Share

KABANATA 5

After conditioning herself, Ezaiyah managed to enter the house without anyone seeing her.

Mukhang wala rin doon ang madrasta niya dahil kadalasan ay sa porch ng garden house na nasa harap lang din ng main house ang tambayan nito. At kahit kataka-taka na nasa receiving area na siya pero hindi pa rin niya namamataan si Haydie, ay lihim na lang siyang nagdiwang sa loob-loob niya.

Mukhang wala nga ang bruha. Well, at least, matatahimik ang buhay ko kahit ngayon lang---

"Kung iniisip mo na magagawa mong pumasok ng kwarto mo nang hindi ako hinaharap, nagkakamali ka. What took you so early?"

Napapikit ng mariin ang dalaga nang marinig ang tinig na iyon ng kanyang madrasta. She's more than sure that it's Haydie's. Siya lang naman kasi ang may nakakairitang boses dito at wala nang iba.

Dahan-dahan siyang pumihit patalikod, sa direksiyon kung saan nagmula ang boses nito. Hindi nga siya nagkamali dahil pagkaharap na pagkaharap niya ay bumungad agad sa kanya ang madrasta niya na salubong na naman ang mga kilay. And right then and there, Ezaiyah uttered to herself: let the battle begin.

"So, answer me. Bakit ang aga mo? Kani-kanina lang, tumawag sa akin si Zayne, informing me na nandoon ka sa office niya. What are you doing there, anyway? Kailan ka pa nagkainteres sa mga negosyong naiwan ng daddy mo? Or you just went there para guluhin ang pananahimik ni Zayne at—"

"At pwede bang isa-isa lang dahil isa lang din ako? You're even worse than media. Tss."

Matapos niyang bitawan ang mga katagang iyon ay tumambad na agad sa kanya ang unti-unting panlalaki ng mga mata ni Haydie, gayundin ang agarang pamumula ng buong mukha nito. She's getting mad, I see. Well deserved.

Akmang tatalikod na ang dalaga nang bigla na naman siyang pigilan ni Haydie sa pamamagitan ng paghawak sa braso niya. Ang unang naging reaksiyon niya ay ang mapapitlag, sabay bawi sa sariling braso. It is just, hindi siya sanay na hinahawakan siya nito. Isa pa, masyado ring napadiin ang hawak nito sa kanya at hindi naman siya manhid para hindi makaramdam ng sakit.

"How many times do I have to tell you na ang pagtalikod sa akin habang kinakausap ko pa ang pinakaayaw ko?!" nandidilat ang mga matang sabi nito.

Ngumiti siya ng mapait.

"Umiiwas lang ako sa gulo, Haydie. Alam ko na kasi kung saan ito mauuwi kung sakali kaya umiiwas na ako. Now, if you'll excuse me—"

"Bastos ka talaga! How come, I raised a brat like you—!"

"Raised?" tila nanunuyang putol ni Ezaiyah sa sasabihin ng madrasta. Sinundan niya iyon ng nakakaloko at mapang-asar na tawa. "Since when did you raise me?

Ipapaalala ko lang sa iyo, ha? You raised no one but yourself. O baka si Zayne na pamangkin mo. But me? You never raised me. Baka si Manang Sylvia, oo. Mas malaki pa ang role niya sa pagpapalaki sa akin kaysa sa iyo. So, stop blabbering as if you did something significant for me."

Pagkatapos noon ay nagpasiya na siyang iwan ang madrasta. Tulala ito at halatang nagpupuyos pa rin sa galit. She even heard her scream before she went inside her room. Buti nga sa iyo.

Tuluyan nang pumasok si Ezaiyah sa kwarto niya at diretsong tinungo ang kama nang masiguro niya nang naka-lock na ang pinto.

Binitawan niya na lang sa kung saan ang purse na dala niya tsaka pabagsak nang nahiga.

Halos hindi pa nangangalahati ang araw pero pakiramdam niya ay may tatlong araw na siyang pagod at walang tulog. She feels drained. Lagi namang ganoon. Laging pakiramdam niya ay pagod siya. But the worst part is, hindi niya na alam kung ano pang klase ng pahinga ang kailangan niya para mawala ang pagkapagod niyang iyon. Kung sana lang ay simpleng pagod lang sa trabaho ang nararamdaman niya na kaunting tulog at kaunting bakasyon lang ay mawawala na agad. Kaso hindi.

