na ni minsan ay hindi ginawa sa ‘kin ni Mama noong nabubuhay pa siya.Pagak akong natawa.Sana nandito pa si Mama para makapag-sorry ako sa kaniya sa mga nasabi ko dati. Dapat pala magpasalamat pa ‘ko sa kaniya kasi hindi siya sumama sa tatay kong halang ang bituka. Dapat pala matuwa pa ‘ko kasi hindi ko siya kasama habang lumalaki ako dahil hindi ko alam kung ano’ng mararamdaman ko kapag ganito ang trato niya sa akin habang tumatanda ako.Mabilis kong pinahid ang luha ko na nagkalat sa pisngi ko nang marinig
KABANATA 38: DealNALALimang araw na ang nakakalipas simula nang mag-usap kami ni Daniel Cordova sa kaniyang opisina. Hindi kagaya no’ng unang dalawang araw ko dito na nakakulong lang ako at hindi pinapalabas sa kwarto, ngayon ay pinayagan na akong makalabas pero may mga nakasunod pa rin sa aking mga armadong lalaki na bantay sarado sa bawat galaw ko.Sa loob ng limang araw na ‘yon ay hindi ko na ulit nakita pa si Damian. Wala naman akong pakialam sa totoo lang. Ang ipinagtataka ko lang, bakit mukang wala namang alam ang tatay ko sa pagbubuntis ko? Kung sinabi niya talaga sa tatay ko na buntis nga ako hindi ba dapat gumagawa na sila ngayon ng paraan para mawala sa akin ang anak ko?Hindi naman sa gusto kong mapahamak ang baby namin ni Hugo. Maganda nga ‘yon na hindi nila alam na buntis nga ako pero nagsisimula na akong maguluhan sa pagkakakilanlan ni Damian.Kalaban ba siya o kakampi? Dapat ba siyang pagkatiwalaan o hindi?Kung kalaban nga siya posibleng sinabi niya na sa tatay ko na
KABANATA 39: GrandchildNALA“Kung iyan ang gusto mo, walang problema.” Malawak na ngumisi si Daniel Cordova na para bang nagtagumpay na naman siya at saka nilabas ang kaniyang telepono’t nagtipa doon.Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko sa bawat patak ng bawat segundo. Pakiramdam ko ay nabablangko ang utak ko dahil sa dami ng bumabagabag doon. May aircon naman dito pero pinagpapawisan ako.Ano kaya ang iisipin ni Hugo kapag sinabi kong ibigay niya na lang sa tatay ko ang pwesto niya? Iisipin niya kayang inaabuso ko ang pagmamahal niya para sa ‘kin? Magsisisi ba siya na ako ‘yong babaeng minahal niya? Magagalit ba siya sa ‘kin?Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Iniisip ko pa lang na magagalit sa ‘kin si Hugo dahil sa desisyon ko ay sumasakit na ang puso ko. Mahal na mahal ko siya pero mahal na mahal ko rin naman ang kapatid ko.Kung ano man ang maging bunga ng desisyon kong ito, tatanggapin ko. Kung magalit man sa ‘kin si Hugo, ayos lang, hindi no’n mababago ang pagmamahal
KABANATA 40: FatherNALA“A-Ano po ang sinasabi niyo?” maang-maangang tanong ko sa kaniya at napalunok.“Just like what I’ve said, I’ll help you escape, but you need to protect my grandchild in return, hija. I know that you are pregnant with Lionel’s child, and don’t try to deny it,” aniya.Umiwas naman ako ng tingin. Hindi ko kayang tingnan ang ama ni Hugo. Hindi ko magawang i-deny sa kaniya na buntis nga ako na madali ko namang na-deny kay Damian no’ng una. Masyadong malamig at nakakatakot ang prisensiya niya kaya hindi ko alam kung papaniwalaan at pagkakatiwalaan ko ba siya.Kapag tinitingnan ko siya, naalala ko ang mga sinabi sa ‘kin ni Hugo noon tungkol sa kaniya. Naalala ko ang sakit sa mga mata ni Hugo habang nagkekwento siya tungkol sa tatay niya. Habang iniisip ko ang mga ‘yon ay hindi ko mapigilang hindi masaktan.“I’m not an enemy, hija,” seryosong sabi niya nang hindi ako sumagot. “I know you already know what Lionel and I are up to and how useless a father I am, but I wan
