Share

KABANATA 4

Instead of home, Zayne took Ezaiyah to his office. 

Matatagpuan iyon sa gusaling pag-aari rin ng pamilya nito. He works there as the acting CEO. But to set the record straight, hindi niya inagaw ang posisyon na iyon kay Ezaiyah o sa kahit kanino. Sure, she is the one who supposed to be in his position. Iyon nga lang ay hindi naman ito nagbibigay ng maski katiting na atensiyon sa negosyong naiwan ng mga magulang nito.

Kung hindi kasi busy sa shooting o taping, nasa photoshoot ito. At kung magkaka-break time naman ay pawang mga kaibigan lang din nito ang hinaharap nito. He barely sees her in their house. Bagay na gustung-gusto niya mang itanong sa dalaga ay mas pinili na lang din niyang huwag alamin. Ayaw kasi niyang isipin nito na masyado siyang pakialamero. Besides, he already turned her down several times. Hindi dahil sa hindi niya ito gusto o kung ano pa man. Of course, he loves her! Hindi nga lang sa paraan na gusto nito.

He was ten years old when he met Ezaiyah for the first time. Matanda lang siya rito ng dalawang taon. Nakilala niya ito nang pormal na silang lumipat sa bahay ng mga Collins matapos maikasal ng Tita Haydie niya sa ama nito. At first, Ezaiyah seems to be the sweetest girl he would ever meet in his entire life. Hanggang sa napasok ito sa showbiz. Nakilala at umangat, pero kasabay din noon ay ang pagdating ng pinakamalaking dagok sa buhay nito. And yes, that was when his father leave the world unexpectedly. Namatay ito na maski siya ay hindi alam kung ano ang dahilan. And from then, Ezaiyah seemed to change.

Kung noon ay pinipilit nito na makipaglapit sa Tita Haydie niya, mula nang mawala ang ama ito ay naging ilag na ito kahit sa kanya. Good thing, it wasn't as bad as how she treats his aunt. Pero kahit na nanatili silang close kahit papaano ni Ezaiyah ay hindi pa rin niya maiwasang maramdaman at mapansin ang napakalaking pagbabago nito. Lalo na ang unti-unti nitong pagrerebelde. She's becoming wild. Malayung-malayo sa sweet, soft-hearted, at well-tamed na Ezaiyah na nakilala niya noon.

Back to him dragging Ezaiyah into his office. 

Kapapasok pa lang niya at kalalagay niya pa lang sa dalaga sa couch na nasa loob lang din ng office niya, nang mabulahaw siya ng maingay na tunog ng telepono. He cussed as he immediately went to pick up the phone. Baka maging dahilan pa iyon ng pagkagising ng dalaga ng wala sa oras. Baka doon pa ito sa opisina niya magwala.

"Hello, who's this?" nakakunot ang noong sabi niya agad pagkasagot na pagkasagot niya sa tawag.

"U-Uhm, hello sir? This is Maya. I called because—"

"Come on, Maya. Don't beat around the bush, will you? I don't have all day kaya sabihin mo na kung ano lang ang kailangan mong sabihin." walang emosyon na saad niya rito.

"Ay, kayo naman, sir! Ang aga-aga, ang sungit-sungit niyo na—"

"Maya..." saad niya ulit sa nagbabanta nang tinig. "I didn't hire you to give comments about me. Now, sabihin mo na kung ano ang kailangan mong sabihin, or else... I'll fire you."

Narinig pa niya ang bahagyang pagtawa nito sa tila sarkastikong tinig bago ito muling nagsalita.

"Tumawag po si Mr. Cortez kanina. He's requesting kung pwede raw pong i-resched ang meeting niya with us." balita nito.

Napakunot-noo siya.

"Re-sched? Anong re-sched daw ang gusto niya?"

"Gusto niya raw po sanang mapaaga ang meeting niyo, sir."

"And what did you say?"

"Sinabi ko na itatawag ko muna po sa inyo ang tungkol sa bagay na iyon. At kung papayag kayo, tatawagan ko siya ulit para—"

"Then call him. Itanong mo kung kailan ang gusto niyang meeting. Tell him that I am available anytime—"

"Ay, sana all. Available anytime. Sana, sa akin din."

Hindi alam ni Zayne kung narinig niya ba ng tama ang mga sinabing iyon ng sekretarya. "What are you mumbling about?"

"Ha? Ah, wala po, sir. Ang sabi ko lang po, mamayang before lunch na lang daw po ang meeting niyo kung pwede. Sa... Italian resto few meters away from our building. Treat niya na rin daw po kayo ng lunch—"

"Well then, tell him that it's set—"

"N-nasaan ako? Gusto ko nang umuwi..." singit ng isa pang boses ng babae sa usapan nila ng sekretarya.

Awtomatiko siyang napalingon sa couch na pinaglapagan niya kanina kay Ezaiyah. And yes, there she is. Gising na gising na ito bagama't halatang inaantok pa rin at may tama pa rin ng alak. She's now sitting on his couch.

He was about to speak to her but then realizes that his secretary is still on the phone.