Marahas na napabuga sa hangin ang dalaga. This tiredness is probably the most tiring tiredness in the world. 'Yung tipong gusto mo na lang mag-shutdown dahil sa sobrang pagod. I am tired not only with one thing. I am tired with my entire life. Like, bakit ba kasi s-in-et pa ako na mag-exist kung puro ganito lang naman 'yung mararanasan ko? I can hardly remember the last thing na naging masaya ako. O kung naging masaya nga ba talaga ako?

Panandaliang nalihis ang tuon ng pansin ni Ezaiyah nang aksidente siyang mapatingin sa isang cell phone na nakapatong sa bedside table niya.

Seconds after, she smiled.

Tama. Bakit nga ba hindi niya agad naisip iyon?

Pilit siyang bumangon para abutin ang cell phone, tsaka muling nahiga. She immediately went to someone's contact. Daddy.

Nag-back read muna siya at halos hindi niya na mapigilan ang tawa niya nang mapansin na marami-rami na pala siyang voicemails na hindi nito nare-reply-an. Well, everyone might think that she's insane. Sending voicemails to someone who is dead already? Siya nga lang yata ang gumagawa noon.

Well, what else could she do? Kung iyon lang ang paraan para kahit papaano ay maramdaman niya na hindi siya nag-iisa, na may mapagsusumbungan pa rin siya, why not? Besides, ganoon din naman ang lagi niyang ginagawa kahit noong nabubuhay pa ang daddy niya at nasa ibang bansa ito. She often sends him voicemails to tell how her day went by. Iyon siguro ang dahilan kung bakit nang mawala ang daddy niya ay iyon din ang nakita niyang coping mechanism— hindi para makalimot sa daddy niya, kundi para iparamdam sa sarili niya na kahit papaano ay naroon pa rin ang ito para sa kanya.

Mayamaya pa ay huminga na siya ng malalim. At naghintay ng ilang segundo bago tuluyang pindutin ang button na siyang unang hakbang para ma-record na ang voicemail na ipapadala niya.

Pero kapag minamalas nga naman, bago pa man siya makapagsimula sa pagsasalita ay nagblack out na ang screen. Lowbatt.

Pinigil niya ang sarili na mapamura. Sa halip ay bumangon siya at agad na kinuha ang isa pa niyang cell phone. Iyon ang cell phone na gamit niya para sa job engagements. Iyon na lang muna ang gagamitin niya para makapag-send ng voicemail sa daddy niya.

Good thing, memorized niya pa rin ang number na nasa cell phone nito.

Mabilis na niyang t-in-ype ang number saka sinimulan agad ang pagre-record.

"H-Hi, Daddy..."

Huminga muna siya ng malalim bago niya ipinagpatuloy ang pagsasalita.

"You're probably tired of hearing all my complains, all of my burdens. And yet, here I am again. Magsusumbong na naman ako sa iyo."

Gaya ng inaasahan, sa kabila ng matinding pagpipigil ay hindi pa rin niya naiwasan ang maiyak.

"Lagi na lang, bawat araw tinatanong ko kung ano ba'ng mali sa akin. Kung may nagagawa ba akong kasalanan na hindi ko lang namamalayan kaya puro ganito na lang 'yung nangyayari. I'm tired being dragged in this game called 'life', Dad. I know that I made a promise to you na hinding-hindi ako susuko at magpapakatatag lang ako lagi. But, Dad... this is too much already. Hindi ko na alam kung paano iha-handle lahat ng ito. Pagod na pagod na pagod na ako..."

Ipinagpatuloy niya lang ang pagsusumbong sa saka niya sine-send agad ang bawat voicemail sa 'daddy' niya.

And as she cries harder, doon niya mas naramdaman ang unti-unting paggaan ng kalooban niya. It was as if something heavy was lift off her chest.

After several minutes of crying and sending voicemails, she finally managed to clear everything on her chest, as well as her mind.

Ngayon, masasabi niya nang makakapagpahinga na siya ng maayos— oh, gosh!

Napapitlag siya sabay hawak sa dibdib nang bigla na lang tumunog nang malakas ang cell phone niya. May tumatawag.

Kahit nagtataka ay sinagot niya na lang ang tawag. It wasn't her attitude to just answer to every unknown calls. Pero ngayon, pakiramdam niya ay may sariling isip ang kamay na pinindot nito ang green button.

