Share

KABANATA 6

One week after she had that talk with a stranger, Ezaiyah is now fixing her luggage for tomorrow's trip. Dahil oo, buo na ang pasya niya na sundin ang suhestiyon ng estranghero.

Upon surfing on the internet, she found this intriguing place— an island to be exact, which according to its description is an infamous and ultra-exclusive when it comes to entertaining guests. Isa lang sa kada booking ang pinapayagang makapagbakasyon sa isla na iyon. Weird, isn't it? Pero kabaliktaran ang naramdaman ni Ezaiyah nang malaman niya ang tungkol sa bagay na iyon. She felt the sudden rush of excitement. Pakiramdam niya ay isa muli siyang teenager na susubok lumabas sa comfort zone sa pinakaunang pagkakataon.

The place's name is 'Isla Amore de Esperanza'. It is found somewhere in Visayas. At dahil nga 'exclusive' at 'isolated' ang nasabing area ay hindi pinapayagan ang pag-landing ng kahit ano'ng uri ng sasakyang panghimpapawid. Meaning, ang tanging paraan lang para makapunta sa islang iyon ay ang pagsakay sa mga sasakyang pangtubig gaya ng bangka o yate.

I made a booking to visit the place just three days prior to now. Buti na lang at naging mabilis lang din ang response ng mga ito. Sa loob lang ng isang araw na paghihintay ay na-settle na agad ang magiging bakasyon niya roon. In fact, bukas na ang nakatakda niyang pag-alis sa maingay at magulong mundo niya.

Tomorrow's gonna be a big, memorable, and special day. Kaya ngayon pa lang, kailangan, maging productive na ako. I must be happy and excited. I won't let anything— even anyone, ruin my supposed stay on that island.

Ang una sa bucket list ng mga kailangan niyang gawin bago ang bakasyon na iyon ay ang bumili ng ilan sa mga gamit na kakailanganin niya. Mga damit— dahil kahit na aminado siyang kumpleto naman ang wardrobe niya ay ayaw niya pa rin na doon kumuha ng mga damit na dadalhin sa pag-alis. Bibili na rin siya ng mga personal hygiene materials niya kahit may stock naman sa bahay nila. Ayaw niya lang na doon pa kumuha ng mga dadalhin dahil sa oras na mahalata ng magaling niyang madrasta ang kakulangan sa mga gamit na iyon, at sa oras din na mapagtanto nito na umalis siya ay baka maisip pa nito na isa siyang cheap at low class na babaeng maglalayas na nga lang, eh, mga gamit pa sa bahay ang tangay. If you know what I mean.

Bukod sa mga iyon ay bibili na rin siya ng bagong cell phone at sim card. Wala kasi sa plano niya na dalhin ang personal niyang cell phone na siyang lagi niyang gamit dahil paniguradong gagamitin lang iyon ng madrasta niya o ni Zayne para ma-trace ang location niya sakaling mapaghalataan nito na umalis nga siya.

Pagkatapos niyang magawa lahat ng iyon ay dadaanan niya naman ang manager niya para kuhanin dito ang balance niya. Buwan-buwan kasi at sa bawat pagsahod niya ay nagpapatabi siya rito ng porsiyento na gagamitin niya naman sakaling magka-emergency. Noong una nga ay tinatawanan pa nito ang ginagawa niyang iyon dahil kung tutuusin ay kahit hindi na raw siya magtrabaho ay malabong maghirap siya maging ang mga susunod sa kanya. But she had a huge doubt about that idea. Isa pa, ni minsan ay hindi niya ninais na mamuhay ng nagpapakasarap sa perang hindi niya naman pinaghirapan kung tutuusin.

"What are you up to, hija? Bakit biglaan yata ang pag-withdraw mo?" salubong agad sa kanya ng manager niya pagpasok niya pa lang sa opisina nito. She called him 'Mama Georgette'. Bakla ito at ang totoong pangalan ay 'George'. Ito na ang may handle sa kanya magmula pa noong nagsisimula pa lang siya sa buhay-showbiz. Maliban sa Manang Sylvia niya ay isa na rin ito sa mga pangunahing nag-aalaga sa kanya. Well, not unlike that evil, wicked Haydie na walang alam gawin sa buhay kundi ang pestehin ako.

"I... just had an emergency. Kailangan ko lang ng extra." pagdadahilan niya na lang.

Ezaiyah doesn't want anyone to know about her plans. Well, maliban sa estranghero na nakausap niya dahil sabay nga silang nagplano ng bakasyon.

At one point, naisip niya. Paano kaya kung iisang destinasyon lang ang mapuntahan nila ng lalaking iyon?

Duh?! Seriously, girl? Sa exclusive at very isolated island ka nag-book ng bakasyon, 'tapos ngayon umaasa ka na you and that stranger will bump with each other out of nowhere? Haler, bakit parang mas nagkadepekto pa ang utak mo kaysa kay Haydie?

Agad niyang pinalis sa isip ang mga naiisip niyang iyon. She tried focusing on Mama Georgette. Kilala niya kasi ito na mabilis makahalata. Kailangan niyang pag-igihan ang pangungumbinsi rito, dahil kung hindi ay malamang na mahalata nitong may binabalak siyang gawin. And worst, pigilan pa siya nito.