KABANATA 41: EscapeNALA“Please wait for me, baby. Babalikan kita... I promise.”Iyon ang paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko habang lumilipas ang oras na mag-isa ako dito sa loob ng kwarto. Hindi ko alam kung bakit sobra akong kinakabahan. Ayaw pa sana akong iwan ni Hugo dito ng mag-isa kanina kung hindi ko lang siya pinilit na umalis na dahil delikado kapag naabutan siya dito ng tatay ko.Nalaman ko na nagpanggap pala siyang bantay sa labas ng kwarto ko kaya nakapasok siya dito. Nakasuot siya ng maskara na kagaya ng mga tauhan kaya hindi siya napansin. Wala raw talaga siyang balak magtago sa banyo kung hindi lang pumasok ang tatay niya. Hindi niya rin sinasadya na marinig ang pag-uusap namin.Alam niya na rin pala na hindi talaga traydor si Damian tatlong araw matapos akong dalhin dito pero ang hindi niya lang alam ay kakampi pala ito ni Tito Leonardo kaya pati siya ay nagulat din sa nalaman.Humigpit ang hawak ko sa phone na iniwan niya sa ‘kin kanina. Numero niya lang ang nandoon
KABANATA 42: DownfallHUGOEverything happened so fast. My heart is pounding so fucking hard, and I barely breathed while waiting outside the operating room where Nala was in. I don’t know what I’m going to do. I wanted to shout my frustration, but I don’t have enough strength.Bakit kailangang umabot pa sa puntong ito ang away namin ni Daniel Cordova? Bakit kailangang madamay pa si Nala? She’s pregnant, for Pete’s sake!I can’t help but blame myself for what happened. If I had just accompanied her earlier, she wouldn’t have been shot and would have fallen down the stairs. We wouldn’t be here in the hospital right now!I strongly pluck my hair.“Fuck!” I cursed and then punched the wall with my bare hand with so much force, not minding the pain.“C-Calm down, Mr. Fabellon. Nala will be fine, as will your baby,” she said. “All we need to do is be strong and pray for the both of them,” Tami added in a soothing tone.My jaw clenched. “How can I fucking calm down kung alam kong nasa panga
KABANATA 43: PeaceNALAUnti-unti kong binuksan ang mga mata ‘ko pero kaagad ko rin itong muling pinikit nang tumama ang mata ko sa tirik na sinag ng araw.Nakatulog ba ‘ko sa labas?Kumunot ang noo ko at umupo mula sa pagkakahiga habang nakapikit pa rin ang mga mata dahil ina-adjust ko pa ang paningin ko. Sobrang gaan ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay para akong lumulutang sa ere sa hindi malamang dahilan.Nang tuluyan ng makapag-adjust ang paningin ko ay nilibot ko ang paningin ko sa paligid ko.“Wow!” bulalas ko. “Ang ganda!” dagdag ko pa at tuluyan nang tumayo mula sa pagkakaupo sa dark green na damo.Hindi ako makapaniwala habang nililibot ang paningin sa paligid ko. Ang aking mga mata ay iniikot ko sa kahanga-hangang tanawin ng malawak na hardin na nakapalibot sa akin. Ang mga bulaklak na may iba’t ibang kulay at hugis ay ang nagbibigay buhay at kagandahan sa paligid. Ang mga halaman naman na hindi ko alam kung ano’ng pangalan ay sagana sa sariwang kulay berde.Ngayon lang ako naka
KABANATA 44: BathNALA“So, how are you feeling? Don’t you feel anything strange about your body?” tanong ni Doc Tami habang nagbabalat siya ng orange.Umiling naman ako. “Okay na ‘ko, Doc Tami. Actually, pwede na nga ‘kong ma-discharge ngayon eh,” biro ko.Doc Tami pa rin ang tawag ko sa kaniya kahit alam kong kapatid ko siya dahil hindi pa ako komportableng tawagin siyang Ate o Ate Tami. Nasabi ko na rin naman ‘yon sa kaniya no’ng pangalawang araw simula nang magising ako at naiintidihan niya naman daw. Understandable naman daw ang nararamdaman ko dahil kakikilala pa lang namin. Everything takes time nga raw sabi niya.Tumaas naman ang kilay niya. “Don’t be so sure. Baka mamaya niyan kung kaylan na-discharge ka na ‘tsaka ka naman makakaramdam ng iba.”Ngumuso naman ako. “May gano’n ba?”“Of course. Hindi naman imposible ‘yon. May mga naging patient ako dati na kakalabas lang ng hospital pero bumalik kaagad dahil may naramdaman daw na ganito tapos ganiyan,” pagkwe-kwento niya. “Here.