"Maya, I'll be hanging this call sooner. Tawagan mo na si Mr. Cortez at i-confirm mo na ang meeting natin sa kanya late before lunch. Tatawagan na lang kita ulit."

Nahimigan niyang magsasalita pa ang babae kaya inunahan niya na ito. Tinapos niya na ang tawag.

Pagkatapos noon ay hinarap niya na si Ezaiyah. Nakatingin ito sa kanya. Isang masamang tingin.

"Why did you hung up? 'Tapos na kayong mag-usap ng girlfriend mo?" walang emosyong saad nito.

Bahagya siyang umiling.

"I'm not. The one I'm talking to isn't my girlfriend. And will never be. That was Maya, my secretary."

"Who cares?"

Napapikit siya ng mariin kasabay ng dahan-dahang paglitaw ng inis niya sa dalaga.

"Matulog ka na ulit. I'll ask one of the staff to check on you as often as possible. Magpapa-deliver na lang ako ng pagkain para sa iyo. I'll be going out for a meeting with an important client and—"

"And I want to go home."

Hindi makapaniwalang tiningnan niya ang dalaga.

"Go where? Nababaliw ka na ba? You're drunk. Nasa bahay si Tita Haydie. Gusto mo bang masermunan ka na naman at mag-away na naman kayo—"

"She can do whatever she wants. Bahay ko iyon at uuwi ako roon kung kailan ko gusto. Now, I'm leaving— aray..."

Hindi umimik si Zayne at nanatili lang siyang tahimik habang nakatingin sa kawawang si Ezaiyah na ngayon ay nakahandusay na sa sahig. Tumumba lang naman ito dahil sa pagpipilit na makatayo.

"Masyado kang makulit. Sinabihan ka na nga na matulog ka na lang—"

"Eh, gusto ko ngang umuwi sabi! Bakit ba?!" singhal sa kanya ng dalaga na kahit nasa sahig na at halatang hindi kaya ang sarili ay sige pa rin sa pagsusungit.

Napabuntung-hininga na lang tuloy ang binata saka umupo sa swivel chair.

"Alright. Ikaw ang bahala. Just don't expect me to bring you home. At ipapaalala ko lang, na sa oras na lumabas ka ng opisinang ito ay wala na akong sagutin sa iyo."

Kahit pa pinipigilan ni Zayne ay hindi pa rin nagpaawat si Ezaiyah sa kagustuhan niyang umuwi na lang sa kanila. She's still a bit tipsy, at alam niyang tama ang lalaki na sa oras na makita siya ng madrasta sa ganoong kalagayan ay paniguradong abut-abot na sermon na naman ang matatanggap niya mula rito.

But well, kailan ba hindi? Saad sa isip ng dalaga. Lagi naman. Ano pa'ng kailangan kong ipagtaka? She hardly sees anything good on my doings. Hindi na ako takot sa kung ano pang sasabihin o gagawin niya sa akin. I'm used to it.

Hanggang makalabas na siya sa gusaling pag-aari ng yumaong mga magulang niya ay habul-habol pa rin siya ni Zayne. It is as if mapilit siya nitong huwag ituloy ang binabalak niyang pag-uwi.

Batid ng dalaga na sinusundan sila ng tingin ng bawat taong madaanan nila. Pero gaya ng dati, wala siyang pakialam. Nakafocus lang siya sa goal— ang makatakas sa makulit na si Zayne at ang makauwi na sa bahay nila para magpahinga sa malaki at maaliwalas niyang silid.

"Zai, please. Don't be a kid. Makinig ka sa akin—"

"Don't be a kid, 'tapos dinidiktahan mo ako na makinig sa iyo? Listening to someone is nothing but a kid's doing, Zayne. At saka, 'di ba sinabi mo na kanina na umuwi na ako kung gusto ko as long as hindi mo na ako magiging sagutin once na lumabas ako ng office mo?"

Tuluy-tuloy lang ang dalaga sa paglakad habang sinasabi ang mga katagang iyon. Ni hindi siya huminto para man lang lingunin ang binata.

Nang matanaw ang parking area ay mas binilisan niya pa. She immediately scan the whole place to see if the car she brought earlier was there. Pero wala ito roon.

Hindi niya mapigilan na makaramdam ng pagkadismaya. And right at that very moment, she wanted to scream. But seeing Zayne wearing some naughty smirk made her realize that she must not act fool in front of him. So, off she went.

Naglakad siya pabalik sa daang binaybay niya kanina. Wala ring lingun-lingon na nilampasan niya lang si Zayne sa kinatatayuan nito.

Diretso siyang nagtungo sa sidewalk para mag-abang ng taxi o ng kahit anong masasakyan. While on her peripheral vision, she's seeing how shocked Zayne is seeing that behavior of hers.

"Ezaiyah, look. You don't have to do all these. Bakit kasi hindi ka na lang mag-stay sa office ko at—"

"At ano? Magsunud-sunuran doon sa kung ano'ng gusto at hindi mo gustong gawin ko? For Pete's sake, Zayne. You know how much I don't want to be dictated." putol niya ulit sa kung anumang sasabihin nito.

