Share

KABANATA 44

KABANATA 44: Bath

NALA

“So, how are you feeling? Don’t you feel anything strange about your body?” tanong ni Doc Tami habang nagbabalat siya ng orange.

Umiling naman ako. “Okay na ‘ko, Doc Tami. Actually, pwede na nga ‘kong ma-discharge ngayon eh,” biro ko.

Doc Tami pa rin ang tawag ko sa kaniya kahit alam kong kapatid ko siya dahil hindi pa ako komportableng tawagin siyang Ate o Ate Tami. Nasabi ko na rin naman ‘yon sa kaniya no’ng pangalawang araw simula nang magising ako at naiintidihan niya naman daw. Understandable naman daw ang nararamdaman ko dahil kakikilala pa lang namin. Everything takes time nga raw sabi niya.

Tumaas naman ang kilay niya. “Don’t be so sure. Baka mamaya niyan kung kaylan na-discharge ka na ‘tsaka ka naman makakaramdam ng iba.”

Ngumuso naman ako. “May gano’n ba?”

“Of course. Hindi naman imposible ‘yon. May mga naging patient ako dati na kakalabas lang ng hospital pero bumalik kaagad dahil may naramdaman daw na ganito tapos ganiyan,” pagkwe-kwento niya. “Here.
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status