MasukMella's POVMagdamag akong nag-isip ng kung anu-anong bagay kaya hindi rin ako nakatulog nang maayos.Nakuha ng mahina at malungkot na ungol ni Gas ang atensyon ko. Nakakulot siya sa kama niya malapit sa bintana, kumikibot ang mga paa habang hinahabol ang mga kuneho sa panaginip.Naiinggit ako kay Gas. Palagi siyang nakakatulog nang mahimbing.Mahina ang ilaw ng phone ko. 6:17 AM na. Kasabay nito, nakita ko rin ang petsa. October 15th.Ang "luma" naming wedding anniversary. Noong unang tatlong taon, lagi akong naghahanda para sa araw na ito nang maaga. Madaling masanay ang tao sa pagbabago. Halos nakalimutan ko na ang araw na ito.Sa totoo lang, umaasa ako na pagkatapos ng annulment, tuluyan nang mawawala si Leon sa buhay ko. Na hindi ko na kailangang isipin pa ang lalaking iyon. Pero minamaliit ko pala ang magiging komplikasyon.Isusuko ba ni Leon ang mga baby ko?At nandoon pa ang tungkol sa kidnapping. Dapat ko bang sabihin kay Leon?Minsan, nalulungkot ako na napakaaga naming nagki
Mella's POVNarinig ko ang pakikipag-usap ni Mama sa lawyer niya sa phone. Kitang-kita kong gusto talaga niyang makulong ang ex-husband niya.Umupo ako sa sofa at sinubukang humanap ng komportableng posisyon habang palaki nang palaki ang tiyan ko. Nasa paanan ko naman si Gas."Yes, I understand the implications," narinig ko ang boses ni Mama mula sa kusina. Bumabalik ang matinis niyang tono kapag legal matters ang pinag-uusapan niya. "Pero kailangan ko ang records mula 1995 hanggang 2000. As in lahat."Kinanti ni Gas ang ankle ko gamit ang ilong niya, pagkatapos ay inilagay sa kandungan ko ang paborito niyang rope toy. Puno ng pag-asa ang mga mata niya. Ngumiti ako at kinuha ang luma nang tali. Mas naging gentle na ang mga laro namin simula nang mabuntis ako. Nag-adjust na rin si Gas para sa akin."Careful," bulong ko habang naglalaro kami ng modified version ng catch. Malapit ko lang ibinabato ang laruan.Masayang tumakbo si Gas para kunin iyon. Kinuha ko ang stack ng mga papel na ini
Mella's POVNapagdesisyunan kong umidlip sana, pero bigla ko na lang naisip ang isang bagay…Walang sinabi si Leon tungkol sa pananakit sa akin ni Andrea kahapon. Halos iyon ang unang pagkakataon na hindi siya nag-focus sa babaeng ‘yon.Pero nang pag-isipan ko nang mabuti, siyempre, hindi niya babanggitin si Andrea. Hindi na niya nakikita si Andrea bilang "ang batang iyon." Natural lang na hindi na siya interested dito.Alam na niya ngayon na ako ang batang ‘yon…Parang sa wakas, natalo ko na si Andrea… Na nanalo na rin ako.Pero ewan ko ba’t hindi man lang ako naging masaya sa isipin na iyon. Ang pagmamahal ni Leon ay parang isang bagay na mura at walang halaga, dahil hindi naman pala talaga iyon pagmamahal."Peter?" Mahina ang boses ko sa tahimik na loob ng kotse. "Ni minsan ba, nagmahal ka na?"Saglit siyang sumulyap sa akin. Sandali kong inisip na hindi siya sasagot. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko ay baka iniisip niyang ang tanga ko sa tanong na iyon.Pero sumagot pa
Mella's POVAng café ay eksaktong nasa pagitan ng dati naming bahay at ng bago kong apartment. Neutral territory, sabi ng lawyer ko nang siya ang mag-suggest ng lugar.Sa bintana pa lang, nakita ko na si Leon sa isang corner table. Sobrang flawless pa rin tindig niya gaya ng dati, suot ang isa sa perfect tailored niyang suit. Maaga siya.Nag-vibrate ang phone ko at nakatanggap ako ng text message mula kay Robert: ‘Remember, you're not obligated to agree to anything today. This is just a preliminary discussion.’Huminga ako nang malalim habang inaayos ang sweater ko sa ibabaw ng malinaw nang umbok ng tiyan ko. Wala nang dahilan para itago pa iyon ngayon. Kalat na sa lahat ng gossip sites at society blogs sa buong syudad ang balitang buntis ako.Ang headlines ay mula sa sympathetic na:"Pregnant Ex-Wife of Business Tycoon Targeted in Shocking Attack"hanggang sa mas scandalous na:"Leon Hidalgo's Secret Love Child Drama."Tumayo si Leon nang makalapit ako. May kung anong kumislap sa mga
Mella's POVNagpatuloy ang malalakas na katok sa pinto. Sa bawat dagundong, lalo namang bumibilis ang tibok ng puso ko."Mella Galvez, buksan mo ang pinto!"Tumagos sa pinto ang boses ng ama ko—pamilyar na pamilyar ang tono nitong mapag-utos na ilang taon ding nagbigay sa akin ng takot noong bata pa lamang ako. Nagkatinginan kami ni Mama.Nanigas ang mukha niya. Mula nang magkamalay si Mama, hindi na niya muling nakita si Papa. Hindi ko alam kung ano talaga ang nararamdaman niya tungkol dito. Alam kong minsan din siyang nanalangin na mahalin siya ng asawa niya, tulad ng ginawa ko noon. Pero malinaw na ginagamit lang kami ni Papa...Posible ring sinubukan siya nitong patayin para makuha ang mga ari-arian niya."Diyan ka lang, hija," mariing utos ni Mama, walang puwang para tumutol. "Kailangan mong ipahinga ang ankle mo. Ako na ang bahala."Tumayo si Mama at naglakad patungo sa pinto. Kahit injured din ang ankle niya, nakakagulat ang confidence at tindig niya. Hinawakan naman ni Bianca
Mella's POVNagdala ang umaga ng panibagong alon ng kaguluhan.Dumating si Bianca na parang bagyo nang alas-siyete ng umaga, at talagang nakumbinsi pa niya ang police officer na papasukin siya. Sumugod siya sa kuwarto ko, suot pa rin ang mukhang resort dress niya. Wala siyang makeup at halatang bakas sa mukha niya ang pag-aalala."Oh my God!"Bumagsak siya sa kama ko at muntik nang tamaan si Gas, na agad na lumayo na may inis na ungol."Akala ko mamamatay ako nang makita ko ang news! Okay ka na ba? Tingnan ko nga ang ankle mo. Nakulong na ba nila ang bruha na iyon? I swear to God, Mella, kapag may itinago ka ulit na ganito sa akin—""Bianca," sambit ko, inaantok na umupo. "Huminga ka.""Huminga? At talagang pinapahinga mo pa ako ngayon?!" Napaatras siya at masama akong tinitigan. "Muntik nang patayin ang best friend ko tapos gusto mong huminga ako nang maayos?""Yes, dahil maghahyperventilate ka na." Hinawakan ko ang mga kamay niyang hindi mapakali. "Okay ako, promise. Sprained ankle