"Okay, look. I... found this luxury shop and I saw there some stuff na gusto ko at baka kailanganin ko rin in the future. I... just want to buy them. They're limited edition, that's why." saad niya rito, pabulong ang huling pangungusap.

Humagalpak naman ng tawa ang manager niya habang napapailing.

"Kaya pala! Hindi ko nga lang maintindihan sa iyong bata ka kung bakit ganiyang ang estilo mo gayo'ng ang yaman-yaman naman ng pamilya mo." bulalas nito.

Hindi na sumagot pa si Ezaiyah at nagkibit-balikat na lang.

"Anyways, how much do you need?"

"Uh, half of the entire savings, I guess?" nag-aalangang saad niya.

The truth is, she really doesn't have any idea kung magkano na ba ang pera niya rito. She has a checkbook, bagay na ni minsan ay hindi niya naman tiningnan maski saglit.

"Kalahati?! Jusmio kang bata ka! Alam mo ba kung magkano ang kabuuang pera mo sa akin at gusto mo talagang kuhanin ang kalahati para lang sa luxury items?!" tila nalolokang saad nito. "Have you even care to look at your checkbook!?"

Kagat ang ibabang labi na umiling siya. Napapalatak naman ito.

Mayamaya pa ay nilapitan nito ang bag na nasa gilid ng table. Tsaka ito nagsimulang maghalungkat doon. Hindi nagtagal ay may inilabas na itong maliit ngunit may kakapalang mga papel. Parang maliit na notebook. Cute!

"Here. Ito ang duplicate ng checkbook mo. Tingnan mo ang pinakahuling record. Papatayin mo ako sa nerbiyos, bata ka!" bulalas ulit nito sabay abot sa kanya ng duplicate raw ng checkbook.

Kinuha niya naman iyon at agad na binuklat. Halos lumuwa ang mata niya nang mapadpad ang paningin niya sa pinakadulong bahagi ng checkbook na may sulat. Doon nakalagay ang kabuuang pera na naipatabi niya kay Mama Georgette.

"One hundred eleven million, two hundred sixty-one thousand pesos?!" manghang-mangha na bulalas niya.

"Oo! Milyonarya na ako dahil sa mga patago mo! 'Tapos, sasabihin mo na kukunin mo ang kalahati para lang sa luxury items?! Maghunus-dili ka, hija! Jusmio, aatakihin ako sa iyo!" malakas ding saad nito.

Hindi siya makapaniwala na umabot na pala sa ganoon kalaking halaga ang pera na naitatabi niya sa pabawas-bawas lang sa lahat ng sinasahod niya. See? I am a millionaire myself. A thing that Haydie couldn't do to herself! Haha!

Sa huli ay nagpasiya na lang siya na kalahating milyon lang ang kukuhanin niya. Kasya naman na siguro iyon sa dalawang linggong pananatili niya sa isla. Her ticket and extra expenses were already fully paid, anyways. At base sa guidelines ng nasabing isla, libre naman na raw ang lahat pagdating doon. Mula sa suite na tutuluyan, mga amenities, maging ang mga pagkain. Kaya wala na siyang pro-problemahin pa.

Matapos ang lahat ng ginawa niyang pamimili ay umuwi na rin siya agad. Good thing, she managed to enter the house without anyone noticing her.

Nang nasa kwarto na ay agad nang kinuha ni Ezaiyah ang isang malaking itim na travelling bag. Doon niya lang ilalagay ang mga gamit na dadalhin niya para hindi naman sobrang bigat at hindi makadagdag sa hirap ng magmamaneho ng bangka kung sakali. Para hindi rin gaanong halata na may plano siyang magpakalayu-layo sakaling may makakita man sa kanya.

Itinago niya na rin sa cabinet ang lahat ng cards niya. She was about to put her phone on the closet when she suddenly thought of something to do.

Bumalik siya sa kama niya at umupo roon bago sinimulang kalikutin ang cell phone. Hinanap niya sa call logs ang number ng lalaking estranghero na kausap niya noong nakaraang linggo. Nakakalungkot mang isipin dahil iyon na ang una at huling pag-uusap nila ng lalaki. At ngayon, gusto niya lang sana itong balitaan tungkol sa napipintong pag-alis niya.

Nakangiti pa siya nang pindutin ang dial button sa numero ng lalaki. Pero ang ngiting iyon ay agad ding naglaho nang sa halip na boses ng lalaki ang marinig niya ay operator lang ang sumagot sa kanya. Out of reach daw ang lalaki.

Couldn't it be possible na nasa bakasyon na siya ngayon? Sa naisip na iyon ay nanumbalik muli ang ngiti ni Ezaiyah. I wish, he would bet that he's not. Dahil sa susunod na makausap ko siya, lagot talaga siya sa akin.

Pinagpatuloy na lang niya ang pagliligpit sa iilang personal niyang gamit. Siniguro niya na rin na lahat ng kailangan niya sa 'escapade' na gagawin niya.

She couldn't wait any longer!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status