Share

KABANATA 39

KABANATA 39: Grandchild

NALA

“Kung iyan ang gusto mo, walang problema.” Malawak na ngumisi si Daniel Cordova na para bang nagtagumpay na naman siya at saka nilabas ang kaniyang telepono’t nagtipa doon.

Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko sa bawat patak ng bawat segundo. Pakiramdam ko ay nabablangko ang utak ko dahil sa dami ng bumabagabag doon. May aircon naman dito pero pinagpapawisan ako.

Ano kaya ang iisipin ni Hugo kapag sinabi kong ibigay niya na lang sa tatay ko ang pwesto niya? Iisipin niya kayang inaabuso ko ang pagmamahal niya para sa ‘kin? Magsisisi ba siya na ako ‘yong babaeng minahal niya? Magagalit ba siya sa ‘kin?

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Iniisip ko pa lang na magagalit sa ‘kin si Hugo dahil sa desisyon ko ay sumasakit na ang puso ko. Mahal na mahal ko siya pero mahal na mahal ko rin naman ang kapatid ko.

Kung ano man ang maging bunga ng desisyon kong ito, tatanggapin ko. Kung magalit man sa ‘kin si Hugo, ayos lang, hindi no’n mababago ang pagmamahal
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status