Everything was settled, nasa ospital pa rin Manang Susan. Silang dalawa ni Lali ang nagbabantay sa matanda. Si Raphael ay umalis para magtungo sa opisina, mag kailangan itong ayusin. Nagkaroon daw ng aberya sa bagong proyekto. Stable na ang lagay ng matanda kaya nakahinga sila ng maluwag lahat. Nagkaroon ito ng mild stroke, mabuti at agad nila itong naisugod sa ospital. Walang pamilya ang ginang, hindi ito nakapag-asawa o nagkaroon ng anak. Kapag nakalabas ito ay sa bahay pa rin ito titira, parte ito ng pamilya ni Raphael. Ito ang nag-alaga kay Raphael at sa kapatid nito. Kahit na nag-asawa na ito ay inaalagaan pa rin nito si Raphael.“Lali,” tawag niya sa kasambahay.“Po?” namumula rin ang mata nito sa kakaiyak. Malapit rin kasi ito kay Manang Susan, at nanay ang turing nito sa matanda.“Lalabas muna ako, okay? May gusto ka bang kainin? Bibili ako.”Malungkot na ngumiti ang dalaga, “Sandwich na lang po.”She nodded. Hindi siya sanay na makitang gano’n si Lali. Sanay kasi siyang mali
“I told you so!” inis na wika ni Tati.Kakatapos lang ng check-up niya sa OB GYNE. At hindi siya buntis, thankfully it was negative! Dahil sa loob loob ni Tati ay kabado siya. Lalo na’t nalaman niyang may nobyo siya kuno. Kailangan niyang mag-imbestiga at malaman ang katotohanan.Humalakhak si Raphael, tuwang-tuwa ito. “You’re not pregnant.”She grunted, saka pabagsak na sumadal sa backrest ng upuan ng sasakayan. “I don’t know how did you get the idea na buntis ako. O sadyang may sira lang ang tuktok mo!”Nasa sasakyan na silang dalawa at papauwi na. Hiyang-hiya si Tati sa doktor kanina, kinukulit kasi ito ni Raphael. Paulit-ulit ang pagtatanong nito ng mga kung anong bagay para masigurong hindi talaga siya buntis.“I was just making sure!” depensa naman ni Raphael.Napabuntong hininga na lang si Tati sa inis, “Baliw ka talaga!”Papauwi sila ngayon para mag ayos para sa party na dadaluhan nila mamayang gabi. Hindi naman iyon formal party kaya ayos lang kay Tati. Naguguluhan nga siya k
Bumukas ang pinto ng condo unit ni Daryl. Sinalubong sila ni Daryl na may malaking ngiti sa labi. Umatras ito at niluwagan ang bukas ng pinto. “Hi,” pagbati nito saka humalik sa pisngi ni Tati. “Happy birthday!” bati niya rito habang naiilang na ngumiti. Pumulupot ang kamay ni Raphael sa bewang ni Tati, napaigtad ito sa gulat kaya nagtataka niya itong nilingon. “Happy birthday, Bud!” bati ni kay Daryl. Marahang tumawa si Daryl, may malaking ngisi pa rin sa mga labi nito. “Indeed a happy birthday to me! Pumasok na kayo.” Pumasok sila sa unit nito, sinalubong sila ng maingay na usapan. Unang bunungad sa kanila ang living room, kung saan naroroon ang mga kaibigan nila. Hindi pamilyar si Tati sa mga ito. May mga babae rin nakatabi ng mga ito. Tumaas tuloy ang kilay nito at napalingon siya sa asawa. Yumuko si Raphael, inilapit nito ang labi nito sa tenga niya. “Mga babae nila ‘yan.” Nalukot agad ang mukha ni Tati sa narinig, “Mga legal? O side chick?” “They are not marrie
Lumaki si Raphael na nakukuha lahat ng gusto niya. Kahit anong hilingin niya ay binibigay sa kanya ng mga magulang niya. Ngunit nang mangyari ang “insidente” sa kanilang dalawa ni Athalia. Kailangan niyang mamili, ang buhay na kinagisnan niya o ang kalayaan niya.Mula sa pagiging matalik na kaibigan ay naging pinaka kinamumuhian niyang tao si Athalia.Pero ngayon nalilito siya kung ano ba dapat si Tati sa kanya. Kung kaaway? Asawa? Kaibigan? Hindi na niya maintidihan kung ano ba ang dapat niyang ikilos. Dahil litong-lito na siya, magulo ang takbo ng utak ni Raphael, mas magulo pa sa sinulid na nagkabuhol-buhol.“Raphael!” tawag ni Athalia sa kanya.Nakasandal ang asawa niya sa upuan, panaka-nakang sumusulyap lang siya habang nagmamaneho.“Raphael!” sigaw ulit ni Athalia.Raphael sighed, “Stop screaming. Nagmamaneho ako.”Nakapikit pa rin ang asawa niya, “Umiikot ang mundo ko. Ganito ba talaga kapag umiinom? Umiikot ang mundo? I onky drank flavored beers! While you had a hard drink! Th