Matapos iyon ay itinuon niya na ang tingin niya sa kalsada, naghihintay ng kahit anong pampasaherong sasakyan na pwede niyang magamit pauwi sa kanila.

"You're crazy. Sigurado ka ba'ng sasakay ka sa ganiyang public transport? Paano kung pagkaluguhan ka at—"

"It's finer than being jailed in your office as you keep on telling me what to do."

Nang mapansin niyang may paparating na taxi sa direksiyon nila ay sumenyas agad siya para parahin iyon. She may be as wealthy as all brats are, pero hindi siya mangmang para hindi malaman ang simpleng pagtawag lang ng pampublikong sasakyan. Besides, she already did that on her series and movies, too, several times.

Pagkasakay niya ay agad niyang isinara ang pinto ng taxi. Tsaka niya lang binalingan ng tingin si Zayne na nakatingin pa rin sa kanya, tila hindi makapaniwala sa mga ikinikilos niya.

"Sa Casa Collina po tayo, Kuya." saad ni Ezaiyah nang magsimula nang umandar ang sasakyan.

Nagkataon na nakatingin siya sa salamin kung saan kitang-kita niya ang repleksiyon ng mukha ng driver. At nang sabihin niya ang paroroonan niya ay hindi rin nakalampas sa paningin niya ang pagkabigla na rumehistro sa mukha nito. He even looked at her as if she's someone that is unbelievable to exist.

"M-Mawalang-galang na po. A-Ano'ng pakay niyo sa Casa Collina?"

Hindi agad nagawang magsalita ng dalaga dahil pakiramdam niya ay nagha-hallucinate lang siya nang marinig ang pagtatanong na iyon ng driver.

"Excuse me?" saad niya muna para siguruhin kung may sinabi nga ba talaga ito o baka guni-guni lang niya iyon. It isn't far to happen, anyway. Aminado siyang may tama pa rin ng alak ang sistema niya.

"A-Ano pong pakay ninyo sa Casa Collina?" ulit naman nito, kaya ngayon ay nakatitiyak na ang dalaga na totoong may sinabi nga ito.

"Why? I mean---"

"Ah, huwag niyo na pong sagutin. P-Pasensiya na. Bago lang po kasi ako rito, galing pa ho ako sa probinsiya." Now, that explains kung bakit gumagamit pa siya ng waze ganoong isa sa mga kilalang lugar ang Casa Collina na siyang tirahan namin. "Pero narinig ko sa mga kapwa ko driver ang Casa Collina raw ay isa sa mga pinakatanyag at kilalang destinasyon dito. Mayaman daw ang may-ari noon at ultimo mga kasambahay, eh, may mga sariling drayber kaya imposible raw na may maisakay kaming tagaroon. K-Kaya nagtataka rin ako sa inyo kung ano'ng pakay niyo roon at kung bakit kayo nakasakay dito."

Hindi siya makapaniwala na may ganoong reputasyon na pala ang tirahan niya. Yes, of course, she knew that even their maids have their designated driver to drive for them during errands. Pero ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya na magiging usapin pala iyon na konektado sa tahanang kinalakihan niya.

"A-Ahm... T-Tagalabas po talaga ako. Pamangkin ako ng isa sa mga kasambahay doon. B-Bibisitahin ko lang siya kaya---" Oh, heck. Bakit nga ba ako nagpapaliwanag?

Itinikom na lang niya ang bibig at hindi na nagsalita pa. Ganoon din ang ginawa ng driver kaya sa buong biyahe ay tanging tunog na lang na nagmumula sa radyo ang naririnig nila.

Hanggang sa ibinaba na nga siya nito ilang hakbang pa ang layo sa malaki at mataas na gate ng mansiyon nila.

"Pasensiya na po, Ma'am. Hanggang dito ko na lang po kayo pwedeng ihatid. Baka bawal kasing pumarada ang mga sasakyang hamak tulad ng sa akin doon mismo sa harap—"

"No need to explain, Kuya." marahang saad ng dalaga tsaka humugot ng pera sa pouch niya. Walang tingin-tingin na iniabot niya iyon.

She was about to go out when the confused driver called her attention.

"M-Ma'am, sobra po ang bayad niyo."

Doon lang niya nilingon ang driver, sa kamay nito ay may isang libo na marahil ay siyang naiabot niya rito.

"Just keep the change, Kuya. Thank you for bringing me safe in here."

Hindi na muli pang nagsalita si Ezaiyah at nginitian na lang ang driver na tila hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyari.

Lumabas na siya sa taxi nito tsaka diretsong naglakad palapit sa gate ng mansiyon.

Nang nasa mismong harapan na siya ay saglit siyang huminto. Huminga siya ng malalim, inihahanda ang sarili sa kung anumang nakatakdang mangyari sa pagitan nila ng madrasta. Sa pagkakataong iyon ay isa lang din ang sigurado niya— malinaw na gulo na naman ang naghihintay sa kanya sa loob ng malaking bahay na iyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status