Hindi muna siya nagsalita. She waited for the caller to speak first.

"Are you there?"

Agad na napanganga si Ezaiyah nang marinig ang baritonong tinig na iyon ng isang lalaki sa kabilang linya.

"Fuck, I already told myself that calling you is just a waste of time." sabi ulit nito mayamaya na tila nakapagpabalik sa ulirat niya. "I guess, I'll hang this up—"

"H-Hey, huwag! I'm... sorry." nabibiglang saad niya. "Who... Who are you?"

"Who am I? Hindi ba, ako ang dapat na nagtatanong niyang sa iyo? You're the one who sent me those voicemails."

Voicemails? The only one I sent voicemails today was dad... Oh, no!

"H-Hang on. G-Give me a sec.,"

Nagmamadali niyang pinuntahan ang mga voicemails na sa pagkakaalam niya ay na-send sa number ng daddy niya. She read the number several times. At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang mapansin niya na sa halip na '9' ay '0' pala ang nailagay niya na huling digit ng numero. Na-wrong send siya!

Gigil na gigil si Ezaiyah sa sarili at kulang na lang ay hilingin niya na sana ay bumukas ang lupa at lamunin na lang siya nito ng buo. What she did was beyond humiliating! Kulang ang salitang 'hiya' para ilarawan ang katangahan na nagawa niya kani-kanina lang.

"L-Look, I-I'm so sorry. I-I guess, na-wrong send ako at—"

"Regardless of that. Kailangan mo ng kausap?"

She felt surprised to that next question of him. Ngayon lang ulit may nagtanong sa kanya ng ganoon.

But no! Hindi ka na bata para basta-basta na ang magtiwala sa hindi mo naman kilala. Boses niya lang ang naririnig mo, ni hindi mo nga alam ang pangalan niya, eh! Stop talking to him, right now!

Napapikit na lang siya ng mariin habang naglalaban ang puso at isip niya sa kung ano ang dapat niyang gawin.

"Come on, Miss. I don't have all day." tila naiinip nang saad nito mayamaya pa.

Pagkalipas lang din ng ilang sandali ay natagpuan na lang ni Ezaiyah ang sarili na naglalabas na ng saloobin sa binata. Binata nga ba?

Hindi na rin niya napigilan ang muling pagbuhos ng luha niya habang ito naman ay panay ang sabi na nakikinig lang ito.

"Honestly speaking, I am not one of those cringe people who can give advice and solutions to anything. But one thing is for sure, ang malas mo nga." komento nito matapos ang mahaba niyang pagkwekwento.

Hindi alam ni Ezaiyah kung matatawa ba siya o maiinis dito.

"At talagang pinagtiisan mong pakinggan ang iyak at mga reklamo ko sa buhay para lang sa sabihan ako niyan sa huli? I thought you want me to feel better? Bakit mukhang balak mo pa na lalong pasamain ang loob ko?" nakasimangot na saad niya.

Hindi agad nagsalita ang lalaki, sa halip ay isang malalim na pagbubuntung-hininga lang ang narinig ni Ezaiyah.

"You know what? This may be odd coming from me. Pero... bakit hindi mo subukan na mag-focus sa maliwanag na parte ng buhay mo? I'm sure, everyone has it. Imposibleng wala. Doon ka na lang mag-focus kaysa mag-isip ka ng kung anu-anong negatibo tungkol sa sarili at sa buhay mo."

Natigilan siya.

She didn't expect to here something like that, especially from a man. Ang tingin niya kasi sa mga lalaki ay mabababaw. Hindi basta-basta naaapektuhan ng hampas ng buhay at walang sasabihing matino tungkol sa life struggles.

"Bakla ka siguro, 'no?" wala sa sariling usal niya.

"What the...?!"

"Eh... kasi parang lagpas na sa characteristics ng tipikal na lalaki 'yung ugali mo, eh. I mean—"

"You don't have to explain, I already what you mean."

Hindi na sumagot pa si Ezaiyah. They both stood by the line as they let silence envelop them.

"What are you planning to do after this?" muli ay nabigla na naman siya sa tanong nito.

"P-Plan about what?" nagtatakang usisa niya.

"About your life?"

Sa hindi inaasahan ay napahagikhik siya bigla. She even doesn't know what was that for.