Naghahalungkat si Tati ng mga gamit sa walk-in closet nilang mag-asawa. Maagang umalis si Raphael at hindi ito nagpaalam sa kanya. Mabuti na rin kasi hindi niya alam kung ano ang ikikilos niya sa harap nito. Kung magpapanggap ba siya o hindi.“Ma’am!” tawag ni Lali sa kanya na nagpaangat ng ulo ni Tati.“Oh?” walang ganang ani niya saka nagpatuloy sa pagbukas ng mga box na nakatago sa damitan niya.“Ako na kasi ang maglilinis d’yan, Ma’am! Lagot na naman ako kay Sir nito,” ungot ni Lali na ikinatawa ni Tati.“Baliw. As if naman ‘no, isa pa magpahinga ka ro’n. Ikaw ang nagbantay kay Manang kagabi,” pagkukumbinsi niya kay Lali, salitan ang mga kasambahay sa pagbabantay kay Manang sa ospital.Kapag nakalabas na ito ay may plano siyang kunan ng caregiver ang matanda. Kasi kapag siya ang nag-asikaso rito, uungot na naman si Raphael na bawal sa kanya ang kumilos. Kasi baka hindi pa raw nakarecover ang katawan niya sa aksidente e, halos tatlong buwan na nga ang lumipas.“Okay naman ako, Ma’a
Mugto ang mata ni Tati, matagal rin bago siya kumalma. Hiyang-hiya sa matapos kumalas sa pagkakayakap sa asawa. Namumula ang pisngi at ilong nito. Napatitig siya kay Raphael. “Sorry…” mahinang sambit niya saka bahagyang umatras. “Is there anything wrong? Why are you crying? Did someone hurt you?” he paused and sighed. “O, may naalala ka na.” Something flickered on his eyes. Mabilis na umiling si Tati, “Hindi ganun pa rin. Wala pa rin akong maalala. I just suddenly felt like crying.” Umawang ang labi ni Raphael sa gulat, “Hindi ka basta-bastabg umiiyak. You rarely cry! You didn’t even cry when you —” he shook his head. “Never mind. Kumain na tayo. You are calmed now.” Marahan siyang tumango, “Yeah. I am sorry kung pinag-aalala kita.” “Hindi ako nag-aalala sa ‘yo,” maagap na wika ni Raphael. “Don’t jump into conclusions.” Nagkibit balikat siya, “Okay. Sabi mo, e.” Matapos ng tagpong iyon ay kumain sila ng lunch. Tahimik lang silang pareho. Walang imikan, napagod si Tati s
“Max?” pag-uulit at paglilinaw ni Tati. Ginalaw-galaw pa nito ang kilay nito, “Yeah. The one and only Maximillian Lorenzo.Tila naumid ang dila ni Tati. Hindi niya alam kung ano ba dapat ang ikilos niya o sabihin niya. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan niya. Nangangatal ang mga kamay niya sa kaba. She blinked rapidly as hear her heart breathing like crazy.“Tati,” he called out.Huminga siya ng malalim nang makabawi na siya, “I had an accident.”Napasinghap ang lalaki sa gulat, “What do you mean? Wala kaming nabalitaan na naaksidente ka! We just thought na nangibang bansa ka.”“Yeah,” tumikhim si Tati para maagaw ang atensyon ni Max dahil hindi ito mapakali. “I ha dan accident months ago, I-I lost my memories…”“Oh, God! That’s terrible!” he exclaimed.“Yeah. Kaya didiretsuhin kita. Are you my boyfriend?” halos pabulong niyang tanong.Kumunot ang noo ng lalaki, “What boyfriend are you asking? As in boy, space, friend, or boyfriend without space?”“Tha last one!” agap na wika ni
Nakarating sa bahay si Tati, mabilis siyang tumakbo papasok. Banas na banas siya sa asawa, matapos siya nitong pahiyain sa maraming tao, he had the audacity to chase after her! Hindi man lang siya nito binigyan ng kahihiyan. Ito pa ang may ganang mamahiya, matapos nitong mambabae ng maraming beses kahit na kasal sila! “Magandang hapon, Ma’am!” salubong sa kanya ni Lali, mukhang papaalis ito, babalik ng ospital. “Walang maganda sa hapon, Lali!” asik niya saka nilampasan ang kasambahay, nagmartsa siya paakyat ng hagdan. “Ay! Badtrip ka, Ma’am?” sigaw ni Lali nang nasa may gitnang bahagi na siya ng hagdanan. Nilingon niya ang kasambahay, “Yeah. Pasensya ka na.” Sinserong wika ni Tati, napagbuntungan pa niya tuloy ang pobreng kasambahay. Bahagya siyang ngumiti nang ngumiti si Lali sa kanya saka itinaas ang kamay, sabay pakita ng hinlalaki nito. “Ayos lang, Ma’am.” Bumungisngis pa ito. “Alam ko naman na kulang kayo sa dilig!” “Lali, ha!” naiiskandalo na saway ni Tati. Kumindat si La