Share

Kabanata 1

Present Day

"Kuya Kib!" Niyugyog ni Macoy ang kanyang kuya Kiba na kanina pa umuungol habang natutulog. Imbes na gumising si Kiba ay isang pag-ungol lang ang tinugon nito. "Kuya naman e!" inis na singhal nito sa kanyang kuya sabay hampas ng hanger sa mukha nito.

"Aray!"

Agad na napabalikwas sa pagkakahiga si Kiba at marahang hinilot ang pisngi nito na bagong hampas lang ng hanger. Namumula ito at may marka pa ng hanger.

Inis na tumingin siya kay Macoy na ngayon ay isang metro na ang layo nito sa kanya. "Bakit ka ba nanghahampas ha?! Kitang natutulog yung tao e!" singhal nito sa kapatid.

"Sorry na," nakayukong tugon nito. "Binabangungot ka na naman kasi. Kung di kita gigisingin baka mapano ka na. Ayaw ko namang mawala sa akin ang pinakamamahal kong kuya," saad nito sabay ngiti ng matipid kay Kiba.

Hindi pa rin naalis ang pagkainis sa mukha ni Kiba. Masama ang tingin nito sa kanyang kapatid. "Ang sabihin mo ayaw mong mawala ang taga-bigay sayo ng extra allowance. Naku Macoy! Kung hindi lang kita kapatid matagal na kitang binugbog!"

"Sorry na nga di ba? Eto naman pakipot pa." Pang-aasar nito bago umupo sa gilid ng kama. "Napanaginipan mo na naman ba ulit yung kapatid ng lolo ni lolo?Ano na nga ulit pangalan nun?"

Sandaling napaisip si Kiba.

Tama ang kanyang kapatid. Muli na naman niyang napanaginipan ito. "Perfecto," maikling tugon nito sa tanong ng kanyang kapatid.

"Napapadalas na yata ang pananaginip mo sa kanya, kuya. Hindi kaya—aray naman kuya!"

Hindi na natapos pa ni Macoy ang kanyang sinasabi nang hampasin siya ng unan ni Kiba.

"Isa pang banggit mo ng sumpa babawasan ko na ang allowance mo. Walang sumpa!"

"Wala naman akong binanggit na sumpa. Saka ikaw nagsabi niyan ha hindi ako."

Hinampas na naman niya ito ulit ng unan na agad din namang nailagan ni Macoy.

"Aba'y may gana ka pang manumbat ngayon ha," saad ni Kiba.

"Hindi naman ganon, Kuya. Paano kung may possibility na totoo nga yung sumpa? What if sign na talaga yung panaginip mo?" seryosong tugon nito habang nakatingin sa kanyang kuya Kiba.

Napangiti si Kiba. "We're now on modern age, Macoy. Iyang mga sumpa sumpa na iyan e gawa gawa lang yan ng mga matatandang hindi marunong magsuot ng panty. Hindi totoo ang sumpa. Tandaan mo yan.”

"Kung ganon e bakit lagi kang binabangungot dahil diyan? Saka habang tumatagal sabi mo e nagiging mas detalyado iyang panaginip mo. What if totoo talaga yung sumpa, kuya?" Mapilit pa rin si Macoy.

Napabuga ng hangin si Kiba. "Kaya lang naman nagiging detalyado ang panaginip ko dahil palagi niyo na lang kinukwento sa akin paano sinumpa ang pamilya natin. Siguro baka naitanim na sa kailaliman ng utak ko mga pinagsasabi niyo."

Napapilantik si Macoy. "Aha! E paano mo naman maipapaliwanag ang sunod sunod na kamalasang dumating sayo?"

Kumunot ang noo ni Kiba sa sinabi ng kapatid.

"Una, natanggal ka sa pinagtatrabahuan mo," saad ni Macoy habang ibinabalandra niya ang kanyang hintuturo sa mukha ng kapatid.

"Kaya lang naman ako natanggal kasi niligawan ko anak ng boss ko."

"Na kalaunay hiniwalayan ka din naman," dagdag naman ni Macoy na ikinaasim ng mukha ni Kiba. "At iyan ang pangalawang kamalasan mo, kuya."

Hindi pa rin kumbinsido si Kiba sa sinabi ng kanyang kapatid. Nagkibit balikat lang ito. "Malay mo nagkataon lang yung mga yon. Saka kahit na natanggal ako sa trabaho e may sarili naman akong business."

"Business na malapit ng magsara." Pang-aasar ni Macoy sabay tawa. "I just wonder anong susunod na kamalasan pala ang darating ulit sayo, kuya," natatawang saad nito.

Agad namang lumapit si Kiba dito at pinulupot ang braso sa leeg ng kapatid. "Bakit excited ka na bang makita na maghirap ako ng tuluyan? Baka nakakalimutan mo ako nagbibigay ng allowance mo!"

"K-kuya! Sandali! Di ako makahinga!" Pag-aangal ni Macoy habang tinatapik ang braso ng kuya niya. Agad din namang binitawan ni Kiba ang kapatid dahilan para makahinga ng maluwag si Macoy.

Napasinghap ito ng hangin at marahang minasahe ang leeg nito. Pumihit ito paharap kay Kiba. "Nag-aalala lang naman ako para sayo e. Malapit ka na mag-trenta. Paano kung matulad ka sa panganay na kapatid ni Papa?"

Napailing si Kiba. "Kalokohan. Hindi iyon magyayari. Matagal-tagal pa ang oras ko."

Mas gugustuhin pa ni Kiba na maniwalang tatama siya sa lotto kaysa naman sa manilawa sa sumpa o ano mang kamalasan.

Sumpa? 30 years na haba ng buhay ng panganay na lalaking Casanova? Isang malaking kalokohan!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status