"I... don't know. Maybe, I'll go grab some rope to tie my neck and—"

"And I won't hesitate to call you the dumbest person alive if you ever consider taking your own life." mabilis na sabat nito.

Hindi alam ni Ezaiyah pero parang may kung anong galit siyang nahimigan sa boses nito. He seemed mad at something. Sa kanya ba ito galit?

"You know what, I didn't reach this point of my life without me being life's favorite punching bag. Pumasok na rin sa isip ko dati na kunin ang sarili kong buhay. But trust me, Miss. Hindi makatutulong at magsisisi ka lang sa huli." muling saad nito.

Gusto niyang sabihin na nagbibiro lamang siya nang sabihin niyang kukuha siya ng tali para ibuhol sa leeg niya. Bakit? Because she knows herself better to the point that taking her own life is not a matter of joke to her. Maraming beses na talagang pinag-isipan niya ng seryoso ang tungkol sa pagkuha sa sariling buhay niya. Her life is so messed up, so fucking messed up.

"Is... it okay for you if we'll make a deal?"

Deal?

Sa totoo lang ay hindi pa rin makapaniwala ang dalaga na nakikipag-usap siya sa isang taong bigla na lang tumawag sa kanya. At lalaki pa! Because as she said earlier, she was never the type of person na basta na lang makikipag-usap at magkwekwento ng mga personal na bagay tungkol sa kanya. Isama pa ang nature ng trabaho niya kung saan mahigpit na mahigpit ang pagbabawal sa kanya na kumausap ng ibang tao lalo na't laging nariyan ang posibilidad na basher o kung ano pa man ang pwedeng kumausap sa kanya. Na kung pagkakatiwalaan niya ay malamang sa malamang na siya rin ang malalagay sa alanganin.

Pero sabi nga ng iba, in every rule, there's an exception. Kaya heto siya ngayon, sige pa rin sa pakikipagdaldalan sa isang lalaking ni hindi niya man lang alam ang pangalan.

"Oh, damn. I shouldn't have asked you. Forget what I've said—"

"No!" pasigaw na tutol niya sa lalaki. "J-Just spill what kind of deal do you want. H-Huwag lang meet up dahil—"

"Easy there, Miss. I am not the type of person you may be thinking I am, probably."

Wala sa sariling napangiti si Ezaiyah.

Oh, heck. Minutes later, she's crying so hard as if her eyes will suddenly pop from it sockets. And now, she's laughing over some random guy on the line? Jeez.

"I... just need you to promise me that you won't do such think to harm yourself." mababa ang boses at halos pabulong nang saad ng lalaki sa kabilang linya.

And by those words of him, she was lost. Marahil nga ay hindi tama, nakakatawa, o hindi kapani-paniwala. But this man on the other line just made her feel that she's somehow important. May isang tao na sa wakas ang masasabi niya na nakikitaan siya ng halaga, kahit papaano.

"Hmm, what if I don't agree with that? Paano kung ituloy ko ang plano ko na—"

"Then be prepared to see your grave having a huge banner that says 'Hi, I'm the dumbest person ever alive'."

Muli ay napahalakhak na naman siya.

"Ano nga kasing deal iyon? I don't have all day." turan niya na ginaya pa ang sinabi sa kanya ng lalaki kanina.

"All that I want us to do is that... let us go somewhere else where we can enjoy ourselves. Rest, vacation, name it all you want. Soul searching, probably? Basta. Umalis tayo, magpakalayu-layo. Hayaan nating ang buhay ang kusang umayos ng gulong ibinato niya sa atin."

Hindi agad nakaimik si Ezaiyah. But she knew in herself that the man behind the other line is having a definite point. Tama ito.

Her stress from working too much just adds to her burden. Ganoon din si Haydie at ang magaling na pamangkin nitong si Zayne. She always feels like she's stressed every time she's having a glimpse of their house.

Bakit nga ba hindi niya naisip agad na magpakalayu-layo? She has all the money to run away, for goodness' sake!

Bahagya siyang nakadama ng kasiyahan nang maglakbay ang isip niya sa isinuhestiyon ng lalaki. Pero ang kasiyahang iyon ay agad ding nawala nang may biglang sumagi sa isip niya.

"B-But what if... w-what if hindi iyon gumana? W-What if that will only make all these matters even worst? P-Paano kung—?"

"Then let's arrange a place where we can meet. Sabay nating tapusin ang buhay natin na parehong hindi naging patas sa atin."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status